So this time isusulat ko na to as tagalog, para medyo humaba na jusko HAHAHA. So I have an announcement also, Blessed sunday to everyone.
Reminder:
Kung bago ka sa chapter na ito, pakibasa muna ng mga nakaraang chapters.
Chapter One: The Breaking Down Of Zombie Apocalypse: The Beginning.
Chapter 2: The Breaking Dawn of Zombie Apocalypse: Into the trash bin.
Chapter 3: The Breaking Dawn Of Zombie Apocalypse: Let's Escape.
Zombie Apocalypse 4.
Expert Writter's Pov
"Kulang tayo sa pagkain" agad akong napatingin kay immarryandmerry sa sinabi niya. "Nakakatakot bumaba ngayon, nabawasan na tayo ng isa, ayaw ko nang mabawasan pa tayo", sagot naman no dziefem sakaniya.
What if magvolunteer ako?
"Bababa ako, para kumuha ng pagkain, hindi tayo pwedeng mamatay sa gutom dito", suggestion ko. Agad na naihinto ni ate Jaytee yung sasakyan at tumingin saakin, "Siraulo ka ba? Gusto mo bang lapain ka ng mga halimaw sa labas kung ikaw lang?", Iritang sagot nito.
"Sasama ako", volunteer rin ni Eunoia.
"Wag na, may inihanda akong mga delata sa likod ng sasakyan. May storage box dyan sa baba ng upuan niyo, andyan lahat ng kailangan", sagot ni Sensaii.
"Woah, nakahanda"
"Saan tayo didiretso ngayon? Kung hahanapin natin sila Jher, paniguradong mahihirapan tayo" sambit ni loveleng. Oo hindi siya mali, masyadong malayo dito lugar ni jherr kung asan kami, sigurado aabutin ng mga ilang araw bago kami makarating kung nasaan man sila.
"Mag hanap muna tayo ng matutulugan, kailangan natin makahanap bago pa dumilim. Delikado sa daan", suggestion ni ate jaytee habang tumitingin sa labas at mukhang naghahanap nga ng matutulugan.
"Alam niyo ba kung nasaan tayo ngayon? Baka mamaya naliligaw tayo", tanong ni gwapojohn dito. "Pre, mama mo kausap mo baka sapakin kaniyan", sagot nMan Eunoia. Nagsitawanan naman ang iba sa amin dahil sa sinabi niya.
Kahit kailan talaga.
"Kung gusto mo lumabas ka saka tingnan yung street sign, magpakain kanarin", simpleng sagot ni ate jaytee dito na dahila upang matawa talaga kami.
"Nasa arthur st. Tayo, medyo malapit to sa emilia building. Saktong-sakto"- sensaii.
Napatingin ako sa relong dala ko, magaalasais na pala ng gabi pero maliwanag parin.
"Bilisan na natin, pagabi na", sambit ko. Agad na nagsitanguan ang mga ito at natahimik. Maya-maya pa ay inihinto ni ate jaytee ang sasakyan sa isang kanto. Nagdala kami ng iilan sa kaya naming dalhin at nilock narin ang sasakyan, sa harapan namin ay mering isang bahay na medyo may kalakihan. Nagtingingnan muna kaming lahat na para bang humihingi ng approval kung tutuloy o hindi.
Nang nauna sila gwapojohn at eunoia at sumunod narin kami, walang katao-tao sa bahay pero halata ang gulo. Medyo sira rin ang bintana at may damage ang pintuan na halatang pinilit pasukan.
"Titingnan muna namin sa taas, dito lang kayo", paalam saamin nila eunoia. Pagod na pagod akong napaupo sa may sala at tila bang nawalan ako ng energy, ang daming pumapasok sa isip ko.
"Okay ka lang?", Bungad ni loveleng saakin sabay upo sa tabi ko. "Oo, medyo pagod lang ako", sagot ko. Pero di ko kayang sabihin na sobrang nahihirapan ako sa lagay namin ngayon. Di namin alam kung hanggang kailan at saan kami, baka bukas o sa susunod may masawing isa ulit saamin.
"Clear yung taas, medyo padilim na. Kumain na tayo", wala sa mood na sabi ni eunoia saamin. Anyare dito?
"Pagkatapos niyo kumain magpahinga na kayo, gigisingin ko kayo ng maaga bukas" sambit ni ate jaytee saakin. Pakiramdam ko kulang kami, parang..
Bigla akong napatayo sa sofa ng maalala kung sino yung kulang na iniisip ko, "Asan si john?" Tanong ko. Agad na natigilan ang lahat sa mga ginagawa at napatayo narin si loveleng nung nagtanong ako.
"Si john? Hindi ba natin kasama?" Nagaalalang tanong ni sensai. "Hindi, ngayon ko lang napansin na wala siya", sagot ko. Agad akong kinabahan, di namin napansin na nawawala sya.
"Nung dumaan tayo sa gas station kanina sabi niya iihi lang daw sya...tapos--" di natuloy ni gwapojohn yung sasabihin niya ng agad kaming nagreact.
Jusko, naiwan namin siya.
"Kumain na kayo at magpahinga , bukas na bukas pagpaplanuhan natin lahat", sabi ni ate jaytee saamin. Sumangayon narin ako kasi napapagod na katawan at utak ko, hindi ko kayang iabsorb lahat.
Habang kumakain kami ay walang nagsalita, hanggang sa matapos tahimik pa rin ang lahat. Di parin mawala sa isipan ko kung asan si john. Naiwan namin sya accidentally, kamusta na kaya siya?.
After ko Kumain ay nahalfbath muna ako bago matulog, kailangan ko mapreskuhan. Naguguluhan masyado utak ko.
"Ayos kalang ba?" Tanong ulit ni loveleng saakin. Tinanguan ko lang ito at ningitian, sa sala kami natulog. Paghiga na paghiga ko palng ay nakatulog na agad ako.
*Grrrr* *grrr rrr*
Ang ingay, saan ba to?
Agad ako napadilat ng mata dahil sa narinig ko, pagdilat ko ay may nakita akong nakatayo sa uluhan ko, naamoy ko ang masangsang nito na amoy. Napatakip ako bigla ng bibig at halos di makahinga.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong mahimbing na natutulog sila sensaii.
Ang layo ng baril saakin, nasalamesa pa.
Kinalabit ko si sensaii at tinakpan ang bunganga nito para di makapagingay, magsasalita sana ito pero binulungan ko na agad.
"Shhh", sabi ko dito habang tabon-tabon ang bunganga. Pati siya di makakilos sa nakita niya.
Paano? Paano sila nakapasok?
SO AYONNN. Nasobrahan ako ng pagiging inactive, sorry. Stenographer kase ang buhaayyy.
ANNOUNCEMENT:
So wala akong alam and Idea kung bakit hindi na dunadalaw si rusty saakin. Actually sobrang nahihiya na ako sa mga upvotes, wala akong magawa para maibalik lahat. Gusto ko bumawi.
So dahil sa hindi na dumadalaw si bot, magiisang buwan na ay naisipan kong gumawa ng new acc, pag matapos tong buwan na ito na hindi siya dumadalaw, magaannounce ako tungkol sa new account ko para lahat aware.
Ps: ayaw ko iwan tong account na to kaya ilalaban ko parin.
Maraming salamat sa inyong suporta!
9-19-21
Haha ang saya kapag ganyan yung lugar na nakaktakot tapos may kasama kang kaibigan π