Bula
*Maikling Kwento*
ni:EmAeDi
`Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Ano mang pagkakapareho sa mga pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya.`
Nakita ko sya noon sa birthday party ng boyfriend ng kaibigan ko. Napakakisig nya at presentableng tignan sa suot nya'ng polo na may mahabang manggas na nakatupi hanggang siko. Kayumanggi ang kulay nya at matangkad.
Sya ang unang nakahuli ng atensyon ko sa event na 'yon. Pasado sya sa mga tipo ko. Matangkad at matangos ang ilong.
Nagtama ang paningin namin nang luminga sya sa gawi ko matapos na matawa sa marahil ay sinabi ng kausap nya. Ako ang unang bumawi na hindi ko madalas gawin sa ibang lalaki'ng nakakatitigan ko. Nakakalunod ang mga mata nya. Para ba'ng napakaraming gustong sabihin ng mga kulay tsokolateng mata na iyon kaya naman hindi ko kinaya. Maya-maya ay lumapit sya sa akin. Nakipagkilala. Nagkwentuhan kami at nauwi sa pag-alok nya ng paghatid sa akin sa bahay. Pumayag ako. Bakit hindi? babae ako at gabi na. Wala pa ako'ng dalang sasakyan dahil kasalukuyang nasa talyer iyon.
Inalok ko sya ng kape nang maihatid nya ako. Pinaunlakan nya iyon. Masarap nga namang uminom ng kape pagkatapos uminom ng alak para mahimasmasan.
"So, wala ba'ng magagalit?" tano'ng ko sa kanya habang nasa sala kami at nagkakape.
"Magagalit?" balik tanong nya. Nagkibit lang ako ng balikat. Alam nya na ang ibig ko'ng sabihin. Natawa sya pagkatapos ng ilang saglit bago muling tumugon.
"Wala. Syempre. Ihahatid ba naman kita kung meron" Ngumiti ako. Oo nga naman. Nag-usap pa kami hanggang sa nagdesisyon syang umuwi. Madaling araw na iyon.
Naulit pa ang mga pagkikita namin ni Jericho. Yun ang pangalan nya. Kumakain kami sa mga restaurants, naglalaro sa arcades. Mabuti na nga lang at nakakasabay sya sa hobbies ko. Gusto ko ang paglalaro sa arcades, lalo na kung medyo mabigat ang kaso na hinahawakan ko. Pampatanggal stress at pang clear ng utak. Mahirap talaga 'pag isa ka'ng abogado, public defender to be specific.
Sa lahat ng lalaking nakilala ko, sya ang pinaka tumatak sa isipan ko. Lagi syang sumisingit sa utak ko. Para ako'ng baliw kapag naaalala ang mga kwentuhan namin habang nasa trabaho. Hinanap-hanap ko ang presensya nya.
Ang minsanan nami'ng pagkikita ay naging madalas. Hanggang sa isang gabi nang ihatid nya ako galing sa isa'ng anniversary party ng kaibigan nya, may nangyari sa amin. Parehas kaming nakainom. Pero tandang-tanda ko ang mga detalye ng pinagsaluhan namin. At wala ako'ng pinagsisisihan. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Para sa akin, walang masama roon. Dalaga ako at walang karelasyon. Naging mas malambing sya pagkatapos ng nangyari sa'min. Ang nangyaring iyon ay nasundan pa ng ilan. Naging opisyal ang relasyon namin. Hindi ko hinayaan ang ibang lalaki na pumasok sa buhay ko maliban kay Jericho. Maybe he really bring down the walls.
Pakiramdam ko, perpekto ang relasyon namin. Maalalahanin sya at malambing. Mga bagay na gusto'ng-gusto ko sa kanya. Sobrang mahal ko si Jericho. Umabot na ako sa punto na nangangarap na ako ng bukas kasama sya. Sigurado na ako'ng sya na. Hinihintay ko nalang na yayain nya ako magpakasal at hindi ako magdadalawang-isip na pumayag.
Pero ang akala ko'ng perpektong relasyon ay hindi pala. Wala nga namang perpekto sa mundong ito. Ang mga pinangarap ko para sa amin ay naglaho dahil sa aking natuklasan.
Isang gabi, Kagagaling lang namin sa isang café para uminom ng kape at pinagbubuksan na ako ni Jericho ng pintuan ng kotse, nang biglang may humila sa aking buhok mula sa likuran. At isang palad na malakas ang pagkakadampi sa aking pisngi ang sumalubong sa akin. Hindi agad ako nakabawi dahil sa gulat. Nasapo ang pisngi ko na napuruhan ng sampal. Napansin ko ang batang babae na umiiyak sa likod ng kotse, malapit sa babaeng sumampal sa akin. Dumami ang naki-usyoso. Umiiyak ang babae'ng nasa harap ko at galit na galit. Hawak sya ni Jericho kaya hindi sya makalapit sa akin kahit ano'ng pagpupumiglas pa nya.
