I won't fall 'cause I am Titanium

5 63
Avatar for McJulez
2 years ago
Topics: Life

Kung ihahalintulad ko ang aking sarili sa isang bagay, ang naiisip ko ay Titanium.

Ang isang bagay kung saan maipapahayag ko at maiuugnay ang aking sarili ay sa isang Titanium. Ito ay sumisimbulo sa lakas. Tulad nito, hindi ako basta-basta bumibigay sa mga pagsubok sa buhay. Lahat ay akingginagawa dahil ipinangak ako upang harapin ang lahat ng bagay, hindi upang takbuhan ang mga ito.

Ilang bala man ng pagsubok ang tumama sa akin, hindi ako matutupok. Hindi ako matitinag. Ang buhay ay hindi itinakda upang mapuno lamang ng mga pasakit. Ang titanium ay pwedeng gamiting kalasag. Tulad ng ating pananampalataya sa Diyos, hindi tayo basta-basta sumusuko. Ilang beses man akong subuking patumbahin ng mga bala ng problema, tatayo at tatayo pa rin ako. Hinding-hindi ako magpapaapekto kahit ilang beses akong subuking ipataob at talikuran ng ibang mga tao.

Ang mga baril at bala ay mga talinhagang sumisimbolo sa mga mapanakit na mga salita at mapanghusgang lipunan. Kapag ito’y pinaputok, ito’y magriricochet o tatalbog. Hindi ako ang mas masasaktan kapag ang taong gumawa ng masama ay makikita akong nakatayo. Nananalaytay sa aking dugo ang aking pagiging matapang na harapin lahat ng pagsubok sa buhay. Nananatiling malakas sa kabila ng lahat.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa kahit pa maraming mga pasakit ang binabato ng mundo. Kapag may mga bagay na hindi maganda, nananatili akong nakatayo. Dahil ang titanium ay bulletproof. Ganoon rin ako sa mga bala ng pagsubok sa buhay. Buo aking loob at punong-puno ng paninindigan. Mananatiling malakas at nakatayo habang hinaharap ang anumang bala ng mga problema. Titiisin lahat ng hirap para sa tagumpay na hinahangad.

That is all for today, guys. I hope you have learned something today from this article I have published. May God bless us all. Mabuhay!

1 - Digital Wellbeing: Fine-tune your Tech Habits/ 2 - Promote Better Growth/ 3- Those were the days, my friends/ 4- New Experiences Come and Go/ 5 - Admit or Lie: Choosing Between Options/ 6 - Dreams: One Word, Countless Reasons/ 7 - Kyoto: City of Past, Present and Future/ 8 - Depresyon sa mga Kabataan: Mga Dahilan at Kung ano ang Makatutulong/ 9 - Limang Letra, Isang Salita/ 10 - Make it Righteous

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Special Notes:

All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.

This is original content.

8
$ 8.38
$ 8.25 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Eylz2021
$ 0.05 from @ZehraSky
+ 2
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty
Avatar for McJulez
2 years ago
Topics: Life

Comments

Yoshiii! Kung sa iba'y isang lang sila, ikaw naman kahit tantarin ng umuulang bala ng problema ee hindi basta basta tutumba dahil madaya kang bata ka, naka bulletproof pala. Charing ahahaha, ang galing mos a ganito bata ah. Basta, problema lang sila. Kahit ano pang lakas nila. Kahit pa pasabugan n mg problema na may kasamang granada. Wag ka papatinag. Matibay tayo!

$ 0.01
2 years ago

Naks naman ate parot haha

$ 0.00
2 years ago

Isa ka ngang tunay na titanium. Lubos akong humahnaga sa iyong kagitingan at katapangan. Panatilihin mo ang katatagan ng iyong puso.

$ 0.01
2 years ago

yep... laban lang.. kahit anong pagsubok pa yan harapin ng buong buo gaya ng tinatium

$ 0.01
2 years ago

Opo. Tama po kayo diyan. :)

$ 0.00
2 years ago