read.cash Log in

@JhennyDR

Joined 23 April 2022 · 5112 posts

120 KT

0 KT · 5¢ received · 0 KT given

Posts

@JhennyDR

Salamat po Diyos ko sa pag iingat sa aming lahat, maayos na po at tuloy tuloy na nakaka recover ang aking mga anak. At nagpapasalamat din po ako sa ginawa ninyong instrumento kagabi. Alam niya po yun kung sino siya, napakabait at napakabuti niyang ate sa amin. sobrang salamat po ate sa pag inspire at sa pagtulong sa amin. Nakapasok na sa wakas ang dalawa kong anak. Si Jemjem kaunting pahinga na lang at makakapasok na rin siya. Kailangan nilang makapasok kasi exam week na pala ngayon. Mabuti na lang din talaga at napaka blessed din dahil magagaling na sila. Si Ela din ay hindi na nag loko kagabi nung magising siya ng alanganin hindi na siya hirap huminga. Kuha ko po ito kaninang umaga, pagpasensyahan niyo na noise.app fam kung medyo late nanaman ako nakapag bisita dito kasi nabusy na ang inday maaga palang hehe gusto ko yung ganito busy sa raket at busy sa bahay at sa mga bata para maging produktibo ang araw. Magandang umaga po sa inyong lahat!

@JhennyDR

Tinola! Chicken Tinola na mas maraming sayote, diskarteng malupit na lang ang katapat para mapagkasya ang budget. Kailangan kasi magbawi bawi ng mga chikitings ng kain kaya madalas ay may sabaw ang niluluto ko para mas ganahan sila. Kumain na din po ba kayo? Kain na po kayo noise.app fam ha wag kayo papagutom. Maulan dito ngayon sa amin, sana wag naman sobrang lakas mamaya pag pauwi na si mister ko at ang hirap magbyahe ng maulan. Maulan din ba sa inyo?

@JhennyDR

Ang aling maliit happy na happy na! Kaunting sipon na lang at ubo ang nararamdaman ni aling maliit ko. Ang aking mga anak ay tuloy tuloy ng gumagaling kaya kahit papaano ay nababawasan na ang aking pag aalala. Ganun yata talaga ang magulang hindi talaga hahayaan na mapano ang kanilang mga anak. Hindi talaga kasi ako makatulog simula nung may sakit sila. Ngayon lang kasi nangyari na ang tagal nilang nagkasakit hindi kagaya ng dati na isang araw ay okay na. Ang saya saya ko ngayon! Happy Sunday po sa inyong lahat!

@JhennyDR

Baon ni Mister Naging abala ako mula kaninang umaga kaya hindi pa ako nakabisita sa inyo. Maaga akong nag labas ng mga sinampay at naglaba ako ng mga sapin at kumot para makatuyo din. Nakapagluto na rin ako ng tanghalian at ito nga ay ang adobo, nakapaghanda na rin ako ng baon ni mister. Araw araw hindi ko pinawawalan ng baon si mister kasi para di na siya bibili at para mas madagdagan ko pa ang baon niya. Dalawa ang hinahanda ko dahil mahaba masyado ang oras niya sa trabaho. Ito ang tanghalian niya mamaya at yung isa naman ay pang meryenda niya. Kayo po nakaluto na din ba kayo?

@JhennyDR

Picture time before bedtime! Game na game ngayon mag pa picture itong aking dalawang junakis. Si ate Missy at ate Jemjem kasi ay pareho nang nakatulog kani kanina kaya naman matira matibay itong aking dalawang chikiting. Ang ganda na ng ngiti ng mga bebes ko, nakaka ginha ginhawa na kasi sila sa pakiramdam nila nung mga nakaraan. Nakakahinga hinga na rin ako ng maluwag. Kaunti na lang mga anak at makakapasok na kayo sa school, siyempre maliban kay aling maliit. At sa mga susunod rin na araw magiging abala na ako sa pag hahanap ng trabaho, kailangan ko ng makahanap ng work para matulungan ko si mister ko sa mga bayarin namin. Medyo hindi talaga sinuwerte sa pag aapply ko online, hindi na kasi sapat ang Kita ko sa aking part time kaya kailangan ng mag banat ng buto hehe. Anyways, nag dinner naba kayo diyan noise.app family?

