Malaki problema ko noon sa ex ko, feeling ko pinerahan lang ako di naman kagwapuhan char.
Pero teka, walang char-char at umpisahan natin ang pinakauna kung bakit ko nasabi to.
Mga Dahilan Kung Bakit Galit Ako Sa Ex Ko
Minura Niya Ang Magulang ko
Nangyare to nasa grade 12 ako, thesis is life na ako that time mga sis. Wala ako sa bahay, at that time iniwan ko yung phone ko sa kwarto kasi alam kong magiging istorbo siya para sa pag-aaral ko. So what happened? Lasing siya, oo lasing siya. Tumawag siya sa number ko habang ako nasa kabilang bahay kasama ang kaklase ko upang tapusin yung impyernong pinapasok ng buhay ng mga estudyante bago grumaduate, mapacollege man o senior high.
So tumawag siya, kwento saakin around 1am na daw. Tunog ng tunog phone ko, unang nakasagot pamangkin ko then sinabing wala ako sa bahay saka pinatay. At tumawag ulit maya-maya. This time si dad na nakasagot, sinabi niya na "P*t*ng*na niyo ipakausap niyo saakin si gyra".
Actually unexpected yung sinabi niya kay dad, kasi kapag kami magkausap oo minumura niya ako. Madalas ako makatikim ng mura o ano pang salita sakaniya pero di ako umiimik, ayun lang nung ginanun niya na si dad..nagalit yung ama ko kaya kinausap niya ako. Sabi nya ayaw niya daw sa ex ko kaya hiwalayan ko, pero wala na kami that time. Gusto niya kasi makipagbalikan pero ayaw ko na.
Kung Umasta Akala Mo Totoong Lalake
Matakaw siya sa away, palagi siyang may nakakaaway sa mga kainuman niya o sa mga nakakainuman niya. Minsan pinagsasabihan ko siya ng paulit-ulit na wag nang uminom o tumigil na, oo ng oo di naman sumusunod.
Isang beses na nabasag mukha niya kase nakipagsuntukan siya sa pamangkin niyang lalake lol.
Bisyo At Kung Ano Pa
Nung nalaman ko na dati siyang gumagamit ng pinagbabawal na gamot, di ako umimik at hindi ko siya pinintasan kasi di naman ako judgemental na tao at di importante saakin yung nakaraan niya. Ayun lang, parang nagkaproblema ata siya sa pagiisip dahil dun.
Di ko maexplain pero sobrang gulo ng utak nun.
Mahirap sya masyado intindihin, kung mag away kami sa phone kulang nalang manakit siya if ever kasama niya na talaga ako.
Pinapadalhan ko siya ng money
'Buti nalang di nagbabasa dito magulang ko kundi pinalayas nako 🤣.
So nung highschool ako, siguro nasa g8 and g9, lagi ko siya pinapadalhan ng money. Yes, lagi talaga. Like 1k or 1.5k sa isang linggo.
Lumaki ulo niya e buto nung g11 ako hiniwalayan ko na.
Pero ano yung advantage nila?
Advantage lang is mas natuto ako, mas nalaman ko yung mga bagay na dapat ko gawin at di ko dapat gawin. Actually, kung ako tatanungin hindi ko pinagsisisihan lahat.
Kung may pagsisisihan man ako, ano yun?
Yung nakita ko yung sarili kong patay na patay sa taong di naman para sakin. Nung time na ako yung nangailangan wala siyang naibigay, and yes super nasaktan ako sa part na sinabi niyang, "Ikaw yung nagaaral saatin kaya dapat ikaw sumustento saakin". So dahil sa bata pa ako that time at immature, sinunod ko siya.
And also, sinabihan niya ako noon ng "Mamamatay ka nalang ayaw mo pa akong maging masaya". Oh hi, I'm still alive until now. Lol.
Ps: walang money involved dito from my parents. Lahat galing sa part time ko.
Minalas ako noon sa pagibig, pero kapalit nun aral naman sa buhay na sobrang sinuwerte ako. Yung aral na naranasan ko sila yung naging inspirasyon ko para mahalin sarili ko, para ibigin yung ako at para tanggapin ko sarili ko.
Tinatamad kasi ako noon, tinatamad sa lahat. Like wala akong pakielam o ano pa man kapag may mga bagay akong kailangang pabayaan para sakaniya na di ko naiisip yung resulta.
Sakaniya rin ako natuto maging suwail na anak, like mas sinusunod ko siya instead of my parents. And it was my biggest regret of all.
So what's the reason nga ba why I choose to stay despite everything?
Lagi kasi akong may problema sa bahya. Like never sko tinatanong kung kumain na ako, kung kamusta na ako, kung ayos pa ba ako sa school o kung okay lang ba ako. Wala, as in wala. So I really feel incomplete, lagi rin ako sinasabihan na malas daw ako or walang kwenta. Yes, sa harap ko nila sinasabi yan. Everytime umuuwi ako noon from part time, ako pa maghuhugas and gagawa ng lahat. Masakit sa part ko kasi syempre, only child ako and umaasa ako sa pagmamahal ng parents ko. Ayun lang naging busy sila sa sugal at di na nila ako pinakinggan.
Pero okay lang, although I have regression about being like this into my parents but still I learned how to respect them again when me and my ex broke up.
Aaminin ko eversince maging kami naligaw landas ko, super naligaw landas ko. Pero di yun naging hadlang para kalimutan ko kung bagay na naging bahagi ng pagkatao ko.
I'm so glad, because God didn't leave me kahit na minsan itinaboy ko nasiya. And he gave me someone na mas ipapakilala pa siya sakin.
And this person helps me to get away from her also.
I know sometimes in life we have many regrets or whatever, pero it doesn't define who you are right now. Past is past, the most important is today. Diba? Maybe sometimes ayaw na natin magpatuloy kasi nahihiya tayo eh, nasaisipan na nating useless tayo. Or whatsoever paman yan, pero it doesn't matter rightnow. The most important is we learn how to value ourselves again without hurting anyone. Because before, I really love to hurt everyone around me without thinking any consequences. And it teach me a lot.
Thank you so much sa mga walang sawang sumusuporta at nag babasa ng article ko 💗. Loves you all!
Ps: btw, ilalaban ko account ko kahit ano manyare. Even if without rusty, I'm still happy to have you guys 💗.
9-24-21
Hayaan mo yan mare. Grabee kapal siya ang lalaki tapos siya pa may ganang mag sabi ng ganyan.. Buti nalang EX mo na siya dahil wala siyang kwentang Lalaki gusto niya palamunin lang siguro pasarap buhay