Uy, kumusta ka?
Halos pitong araw (7 days) rin akong hindi nakapag-publish at nakapag-sulat dito, at halos pitong araw na rin akong pagod. Pagod pero hindi sumuko dahil alam kong nagsisimula palang ako. Pitong araw ang lumipas, ngunit hindi nangangahulugang nasayang lang ang pitong araw na iyon at napunta sa wala.
Bago palang magsimula ang pasukan, sobra ang pagka-excite ko sa mga bagay na nalaman ko tungkol sa course na kinuha ko. Sobra akong naging excited sa mga bagay na pinapangarap ko noon. At ngayon, andito na ako. Nakakagod minsan pero masasabi kong nag-eenjoy ako sa college life ko, sa ngayon. Well, alam kong darating din ang time na magsasabay-sabay na ang gawain ngunit hindi ako susuko.
Kaka-kumpleto ko pa lang ng mga subjects na kailangan naming makumpleto. Ngayong linggo ang inaasahan naming dagsa ng mga gawain ngunit hindi ako magpapatialon sa bugso ng alon sa dagat ng mga gawin dahil alam kong "time management" lang ang kailangan ko. Hindi ko pa masyadong napa-polish ang oras ko sa paggawa ngunit masasabi kong nag-improve na ito. Alinsunod dito, ang pagsasalita at pagsusulat ko sa wikang Ingles ay nag-improve na rin. Nitong nakaraan lang, nakatanggap ako ng isang activity mula sa aking professor sa subject na SOCSCI or Social Science 1100. Pinagsulat niya kami ng essay tungkol sa 4 na article at 4 video na nakapaloob sa post niya sa Google classroom. Iyon ang pinakauna kong natanggap na essay at activity sa aking college life. At para gawin itong mas kapaki-pakinabang, nag-lecture ako ng halos 12 na pahina para isulat ang mga nilalaman ng mga modules na nakapaloob sa aming topic. Ngunit hindi lang iyon ang aking ginawa dahil nagsisimula pa lang ako.
Sumulat ako ng halos 2 pages na essays. Dalawa lamang ang tanong na ibinigay sa amin ngunit nagbigay ako ng aking nalalaman na umabot hanggang dalawang pahina. Akala ko roon na ito matatapos ngunit hindi pa pala dahil nagsisimula palang ako. Nadagdagan pa ang ideya na nilalaman nito pagkatapos ko ito basahing muli at ipasa sa aming guro. Ito ang activity na umabot ng halos limang araw sa akin dahil sa dami ng mga modules na kailangang aralin dito ngunit sobrang sulit kapag natutuhan. Alam ko nagsisimula pa lang rin ito kaya dapat lang na sa simula pa lang ay mahalin ko na ito- marami pa ang susunod at magsabay-sabay.
Nang makumpleto ko ang subjects ko nitong biyernes, malaking kaba ang naramdaman ko dahil akala ko ay magbibigay na rin ng activities and iba naming guro. Sa kabutihang palad, halos announcements lang ang aking natanggap na naging dahilan din ng aking pagiging busy bee. Ngunit hindi ko ito tiningnan na mahirap. Bagkus isang masayang gawain na alam kong makakatulong sa akin sa lalong malapit na panahon.
Sa ngayon, CAED o Culture and Arts Education ang pinakagusto kong subject dahil ito ang pinunta ko sa course na ito- ang arts at ang rason kung bakit ito nabuo. Ngunit hindi lang naman ako naririto para roon, narito ako para maging isang guro ng sining.
Alam kong nagsisimula pa lamang ito kaya marapat lang magsimula na rin ako. Magsimulang baguhin ang sarili. Magsimulang palawakin ang pag-iisip sa mga bagay. Ibigay ang atensyon sa mga bagay na mas importante. Isantabi ang mga bagay na hindi naman kailangan. Alalahanin ang kapakanan ng sarili. Mag-aral ng mga bagay na hindi pa masyadong alam; dahil nagsisimula pa lamang ako.
Padayon, Guro ng kinabukasan. Para sa pangarap at para sa mga nangangarap.
Thank you for reading this article!
You can read my previous articles here:
First Memories Of Being A Freshman.
Nagsimula akong sumulat gamit ang wiking Tagalog / Filipino bago ako natutong sumulat at maging bihasa sa wikang Ingles. Magpatuloy ka lang at h'wag kang huminto sa mga pangarap mo.