Tara kape! Magandang morning noisefamily, ngayon lang makakapagkape kasi maaga akong nagsimula ng aking labada. Labadami talaga hehe pero di ko nailahat kasi kukulangin ang sampayan namin. Maulan kasi ngayon, ilang minuto lang hihinto tapos uulan nanaman. Kailangan na makapag ayos at magdagdag ng sampayan sa loob ng bahay. Pero bago yan, tara kape!
@JhennyDR in July 2022
Late lunch After ng labada, duty naman sa work kaya ngayon lang nakapaglunch ang inday. Kayo po naglunch naba? Grabe, walang chance na makapaglabas ako ng sinampay today. Isa sa ikinakalungkot ng mga nanay ito, alam kong alam niyo ang pakiramdam ko hehe diba noisefamily? Anyways highways, ikain ko na lang muna ito at para makapag back to work na. Lezzgoww!
Maagang hapunan ni aling maliit Malamig na hapon noisefam, naglaga ako ng itlog at ito yung ipapakain ko kay Ela ngayon. Maaga ko siya papakainin kasi baka antukin na mamaya. Nung nakaraan na hindi maganda ang pakiramdam ko, si Ela ay lagi ko pa rin katabi, Kaya siguro nahawa siya sa akin. Masama ang pakiramdam ni Ela ngayon kaya na stop ang work ko muna. Siyempre kailangan unahin ko muna ang aking anak. Nagtaka ako kasi nilalagnat siya pero wala naman siyang ubo at sipon.…
Yung nagmamadali akong makatapos pero biglang pumwesto itong Smigol namin dito, paano tayo maka work niyan? Hehe Pero dahil lab lab ka namin, sige diyan ka muna mga 5 minutes haha tapos balik kana sa higaan mo. Kailangan makatapos ng gawain bago magising si Ela ulit. Ayan wala na akong nagawa, alam mo kasing di ka papaalisin kaagad eh ano? Kaya kinuhanan na lang kita ng picture. Malamig kasi ngayon dito noisefamily hindi ata sapat ang latag ni Smigol gusto niya yung may init…
Goodmorning Pilipinas Kanina pa kami gising ni aling maliit ko at naglilibang. Sabi niya toys daw pero isa lang ang binigay ko sa kanya yung pop it na bear. Natuwa naman siya at nilaro niya kaagad,pero talagang sumasandal pa talaga siya sa akin. Hindi pa talaga masyadong okay ang pakiramdam niya. Napainom ko na din siya ng gamot after kumain nitong plain na magic flakes at kanina yung tinapay na may peanut butter. Pagaling kana aling maliit, kahit na makulit,magulo or…
Saluyot at papaya Nilagay ko din ang dalawang pirasong isda na tira namin kahapon. Masarap ito at may sabaw, gustong gusto din ng mga bata ang papaya, pero si Ela ko matamlay pa talaga kumain. Sabaw lang siya at di niya kinain ang papaya ngayon. Pero ang goodnews ay naglalaro naman siya at hindi na siya iyak ng iyak. Thank you God.
Affordable Meatballs with breadcrumbs Nagdagdag na lang ako nitong ilang piraso ng meatballs. Mura lang siya noisefamily, 25 pesos isang pack, siguro nasa 200grams na siya at marami na din ang laman. Dahil meron naman pang sabaw kanina eh ito na lang ang dinagdag ko, kasi literal na sabaw na lang talaga siya hehe, naubos na nila ang mga gulay. Si aling maliit ko naman ay maaga na kumain kanina, maaga ko siyang pinakain, at alam kong aantukin siya kasi maaga siyang nagising.…
Dalandan Kanina kumain si Ela nitong dalandan. Mukhang nagustuhan ng bebe namin kasi di naman siya umayaw pagka tikim niya. Masarap naman kasi talaga ang dalandan lalo na kapag medyo maniba na yung hindi na siya sobrang asim. Nag aagaw na ang asim at tamis. Magandang hapon sa inyo diyan noisefamily! Sana po nag eenjoy kayo ngayong weekend with your families and friends. Kamusta din po ang weather diyan? Kagaya din ba dito na inakala kong uulan pero tumindi ang sikat ng araw.…
Mom's dish Luto ito ni mother earth kanina. Nagtanong kasi siya anong uulamin namin ngayong gabi sabi ko wala pa. Kaya ito nag check siya ng pwede lutuin. Nagluto siya nito, hindi din daw siya sure kung anong tawag dito hehe basta niluto niya. Ngayon alam ko na parehong sa kanila ni papa ko nakuha ang mga pag iimbento ng mga ulam haha. Basta makapagluto kung anong available. Medyo nag okay okay na din ang pakiramdam ko, thank you God. Kanina kasi talagang gusto ng mahiga ng…
Tuyo for almusal Magandang morning noisefamily, masarap itong almusal namin today at tiyak na mapaparami ng kain kapag ganito ang ulam. Nagdagdag lang ako ng ilang piraso ng hotdog. So ayun nga po pala, medyo nakatulog naman ng maayos ayos si Ela kagabi kaya lang talagang may lagnat pa rin siya. Bahing na din siya ng bahing at yun ang naisip ko na mukha siyang sisipunin, kahapon uminit naman dito sa amin kaya ang singaw singaw lalo ng lupa. Anyways, tara kape!