"Tama na Alex!" gigil na sigaw ni Jericho sa kanya pero hindi sya natinag. Maraming ibinatong masasakit na salita sa akin ang babae. Pero iilan lang ang rumehistro sa utak ko'ng lito.
"You Bitch!"
"Home wrecker!"
"Slut!"
"Mistress!"
Naiyak ako sa sobrang kahihiyan. Hindi pa ako napahiya ng ganoon sa buong buhay ko.
Pero bukod sa pagkapahiya ay galit. Galit ang umusbong sa aking dibdib nang oras na iyon. Tinanong ko sya kung may magagalit ba sa umpisa palang, pero nagsinungaling sya. Bakit hindi ko nahalata? Bakit hindi ko nalaman agad? Bakit kailangang umabot pa sa ganito? Nakakahiya! Isa pa mandin ako'ng abogado, pero ako mismo ang lumabag sa batas ng tao. Sa batas ng Diyos.
Lumipas ang isang linggo, muli syang dumalaw sa bahay ko, halos pagsarhan ko sya ng pinto. Pero nakiusap syang pakinggan ko ang paliwanag nya. Nakinig ako. Kailangan ko rin naman ng mga paliwanag. Kung bakit sya nagsinungaling at kung pa'no nya nagawa ito sa pamilya nya.
"Napilitan lang ako na pakasalan sya, dahil nabuntis ko sya." Yan ang sinabi nya nang tanungin ko sya kung bakit nya niloko ang asawa nya.
"Ayoko'ng mawala ka sa akin. Alam ko'ng iiwan mo ako pag nalaman mo'ng kasal na ako sa iba." Sabihin niyo nang loka-loka ako, pero naniwala ako kay Jericho. Mas minahal ko sya. Handa syang hamakin ang lahat makasama lang ako. Nakumbinsi nya ako na manatili sa piling nya kahit alam ko'ng mali. Eksperto ako sa pagtatanggol ng mga nagkasala sa batas, at ngayon, gusto ko iyong gamitin para sa sarili ko. Kinumbinsi ko ang sarili ko na ayos lang na mahalin ko si Jericho kahit may asawa sya. Siguro nga ay nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya. Ika nga, 'Love is blind'. Pero paulit-ulit ako'ng kinulit ng utak at konsensya ko.
Sumama ako kay Jericho sa bahay nya, para samahan syang papirmahin ang asawa nya sa annulment papers. Ang sama ko. Malamang yan ang nasa mga utak niyo. Masisisi niyo ba ako? mahal ko sya.
Tahimik ako na nakaupo sa tabi ni Jericho habang nag-uusap sila ng asawa nya at isa pang abogado. Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ako bumulagta dahil sa mga titig ng asawa ni Jericho na si Alexandra. Alam ko'ng gusto'ng-gusto nya na ako'ng patayin sa isipan nya. Mas makukumbinsi raw kasi si Alex na pumirma, kung isasama nya ako. Naniwala ako. Uto-uto kasi ako.
Pero nang makita ko ang batang babae na bumababa mula sa hagdanan na palagay ko ay nasa apat na taon lang, nanlumo ako. Ito rin ang batang nakasaksi ng unang kahihiyan sa buhay ko. Walang bahid ng galit ang tingin na ipinukol sa akin ng bata. Siguro'y hindi nya pa alam ang mga nangyayari. Malamang tama ako na hindi sinisiraan ni Alex ang asawa nya sa anak nila dahil kung oo, baka inaway na ako ng bata.
Hindi pumirma si Alex. Bago ako makasunod kay Jericho papalabas ng bahay nila ay hinawakan ni Alex ang braso ko, hawak na banayad. Hawak na galing sa isang ina. Nilingon ko sya. Nahagip ko ang lungkot sa mga mata nya. "Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko kay Jericho kung hindi naman talaga ako. Mahalin mo sya ng higit sa pagmamahal ko." Tumulo ang mga luha sa pisngi nya. ngunit nagpatuloy sya. "Pipirma ako, kapag handa na ako." Matapos nyang sabihin iyon ay pumasok na sya sa loob. Nasaktan ako. Nagising ako sa pantasya ko. Mali ako sa isiping 'Love is blind.' hindi bulag ang pag-ibig dahil nakita nito ang mga katangian ng isang tao para mahalin. Ako ang bulag. Nabulag ako sa pangarap ko para sa amin ni Jericho. Nabulag ako ng sarili ko'ng pagnanasa.
