Usapang Ex: Gaano Ako Katanga?

39 69

Malaki problema ko noon sa ex ko, feeling ko pinerahan lang ako di naman kagwapuhan char.

Pero teka, walang char-char at umpisahan natin ang pinakauna kung bakit ko nasabi to.


Mga Dahilan Kung Bakit Galit Ako Sa Ex Ko

Minura Niya Ang Magulang ko

  • Nangyare to nasa grade 12 ako, thesis is life na ako that time mga sis. Wala ako sa bahay, at that time iniwan ko yung phone ko sa kwarto kasi alam kong magiging istorbo siya para sa pag-aaral ko. So what happened? Lasing siya, oo lasing siya. Tumawag siya sa number ko habang ako nasa kabilang bahay kasama ang kaklase ko upang tapusin yung impyernong pinapasok ng buhay ng mga estudyante bago grumaduate, mapacollege man o senior high.

So tumawag siya, kwento saakin around 1am na daw. Tunog ng tunog phone ko, unang nakasagot pamangkin ko then sinabing wala ako sa bahay saka pinatay. At tumawag ulit maya-maya. This time si dad na nakasagot, sinabi niya na "P*t*ng*na niyo ipakausap niyo saakin si gyra".

Actually unexpected yung sinabi niya kay dad, kasi kapag kami magkausap oo minumura niya ako. Madalas ako makatikim ng mura o ano pang salita sakaniya pero di ako umiimik, ayun lang nung ginanun niya na si dad..nagalit yung ama ko kaya kinausap niya ako. Sabi nya ayaw niya daw sa ex ko kaya hiwalayan ko, pero wala na kami that time. Gusto niya kasi makipagbalikan pero ayaw ko na.


Kung Umasta Akala Mo Totoong Lalake

  • Matakaw siya sa away, palagi siyang may nakakaaway sa mga kainuman niya o sa mga nakakainuman niya. Minsan pinagsasabihan ko siya ng paulit-ulit na wag nang uminom o tumigil na, oo ng oo di naman sumusunod.

Isang beses na nabasag mukha niya kase nakipagsuntukan siya sa pamangkin niyang lalake lol.


Bisyo At Kung Ano Pa

  • Nung nalaman ko na dati siyang gumagamit ng pinagbabawal na gamot, di ako umimik at hindi ko siya pinintasan kasi di naman ako judgemental na tao at di importante saakin yung nakaraan niya. Ayun lang, parang nagkaproblema ata siya sa pagiisip dahil dun.

Di ko maexplain pero sobrang gulo ng utak nun.

Mahirap sya masyado intindihin, kung mag away kami sa phone kulang nalang manakit siya if ever kasama niya na talaga ako.


Pinapadalhan ko siya ng money

'Buti nalang di nagbabasa dito magulang ko kundi pinalayas nako 🤣.

  • So nung highschool ako, siguro nasa g8 and g9, lagi ko siya pinapadalhan ng money. Yes, lagi talaga. Like 1k or 1.5k sa isang linggo.

Lumaki ulo niya e buto nung g11 ako hiniwalayan ko na.


Pero ano yung advantage nila?

  • Advantage lang is mas natuto ako, mas nalaman ko yung mga bagay na dapat ko gawin at di ko dapat gawin. Actually, kung ako tatanungin hindi ko pinagsisisihan lahat.

Kung may pagsisisihan man ako, ano yun?

  • Yung nakita ko yung sarili kong patay na patay sa taong di naman para sakin. Nung time na ako yung nangailangan wala siyang naibigay, and yes super nasaktan ako sa part na sinabi niyang, "Ikaw yung nagaaral saatin kaya dapat ikaw sumustento saakin". So dahil sa bata pa ako that time at immature, sinunod ko siya.

And also, sinabihan niya ako noon ng "Mamamatay ka nalang ayaw mo pa akong maging masaya". Oh hi, I'm still alive until now. Lol.

Ps: walang money involved dito from my parents. Lahat galing sa part time ko.


Minalas ako noon sa pagibig, pero kapalit nun aral naman sa buhay na sobrang sinuwerte ako. Yung aral na naranasan ko sila yung naging inspirasyon ko para mahalin sarili ko, para ibigin yung ako at para tanggapin ko sarili ko.

Tinatamad kasi ako noon, tinatamad sa lahat. Like wala akong pakielam o ano pa man kapag may mga bagay akong kailangang pabayaan para sakaniya na di ko naiisip yung resulta.

Sakaniya rin ako natuto maging suwail na anak, like mas sinusunod ko siya instead of my parents. And it was my biggest regret of all.

So what's the reason nga ba why I choose to stay despite everything?

