Maulang umaga pa rin po sa inyong lahat!
Kamusta po sa inyong lugar noise.app fam? Humupa na din po ba ang ulan sa inyo? Sana po ay safe po kayong lahat. Mag ingat po tayong lahat.
Siyempre huwag natin kalimutan magpasalamat sa Diyos sa another day na tayo ay gumising. At salamat din po Lord sa biyayang ito, sa aming almusal ngayon. Nag sangag ako ng kanin hinaluan ko ng hotdog kaya di na ako nag luto pa ng ulam nila kasi 2 in 1 na daw sabi nga ng aking panganay hehe.
Pero ako tuyo ang uulamin ko hihi sa plain na kanin. Tapos sabayan ko ng kape para mas solb ang almusal.
Tara na po at kumain na po tayo!! Sino gusto ng tuyo meron pa po hehe
How are you all noise.app family? I hope that this post finds you all well. Please do stay safe, rain is really heavy right now. Rain is still pouring here in our place and Hubby is not yet here that's why this little one of ours can't sleep yet. She's fighting her sleepiness just to wait for her papa.
I asked Ela if I can take some photos of her and ofcourse this smile means a yes already. After taking some photos she is now looking at my phonr whilr I'm writing this and Ela is waiting for her pictures to upload.
Also, please join me to pray for safety of our families and friends especially those who live in low areas and in coastal areas. Thank you noise.app family!
Pritong patatas at pritong itlog
Hapunan na po muna tayo noise.app fam! Maaga ang hapunan ng chikitings ko ngayon kasi mag iigib pa ako mamaya hehe. Kailangang makapag sahod at makalaba ng kaunti. Kaunti lang muna ang pwede at maulan pa rin. Sana nga bukas ay humupa naman na ang ulan at tuluyan ng lumabas ang bagyo.
Kumain naba kayo? Ano pong ulam natin diyen?
#hapunanmunabagolaba
Signal#3
Kabubukas ko palang ng phone ko ulit ngayon at bumungad itong alert. Sana naman ay malusaw na ang bagyo. Ito agad ang bumungad sa akin at pati mga anak ko na alarma din kasi alam nila yung tunog ng phone ko kapag may emergency alert ang NDRRMC.
nakakalungkot ang mga nababasa ko sa social media tungkol sa mga nasalanta ng bagyo. Mag ingat po kayong lahat noise.app family. Sabay sabay po tayong magdasal na sana ay tumigil na sa pananalasa ang bagyong ito.
Cheesy Popcorn!
Malakas pa rin ang ulan ngayon dito sa amin, mula pa ito kaninang bago mananghali. Maulan pa rin po ba sa inyong lugar? Sana naman ay humupa na itong pag ulan ulan na ito at ang hirap kapag maulan lalo na sa mga binabahang lugar.
Naisipan kong magluto nitong popcorn, medyo matagal tagal na nung binili ko ito, buti na lang at pwede pa kasi hindi ko na ito nailuto nung magkasakit kami.
Tara na po kain po muna tayo!
Maulang Morning noise.app fam!
Mula kagabi umulan na dito sa amin hanggang ngayon. Pero ambon ambon na lang, sana humupa na ang bagyo sa iba pang lugar. Kamusta po sa inyong mga lugar, sana po ay safe po kayong lahat. Sa probinsya ng aking mama sa catanduanes ay nag ready na sila kahapon dahil nga papadaan na daw doon ang bagyo.
Kakatapos lang mag almusal ng chikitings at ito naman pong isda ay baon ni mister sa trabaho para hindi na siya bumili. Tamang pang asim lang po ang inilagay ko itong bunga ng sampalok para masarap higupin ang sabaw.
Nag almusal na din ba kayo noisefam?
Matutulog na lang may katabi pang Panda, este notebook!
Sabi ko sa aking panganay kung anu nanaman ba itong nasa tabi niya bago matulog. Akala ko yung kagaya nung nilalaro niya dati na parang notebook siya pero maraming suksukan ng ibang mga drawings. Para siyang scrap book pero pwede kang makapag laro gamit yun. Napanood niya sa isang video yun dati eh kaya naisip niya daw gayahin.
Pero mali pala, ito pala ay notebook na kung saan may multiplication table sa likuran. Para daw kasi kapag nagigising siya ng alanganin pampaantok niya itong pag memorize ng multiplication table. Nasa number 6 na siya ngayon eh at sana eh matapos niya na po.
Kain na po tayu!