Siguro nga ay marumi na ako'ng babae. Pero ang lahat ay binibigyan ng pagkakataon ng Diyos para magbago. Kaya naman, nakipaghiwalay ako kay Jericho. Isiniksik ko sa kokote ko na mali ang mahalin ko sya. Mas gugustuhin ko'ng wasakin ang puso ko kesa wasakin ko ang batang puso ng anak nya. Ayoko'ng may matulad pa sa akin na lumaking wasak ang puso dahil sa kagagawan ng aking ama. Ayokong mangyari iyon sa iba.
Kaya naman nagdesisyon na ako'ng lumayo. Inayos ko ang aking mga papeles upang umalis ng bansa. Para magpalamig? Para umiwas? O para na rin sa sarili ko. Para doon ko hanapin ang sarili ko. Hindi ko alam alinman ang rason. Ang gusto ko lang ay lumayo at mapag-isa. Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako kay Jericho. Pero hindi na ako nagpakita sa kanya sa halip ay nagpadala nalang ako ng sulat kung saan siya nagtatrabaho.
*Ginusto niyong pareho kung ano man ang ginawa niyo noon kaya nabuo si Noreen. Ayokong agawan ng pamilya ang anak mo. Alam ko'ng mabuti ang kalooban ng asawa mo. Siguro ay ginamit lang ako ng Diyos para subukin ang pagsasama niyo. At siguro ay ginamit ka ng Diyos upang subukin ang tatag ko. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Naranasan ko ang lumigaya kahit sa maikling panahon lang. I learned to go out of my shell and see the wonder of outside world. Naisip ko na ang pag-ibig natin ay katulad ng isang bula, Kung kailan nagkaroon ng kulay, saka naman pumutok at naglaho. Masakit mang isipin na sa unang subok ko'ng magmahal, sa maling tao ko pa naramdaman. Pero hindi ko pinagsisihan na minahal kita Jericho. Dahil may natutunan ako sa nangyari. Yun ay ang hindi por que mahal mo ay ipaglalaban mo. Walang masama kung gagawin mo iyon hangga't wala kang natatapakang ibang tao. Dahil kailanman, hindi naging makasarili ang pag-ibig. Pinapakawalan kita para bigyan ka ng pagkakataon na bumawi sa pamilya mo. Mahalin mo sila at huwag ipagpapalit sa iba. Dahil sila ang kayamanan mo hanggang sa tumanda ka. Meron kang pamilya na ipinagkait sa tulad ko, at ayokong sayangin mo iyon para sa panandaliang kaligayahan lang. Salamat Jericho."*
*-Nagmamahal*
*Marian.*
-WAKAS-
Konsensiya
*Maikling Kwento*
*Ni: EmAeDi*
"Ano'ng ginagawa mo rito Herbert?" Nagtataka'ng tanong ni Xyriel nang pagbuksan niya ng pinto ang kumakatok. Ngumiti ang lalaki'ng kanya'ng kaharap.
.
"Gusto lang kita'ng makita Xy." Mas lumambot pa ang ekspresyon nito bago nagpatuloy. "Miss na miss na talaga kita love." Lalong kumunot ang kanya'ng noo dahil sa ipinahayag nito.
.
"Herbert, hindi ka dapat nandito. Tumakas ka ba? Bumalik ka na." Mahinahon niya'ng wika sa lalaki kahit sa loob nya ay nanginginig na siya sa takot sa maaari'ng gawin ng lalaki.
.
"Bakit Xy? Hindi mo na ba ako mahal?" Halos magmakaawa ito sa kanya at pilit inaabot ang kamay niya. Dumistansya siya sa kaharap para makaiwas sa hawak nito. Hindi siya sumagot.
Nagbago ang ekspresyon ng lalaki nang walang narinig na sagot mula sa kanya. "May mahal ka na bang iba? Ha?! Kaya ba ayaw mo na sa akin?" Sigaw nito at marahas siya'ng hinawakan sa kanyang magkabilang balikat. Pinilit niyang magpumiglas pero sadyang malakas ang lalaki. "Sabihin mo! Sino? Sino? Ha? Xyriel?" Walang tigil itong sumigaw sa harapan niya at niyugyog ang kanyang katawan na nanginginig sa takot. "Sumagot ka! May mahal kang iba! Sino? Kaya ba a-" Hindi na natapos ng lalaki ang pagsigaw at marahas na nabitawan siya nito kaya natumba siya sa sahig. Hinagilap niya ang eksena. Nakita niya'ng may dalawang lalaki'ng nagpangbubuno sa kanyang harapan. Nang matumba si Herbert ay agad siya'ng dinaluhan ni Nick-ang kanyang nobyo.
.
"Ano'ng ginawa niya sa'yo?" Tanong nito habang tinutulungan siya'ng makatayo. Hindi pa man siya lubos na nakatitindig ay humandusay na sa sahig si Nick na labis niyang ikinagulat dahilan para mapasigaw siya sa takot.
