Ang Love Story ng Langaw at ng Agta (Chapter 4)

38 58
Avatar for Pachuchay
2 years ago

Hey guys! If you happen to stumble this article while you were looking for something to read, I hope you'll like it. But to feel more kilig and katatawanan, it is much better to read it from the beginning. So I am going to leave the links below, from Chapter 1 to Chapter 3. HAPPY READING!!!

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 2

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 3

Chapter 4

Papalapit pa lang ako sa gate ay tanaw na tanaw ko na si Henry my labs. He looks so dashing shimmering splending sparkling basta lahat na ng may kling sa dulo sa suot nyang uniform. Oh my gosh! Itsura pa lang ang bango na,what more pag nilafang ko na sya, ay bet!

"Hello Shiela, sabay na tayo. "

"Oh okay. " sabay flick ng hair na akala mo eh nakuryente dahil sa pagkakulot. Ewan ko ba kung bakit ganito ang buhok ko.

"Hi Henry, akala ko ba ihahatid mo ko kagabe, bakit di ka sumipot sa napag-usapan natin. " Sabi ng babaeng akala mo pinaglihi sa pulbo, or baka naman anemic to kaya sobrang puti.

"Henry mauna na ako sa room ha, mukhang busy ka yata. "

Hay naku naman, ang ganda na ng umaga ko eh sinira pa ng babaeng yun. Eto namang si Henry eh di na ko pinigilan. Nakakita lang ng maputi eh nakalimutan na nya ako, ouch.

Lumipas ang buong araw na hindi ko sya pinansin. Or mas tamang sabihin na di nya ako pinapansin. Oh my god, anyare Lord. Akala ko pa naman eh kailangan ko ng magpaalam sa mundo ng mga nena at pasukin ang mundo ni Rosanna(patikim ng pinya).

After ng last subject namin ay naghanda na ako para umuwe. Habang palabas ng gate ay nakita ko si Henry at ang babaeng pinaglihi sa pulbo na nag-uusap. Kunyare dedma pero ang totoo eh gusto ko na silang pagsasaksakin ng payong ni Mrs. Dimagiba.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ng traysikel.

Kunin mo na ang lahat sa akin

Wag lang ang aking mahal

Alam kung kaya mong paibigin sya

Sa akin maagaw mo sya

Pakiusap ko sayo

Magmahal ka na lang ng iba.

"Manong, pakioff naman yun sounds nyo, sakit sa tenga eh! "

Masyado ka naman manong, it hurts na nga eh nang-aano ka pa dyan. Aguy!

"Ay sorry iha, di ko alam na brokenhearted ka pala. Pinagpalit ka ba sa iba ng boyfriend mo?"

"Naku Manong kamag-anak po ba kyo ni Cristy Fermin?Para po at bababa na ko!"

Pagdating sa bahay ay di na ako kumain. Nagtaka si Mrs. Dimagiba kung bakit. Ang sabi ko na lang eh kumain na ako sa labas. Pero ang totoo eh gutom na gutom na ako. Naaamoy ko pa naman ang kare-kare na niluto ni Mama. Kaso baka mahalata nila na malungkot ako at magtanong kaya wag na lang.

Maulan ang gabi kaya mabilis akong nakatulog. Nang biglang may naramdaman ako na humahaplos sa mukha ko.

"Henry, anong ginagawa mo dito, paano ka nakapasok? "

"Umakyat ako sa bintana dahil nakita kong nakabukas."

"Wow ha, si Spiderman ka ba, eh nasa 3rd floor ang kwarto ko. " chos lang yun mga mars, 2nd floor lang, hehehe.

"Hindi na importante yun, ang mahalaga eh andito ako ngayon. Gusto ko sana humingi ng sorry kasi di kita napansin. I have my reasons."

"Hay naku ha, wag mo ko ineenglish, I hate chu." may konteng irap para mas feel.

"I'm sorry, I mean it." Sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko na para bang hahalikan nya ako. Oh my gosh, wait nakapagtoothbrush ba ako kanina, wahh, hindi yata! Pero bahala na si batman, this is the moment!

I can feel his lips in mine. Tapos ang dila nya eh nag eexplore sa loob ng bibig ko kaya ginagaya ko na din. Oh my gosh Lord, please lang, sabihin nyong totoo eto at di panaginip lang. Jusko eto na ba ang moment, ang time ng pagdidilig ng plawer. Nang bigla ako may nakapang matigas. Shocks, ano to? Bakit matigas?

"Aray, wait Henry natutusok ako ng matigas mong wait ano ba to, bakit ang haba. Aray, wait lang Henry, mashaket eh."

"Hoy Shiela Dimagiba, gumising ka na dyan! Hindi porke't Sabado ngayon eh di ka na tutulong dito sa bahay ha. Maglalaba ka pa kaya tumayo ka na dyan. Tapos tulungan mo ko maghalo nitong ube na ititinda ko sa palengke!" Sabay tusok-tusok sa akin ng hawak nyang sandok.

Bakit naman ganun Lord, akala ko totoo na eh. Akala ko moment of truth na eh, panaginip lang pala. Talaga naman tong si Mrs. Dimagiba! Wala akong choice kundi bumangon dahil sa nag-iisang babae nga eh nakatoka sa akin ang paglalaba kapag Sabado. Pagkatapos mag-almusal eh naglaba na kaagad ako dahil madami pa akong tatapusing assignments. Yes po, nag-aaral pa din naman ako at di puro kalandian ang alam, Alam nyo naman na mahinhin lang, mahinhindutin, HAhahahaha.