Salamat po Lord sa aming pagkain ngayong gabi. Nag patong ako ng ilang pirasong okra sa sinaing kanina hehe para di na ako mag i steam ng separate, naka save na sa oras, naka save pa sa gas. At itong ilang pirasong isda, siyempre di mawawala ang sawsawan. Bagoong with burong suka at isang sili.
Kakain lang ako ng kaunti at mamaya eh need ko pa sabayan si mister ko kasi para may kasabay siyang kakain. Tara na po tayo'y magsikain na.
Reading Mode muna ang kuya namin!
Pagdating kanina ng mga bata, nagpahinga muna pagkatapos ay tinuloy na ng aking mga estudyante yung tinutupi kong mga damit nila. Tapos nag meryenda muna sila ng biscuit. After nun ito na ang ginagawa ni kuya Mj. Medyo busog pa daw siya kaya mamaya na siya kakain sasabayan niya daw si papa niya. Ang kondisyon ko kasi sa aking mga anak kapag walang pasok kinabukasan pwede sila magpuyat at mag wait kay papa nila. Kaya ngayon tuwang tuwa sila kasi maaantay nila di papa nila mamaya.
Kayo po ba ganun din kayo sa inyong mga anak na estudyante kapag walang pasok kinabukasan pwede silang mag pa late ng tulog?
Oo nga pala, hapunan time na, kain na po kayo diyan!
Tilapya with kalamansi at kamatis!
Lunch time na noise.cash and noise.app Family! Huwag natin kalimutan magpasalamat sa Diyos sa biyaya at sa pagkain na nasa hapag kainan natin. Maaga akong naghatid sa aking anak na grade 3 si ate Jemjem kasi maaga daw sila mag sisimula mag exam.
Ang sarap nitong isda kasi sariwa siya nung nabili ni mother earth. Isa din ito sa paborito ni mama yung tilapya na sinabawan at nilagyan ng kalamansi. Nagluluto din po ba kayo ng ganito?
Kalapati Girl aling maliit!
Pagkahatid ko sa aking mga estudyante kanina, lumabas na kami nila Ela at magwawalis na ako sana sa bakuran. Kita niyo naman po hehe ang dami agad ng dahon. Bale umaga nagwawalis ako tapos pagkasundo ko sa mga estudyante sa hapon nag wawalis din ako ulit kasi madahon na kaagad. Tag lagas kasi ngayon hehe ang dami pa naman naming puno dito sa amin. Kaya itong mga dahon na ito mula lang ito kahapon ng hapon hehe at magdamag.
Kaya lang nauna na magpatuka si kalapati girl hindi pa ako nakakawalis bumababa na ang mga kalapati at lumalapit na kay Ela kaya ayan hehe nauna na ang pakain kaysa linis.
Magandang umaga po ulit sa inyo, happy Friday!
Magandang morning po!
A blessed Friday po sa ating lahat kamusta po kayo?
Kami maaga kaming bumabangon palagi para maagang makapag gayak ang aking mga estudyante sa pagpasok sa school. Nakaligo na sila at nakakain, waiting na lang sa oras ng pagbihis nila kaya naupo muna ako saglit hehe.
Itong picture po na ito kanina ito pagbangon namin si Smigol bumangon din pero inantok pa yata ulit pagbuhat ko eh humiga pa saglit sa akin hehe.
Muli goodmorning po! Salamat po Diyos namin sa another magandang gising!
Magandang gabi po/ Goodevening!
How's your day noise.app family? I hope that you're all doing well. Are you eating your dinner right now? Or you're about to go to bed?
We finished eating our dinner and right now kids are about to go to bed. We had fried fish and seaweed called arusep for our dinner earlier and kids had so much fun eating. It's their first time to see arusep the green seaweed I post and shared here few hours ago. I hope you enjoy having your meal with your family too.
It's bedtime for kids right now but after putting kids to sleep I have to get up and do the other chores to finish what I am doing so that tomorrow I am not that super buzzy bee lols.
#DoWhatYouCanDoToday
Kumakain po ba kayo nito?
Hello po sa inyo magandang gabi! Nagluluto na rin ba kayo o nakaluto na hehe
Arusep daw ang tawag nito dito sabi ng aking mother-in-law pero alam ko sa ibang lugar iba ang tawag nila dito hindi po ba noisefamily? Dati nakasubok na akong makakain nito tapos ngayon na lang ulit ako makakakain. Pang terno sa pritong isda kasi kanina inalok si nanay ng mura na isda na tilapya yung gloria po kung tawagin nila.
Kaya prito muna ako mga ka ingay at maya maya ay magugutom na ang ating mga little bossings. Exam pa rin nila bukas kaya dapat maaga sila makatulog today.