Still cookin' Malapit palang maluto yung macaroni soup na ginagawa ko noisefamily. Medyo tinanghali ng salang dahil medyo masungit si aling maliit at medyo masama pa din ang pakiramdam niya. Kapag nakakaramdam ng ginhawa naglalaro naman siya. Pero pag sumama na ang pakiramdam ay talagang magpapakarga. Not the usual na routine niya kasi talagang ayaw na ayaw niya ng nagpapakarga. Mas gusto niya pa na maglaro sa lapag kaysa magpakarga. Anyways highways, kumain naba kayo…
Tara kape! Nahuli ang kape ko ngayong hapon, karaniwan kasi habang ako eh gumagawa ng reports nagkakape na ako pero since ang aking big three ay tulog and si Ela kakatulog lang din sa aking kandungan kani kanina, ngayon lang nakapagkape. Good thing eh tapos na ang aking reports for today kasi it's Sunday kaya kaunti lang. Medyo inaantok din sana ako pero baka pag ihiniga ko ito lalong sumama ang pakiramdam ko kaya kape na lang at linis para makapag papawis. Tara kape!
Drawing ni Ate for Bebe Magandang hapon noisefamily! Ito ngayon ang nakapagpalibang kay Ela namin. Ang drawing ng kanyang ate Jem. Alam niya kasi na gustong gusto ni Ela ng ganito tapos iisa-isahin niya kung ano ang mga nasa drawing. Masungit lang po itsura niya sa picture kasi kakagising niya lang yan kanina pero wala naman siyang S, hindi siya nag sungit at ngayon ay kumakain naman siya ng apple hehe. Habang ako nag iisip anong iluluto na ulam.nakaisip naba kayo…
Dinner time, Miki! Finally hubby's here! Tagalog na lang hehe, hanggang intro na lang madalas ang english ko noisefamily pagpasensyahan niyo na po at talagang ang daming natakbo sa isip ko ngayon. Nauubusan na ako ng english haha, nagamit na yung mga inaral kong inipon, lols. So ayun nga po, this is it pancit. Pancit miki ang aming dinner ngayon, kailangan na gamitin ang mga dalang gulay ni biyenan last time at baka masira kaya iluto na natin! Tara kain po!
Suman Ibos na suman ang tawag namin nila mother earth dito noisefamily. Sa ibang lugar iba ang tawag nila sa ganitong uri ng suman. Masarap ito iprito kaya lang itong mga chikitings ko gusto nila ng hindi piniprito tapos may asukal. Si Jem ang naghanda nito haha ang dami niyang nilagay na asukal at suman. Yun pala share na daw sila ditong tatlo nila ate niya. Pasalubong pala ito ni mama kanina, bumaba kasi siya ng bayan at nagpagiling ng mani. Tara guys, almusal po!