@JhennyDR

Popcorn! Popcorn po muna kayo riyan! pinagbigyan ko na ang request ng mga bata na popcorn kasi matagal tagal din silang hindi nakakain nito dahil nung magkasakit kami di na ako nagluto. Salamat po Lord at nag okay okay na ang mga anak ko. Wala ng may lagnat sa kanilang apat. May kaunting ubo na lang at sipon pero ang dalawa ay makakapasok na sa school sa lunes. Haay thank you po Lord, salamat din po sa inyo noise family sa pagsama ninyo sa pagdarasal para sa amin. Tara na at mag meryenda po tayo!

@JhennyDR

Mongo Buchi! Ang sarap pala nito noise.app fam. Madalang na kasi ako bumili ngayon nh tinapay sa iba dahil dito sa katabi namin ay nag titinda ng tinapay. Dala ito nk mister ko kagabi eh masarap siya sa 6 pesos sulit na ang isa. Maya maya palang ako mag lunch kasi tinapos ko ang mga labahin ko,kailangan ko matapos ang labahin na mga damit para bukas ang mga kumot at sapin naman. Kayo po nag lunch naba kayo diyan?

@JhennyDR

Ginisang upo po kayo diyan noise.app fam! Kamusta ang inyong friday? Nagdinner naba kayo? Kung hindi pa eh tara na po sabayan na ninyo kami maghapunan. Minsan sobrang aga namin maghapunan, minsan naman sobrang late. Depende din kasi sa oras ng meryenda nila minsan. Maaga aga pa itong hapunan namin ngayon para makapag pahinga din ng maaga ang mga bata. Kailangan bumawi sika ng husto ng lakas at sa lunes balik sabak nanaman sila sa eskwelahan. Hindi ko alam kung excited ba sila o natatakot na silang pumasok. Natatakot sila kasi baka mahawa ulit sila ng sakit doon. Ayun daw kasi ang nangyari nitong bago sila magkasakit dahil nga may kaklase silang pumasok na may lagnat,ubo at sipon. Nalaman lang ng teacher nung ng kaklase na sila kaya pinauwi, nag bababa pa daw ng facemask ang kaklase nila na yun kaya talagang marami sa kanila ang nahawa. Haay ito nanaman ang hamon sa amin, sana naman this time eh maging okay ang pagpasok nila.

@JhennyDR

Smigol na antukin Panay na ang inat ni Smigol kanina at tuluyan na ngang inantok. Nagpapasalamat ako dito kay Smigol kasi sabmga sitwasyon na ganito sa pamilya namin isa siya sa nakakapag palibang minsan sa mga bata lalo na kapag tatabi siya sa amin. Kahit ako nakakatulong si Smigol sa akin parang stress reliever na din siya para sa aming lahat. Ayan at inaantok na talaga siya kailangan na din niya matulog kasi mamaya gising nanaman siya sa gabi eh. Ang mga bata naman ay mag memeryenda na ngayon ng biscuit nila. Kayo po nag meryenda na din po ba kayo?

@JhennyDR

Finally! Nakita ko rin silang nagsama sama na naglalaro ulit. Hindi yung magkakahiwalay kasi yung isa may lagnat hindi makabangon. Ngayon ay sipon na lang at ubo ang nararamdaman nila at wala na silang lagnat na tatlo. Si Ela sana ay sumunod na rin sa paggaling. Nag babasa sila ng kwento tapos may mga tanong sasagutin ng mga nakikinig. Haay salamat po Lord!

@JhennyDR

Nilagang gabi/Taro! Kumakain din ba kayo ng nilagang gabi noise family? May nagbigay sa amin nitong gabi, bagong ani siya kaya malabo at masarap. Madali pang lutuin kasi bagong ani palang siya. Masarap ito isawsaw sa asukal pero pwede rin sa asin or as is lang kainin na siyang ganito. Doon sana ako magsasalang sa kahoy pero lahat pala ng kahoy ay nabasa dahil natabig ng aso namin yung lagayan kaya nalaglag lahat, haay. Anyways, tara na po at sabay sabay natin pagsaluhan itong gabi or taro!

