Put* naman. Bakit ka single? Hahaha. Naiinis ka na din ba sa kaibigan mong palagi kang tinatanong, kung lumalandi ka ba ngayon o anong status ng buhay pag-ibig mo? Sino nilalandi mo? Bakit ka walang jowa? Wala nga e! Kulit.
Matagal ko na itong sinulat at dahil meroong challenge tungkol sa mga tanong kung sa mga single aba eh eto na ang oras para ipublish ito. Yung challenge e, mga tanong para sa mga single. Eto pala yung link para sa tanong, 40 yan sila.
Bakit tagalog? Kase eto na ang entry ko sa buwan ng wika, wag kayo maiinis kase may halong english to haha. *Hindi ko maiwasan* May mga tanong doon sa mga article nila ruffa, floriemae, dzefeim at mommykim so bale irere-edit ko ang mga tanong ko dati ng ununpublish ko ito. Haha. Sasagutan ko na lang yon!
Pipili ako ng lima para sagutan , 40 ang tanong doon at lima lang ang pipiliin ko. Haha kung gusto mo pang malaman yung sagot sa remaining 35, eh nilaan ko yun para itanong mo sa comment section. Haha. Medyo tamad lang talaga. Haha
Ang unang tanong na napili ko ay yung #5
#5 Are you afraid of love?
Confusing ang tanong. Pero siguro eto ay takot ka ba sa pag-ibig? O takot ka magmahal? O takot ka magmahal kase takot ka masaktan? Ay sad. Haha. Pero, hindi naman ako takot sa pag-ibig o magmahal. O siguro, takot nga. Pede ring hindi pa handa. Medyo baliw kase ako. Medyo muna. Siguro, may mali sa utak ko, kase, mas gusto ko kase yung kung magmamahal man ako sa tamang tao na, kaya hangat maari, habang hindi pa ako handa, o hindi ko alam kung magiging handa ba ako, ay lalayo muna ako sa mga ganyang scenario. Haha! Basta hindi ako takot sa pagibig, medyo lang. Mas lamang yung takot na masaktan siguro? Haha.
#22. Don't you want to have kids one day?
Hala, pede yung bata na lang na di na lumalaki? Para laging cute. Haha. Ganito kase, minsan gusto ko ng baby, pero habang naiisip ko kung paano ko bubuhayin yon, parang ayoko na. Kase, pano kung wala akong pera, tapos gusto niya magdoctor o lawyer o scientist o aeronautics! Maguguluhan ako niyan! Haha. Wala akong pangsupport pa. Actually napagusapan namin to lagi ng kaibigan ko. Kase ang dami ko ng kakilala na may baby, tapos kami parang sobrang worried kung may maganda ba kaming bukas na kayang ibigay kung sakaling magbebaby kami. So pede, gusto magbaby pero wala pang ipon para sa baby. Mejo selfish pa ngayon e.
#23 What do you do on weekends?
Aaahh weekends. Bale weekends, so sabado yon at lingo yon diba? Haha. Ang work ko hangang sabado, so work ako sa umaga tas chill sa gabi. Nuod ng movie kaming magkakaibigan tapos, kwentuhan. Pagkalingo naman, pagmaaga ako nagising, magkakape, tapos meron kase akong sugalan na tinatambayan, may contest ako sinasalihan doon. Tapos pagkatapos non. Maglalaba ako minsan sa umaga madalas banda ala una hangang alas kwatro (hand wash lang) , magluluto kami, kakain. Tapos, grocery sa hapon. Dati, lumalabas kame noong hindi pa pandemic, kumakaen, tapos pag me libreng ticket yung isa kong kasama sa bahay manunuod kami ng sine. Mas malaki time ko sa pagseselphone panunuod at pagbabasa. Tapos naglalaro. Haha. Late kase magising yung dalawa 10:00 am na pagsunday! Ako nasa body clock na, alas singko o alas saiz gising na! So nakakapagod din pagsunday, pagkaminsan din nirerequire kami pumasok ng opisina kapag may minamadali! Hoy! Ikaw ano ba ginagawa mo pag Linggo? After ng pandemic, yayain niyo ko ng inuman! Haha
#27 So how long how you have been single?
Gaano ka na katagal single? Uy nagmamatter ba yan? Basehan ba yan? Haha. Wait yung birth certificate ko. Haha. 26 years and counting. Haha. Bale 26 years na akong nabubuhay sa mundo pero jowa ko yung mga hero sa wattpad. Haha. Sibaaal!
#30 Do you like the single life?
Depende kase yan, ano ang definition mo ng single. Single alone. Or single with friends or family? Masaya naman ako dahil hindi ako nag-iisa, meroon akong kaibigan na uh pinapanatili akong baliw palagi tapos nagpapautang haha. Gusto ko ba ang pagiging single? Oo naman! Masaya! Ganito kase yan, kung hindi mo pa narasan maging double (o may naging karelasyon) kahit minsan, wala kang mamimiss, wala ka pagkukumparahan. So kung tatanungin mo ako tungkol sa buhay ko bilang single, aba e masaya ang isasagot ko. Kase masaya naman!
Para sa Mga tsismosa mong kakilala, kaibigan, na palagiang tinatanong, ilang taon ka na? Oh wala ka pa ding boyprend? Kailan mo balak mag-asawa? Mga tsismosa! Bata pa ko e! Haha
So, Single ka dahil?
Dahil selfish pa ako. Sarili muna. Pamilya muna. Haha. Ikaw?
Pahabol;
Put* naman nung nabuntis, yung kapitbahay namin, wala namang jowa hindi ko naman tinanong kung paano at saan nabuntis! Grrrr. Haha!
Salamat at ito ay iyong binasa !!!
Ang artikulong ito ay ginawa ko lang para para masaya lang π pero parang ako lang yung masaya. Alam kong wala itong kwenta. Hahaha! Ito'y inyong palampasin! Haha. Sorry readers!
I feel so ashamed of having to write this! Hahaha feel free to ignore me! Or ignore me really! ππ
Credits
Salamat sa mga entry nila na nangakit sa akin na sumulat nito, check mo at join ka na din hehe!
Ruffa, femfem, mommykim, floriemae.
Salamat pala sa youtube para sa video sa taas napanuod ko uli! Da best tong no.1 Haha! Sana all jowable! Rawr Tapos kung meron kayong tanong mula sa 40. Tanong lang sa comment. Haha.
Mga 20 times ko muna pinag-isipan kung ipublish ko ba, pero sige na nga. Haha
Thanks to Mike Dorner @dorner for making the lead image available freely on Unsplash π https://unsplash.com/photos/sf_1ZDA1YFw
Korni ng mga nagtatanong kung bat daw single, ayaw ba magkaroon ng anak π. So ang main purpose ng pag aanak is maging caregiver pag tayo tumanda? hahaha