  • Lagi kasi akong may problema sa bahya. Like never sko tinatanong kung kumain na ako, kung kamusta na ako, kung ayos pa ba ako sa school o kung okay lang ba ako. Wala, as in wala. So I really feel incomplete, lagi rin ako sinasabihan na malas daw ako or walang kwenta. Yes, sa harap ko nila sinasabi yan. Everytime umuuwi ako noon from part time, ako pa maghuhugas and gagawa ng lahat. Masakit sa part ko kasi syempre, only child ako and umaasa ako sa pagmamahal ng parents ko. Ayun lang naging busy sila sa sugal at di na nila ako pinakinggan.

Pero okay lang, although I have regression about being like this into my parents but still I learned how to respect them again when me and my ex broke up.


Aaminin ko eversince maging kami naligaw landas ko, super naligaw landas ko. Pero di yun naging hadlang para kalimutan ko kung bagay na naging bahagi ng pagkatao ko.

I'm so glad, because God didn't leave me kahit na minsan itinaboy ko nasiya. And he gave me someone na mas ipapakilala pa siya sakin.

And this person helps me to get away from her also.

I know sometimes in life we have many regrets or whatever, pero it doesn't define who you are right now. Past is past, the most important is today. Diba? Maybe sometimes ayaw na natin magpatuloy kasi nahihiya tayo eh, nasaisipan na nating useless tayo. Or whatsoever paman yan, pero it doesn't matter rightnow. The most important is we learn how to value ourselves again without hurting anyone. Because before, I really love to hurt everyone around me without thinking any consequences. And it teach me a lot.


Thank you so much sa mga walang sawang sumusuporta at nag babasa ng article ko 💗. Loves you all!

Ps: btw, ilalaban ko account ko kahit ano manyare. Even if without rusty, I'm still happy to have you guys 💗.

9-24-21

15
$ 0.83
$ 0.50 from @ZehraSky
$ 0.05 from @ExpertWritter
$ 0.05 from @Marinov
+ 7
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Hayaan mo yan mare. Grabee kapal siya ang lalaki tapos siya pa may ganang mag sabi ng ganyan.. Buti nalang EX mo na siya dahil wala siyang kwentang Lalaki gusto niya palamunin lang siguro pasarap buhay

$ 0.00
3 years ago

Oo ate, diko maalala exact age bya pero 25+ nasya, ayun lang naasa pasya sa mga kapatid nya kesa asahan sarili nya

$ 0.00
3 years ago

Sarap talaga tapon ng mga ganyang tao eh HAHA buti na you dumped him tas ngayon pachess chess na lang kayo ng bf mo di ba

$ 0.00
3 years ago

Speaking of chess na never ako nanalo sakaniya 🤣

$ 0.00
3 years ago

HAHA ang mahalaga may kalaro ka jk

$ 0.00
3 years ago

Buti na lang sis at nagising ka sa katangahan mo, pero di ba nga sabi nila kapag mahal mo ang isang tao nagiging tanga ka. Minsan na din akong naging tanga kaya sana nman huwag ng maulit pa...hehe.. Hindi mo deserve ang ganung klase ng bf...grabe

$ 0.00
3 years ago

Oo sis 🤣 enough nadaw masyado ung usang beses HAHAHAHA sobra-sobra naeon pagnagkataon HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Grabe pala pinagdaanan ng lovelife mo sissy, grabe ka magmahal binibigay halos lahat and ang lungkot din ng buhay mo sa parents 😔 only child pa naman. Never kk naranasan ang mga ganon sa parents ko kahit isang kahig isang tuka lang kami. Im proud of you sissy kasi kahit ganon sila sayo minahal mo parin sila at nerespito

$ 0.00
3 years ago

Proud rin ako sayo ate, u keep me motivated sa kabila ng mga sinabi mo. Sabay tayo ngayong lalaban hanggang sa mapansin tayo ni rusty 🤣

$ 0.00
3 years ago

Be happy lang sissy, my wish come true sissy napansin din nia aqo after 11articles haha

$ 0.00
3 years ago

Those difficulties made us stronger Langga. It gives us a chances to wake up the truth, to realize everything and to learn for a new start, for a new beginning. The true meaning of life.

Take care always Langga..🙏

$ 0.00
3 years ago

True ate, sila ung nagtutulak para mas matuto tayo

$ 0.00
3 years ago

Yes Langga true. Dapat gawin natin strength and motivation.

$ 0.00
3 years ago

Ay kupal hung lalaking yun. Buti naman at nagising ka sa katotohanan at nakioaghiwalay ka. Dahil kung hindi magiging impyerno buhay mo sa kanya. Walang respeto, bastos, naku gigil ako teh sa totoo lang

$ 0.00
3 years ago

Mas delikado kung nagkasama kami e, lalo na at plano ko pamandin sya noon puntahan. Buti di natuloy 🤣

$ 0.00
3 years ago

Buti eh natauhan ka sis..