Saglit kong nakalimutan si Henry. Pero dahil binanggit ko na naman ngayon kaya naalala ko na naman. Bweset na kapreng langaw yun. Pagkatapos akong dalhin sa malamig na lugar na puro salamin at kainin ay pakainin pala eh bigla ako pinagpalit sa babaeng maputla. May pa crush crush pa daw nya ako tapos tapos, HUHUHUHU! Hindi ako papayag, lintik lang ang walang ganti(with fierce look, hindi second or third kundi fierce).

to be continued....

Author's Note

Di ko alam if may patutunguhan pa tong kwento ko,hahahahaha. Pero sana magustuhan nyo pa din. Sa last chapter eh may irereveal po ako sa inyo.I'm thinking na magbigay ng prize sa makakahula sa revelation ko ^_~.

So abangan po ang susunod na update ng Love Story ng Langaw at ng Agta....

Images source: http://www.tumblr.com

Date Published: August 30, 2021

13
$ 7.47
$ 7.12 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 7
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago

Comments

Ahahaha nagsusulat ka pala sis ng stories

$ 0.00
2 years ago

First time eto sis,hahahhaha. Sinubukan ko lang..

$ 0.00
2 years ago

Hahahhaa nakakatuwa nga e . May mga ganitong side pala Ang taga noise hehe... Ako din try ko magpost ng stories ko dito pero puro one shots langs hahhaha

$ 0.00
2 years ago

Oo sis, for a change,hahahah. Para di puro crypto ang nababasa natin,hehe

$ 0.00
2 years ago

Opo kaya hesitant ako before magsulat e... But now I'm seeing a new side of read

$ 0.00
2 years ago

Looking froward sa mga stories mo..

$ 0.00
2 years ago

Ayyy thank you pooo

$ 0.00
2 years ago

Ang rated spg nung panaginip mo shiela. Haha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Ewan ko ba dito kay Shiela, gustung-gusto na magpadilig, hahahahaha

$ 0.00
2 years ago

Jusko. Magtapos ka muna oy! Hahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Hahahaha, let's see about that😂

$ 0.00
2 years ago

Hahaha! Panaginip lang pala e :D

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHA nakilig ko diri bisan bitin 😆 pwede nd danay pag tapuson nang? HAHAHAHA

$ 0.01
2 years ago

Galibog pa gani akon ulo kun pano tapuson, hahahahaha

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHA nami bi imo pag ubra nd namon bal an kung ano masunod 😆

$ 0.00
2 years ago

Naman tusukan na yan madam, lagi kasing isipin ni shiela si henry yan tuloy laging laman ng panaginip, ayaw pang magconfess ng pag-ibig nya nsa modern era naman sya, tuloy selos ka ngaun bwahahaha

$ 0.01
2 years ago

Ahahahahahaha, abangan natin ang mga susunod na kabanata..

$ 0.00
2 years ago

Akala ko talaga Sis totoo na na umukyat talaga si Henry hehe...gusto ko yang may pahula-hula Sis mag-eenjoy kaming mga readers diyan.

$ 0.00
2 years ago

Bwahahahaha, ywa ang dami ko na namang tawa bwahahahaha. Kaso bitin huehue, sana naman totoong tusukan na ang mangyari. When ba kasi madams huehue

$ 0.01
2 years ago

Wait mo madams, hahahahah...iniisip ko pa pano ilayout na di ako mapatalsik, hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Baka naman kasi naging pakipot pa si Shiela nang. Ganyan kasi kami, halimbawa if nakapag confess na ng feelings, after nun awkward na. Baka ganun at tsaka baka plan niya lang na paselosin ka muna para malaman niya if mahal mo din siya.

$ 0.01
2 years ago

Ay ang ganda ng sinabi mo, pwedeng maging ganyan ang scenery heheh

$ 0.00
2 years ago

Hehehehe pero nalulungkot ako ngayon sa sitwasyon nila shiela at henry. Naapektuhan ka pala ng ulan nang 😅

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, medyo hehehe..

$ 0.00
2 years ago

Tawang tawa ako sa part na tinutusok.. akala ko basagan na.. sandok lang pala yung tumutusok.. panira ng moment talaga yung nanay ni shiela.. hahaha. Thanks Maam. Nakakatuwa talaga..

$ 0.01
2 years ago

Salamat Glen..

$ 0.00
2 years ago

Naku palapit na ng palapit hehehe.. Ano ba naman ang babaeng espasol at biglang umeksena.. Natawa ko dun sa pagsundot ng sandok whahaha.. Panaginip n lng pala 😅🤣

$ 0.01
2 years ago

Hahaha, mlapit na eh, biglang ginising ni mudra😂

$ 0.00
2 years ago

Grabe ate 🤣🤣 iba pla tumutusok 🤣🤣 sabi ko na eh panaginip lng 🤣

$ 0.01
2 years ago

Naku as usual, panira si Mrs. Dimagiba😂

$ 0.00
2 years ago

Intro was in English, I got excited and then post was in Hebrew 🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣 , sorry your language, Please post in English, would loe to read yours

$ 0.01
2 years ago

Oh sorry, after this novel i will write in english.

$ 0.00
2 years ago

Ay naku exciting yan sis!. may Pahula effect..so curious lang ako. kung saka sakaling hindi panaginip eh hindi si Henry ang first Kiss ni Shiela? Kasi parang marunong na agad sya magkiss :D

$ 0.01
2 years ago

Hehehehe, pwede din sis.. Abangan hehehe.. Siguro magbigay ako ng orize para mas exciting..

$ 0.00
2 years ago

sige abangan natin yan :)..

$ 0.00
2 years ago

Ayan kasi ,huwag aasa bigla na didiligan ang plaaawer ....heheheh

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha,, pagkakataon na sana eh😂

$ 0.00
2 years ago

Sumemplang nga lang...hehehe

$ 0.00
2 years ago