.
"Ikaw ba? Inagaw mo siya sa akin!" Galit na sigaw ni Herbert. Sumakay ito sa ibabaw ng kabuno at pinaulanan ito ng suntok. Pilit niya'ng inaawat si Herbert para isalba ang bugbog niya'ng nobyo.
.
"Tama na! Herbert, tama na!" Sigaw niya habang inaawat ang dalawa. Hindi na makaganti si Nick. Nang muli niyang hawakan sa damit si Herbert ay malakas siya nitong hinawi kaya tumilapon siya sa lagayan ng sapatos na gawa sa kahoy malapit sa pinangyayarihan ng gulo-sa may pinto. Nasapo niya ang kumikirot niya'ng balakang at pinilit tumayo upang lumapit sa dalawang lalaki. Nahagip ng mata niya ang isang malaking flower vase na naka display sa gilid ng patungan ng telibisyon. Paika-ika siya'ng lumakad papunta doon at mabilis na hinablot ang vase. Nang balingan niya ang dalawang lalaki ay parang hindi na gumagalaw si Nick ngunit patuloy pa rin sa pagsuntok si Herbert. Umusbong ang galit niya. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas para ihampas ng malakas ang vase na hawak niya sa ulo ng nagwawalang si Herbert. Tumigil ito sa pagsuntok at gulat na tumingin sa kanya. Akala niya ay siya naman ang pagbubuntungan ng baliw na lalaki, ngunit makalipas ang ilang segundo ay padapa itong bumagsak at nadaganan ang kanyang nobyo. Ilang minuto pa siyang nakatulala dahil hindi makapaniwala sa kanyang nagawa bago niya naisip na alisin ang katawan ni Herbert kay Nick. Nang mahawi niya ito ng kaunti, sapat na para lumitaw ang mukha ni Nick ay napahagulgol siya sa hitsura ng lalaki. Duguan ang mukha nito at nakapikit. Niyugyog niya ang lalaki habang umiiyak.
.
"Nick. Baby. Nick." Paulit-ulit niya itong niyugyog hanggang sa gumawa ito ng mahinang paggalaw. Umungol din ito dahil sa kirot. Lihim siyang natuwa nang malamang buhay pa ang kanyang nobyo. Kumilos ang lalaki para makaalis sa katawan ng walang malay na si Herbert. Napangiwi pa ito nang pilitin nitong umupo. "Baby. Okay ka lang?" Tanong nito sa kanya. Humawak ito sa kanyang pisngi. Tumango siya bilang tugon. Tinulungan nila ang isa't-isa para makatayo. Dadako na sana sila sa sofa nang mapansin ang maraming dugo na dumadaloy sa sahig. Mula iyon sa ulunan ni Herbert. Nagmadali si Xyriel na tingnan ang kalagayan ng dating nobyo. Nakalimutan niya na ito nang dahil kay Nick. Ginising niya si Herbert. Naka-ilang yugyog siya rito ngunit hindi ito gumalaw o umungol manlang. Kinabahan siya sa posibilidad na pumasok sa kanyang isipan. Kinapa ng nanginginig niya'ng kamay ang gilid ng lalamunan ng lalaking nakahandusay sa sahig. Pinakiramdaman niya iyon ng ilang segundo. Napatakip ang kanyang palad sa kanyang bibig nang walang maramdamang pulso mula roon.
.
"Patay siya." Umiiyak siya'ng tumingala sa nakatayong si Nick. Halos hindi na makamulat ang isa nitong mata. "Napatay ko siya Nick." Pag-uulit niya sa mga salitang tumatakbo sa kanyang utak. Lumuhod si Nick upang daluhan siya.
.
"Shh. Hindi mo sinasadya Baby." Pang-aalo nito sa kanya habang nakayakap mula sa kanyang gilid.
.
"Napatay ko siya. Nakapatay ako Nick." Hagulgol niya sa bisig ni Nick. Halos ayaw niyang tanggapin na nagawa niya ang bagay na iyon. Kahit baliw si Herbert ay tao pa rin ito. At napatay niya ang lalaki. "Nakapatay ako Nick." Pahayag niyang muli.
.
"At bumili ako ng sumbrero." Wika ni Nick na ikinalingon niya rito. Nagtataka niya itong tiningnan. "Bumili ako ng sumbrero pero hindi ko paulit-ulit sinasabing bumili ako ng sumbrero. Walang sense Xy. Kaya natin 'to." Tumayo si Nick para isara ang pintuan. "Tulungan mo ako." Sabi nito sa kanya na ngayon ay pilit hinihila ang katawan ni Herbert. Balisa niyang tinulungan ang nobyo sa paghila sa bangkay ni Herbert. Dinala nila ito sa kusina kung saan may isa pa'ng pinto papunta sa likuran ng bahay. Binuksan ni Nick ang pintuang iyon at muling hinila si Herbert palabas.