$ 0.00
3 years ago

Ayy mabuti naghiwalay kayo walang plano sa buhay yon hahaha. Hayst mabuti nalang talaga.

$ 0.00
3 years ago

Natawa ako sa "Walang plano sa buhay yon", oo girl tama ka. Nasa 27 nasya o 26 diko maalala exact age nya pero umaasa parinnsya sa mga kapatid nya kesa na tulungan sarili niya

$ 0.00
3 years ago

Wala talagang plano sa future kaya mabuti at naghiwalay kaayo baka ginaguyama ka niya dati hahaha kidding hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hay naku ,buti naman at wala na kayo kasi hindi talaga s’ya healthy partner para sa yo napakatoxic naman ng ugali ,si God talaga ay laging maasahan natin sa buhay.

$ 0.00
3 years ago

Oo ate, siguro kase di ako nakinig nung una kaya ginawa nya binigyan nyako ng sobrang lalang aral 🤣

$ 0.00
3 years ago

pagkatapos ko basahin to, nabwisit ako sa ex mo sa totoo lang. sarap sampalin ng coins na madami! kklk! pero good to know na hindi na kayo at nalaman mo ang worth mo as a person. not everybody has the courage to leave sa ganun eh.

$ 0.00
3 years ago

Yung coins va na tinutuloy mo te ung isang bag na isang sampal lang matitilaponnsya? 🤣

$ 0.00
3 years ago

Mismo! Hahahaha! Isang sampal, bakat sa muka lahat. Chz hahahah

$ 0.00
3 years ago

Wow! So happy of your decision be. ❤️ Laban lang. Grabe naman yung ex mo. Mabuti nga't naging ex mo na

$ 0.00
3 years ago

Ay nako te, buti naranasan ko agad atleast in the future alam ko na gagawin ko kapag maybredflags agad

$ 0.00
3 years ago

Korek! Charged to experience di ba para soon, alam na natin gagawin natin sa mga boys na ganyan.

$ 0.00
3 years ago

Ako yung friend na babatukan at sasampalin ka para magising 🤣🤣🤣 .. pero syempre I can't blame you kasi lahat naman tayo may mga katangahan sa buhay para matutunan in the end 😉 ...btw, what happened to rusty?

$ 0.00
3 years ago

Sabi ng isa kong kaibigan babatuhin nyabdaw ako ng helmet kung di parin ako natauhan 🤣. Diko alam nabyarw kay rusty e, basta saken buwan nasyang di nadalaw 🤣

$ 0.00
3 years ago

langga grabe ka pala magmahal kasi nagiging galante ka at tinatanggap mo ang mura at mga mapanakit na salita niya..glad you also you learned from your past and turn into a new leaf

$ 0.00
3 years ago

Opo ate, medyo may regrets pero thankful ako kase sakabila nung regrets ang laki ng lesson

$ 0.00
3 years ago

yung lesson nalang wag mo na intindihin ang regrets kasi past na yun

$ 0.00
3 years ago

Halla kagigil naman yung ex mo sana makahanap siya ng katapat sinayang niya pagmamahal mo...

$ 0.00
3 years ago

Karma na bahala sa lahat sis, lagdadasal ko nalang sya 🤣

$ 0.00
3 years ago

Minalas kapala talaga sa pag ibig mareng. Di naman natin maiiwasan magkajowa ng mga ganyan lalo na at nasa immature stage pa tayo noon pero syempre dapat sinkreto mo nalang mare kasi masyado atang personal yan. 🤧

$ 0.00
3 years ago

Hayaan mo na wala ring pangalang nadamay 🤣. Importante wala akong naibigay na baka mas pinagsjsihan ko talaga HAHAHAH

$ 0.00
3 years ago

SOBRANG KAPAL NG MUKHA NIYA SA SINABI NIYANG " IKAW ANG NAG AARAL DAPAT IKAW ANG NAG SUSUSTENTO SA AKIN" HAYOP. FEELING GWAPO ANG GG!! JUSKO! Buti nalang talaga wala na kayo, NAPAKA WALA NIYANG KWENTA! 🤮

$ 0.00
3 years ago

Gigil na gigil ah, kung gusto mo sapakin sabihin mo sis 🤣 bibigay ko address nya bangasan mo 🤣

$ 0.00
3 years ago

Haha pati ako nabwesit, wow buhi pasa. Basta masamang damo dugay man gid mapatay hahaha. Okay lang na limos na lang to sa iya imo gin pang hatag ✌️😅

$ 0.00
3 years ago