Date: October 10, 2021
I'm so sorry for my non-filipino readers. I just want to write an article that's written in my own language, using my mother tongue which is Filipino (Tagalog). If you want to understand the concept of this article, you may want to translate it. You can use a tool such as google translate to make an english translation of this one.
Siguro nagtataka kayo kung bakit October 10 ang nakalagay sa date ko pero ang petsa ngayon ay November 4 na. October 10 pa kasi naka draft itong article na ito. Hindi ko alam kung bakit nakaligtaan ko nalang at hindi na naipublish.
Namiss ko lang magsulat nang tagalog kaya for a change, tagalog naman today.
Naranasan nyo na bang sumigaw nang pabulong? Yung napakabigat na ng kalooban mo at gusto mo nang sumigaw pero hindi pupwede?
Halina't ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa mga dahilan kung bakit kailangan nating sumigaw nang pabulong minsan.
Hindi ako makasigaw kapag nasa bus.
Madalas noong bago pa ang pandemya, may mga pagkakataon na nag-aaway kami ni mister hanggang sa pag alis ko nang bahay papuntang opisina. Yun ang mga panahon na parang tamad na tamad kang magtrabaho pero dahil gusto mong makahinga sa diskusyon at hindi magandang awra ng paligid, pipilitin mo pa ding pumasok sa trabaho.
Madalas, habang nasa bus, doon ako nag eemote. Yung tipong halos ayaw ko talagang magsalita or magcheck ng messages sa cellphone ko.
Gustong gusto kong isigaw yung galit na nararamdaman ko pero papano? Hindi ako pwedeng basta nalang sisigaw sa bus dahil baka naman isipin ng mga pasahero na nawawala na ako sa aking pag iisip.
Kapag nasa ibang bahay kami pero pasaway pa din nang pasaway ang mga anak ko.
Naku! naku! naku!
Ito talaga ang pinaka-mahirap sa lahat. Yung sobrang pasaway ng mga anak mo pero dahil nasa ibang bahay kayo, or bumisita lang kayo sa bahay ng kaibigan, kakilala or kamag-anak ninyo, kailangan mo pa ding pilitin na magsalita ng mahinahon habang sinasaway ang makukulit mong mga anak.
Hanggang sa umabot na sa ika isang daang sawayan (in-exaggerate ko lang po) pero hindi pa din sila naniniwala.
Doon kana matitrigger. Yung unti unti nang lumalabas ang MUDRAgon side mo pero kailangan mong pigilan. Pero sa kabilang banda, kailangan mong ipakita sa anak mo na galit kana, na galit na galit kana dahil ayaw kang paniwalaan at paulit-ulit nalang ang pagsaway mo sa kanila.
Naiimagine nyo ba? ang usually ginagawa ko, nilalakihan ko ang mata habang nagsasaway nang walang sounds pero dinidiinang mabuti ang bawat letra para mapansin ng anak ko na sumisigaw ako pero walang sound.
Sabay banta ng: "humanda ka mamaya pag-uwi".
Kapag nag away kayo ni mister pero may iba kayong kasama sa bahay.
Sa mga may asawa dito sa platform, naranasan nyo din po ba na magkaroon ng kapisan sa bahay? Ako oo. At masasabi kong napakachallenging talaga. Mula sa pagluluto, paglilinis at sa pagkilos mo, kailangan mong inkunsidera ang mga kasama ninyo sa bahay
Naranasan ko ito nung taong 2012 hanggang taong 2015. Mula sa laguna, lumipat kami ng tirahan sa muntinlupa sapagkat mas malapit ito sa aking trabaho. Kapag hinahatid ako ng motor ni mister dati sa taguig, umaabot lang ng 30 minuto ang byahe namin. Kaso, kapisan namin noon ang mga pinsan ng aking asawa. Mababait naman sila. Pagdating sa pakikisama at pagtanggap sa akin bilang kapamilya nila, wala talaga akong masasabi sa kanila. Pero syempre, nandyan pa din na palagi akong insecure sa mga kilos ko. Hindi dahil laitero sila kundi dahil sa sobrang babait nila, ayokong may masasabi sila sa akin. Ayokong masira ang respeto nila sa akin bilang asawa ng kanilang pinsan.
Subalit alam naman natin na hindi mawawala ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa. At dahil nga may kasama kami sa bahay, kailangan kapag nag away kami, yung hindi lalabas sa kwarto namin ang salitaan namin. Kaya naman no choice kundi magsalita ng pabulong. At kapag galit na galit na, pwede naman sumigaw, pero pabulong pa din!
Sa pagkaka alala ko, may nabasa akong isang artikulo dati kaya pumasok sa isip ko itong sigaw na pabulong na keyword pero hindi ko na maalala kung sino ang author. Pero ang sintemyento nya ay ang struggle nya sa pakikisama sa kanyang byanan. Nakikipisan lang silang mag-asawa sa kanyang biyenan kung kaya naman napakadami nyang hinanaing na isinulat nalang nya at ibinahagi dito.
Medyo nonsense itong sinulat ko ngayon pero gusto ko na din kasi syang alisin sa draft list ko kaya pinilit kong tapusin ngayon.
Pero kung hindi nyo pa nagagawa? subukan nyo din.
Nakakatulong ang pagsigaw kahit pabulong para kahit papaano ay mailabas mo ang iyong kinikimkim na galit.
Muli, maraming maraming salamat sa patuloy ninyong pagtangkilik sa mga gawa ko. Aminado ako na sobrang trying hard talaga ako pagdating sa pagsusulat, pero andyan kayo na isa sa mga dahilan kaya nagtatry pa din akong makapaglathala ng maayus na artikulo.
Tawang tawa ako sa joke na to nung bata ako. Gang ngayon. Yung hahamunin ka sumigaw ng pabulong HAHAHAH
Pero ako sigaw na pabulong ko eh iyak at walling sa banyo with shower. Bet na bet hahahaha