Simpleng baon ni Mister Kaninang umaga sobrang nabusy ako kasi may mga biglaang need gawin. At si mister ko din may ginawa sa kanyang motor. Kaya ang ending ito ang kanyang baon sa work. Laking pasalamat ko talaga na hindi mapili si mister pagdating sa baon niya sa trabaho. Kapag naman madalas ay nakakapagluto ako ng gulay or isda or di kaya ay manok kapag may budget hehe. Ang manok ngayon sing presyo na ng karne ng baboy noon Php230. Ang karne ng baboy ngayon ay nasa 400+…
Parrot (Origami) Ito ang pinag kakaabalahan ng aking mga chikitings ngayon noisefamily. Ang paggawa ng iba't ibang mga origaami animals. Nakakita kasi sila once ng video tapos ginawa ng papa nila, and then naalala nila kaya nung week end nanood sila sa tv ng YT videos kung papaano ang mga steps ng paggawa. Ito ang unang pinili nila ang parrot, ngayon ay spider naman at jumping cat hehe. Will share po sa inyong lahat later ang finish product na iba hihi.. ito munang gawa ni…
Antok nanaman yarn? Mapapansin niyo noisefamily may sugat si Smigol, kagabi kasi grabe ang ingay niyang pumasok sa kwarto. Nanggigising siya, kaya pagbukas ko ng ilaw, bumungad yung sugat niya sa paa sakin. Hinugasan ko muna bago ko nilagyan ng kaunting betadine dun lang talaga mismo sa sugat, pero mukhang dinilaan niya. Kanina nilagyan ko nung pang linis ng sugat na binigay ni kuya ko last time. Ayun di na siya nag iiyak, may kaaway siguro to kagabi. Haay
From Paper to Real! (Hindi nga lang parrot hehe) Ito po ang reason kung bakit ibon ang napili niyang unang gawin, kasi dahil sa alaga niyang si Black. Marami kaming black na kalapati pero itong pinangalanan namin na Black ang original. Ang ibang black ay anak niya na lang. Si missy ang nagiging assistant ng papa niya kapag may ginagawa sa kulungan at sa mga kalapati kaya naging maamo na din sa kanya ang ilan. Isa sa paborito niya itong si Black. Mukhang may girl fancier yata…
Finally, Sun shines again! I would love to share these few shots this morning noisefamily, ang ganda kasing tignan. Ang fresh ng mga puno at dahon dahil sa maikling ulan kagabi, kaya mas maganda ang sikat ng araw ngayon. Ang taas din ng energy ng mga junakis ko today kasi mamaya dadating ang kanilang pinsan at si mother earth. So let's start this day right tsaka siyempre tara kape! Happy Tuesday noisefamily!
Tuyo o tilapia? Alin mas gusto niyo noisefamily, sa akin kasi pareho naman silang masarap pero mas panalo sakin ang tuyo haha. Masarap na kapartner niyan ay sinangag at mainit na kape. Siyempre di pwedeng mawala ang sawsawang suka na may dinikdik na bawang. Hihi Tara na kain na!
Someone wants to say hi! Thank you God, and thank you po sa inyong lahat for your prayers and get well soon messages and replies. Prayers are the best talaga, Ela's getting better and better. Ang aura ng mukha niya ay unti unti ng bumabalik sa dati. Medyo gumaan at pumayat pero makakabawi rin. Two days ko siyang tinuloy tuloy na mag oregano juice at dahil minsan eh kaunti lang ang nakakain niya nag apple siya at orange. Malakas kasi talaga siya kumain pero tumamlay nung may…
Kamote Hapon nanaman noisefamily, nag meryenda naba ang lahat? Kami po ay kamote ang meryenda, 4 na piraso lang po ito na malalaki, kaya ganyan ang itsura niya ay hinati hati ko kasi ang laki sobra hehe. Isip isip na tayo ng uulamin after ng meryenda hehe, ang araw araw nating assignment hehe ang ulam sa araw araw.
Hapunan Magandang gabi sa inyo noisefamily, kakatapos lang po namin kumain. Medyo maaga aga si hubby nakauwi. Ulam po namin noodles at itlog. May tira din akong tuyo kanina kaya dinagdag ko na. Solb na solb na ang hapunan! Ang dami nanaman ginawang origami nila missy kanina, bukas i share ko sa inyo kung ano naman ang mga ginawa nila. Hehe
Goodmorning from my eldest and youngest! Maagang nagising ang mga chikitings pero late na ako nakapag update hehe. Sorry po! Nabusy ang inday dahil rest day ni bossing, inassist ko siya sa ginagawa niyang paint sa isang gamit namin. Matagal niya na kasi ito inisched pero nacancel last time. Missy and Ela is not so busy kaya ayan sila selfie selfie, pero si Mj at Jem busy na maglaro hehe.