@JhennyDR

Sopas po muna tayo! It's dinner time nanaman, ito ang naisip kong lutuin ngayong gabi para makahigop sila ng sabaw. Lalo na ang mga bata at si nanay, sana maraming makain si Ela kasi dati kapag nagluluto ako ng ganito gustong gusto nila at marami silang nakakain. Pinapalamig ko muna ng kaunti para katamtaman lang ang init kapag kinain na nila. Maaga akong nagluto ngayon para anytime kapag nakakain na sila makakapag pahinga na o di kaya naman ay pag inantok makakatulog na. Kayo po ba nag dinner na din? Kung hindi pa po tara na po at mag hapunan na!

@JhennyDR

Lumpiang Toge Meryenda po muna kayo diyan, maaga kasi kami masyado nakapag tanghalian kaya napaaga din ang meryenda namin ngayon. Hindi namin gaanong na enjoy ang lumpia nung nakaraan dahil na rin sa masasama ang pakiramdam namin nun lalo na ako kaya heto at may part 2. Gumawa ako ngayon ng lumpia habang si Ela ay nakatulog sa kwarto kanina mabuti na lang at nakatabi sa kanya si Missy para makapag tapik sakaling umiyak. Gusto din ni nanay itong lumpia, si nanay ang gumawa nung nakaraan pero ngayon siya naman ang masama ang pakiramdam nahawa na din sa amin na may mga sakit. Sana ay mag tuloy tuloy na ang pag galing naming lahat dito sa bahay at nang hindi na ako nahihirapan makatulog. Gabi gabi kasi nag aalala ako kaya ayoko ng ganitong may nagkakasakit kasi di ako nakakatulog talaga ng maayos lalo na sa mga anak ko. Palagi kasi ako nag oobserve sa kanila.

@JhennyDR

Nag smile na ulit ang ate Jemjem ko! Thank God at bumubuti buti na ang pakiramdam ni ate Jemjem namin. May kaunti na lang daw na masakit sa lalamunan niya. Nakakakain na siya ng maayos kahit papaano. Ulam namin ay tinola, kaunting manok lang ang niluto ko dinamihan ko ng sabaw at papaya dahil yun naman din ang mas kinakain nila. Si Ela na lang po Lord God sana makabawi bawi na po siya. Nilalagnat pa din kasi siya paminsan minsan sa gabi kaya pagkagising sa umaga madalas masama pa rin ang pakiramdam. Salamat Lord sa pag iingat sa aming buong pamilya, Hindi Mo po kami pinapabayaan😇 Magandang umaga sa inyo noise.app family! Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan lahat!

@JhennyDR

Monggo para sa hapunan May tira pang mongo kanina kaya ito ininit na lang namin at ito na ang hapunan namin ngayon. Pero nagluto din ako ng sabaw ng mga bata. Nilagyan ko ng patatas at carrots ang soup para mas malasa ang hihigupin nilang sabaw kasabay nitong monggo na ulam namin. Medyo natuyo na kasi siya. Kayo po ba naghapunan na rin? Natatakot nanaman ako at baka mawalan ng kuryente dito sa lugar namin dahil kumukulog at kumikidlat ngayon senyales na baka umulan mamaya. Sana makauwi na muna si mister ko bago bumuhos ang ulang malakas. Stay safe po noise.app fam sa mga uuwi palang diyan ha sana po may payong kayong dala para kung sakaling umulan may roon kayong pananggalang.