.
"Ano'ng gagawin natin?" Tanong niya sa nobyo.
.
"Ililibing natin siya. Magpasalamat nalang tayo dahil malawak ang lupain ninyo at malayo ang kapit-bahay. Walang nakakita Xyriel kaya ligtas tayo." Sagot nito. "Bantayan mo siya. Kukuha lang ako ng pala." Dugtong pa nito bago umalis at muling pumasok sa malaking bahay. Kung nandito lang sana ang daddy niya. Hindi siguro mangyayari ito. Dalawa lang sila ng kanyang ama na nakatira sa bahay at lagi itong wala dahil laging naglalasing. Hanggang ngayon ay dala pa rin nito ang sakit nang mamatay ang kanyang mommy. Malawak ang lupain nila na natatamnan ng mga niyog. Iyon ang ikinabubuhay nilang mag-ama. Ang lupaing iyon ay minana pa ng kanyang ama sa mga magulang nito. Masyadong malayo ang mga bahay kaya wala manlang nakarinig o nakapansin na nagkakagulo na sa bahay nila. Maya-maya ay bumalik na si Nick na may dalang pala. Walang salita itong nagsimula sa paghuhukay habang siya ay nakatayo at tulala. Isa na siyang kriminal. Isa siyang mamamatay-tao. Hindi niya maalis sa kanyang isipan ang mga bagay na iyon. Nagising lang ang kanyang diwa nang hawakan ni Nick ang nanlalamig niyang braso.
.
"Halika na sa loob. Baka may dumaan pa at makita tayo rito." Nagpatangay siya sa nobyo papasok ng bahay.
.
"Mabuti nalang at dumating ka Baby." Sabi ni Xyriel habang pinupunasan ng bulak na may betadine ang hiwa sa gilid ng ilong ni Nick.
.
"Balak sana kitang i-surprise. Bumili pa mandin ako ng siomai. Sabi mo kasi kanina sa chat mo, wala kang kasama rito. Mabuti nalang talaga Baby. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ng hayop na 'yun sa'yo." Umusbong ang galit sa ekspresyon ni Nick kaya naman hinaplos niya ang namamaga nitong pisngi. Agad lumambot ang ekspresyon nito at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi nito. "Mangako ka sa aki'ng tatahimik ka Baby. Hindi ka pwedeng makulong. Mangako ka na wala ka'ng ibang pagsasabihan." Nagmamakaawa nitong pahayag sa kanya. Tumango na lamang siya bilang tugon.
.
.
***
Agad ibinaba ni Xyriel ang kanya'ng cellphone nang mabasa ang balita. Isang lalaking pasyente ang tumakas sa isang mental hospital at hanggang ngayon ay nawawala. Iyon ang sabi sa balita. Napatulala siya sa kawalan. Nagulat pa siya nang tumunog ang kanyang cellphone pahiwatig na may nagmessage sa kanya. Ang kaibigan nya'ng si Carla. 'Nabalitaan mo na ba? Nakatakas daw si Herbert. Mag-ingat ka diyan ha.' Iyon ang nakasaad sa mensahe nito. Lalong nanikip ang kanyang dibdib at nahirapan siyang huminga. Muling tumunog ang kanyang cellphone dahil sa dumating na message. Si Nick iyon. Kinakamusta siya. Sinagot niya ito na ayos lang siya.
"Nangako ka sa akin Baby. 'Wag mo nang isipin 'yun ha." Muling message nito sa kanya. Nagsend siya ng 'like' symbol bilang sagot. Wala siyang gana magtype. Naagaw ang atensyon niya nang biglang magsalita ang kanyang ama.
.
"Aalis lang ako sandali. Kumain ka nalang kapag nagutom ka." Sabi nito at hindi pa man siya nakakasagot ay lumabas na ito ng bahay. Naiwan siyang mag-isa sa malaking bahay. Sana ay hindi na lamang bakasyon ngayon. Nahiling niya sa sarili. Nagtungo siya sa kusina para kumain. may luto nang kanin sa rice cooker. Kumuha siya at nagsandok ng menudo mula sa kawali. Malamang ay binili iyon ng kanyang ama sa karinderya sa bayan at ininit nalang. Nagsimula na siya'ng kumain. Nakakatatlong subo na siya nang bumalik sa alaala nya ang imahe ng katawan ni Herbert. Duguan ang lalaki at wala nang buhay na nakahandusay sa kanilang sahig. Sinubukan nya'ng iwaksi iyon sa kanyang isipan at muling ibinalik ang atensyon sa kinakain. Nilagyan nya ng sabaw ng menudo ang kanyang kanin pero gulat nya'ng nabitawan ang serving spoon. Sa paningin nya ay dugo ang isinasabaw nya sa kanya'ng pagkain. Dugo ni Herbert na nagkalat sa sahig. Agad nya'ng inilagay sa lababo ang kanya'ng plato at binuksan ang gripo para malinis ang plato. Nang wala nang bakas ng menudo ay iniwan nya iyon sa lababo at pinatay ang gripo. Nagpasya siyang matulog nalang dahil wala naman na siyang gana'ng kumain. Wala rin siyang gana'ng kalikutin ang kanyang cellphone.
