Disclaimer: Hindi ko po layunin na itaas ang aking sarili. Gusto ko lamang po mag enjoy sa pagsasagot ng isa sa mga nagtrending na topic dito sa platform.
Ang akin pong sagot ay base sa karanasan ko mula elementary hanggang high-school lang. Hindi ko na isasama ang sa college dahil iba na ang grading system nung pagdating sa college.
Highest Top?
I graduated High School as Valedictorian. I am able to maintain the first honor spot since Second Year High School till 4th Year High-School.
Naalala ko nung second year high-school, around second grading na yun nung may nagtransfer sa amin na galing private school na student. Kamag anak sya ng isa ko ding kaklase. Hinding hindi ko malilimutan yung sinabi nya sa akin "Yari kayo dyan, matalino yan, talbog kayo sa utak nyan". Alam na alam ko na ako ang pinariringgan nya..
Hindi naman ako natinag dahil hindi naman ganun ka-big deal sa akin ang ranking sa classroom namin. Bakit? Kasi wala lang din naman yun sa aking mga magulang. Mula elementary ako, di ako nawala sa top pero never umakyat ng stage ang nanay ko para magsabit ng Ribbon sa akin (di pa uso ang medal noon) .
Pero pagdating naman ng bigayan ng card, first honor pa din naman ako at second honor naman yung tinutukoy nya na kamag anak nya. Umiyak pa yun nung malaman na second honor lang sya. Siguro pressured sya dahil teacher ang nanay nya, at mataas ang expectation sa kanya.
Naaawa ako sa mga kaklase ko na ganun. Yung pressured dahil mataas masyado ang expectation ng mga magulang nila sa kanila. Kaya feeling ko nun swerte pa din ako kasi walang pakialam nanay ko sa ranking ko sa school.
Lowest Top?
Top 7. First year high school ako nun - first grading. Nasa lower section ako dahil nag enroll ako na walang dalang class card dahil yung school na pinaggraduate-an ko ng elementary, di ko alam kung bakit ang tagal mag release ng class card. First honor ako sa section namin nung first grading.
Pero kalagitnaan ng second grading, pinalipat ako ng principal ko sa section A kasi hindi daw makakasama sa overall ranking pag nasa lower section. So ayun, second grading, top 7 ako, pero nabawi ko yun hanggang sa naging final rank ko after ng recognition ay top 4.
Mahirap nang mahila yung General Average dahil nung nasa lower section ako, ang laki ng difference ng grade ko sa kaparehong mga subjects at kaparehong teachers din.
Feeling ko may discrimination pag nasa lower section kaya ganun yung standard ng grading system ng mga guro.
Panlaban ng school?
Never ever!. Nabanggit ko sa mga previous articles ko na introvert ako nung panahon ng elementary at high-school days ko. Super shy type po ako na student. Ultimong sa teacher ko nahihiya akong makipag usap. Kaya never po akong sumali sa mga tunggalian noon na outside sa school namin. Iniiyakan ko kapag pinipilit ako. Kaya nga din ako natatalo sa ranking dahil sa extra curricular activities kasi hindi ako mahilig sa mga activities na kailangan ng social interaction. 70% academic and then 30% extra curricular ang grading system nung time ko. Kaya kung hindi ka talaga mahilig magsasali sa mga school activities, matatalo ka din sa ranking.
Pinepressure ng magulang sa grades?
Never ever din. As mentioned above, ang nanay ko ay parang ang nanay na walang pakialam sa kung anuman ang makuha namin rank sa school. Ni hindi din sya nagtatanong. Kapag kuhaan ng card namin sa school, hinahabilin nya lang sa iba yung sa amin. Tapos pipirmahan nya lang yun ng walang tanong tanong.
Naranasan ipaghanda ng magulang?
Never ever ulit!. Kahit nung high-school ako na graduate ako as Valedictorian. Naturingan na nasa Barangay lang namin yung school pero wala po akong kasamang nagmartsa na mga magulang. Wala pong guardian na naghatid sa akin sa upuan.
Naalala ko pa, may mga classmates ko na kasabay ko grumaduate eh may mga handa kahit wala sa top 10. Ako na nag valedictorian eh wala kahit na anong celebration. Pero okay lang din naman sa akin. Hindi naman din big deal. Pero andun lang yung feeling na siguro hindi sila proud sa akin. Pero sabagay nasanay na din naman ako na ganoon mula elementary palang ako.
Kaya kahit nung grumaduate ako ng college, wala din akong kasamang magulang. Niyaya ko lang yung tita ko para kahit papaano ay may kasama naman ako mag commute at may katulong magbitbit ng mga gamit.
Paano ka nagrereview noon?
Elementary days, hindi ko kilala ang salitang "review". More of stock knowledge lang po. Attentive ako noong school days ko. Nakikinig ako nang mabuti sa teacher namin. Pero kapag nataon na may absent ako at yung lesson nung time na absent ako ay kasama sa exam, expected na hindi ko masasagot.
Pero nung mag high-school ako, doon ko naranasan na gumawa ng pointers for review kasi isa sya sa requirements sa amin ng mga guro para mapirmahan nila ang permit para makapag exam kami.
Kada subjects namin noon ay may break na 1 hr. Doon ako sa break na 1 hr nagrereview ng para sa susunod na subject. Bale ang nirereview ko lang sa bahay sa gabi ay yung unang unang subject sa umaga. Kaya manage na manage ko ang time noon at hindi hectic or mukhang zombie dahil sa pagpupuyat. Hindi ko naranasan magpuyat sa pagrereview noong elementary till high-school.
Naging Class Officer?
Nung elementary, madalas manominate na auditor pero bihirang manalo sa botohan.
Nung mag high school naman, madalas Vice President kasi yung asawa ko yung palaging nananalo sa Classs President position noon - classmates po kami nung high-school.
Bonus trivia: Yung asawa ko po pala ang Salutatorian nung high-school kami. "Kami" na nung time na grumaduate kami ng high-school.
Ito nalang po muna ngayong araw. Maraming salamat pong muli sa panahong inyong ginugol upang basahin ang aking maikling akda.
Maari nyo rin pong bisitahin ang page ng aking mababait na mga sponsors. Hanggang sa muli mga kaibigan!.
I'm not sure why your parents were not that proud of you. Hopefully wala silang paborito? At antaray ng lovelife mo sis :)