@JhennyDR

Gasul, gasul, gasul! Buti na lang ay mas nag mura ng kahit paano pero malaki pa rin kumpara dati. Hindi pa kami makabili kaya sa kahoy muna mabuti at may mga naipon ipon na kaunting kahoy sa lutuan sa labas bago umulan haay. Ngayon din dito sa amin hindi na daw kagaya ng dating patakaran. Dapat daw ganitong kulay at tatak lang ang tangke na pwede mong bilhan hindi na pwede ang ibang de kulay. Kapag sa ibang tindahan ka naman pupunta sobrang mahal ng singil sa mga de kulay na ibang tangke haay may mga nananamantala pa rin talaga alam nilang kakailanganin kaya mamahalan naman nila ang singil sa hindi ganitong klaseng tangke. Ang buhay nga naman oo, kailan kaya sila magbabago.

@JhennyDR

Meron na ulit dalandan! Kagabi ito dala ni mister, sinubukan niya kasing pumasok sa trabaho at kailangan na daw. Kahit may sinat sinat pa eh talagang pinilit niya na pumasok. Tuwang tuwa ang mga bata kasi gustong gusto nila ito sinasawsaw sa asin minsan pero kapag matamis ay hindi na. Grabe ang bilis ng oras mag aalas dose na, dibale malapit naman na maluto ang mongo, yun ang ulam namin ngayong tanghali. Namiss ko na sana ang tuyo or daing kaso di pa daw pwede ay. Kayo po ano pong ulam ninyo?

@JhennyDR

Magandang umaga noisefamily! Nag libang libang na si Ela kanina, haay salamat naman din at bumuti buti na ang pakiramdam niya. Si ate Jem naman masakit pa rin ang lalamunan at di niya kayang tiisin kaya naiiyak siya kanina. Doble ang sakit sa ating mga magulang kapag nakikita natin na ganun sila pero kailangan natin ipakita sa kanila na di tayo nanghihina kasi sa atin din sila humuhugot ng lakas. Nakita kasi ni Ela ang clay doh at ayan sila ni missy yan si missy nag guide sa kanya kanina habang nag iigib ako ng tubig. Magkakape na muna ako ngayon, kayo po ba nagkape na?

@JhennyDR

Chicken Sinigang / Sinigenggeng Naalala ko yung dating classmate ng anak ko. Kapag yung mama niya naghatid na ng pagkain sa school nila ng lunch break. Sumisigaw siya kung anong ulam tapos mag sasasayaw at ang isa sa pinaka tumatak sa amin ay yung kanyang sinegenggeng hehe. Yan ang tawag niya sa sinigang hehe. Kinukwento ko nga kay missy ngayon eh naalala niya pa din daw hanggang ngayon. At iyon po ang kwento ng aming sinigang ngayong gabi hehe. Si Ela kanina napapa kanta na sana eh kaso nahingal naman siya kaya nag stop muna. Di pa din ganun sa dati ang sigla nila pero masaya ako na kahit papano mas okay na kaysa nung mga nakaraan. Si ate Jem naman ay masakit pa din ang lalamunan kaya medyo mas matamlay pero kumakain naman din siya. Oo nga pala kayo po ba kumain na din?

@JhennyDR

Ela's View Ito ang View ni Ela kanina at napa wow siya nung makita niya ito kaya naisipan kong kuhanan ng picture at ishare din sa inyo noisefamily. Hanggang pinto lang muna ang bebe namin at di pa talaga pwedeng lumabas, babawi na lang kami kapag magaling na. Siguro uulan nanaman mamaya Kaya ganito ang langit wala man lang bituin kahit isa. Ito yung kasabihan dati naaalala ko kapag wala daw bituin baka daw uulan pero kapag may bituin hindi daw yan uulan. Naniniwala din po ba kayu dun?

@JhennyDR

Siksik na pandelemon! Meryenda time na po, kumakain na ang dalawa kong anak ngayon. Si Ela ayaw pa niya at si Jem. Mas madali na kami nakaka bili ng tinapay minsan kapag gusto ng mga bata kasi ang kapitbahay namin nag luluto na sila ng iba't ibang tinapay. Kanina inalok kami ng pandelemon kaya ayun may tinapay kami na meryenda. Kagaya ito atleast alam namin palagi na bago ang tinapay kasi gawa nila. Masasarap ang gawa nila na tinapay, minsan pa nga ay nabibigyan nila kami as in for free diba ang bait pa nila. Sayang may peanut butter sana dito yung gawa ni mama kaya lang di pa pwede sa amin ang may matamis kaya di pa makapag palaman nun. Kayo po nag meryenda na din po ba kayo? Tara na po at mag meryenda na tayo.