Checking time!
Check muna ang Blood pressure ni kuya. Kasi dapat mag dodonate kami pareho ng dugo pero hindi siya na approve. Kahapon galing na siya doon sa kigar kung saan mag dodonate kaya lang masyadong mataas ang bp niya. Ngayon pag check ko 140 over 120 kaya mataas pa din.
Hindi pwede talaga makapag donate kapag ganun kataas ang blood pressure. Ako naman hindi pa ako nakakapag pa check kung pwede ako. Kailangan din kasi healthy at normal ang dugo bago makapag donate.
Kasalukuyan kasi nasa hospital ngayon ang father-in-law ni ate ko, para sana sa kanya ang mga blood donations namin. Sana kapag ako eh nakaluwag sa oras makapunta na ako para makapag donate doon.
Magandang hapon po sa inyo, sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan lahat noise.cash and noise.app family!
Late lunch po tayo mga sister and brother!
Ito na ang gulay, pampakulay ng buhay. Salamat Lord sa aming pananghalian po ngayon. Hindi nga ako nagkamali at naku nagustuhan nila ito. Sa susunod sana maka tiyempo pa ako ng mga murang gulay para makapag gulay gulay kami ulit. Naparami ang kain ng aking dalawang estudyante na nag exam kaninang umaga. Ngayon naman ay yung grade 3 ko ang may pasok si ate Jemjem. Naihatid ko na din siya sa school kaya lunch time na muna.
Mamaya kasi ay aalis ako, may kukuhanin akong papel para doon sa isang aapplyan ko na trabaho. At isasabay na din ni mother earth ang pag papagiling ng kanyang peanut butter doon sa kanyang suki. Pero bago ang lahat kain po muna tayo!
#ThankYouGod
#lunchtime
#healthIsWealth
Bulaklak ng kalabasa ✔️
Patola ✔️
Kamote✔️
Talbos ng sitaw✔️
Yehey! Ito ang mga gulay na talaga namang hindi matatanggihan. Ang sarap nito mamayang lunch. Luto time po muna tayo mga momsh ko diyan nakasundo na ako ng aking mga estudyante kani kanina. Maaga aga sila pinalabas kasi exam day nila ngayon at bukas.
Luto po muna tayo! Salamat po Lord sa another biyaya!
Sinigang na isda sa sampalok!
Si nanay ang nagluto nito para sa aming hapunan noise.cash and noise.app family. Nag sahod kasi ako ng tubig at naglaba ng kaunti para bukas ilalabas na lang ang sinampay. Another job nanaman ang natapos ko ngayon hehe. Salamat kay nanay at nagluto siya nitong aming ulam. Sabi niya siya daw ang magluluto.
Maasim asim at ang sarap nagustuhan ng mga bata ang aming hapunan. Asim kilig pa sila sa paghigop ng sabaw hehe.
Salamat po Lord sa inyong biyaya. Kain na din po kayo noise family!
Talbos ng kamote!
Nanalbos ako kanina kila mother earth dahil may tira pang tinapa kagabi na tamban. Ayun na ang aking inulam, sinawsaw ko sa bagoong may kaunting suka. Solb na solb ang pananghalian hehe lalo at nakakamay pa kumain. Mas masarap pa talaga ang kain kapag ganito ang ulam namin kaya naku kahit araw arawin na ganito nilagang gulay tapos may tinapa or tuyo ay solb na.
Kamusta po kayo noise.cash and noise.app family? Nakapag hatid na po ba kayo ng inyong mga estudyante?
Mag aral mabuti mga anak ko ha!
Salamat po Lord God at okay na sila, kumpleto na silang nakakapasok sa school simula ngayon. Haay laking pasalamat ko talaga sa Diyos at napakabuti niya hindi niya hinahayaan na sumuko tayo sa mga pagsubok, first time nangyari sa amin ang mga pagsubok na dumaan kaha talagang napakabigat at hindi pa man din nakaka ahon ay meron nanaman pero lahat ng yun ay alam kong kakayanin namin dahil wala naman binibigay si God na pagsubok na di natin kakayanin.
Laban lang po tayo! Salamat sa aking mga pamilya dito na laging handa na magpayo at tumulong sa amin.
May pasok ka din ba Ela?
Goodmorning from our little one!
Malapit na kami matapos mag gayak ngayon ng aking mga estudyante. Itong aming aling maliit kapag nagising na ang mga ate kailangan gigising na din siya eh. Minsan pa nga mas nauuna pa siya akala mo may pasok din hehe.