.
Ilang oras nang nakahiga si Xyriel sa kanyang kama ngunit hanggang ngayon ay gising pa rin siya. At ayaw niya nang ipikit pa ang kanyang mga mata dahil sa tuwing lalamunin siya ng dilim ay imahe lamang ng bangkay ni Herbert ang nakikita niya. At natatakot siya dahil doon.
.
Lumipas pa ang ilang araw at gabi. Nangangayayat na si Xyriel dahil sa kawalan ng tulog. Hindi na rin siya makakain dahil naaalala niya ang dugo sa sahig nang gabing iyon at pakiramdam nya ay humahalo iyon sa kanyang pagkain. Ilang beses na siya'ng tinatawagan ni Nick ngunit hindi nya iyon sinasagot. Kahit sino ay wala siyang kinakausap. Nakakulong lamang siya sa kanyang silid at pilit inaalis sa kanyang ulirat ang imahe ng bangkay ni Herbert.
.
Natauhan ang tulala nya'ng diwa nang marinig ang mga katok mula sa pintuan ng kanyang silid. Hindi siya nag-abalang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig habang yakap ang kanyang mga binti. "Xyriel, nandito ang nanay ni Herbert. Tinatanong niya kung hindi raw ba pumunta rito si Herbert." Nang marinig ang pangalang iyon ay muling bumalik sa kanyang isipan ang imahe ng lalaki. Nakadapa ito, duguan at wala nang buhay. Kumatok muli ang kanyang ama sa pintuan. "Xyriel?" Tawag nito mula sa labas ng silid. Naalala niya ang sinabi ni Nick. Na 'wag niyang sasabihin sa iba ang mga nangyari. Lumunok siya para pigilan ang pagpiyok bago sumagot.
.
"Hindi po." Mahina nya'ng sagot pero sapat na para marinig ng tao sa labas.
.
"Okay. Sasabihin ko sa nanay nya." Tugon nito bago niya narinig ang mga yabag papalayo.
.
Muli siyang nalunod sa madilim nya'ng mundo. Mulat na mulat ang kanyang mga mata na maitim na ang ilalim. Nanunuyo rin ang kanyang labi at namumutla. Magulo ang kaniyang buhok dahil hindi na siya nag-aabalang ayusin iyon o kahit maligo manlang. Nanatili siyang gano'n. Nanatili siyang ginugulo ng imahe ni Herbert. At hindi niya alam kung paano iyon tatakasan.
.
.
***
"Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya." Nanlulumong nilapitan ni Nick ang nobya. Nakaupo ito sa isang sulok ng silid. Nakayap sa kanyang mga binti habang marahang dinuduyan ang sarili at nagsasalita ng mag-isa. Sobrang payat nito at namumutla. Nangingitim na rin ang gilid ng mga mata. Umiiyak nya ito'ng niyakap at hinaplos ang malagkit at magulo nitong buhok.
.
"'Di ba sabi ko, 'wag mo masyadong isipin 'yun? 'Di ba sabi ko, kalimutan mo na 'yun?" Wika nya habang umiiyak.
.
"Pinatay ko sya." Tumingin sa kanya ang nangingitim nitong mga mata. Halos lumuwa na ang mga iyon mula sa pinaglalagyan. Lalo siyang nanlumo dahil sa kalagayan nito. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya." Pauli-ulit nitong pahayag. Maka-ilang ulit siya'ng tumango rito. Gusto nya'ng iparamdam kay Xyriel na may naniniwala'ng hindi nito ginusto ang krime'ng nagawa. Kung naging mas malakas lamang siya nang gabing iyon. Hindi sana ito napilitang gawin ang bagay na magiging dahilan ng pagkabaliw nito. Agad siyang tinawagan ng ama ni Xyriel nang mapansin nitong hindi na lumalabas ng silid ang anak at nang katukin ito ay hindi manlang nagsasalita. Pwersahan nitong binuksan ang pinto ng kwarto ni Xyriel kaya naman natuklasan nito ang kalagayan ng anak. At dahil wala itong magawa para makausap ng matino si Xyriel ay siya ang tinawagan nito. Agad siyang napabalik sa probinsya mula sa Manila dahil sa nabalitaa'ng kalagayan ng nobya. Kung hindi siya pumayag magpabugbog no'n, e' 'di sana maayos pa si Xyriel. Sana'y maayos pa ang lahat. Nagawa iyon ng kanyang nobya para iligtas siya. At dahil sa kanya ay naging miserable ito at hindi na naka-ahon pa mula sa pagkalunod sa sariling konsiyensya. Sana pala ay siya nalang ang nakapatay sa hayop na si Herbert. Sana'y siya nalang ang ginulo ng konsiyensya na ayaw magpalaya sa babae.