@JhennyDR

Miki with gulay! Magandang umaga po! Meryenda time na po at maya maya ay medicine time nanaman kaya dapat kumain muna. Almusal namin ito kanina at meryenda na din namin ngayon. Mayroon itong sayote, repolyo at carrots kaya talagang masarap at masustansiya ito. Bukod sa madali lang itong lutuin, mura lang kasi ang miki na ito kaya hindi nawawala sa menu ko ito. Pero itong miki ngayon si nanay ang nag luto. Kain po muna tayo!

@JhennyDR

Lakad! Bilad! With Fam Pagaling na mga anak ko para makapag bilad bilad na ulit tayo ng ganito oh, makapag lakad tayo buong pamilya ng maagang maaga. May sikat na ng araw pero sobrang lamig pa rin. Nahuhuli kasi kami niyan ni Ela hehe, for the picture and ferson. Nabawas bawasan ang sakit ng ulo ko, kaya hala sige makakapag ingay nanaman ako nito. Namiss ko yung mag babad dito kaso ngayon di ko pa magawa na magtagal ng husto. Kaya hinay hinay muna, magandang gabi po sa inyong lahat. Sana ay nasa maayos kayong kalagayahan lahat, malulusog at malayo sa sakit.

@JhennyDR

Pasalubong! Nakauwi na rin si nanay at ito ang ilan sa mga pasalubong niya. Nakapunta pala siya sa kapatid niya at namitas daw siya ng talong at sili. Ito namang okra ititinda sana pero ibinigay na din sa kanya hehe. Nabusy ang inday sa pag aasikaso kay aling maliit kaya hindi po ako nakapag update. Medyo hindi pa din kasi siya okay at ngayon eh ayaw nag papalapag. Pero kung okay ang pakiramdam niya madalang siya magpa karga. Medyo madiin pa din kasi ang ubo niya at ang sipon niya tulo ng tulo, kaya siguro masakit ang ulo niya dahilan para mawalan ng gana na mag kikilos. Ngayon nagkusa siyang magpunta kay papa niya kaya nakahawak ako ng cp. Medyo nilagnat nanaman din ako kanina kaya heto need nanaman magpahinga, haay. Nabigla daw yata sa pagkilos kilos ko kahapon. Maiba po ako, nag hahanda naba kayo ng hapunan o nakaluto na po kayo?

@JhennyDR

Maulan na umaga noisefamily! Maulan na din dito sa amin nagsimula kagabi. Kaya lalong ang lamig na panahon. Ito ang almusal namin at diretso na tanghalian dahil mamaya ay aalis si nanay. May kailangan siya puntahan para sa senior id niya. Babalik din daw siya kaagad dito sa amin pagkatapos kaya nilutuan niya na kami ng ulam. Nilagang manok ito pero nilagyan niya ng sari saring gulay para mas healthy kasi wala kaming pechay na maihahalo. May carrots, patatas at repolyo ito kaya sure na masarap at healthy. Medyo nahihilo na lang ako ng bahagya at masasakit ang kasu kasuan, kailangan ko na pa man din sana maglaba haay. Sana mag okay okay na ako para makapag asikaso na din. Mag almusal na po tayo!

@JhennyDR

Smigol namin pagod na (^._.^)ノ Sabi ko kanina sa mga junakis ko, maaga tayong hihiga ngayon ha para makapag pahinga tayo ng husto at manumbalik ang lakas unti unti. Pero may nauna na pala sa amin na nahiga, aba ang Smigol nauna kapa sa amin, katabi niya nanaman yang si davayow(stuffed toy) Bago umulan ng hapon gumala nanaman itong Smigol ko kaya ayan akala mo puyat na puyat oh, pagod na pagod yarn? Nauuna kasi sila kumain sa amin kaya siguro inaantok na agad, nauuna na din siya nahihiga haha.. Ngayon talagang medyo matakaw ang mga bata sa tulog lalo na dahil sa mga iniinom nilang gamot. Ako naman, tuwang tuwa kasi talagang nanunumbalik na yung lakas ko, sabi ko nga kay nanay pwede na akong maglaba bukas eh, grabe iniisip ko talaga yung labahin ko eh, yung mga damit ng mga bata. Sabi ni nanay ay naku wag daw kasi daw baka mabinat naman daw ako, pero siyempre biro lang naman yun.

