Sari-Saring Tanong
031122
Ang bilis ng araw nga naman, halos kalagitnaan na ng March. Ngayon magtagalog muna tayo para di nauubos brain cells ko ha. :)
Ayun, nakasave pala saken tong article ni @Lazysnail na pinost nya months ago. HAHAHAHA. Eto muna tayo for today kasi, nabago ang oras ko ng tulog at nakakatulog ako agad sa gabi.
So para sa mga may jowa o asawa jarn, tanungin natin ang sarili natin. Sa mga tanong dito ire-evaluate natin ang relationship natin. CHAAAAAR LANG! Sagutan nyo lang! HAHAHAH walang tama o mali. Tignan natin kung gaano kahappy and perfect ang relasyon nyo HAHAHAHAHHA! CHAR LANG OLET!
Oh game!
Random questions for couples...
What's your ideal way to spend a vacation?
Siguro, yung nasa beach lang tapos chill lang kami. Bonfire, kaen, inom, tska hihihihi. Matulog ng magkakasama kaming tatlo. Yung maeenjoy namin yung malamig at fresh na hangin tska maririnig mo lang yung alon pamparelax ng mind. Ganern hihi.
What's the nicest compliment you have received?
Sa totoo lang hindi ko alam kung compliment na ba o sarcastic yung mga sinasabi sken kasi puro loko loko mga kaibigan ko HAHAHAHA. Pero kung compliment man yun, salamat hahahha! Pero di ko dinadamdam or inaabsorb masyado.
Pero yung compliment na hindi compliment eh yung pinagkakamalan akong lalaki, tibo o bisexual. HAHAHAHAHA. Kasi androgenous kasi yung itsura, pananamit at kilos ko noon, tapos payatot pa ko. Kaya para sken compliment yung akalain nila na ganun ako hahaa.
Are you happy with the person you surround yourself with? Why? Or why not?
Yes. Masaya ako na napaliligiran ako ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko kahit nasa malayo yung iba. Why? Kasi sapat na sa akin yung naiintindihan nila ako at nakikinig sila sa sasabihin ko. May mali man o panget man akong nagagawa nasasabi nila sken ng hindi ako nasasaktan.
Asawa at anak ko, super thankful ako sa asawa ko kasi lagi nya akong pinasasalamatan sa pagaalaga ko kay Lil B.
What brings meaning to your life?
Thank you for that wonderful kweshen...
My pahmilee is the most important things in mah layp. They are the ones who brings meaning to mah layp. Not just meaning, they bring color and eberithing.
And IIIIIIIIII, Thank you!!!
How good are you at reading people?
Siguro average lang. Minsan nasa pakiramdam mo din yan kapag di mo feel kasama yung isang tao, di ka komportable tska di ka magsasalita gaano kahit nangangapa ka sa ugali. Pero wag kalimutan na don't judge the book by its cover, dapat magbigay tayo ng benefit of the doubt once in a while sa ibang tao para makilala natin sila ng tunay.
What you could do to make your relationship stronger?
Siguro yung magkasama kami araw araw. Iba kasi yung LDR na relationship. Sometimes you get used to na magkalayo kayo at walang masama doon, pero mas masarap pa din sa kalooban ko na magkasama kami in person. Mas naasikaso ko sya, yung matanggal ko man lang pagod nya sa trabaho ganun.
What questions should partners ask each other before getting married?
Will you marry me? syempre HAHAHAHAHHAHA
What makes our relationship better than other relationships?
Kahit na saglit lang kami naging magjowa and during the pandemic pa, iba yung feeling kesa sa mga past long-term relationships ko.
Mas naging at peace ang utak namin, at malaki ang tiwala namin sa isa't isa kasi nagstart kami sa LDR dahil sa work nya. 6 months dn kami hindi nagkita nung naglockdown pero hindi sya pumalya sa pagtawag sken kahit hanggang ngayon.
Nagkakaintindihan kami or kapag nagkakainitan kami ng ulo, hindi nya pinapalipas ng gabi na di kami okay. Marunong kami magsorry kung may mali kami sa isa't isa, regardless kung sino nagstart ng away.
Where do you want to live when we retire?
Sa tabi ng asawa ko, nyahahaha char!
Pangarap namin na tumira malapit sa probinsya, or sa mejo probinsya.
Bonus questions
What do you think the most essential thing in a successful relationship is?
Communication is the key daw, tama naman pero dapat communication and understanding. Magkasama yun eh. Pano kung ibang means of communication pala tapos di naman naiintindihan ng kabilang party diba wala pa dn. It always takes 2 to tango sa isang relationship. Give and take.
Dito hango ang mga tanong so if gusto nyo nakapili ng mas magandang questions, check it out!
Sana nagenjoy kayo magbasa. :)
Andami kong namis na articles dito lalo na sa mga sponsors ko. Pramis babasahin ko dn yang mga yaaaaaaaan!!!
Lalabs!
Ito magsasalba ng article ko ngayon HAHAHA Tagalog posting muna sa pagbabalik 😁