-WAKAS-
Dalawang Guhit
Maikling Kwento
***Ni:EmAeDi***
"Ano'ng oras ka na naman umuwi? Nakatulog na ako't lahat wala ka pa rin!" Kagigising ko lang ay sermon na ni Mama ang bumungad sa akin. Wala nang bago ro'n. Ako naman lagi niya'ng nakikita e. Hindi ko siya pinansin at dumeretso ako sa banyo.
"Lumalaki ka ng paurong Lea! Hindi ka tumulad sa ate mo, valedictorian." Dinig ko pa'ng dugtong nito. Walang imik ako'ng naligo sa loob ng banyo.
"Alis na ako Ma." Paalam ko rito.
"Gabi ka na naman uuwi Lea! Kailan ka ba titino?! Napapagod na ako sa kakapayo sa'yo! Hindi mo ba nakikita ang mga paghihirap namin ng tatay mo? Lea naman! Parang-awa mo na. Umayos ka." Pahabol nito habang nakatayo sa harap ng hapagkainan. Hindi ako sumagot. Pinihit ko na ang seradura ng pinto, pero bago ako tuluya'ng makalabas ay nagsalita pa si Mama "Hindi ka ba mag-aalmusal?" Malumanay na ang boses nito sa pagkakataong iyon.
"Hindi na Ma. Mahuhuli ako sa klase." Walang gana ko'ng sagot at tuluyan nang lumabas.
***
"Tagay mo na Lea." Sabi ni Mark habang iniaabot ang babasaging baso na may lama'ng dilaw na likido. Kinuha ko iyon at inisa'ng lagok. Napangiwi pa ako sa lasa no'n. Medyo nahihilo na ako dahil naka limang bote na kami. Birthday kasi ni King kaya nagkainuman ang barkada. Mas masarap kasi'ng sumama sa kanila. Naiintindihan namin ang isa't-isa. Hindi ko kailanga'ng magpanggap para pumasa sa panlasa nila. Hindi ko kailanga'ng pinuhin ang mga kilos ko dahil wala naman si Papa na magagalit sa kagaslawan ko. Higit sa lahat, walang magsasabi sa akin kung ano ang bawal at pwede. Isinandal ko sa balikat ni Glen ang aking ulo. Lumingon ito sandali sa akin at humalik sa aking bunbunan. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko sa bilog na lamesa na may sapi'ng bulaklaking mantel. Walo nalang kami'ng lahat na natira. Ang iba ay bagsak na. Tumingin ako sa relo'ng nakasuot sa kaliwa ko'ng braso. Alas-onse na ng gabi.
"Guys uwi na ako. Gabi na e." Paalam ko sa iba. Tumayo na ako at dinampot ang bag na nakalagay sa sofa, tinabig ko pa ang paa ng nakahiga sa sofa'ng si Fred na nakapatong sa bag ko. Umayos lang ito sa pagkakahiga at yumakap sa katabi'ng nobya. Tumayo na rin si Glen, malamang ay ihahatid ako.
"Ano ba yan Lea!" Biglang buwelta ni King na may hawak ng baso'ng tinatagayan ng alak. "Birthday ko e. Bukas ka na umuwi." Dugtong nito na halos pikit na ang mata habang nakatingala sa amin ni Glen.
"Oo nga Lea. May bakanteng kwarto naman d'yan. Dito nalang tayo matulog. Delikado na umuwi ng ganitong oras. Wala namang pasok bukas e." Singit naman ni Christine na girlfriend ni King.
"Ihahatid naman ako ni Glen." Pangangatwiran ko.
"Tapos? Mag-isa si Glen na babalik dito? Baka makursunadahan pa 'yan d'yan sa kanto. Hindi ko na kayang samahan 'yan. Lasing na 'ko." Muling wika ni King. Tiningnan ko ang iba nami'ng kasama. Ang iba'y subsob na sa lamesa. Ang iba ay nakahiga na sa sofa. 'Yung iba, ewan ko kung saang lupalop na napunta. Malamang, nagkapwestuhan na. Dumako ang tingin ko kay Glen. Nakatingin lang ito sa akin. Naisip ko, oo nga. Mag-isa lang siya'ng babalik pagkahatid sa akin. Hindi na kasi siya pwede'ng umuwi sa kanila dahil malamang ay sinaraduhan na ng pinto ng tatay niya.