@JhennyDR

Lumpiang gulay po diyan noise.app fam! Meryenda na po tayo, may sawsawan na din na nakaready para kakain na lang po. Meron itong toge, repolyo, may sayote din at kaunting patatas. Hindi ko na nilagyan ng sahog hehe purong gulay lang po talaga ito. Nauna ng kumain si Ela kanina habang di pa nababalot pero di sila bati ng toge hehe. Kaya ang ibang gulay na lang ang pinapak niya. Nagmeryenda naba kayo po ba kayo noise.app fam? Kung hindi pa po tara na na po at mag meryenda na tayo.

@JhennyDR

Happy Sunday Noise.app fam! Nai share ko nga po sa ating isa pang platform na ang laki ng improvement ng mga anak ko kaya nagpapasalamat po ako sa inyong lahat sa pag dadasal ninyo. Nawa'y lahat po ng may sakit at anu mang karamdaman makaramdam ng ginhawa para at bumuti buti na ang pakiramdam. Thank God!😇 Thankful din ako kay nanay na talagang di kami pinabayaan, At ito po ang ginagawa ni nanay ngayon, nag gagawa siya ng lumpiang gulay para sa tanghalian namin noise.app fam, sobrang swerte ko kasi di siya nag kulang mag asikaso sa mga anak ko. Si mama ko din kasi ay abala naman sa aking pamangkin, yung anak ng ate ko kasi ay may sakit din kaya si mama naman ang nag titingin sa kanya. Sana ay gumaling na din siya sobrang hirap talaga magkasakit ng mga bata. Ubo sipon at pamamaga ng lalamunan na lang, haay sana gumaling na silang lahat. Para everybody healthy and happy! Kayo po ba eh nag gagayak na din ng lunch?

@JhennyDR

Good na good ang morning noise.cash family! Sobrang thank you po sa inyong mga prayers, sobrang laking improvement na ng mga bata silang lahat ay di na nilagnat mula kagabi haay kaya sobrang saya ko talaga. Ibig sabihin ang infection sa loob ng katawan nila ay bumababa na. Kaya dire diretso lang ang pag inom pa nila ng gamot para mag tuloy tuloy na ang recovery. Praise God!😇 Nakikiusap na si Ate Missy at ate Jemjem kanina kung pwede sila mag paint at si Mj mag drawing naman daw. Ayan at nag sisimula na manumbalik ang sigla nila, nakakahinga hinga na ako ng maluwag, nakakadagdag din sa pag galing ko ang pag galing nila kaya kailangan ko na rin magpalakas ng husto para naman sabay sabay na kaming gumaling. Maging si mister ko kaninang madaling araw ay di na nilagnat sana ay tuloy tuloy na po ito Lord God. Muli salamat po noise.cash family sa inyong lahat!

@JhennyDR

Goodnight noise.app fam! Medyo mas maaliwalas na ang itsura ng baby Ela namin kanina bago siya matulog unlike kaninang tanghali hanggang hapon. Kung kailan bumubuti na ang lagay ng mga bata ito nanaman may isa nanaman na tinamaan sa amin. Si mister ko ay maagang umuwi kasi nag paalam na daw siya sa work at di na talaga niya kinaya, masama na daw talaga ang pakiramdam niya noise.app fam, hihingi po sana ako sa inyo ng tulong na sana po ay isama ninyo ang buong family namin sa inyong prayers. Malaking malaking tulong na po yun para sa amin. Ganundin po lahat ng family na may kinakaharap na sakit ngayon, ipinag darasal ko po kayo noise.app family. Goodnight po, God bless you all noise.app!