5am talaga ang bangon namin ng aking mga estudyante pero minsan mas inaagahan ko lalo na kapag sa kahoy ako magsasalang ng mainit na tubig nila na panligo. Minsan mas gusto ko doon mag luto sa labas para tipid na naiinitan pa ako lalo na ngayon ang lamig lamig hehe. Maya maya gigisingin na ni Ela si papa niya hehe.
Goodmorning po ulit!
Sa wakas nakauwi na rin si Mister
Nakakain na rin siya ng hapunan, kapag ganito mas hinihintay ko siya kasi nawawalan siya ng gana madalas kumain kapag mag isa lang siya kakain. Kaya hanggat mahihintay ko siya ganun ang ginagawa ko. Ang tagal kasi ng biyahe talaga lalo kapag ganitong oras na dito sa lugar namin, kanina nag message siya 10:13 pm nasa paradahan na siya ng jeep pero mahaba daw ang pila (nasa second pic) tapos nung siya eh makarating na dito sa kanto sa may sa amin wala pang tricycle.
Nagsi garahe na yata ang mga namamasada kasi maulan. Medyo marami rami din silang pasahero, tamang tama at may mabuting puso na nagsasakay naki angkas na si mister ko para makauwi lang din. Nilutuan ko siya ng noodles pang dagdag sa tinapa. Namiss namin ito pero hindi na masyado na enjoy ang pagkain dahil hapong hapo na siya sa biyahe. Bawi na lang bukas sa pagkain sabi ko sa kanya.
Ang laki ng sakripisyo ng ating mga mister at maging tayo rin na mga nanay para maitaguyod ang pamilya kaya saludo ako sa mga magulang mga nnays at tatays! Ate at kuyas! Bilib po ako sa inyo sa walang sawa po ninyong pagtaguyod ng pamilya, Maraming Maraming Salamat po! Salamat din kay God sa mga buhay po natin!
Nagkakape lang kami ni mister pagkatapos ay makakapag pahinga na rin at bukas panibagong araw at hamon nanaman ang haharapin!

Pigil na pigil ang antok baby ko ah!
Ang Aling maliit ko, sleepy mode na pero pinipilit pigilan kasi hanap niya pa din si papa niya ih. Kinakausap ko nga siya sabi ko sleep na muna gigisingin ko na lang siya mamaya. Pa out na din ang papa namin ngayon kaya lang nakakauwi siya after 2 to 3 hours pa. Kahit kasi malapit lapit lang kami ang matagal ay ang mag hintay ng jeep at trike dahil sobrang daming pila ng pasahero. Pero kung sa dati na nakakapag motor siya wala pang 45 minutes ay nandito na siya. Kaya pag susumikapan namin talaga ulit na makakuha si mister ko kahit second hand lang na motor.
Ilang weeks palang pero ang laki na ng ibinagsak ng katawan niya kasi kulang na kulang na ang pahinga niya at tulog. Minsan ang tulog niya wala pang 5 hours pero sagad sagad ang trabaho. Haay isa yan sa pangarap ko ngayon ang makapundar kami ulit ng service niya after maka ahon ahon sa aming mga bayarin.
Kapit lang tayo papa namin, at pag tutulungan natin yan. Dalian mo na umuwi hehe kung pwede lang lumipad eh, Si Ela waiting pa rin sayu papa.
Recess time nanaman daw si kuya MJ
Pagkadating ayan agad ang hinawakan niya pagkabihis niya. Mag practice ng cursive,yan daw ang bilin ng teacher. Mabuti na lang at may biscuit sila ulit, bigay ng aking ate. Salamat Ate, Salamat din sa Diyos sa lahat lahat!
Oo nga pala, noise family, familiar ba kayo sa tupad? Meron din po ba nun sa lugar ninyo, yung mga nag ko-community service. Nag lilinis ng mga daanan. Nag try kasi ako mag apply dahil sabi nung nakaraan pwede daw mag apply lalo na wala naman akong work. Sinabi ng mama ko i try ko, kasi di pa ako nakakapunta doon sa Lugar kung saan talaga ako dapat mag aapply.
Sana ay matanggap ako 10 days daw yun na mag lilinis, pwedeng mag damo, mag tabas or mag walis. Sana palarin ako na matanggap. Dalawa kami ng kapatid ko nag apply.
Mamaya ay lutuan time nanaman nga pala, nakaisip naba kayo ng uulamin? Kami tinapa na tamban! Yehey! Namiss ko yun kaya mukhang mapaparami ang kain mamaya.
Magandang hapon po!