"Bukas nalang 'hal. Baka kung mapano ka pa pagbalik mo." Sabi ko sa aking nobyo.
"Sigurado ka?" Sabi nito bago hinawi ang bangs na tumabon sa aking mata. Tumango ako bilang tugon.
"Doon na kayo sa kwarto ni Ate." Sabi ni King at tumayo na rin, hila-hila ang nobya niya'ng si Christine papunta sa kwarto ng lalaki. Ako nama'y inakay na ni Glenn papasok sa sinabing kwarto ni King.
***
Napatakip ako sa aking bibig nang tignan ko sa pangatlong beses ang hawak ko'ng aparato. Naluha ako at napasapo sa aking noo. Narinig ko ang tatlong magkakasunod na katok mula sa pintuan ng banyo kasunod ang boses na Glen. "'Hal? Matagal ka pa ba?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa toilet bowl at inayos ang aking sarili. Lumabas ako at naabutan ko ang kabadong mukha ni Glen. Iniabot ko sa kanya ang hawak ko. Ilang segundo niya iyong tinitigan bago bumaling sa akin ang naluluha niyang mga mata. Dahil sa ekspresyon niya ay hindi ko na napigil pa ang hagulgol na kanina pa gustong kumawala sa aking bibig. Niyakap niya ako upang pakalmahin.
"Shh... Tahan na. Pananagutan kita." Lalo ako'ng naiyak sa narinig ko. Paano na ang kinabukasan namin? Paano na ang pag-aaral namin? 17 years old lang kami at hindi pa nakakatapos. Paano kami mabubuhay?
"Bakit gano'n 'hal? Paulit-ulit ko nang sinampal ang sarili ko pero dalawang guhit pa rin ang nakikita ko." Umiiyak ko'ng pahayag.
-WAKAS-
Found my Pen Again...
The moon took a peek from the clouds, a sign that the night is about to start. The deafening sound of my alarm clock woke up my sleepy head. I grabbed my phone to stop the noise and to check the time as well. Realizing that it's time for me to get up, I stretched my arms to fight back from laziness. I checked my baby who is sleeping soundly beside me. Yes! I am a mom. A single mom. After making sure that he is fine, I jumped out of bed to have a coffee. No. I'm not a coffee lover. I drink it not because I love it but because my system needs it to survive the sleepy long night at work. You are right! I work the graveyard shift. I am in the call centre industry. I work from home due to pandemics. It's a good thing because aside from it being safer for my family, the setup is less hassle. I can steer clear from heavy traffic, truly a time saver, plus, I can work without taking a bath at all. Sounds funny but it's a fact. I do that sometimes.
Anyway, I am an ambivert. You can search that on google if you are not familiar with the word. I seldom go outside. I do if there is something important to do or to buy necessities unless I'm staying indoors all day, all night. I can do that, it's not boring. It's comfortable to be home. Well, we have different perspectives, let's respect everybody. And because of that, I have more time to spend with my baby.
If I have spare time, I write stories. Short stories. One-shot stories. It became my hobby, of course aside from reading novels. If you love novel books, we're friends. EmAeDi (M.A.D) is my pen name. You can call me that. If you want to know how I started writing, I am a bookworm. And it all started when I was in high school. Though I love reading already even when I was young, I became a certified bookworm when I was in high school. I enjoyed reading JK Rowling's Harry Potter Series. Don't forget Percy Jackson and more. But my favorite is Sophie's World by Jostein Gaarder. It's a great book. I highly recommend that. I also enjoy reading from ebooks, Tagalog stories. Then Wattpad emerged. That's when I met IAmRuruMonster. After reading his stories, it inspired me to write my own. I don't usually write stories but I love writing poems. I also won some poem writing contests in school before. I believe I was born to write. And being a bookworm ignited that passion inside me. And so I took the risk and tried to write a one-shot story. My friends loved it. That's when I got inspired more. But as I get older, life hit me hard. So hard I don't know know how to fight back. I lost myself. But what saddened me more is that... I also lost my pen. Then years passed by, I don't know where to find that writer whom I lost years ago. But you know what, God never leaves me. He gave me someone who will help me find my will to write again. And that is my Son. Then slowly, bit by bit, I started writing again. And so until now, I keep writing short stories. I will post my stories here from now on. looking forward to your reads. I want to share with you these what I call masterpieces because finally, I FOUND MY PEN AGAIN!
Have a good night everyone. Good morning to me.