Nakatapos na din sa aking labahin, nagkaroon kasi kami ng supply ng tubig ngayon kaya sinamantala ko makapaglaba. Pero ang panahon di yata nakiki ayon ngayon sa akin hehe. Minsan may mga ganung pagkakataon talaga ano po? Naexperience niyo na din po ba yun, magsasampay kana sana pero umambon na agad hehe
Kaya ito dito na lang muna sa loob lahat ng sinampay. At sakto naman na ang kapitbahay ko nagtawag kani kanina, inabot itong tinapay. Nagbigay sila para sa mga bata kasi may sobra daw sa kanilang gawa. Si Ela tamang tama hindi siya nakatulog nag lalaro sila ni Jemjem kaya ito kumakain sila ngayon. Salamat po sa Diyos sa blessing na natatanggap namin.
Kamusta po kayo noise.app fam? Kamusta po ang panahon diyan?
Magandang umaga!
Maaliwalas ang panahon ngayon dito sa aming lugar, sakto lamang ang init at hindi rin gaanong malamig. Minsan talaga kahit umulan sa gabi ay ganito na bigla ang panahon dahil sa biglang pabago bago ng klima.
Oo nga pala, kamusta po ang inyong umaga? Tayo na at sabay sabay tayong magpasalamat sa Diyos dahil binigyan niya nanaman tayo ng isa pang araw. Salamat sa Diyos sa ating mga "gising"
Dahil sabi nga po diba, every gising is already a blessing! Magandang umaga po sa inyong lahat!
Sleep time na, Sleep time na din ni Smigol! Inantay niya yata talaga ako makatapos hehe. Di rin siya mapakali kanina pa eh.
Maaga aga ako nakatapos sa mga gawain ngayon noise.app family. Salamat sa Diyos sa kalakasan na pinagkaloob niya sa akin, at sa ating lahat. Another day is about to end nanaman, sana po ay nag papahinga na rin po kayo diyan kung nasaan man kayo.
Bilang nanay marami talagang ginagawa pero super worth it kapag nakatapos kana ng gawain. Ang iba kasing gawain, nagagawa ko kapag nakapagpatulog na ako kay Aling maliit. Nitong mga nakaraang linggo mas naging malapit pa siya sa akin at palaging sinasabi niya na "mama punta", pag ganun gusto niya sa akin pumunta, hindi na siya gaanong bulol hehe dati kasi yung punta niya ay "pata" hehe. Kaya kapag nalilibang siya mag laro sinasamantala ko naman magtrabaho sa bahay para makarami ng tapos.
salamat po Lord sa lahat lahat! Tulog na ang mga chikitings ko, ako din ay nakahiga na kaya nakabisita na ako sa inyo dito.
Goodnight mga sis, mga bro, mga ate at mga kapatid!
Pang dagdag sa aming ulam!
Heto na nakasalang na itong patola ulit at papaya, wala na kasing ibang gulay sa tindahan kaya ito na lang ang idadagdag ko sa ulam namin. Sayang at wala silang tinapa kasi madalas bago at hindi maalat ang tinda nilang tinapa na tamban.
Magandang gabi po, kayo ba ay nag hahanda na rin ng hapunan?
Tara na magluto na tayo noisefamily!
Magandang hapon noise.app family!
Sunduan time muna ng aking mga estudyante at pagkatapos ay walisan time naman sa labas. Tag lagas ang mga dahon ngayon kaya tuwing hapon kapag hindi maulan nililinis na namin kaagad. Tutulungan ako ng mga anak ko sa pag wawalis kasi parang bonding na rin namin iyon.
Ngayon palang ay iniisip ko din kung anung ihahain mamaya sa hapag kainan hehe, mag titingin ako ng mga gulay ulit. May natira pa nung kanina kaya isipan ko na din ng katerno para mamaya ay iluluto na lang.
Magandang hapon ulit!
Pananghalian na sari saring gulay!
Magandang tanghali noise.app family! Kamusta po kayong lahat, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan lahat ngayon. Kakauwi lang namin ni, hinatid namin ang aking dalawang estudyante sa school kaya medyo late ang tanghalian. Pero ang mga chikitings ko hindi pwedeng mahuli ang pananghalian nila, kanina pa ako nag ready nitong gulay para pag uwi nila eh makakakain na sila kaagad at papasok pa ulit.
Patola, papaya at itong gabi na bunga ang ginulay namin kaya nga ang sarap ng higop kanina eh kasi malinamnam at manamis namis siya. Hinaluan ko lang din po ito ng sardinas para pang dagdag.
Kayo po ba nakapananghilan na?