Thin-sliced hotdog Hindi ko alam kung ano ba yung tawag sa lulutuin ni kuya ko. Basta ito ang order niya, igisa ko muna ito hehe. May hula ba kayo kung ano ang lutong gagawin niya dito noisefamily? Nakapaglunch na din kami, nakakatuwa at di ako nakakalimutan na bisitahin ni kuya ko kapag umuuwi siya dito. At nagrequest nga siya ng meryenda mamaya na nilagang kamote. Ito naman daw lulutuin niya mamaya para sa mga chikitings.
Requested by Kuya Charan! Ang aga kong naglaga ng kamote para lumamig muna ng kaunti bago kainin kasi ang mga chikitings gusto nila ito medyo malamig na. Ako naman eh kahit na ano pwede hehe. Si kuya nagtimpla agad ng kape, nung maamoy itong kamote. Haha nakakamiss ang ganitong bonding, baka dumating din mamaya ang dalawa ko pang kapatid. Kamusta po pala ang panahon diyan sa inyo? Dito kanina mainit sobra, ngayon ang lakas na ng ulan hehe.
Cat, Butterfly and Dolphin Origami! Taray pang Land, Air and Water! Ito naman ang gawa ng mga chikitings ko today. Napili nila ito para daw iba iba. May pang Land, Air at Water, ang cute nga nung cat kasi jumping cat ang video na pinapanood nila, ang dalawa ko di masundan yung rhino kaya ito na lang pinili nila yung cat. Sabi ko kasi yung rhino di naman nila nakikita in person talaga more on pictures and videos lang eh pag cat nandito talaga hehe. Si Smigol! Lols So ayun na…
Daing na bangus Magandang gabi noisefamily! Talaga namang napakasarap ng daing na bangus lalo na kung babad na babad siya. Tapos ganito pa ka tusta ang pagluluto. Natakam din ba kayo? Hehe kasi natakam din ako! Lols Hehe throwback photo lang po itong daing na bangus ko, nag browse kasi ako at nag dedelete. Kaya naman ito ang gusto kong ishare kasi nakakatakam talaga at parang sa ganitong panahon na maulan, eh masarap ulamin ito. Maaga kaming kumain kanina kaya ngayon…
Yey! Masigla na siya! Masigla na maghapon ang aming bunso kaya ayan hanggang ngayon hyper pa din. Nag iingay siya at may kanta daw siya hehe. May bago silang napakinggan kanina at medyo natatandaan ni Ela, hindi man kumpleto ang lyrics at salita pero alam niya konti ang tono, ang ending naiingayan na ang ate at kuya pati ang nasa kabilang higaan na si Smigol haha. Talaga namang may entry rin ang Smigol namin hehe patulog na lang eh may entry pa.
Almusal at baon ni mister! Maaga akong naggayak ng almusal dahil alam ko maaga ang pasok ni mister kagaya ng sabi niya kagabi. Pero bago siya umalis may tumawag sa kanya at nabago ang schedule niya. Imbes na 7am siya aalis naging 12nn na. Kaya naman tinanggal ko muna ulit ang baon niya sa lagayan kasi dito na lang daw niya kakainin mamaya bago siya umalis. Naalala ko yung niluto ni kuya kahapon nilagyan niya ng tomato paste at pampalasa yung hotdog, kaso wala namang gulay…
Mahilig din ba kayo sa avocado? Masarap itong gawin dessert o di kaya naman ay gawing ice candy. Gustong gusto ng panganay ko ito, hehe di kagaya nung aking tatlo pang chikitings ayaw nila yata ng lasa kaya isang subo aayaw na. Gagawin ko na muna ito para mamaya ready na. Pero siyempre hindi ko makakalimutang kamustahin kayo noisefamily, kamusta po kayo? Sana ay nagmeryenda na po kayo at hindi maulan sa inyong lugar.
Fried tofu and luncheon meat Happy evening noisefamily, kamusta po kayong lahat? Grabe ang bilis ng oras at alas otso na kaagad. Unahin ko na pakainin ng dinner ang mga chikitings at mamaya maya na ako pagdating ni mister para may kasabay siya. Late siya ng uwi ngayon kasi may ipinapagawa sa kaniya. So ito po, nag prito lang ako ng luncheon meat at itong 20 pesos na tokwa at may sawsawan po yan hehe medyo sweet na suka at may kalamansi din tsaka sibuyas. Kain na po!
Peanuts and Garlic Dahil wala pa si hubby, nainip si inday. Niluto ko na lang yung kaunting mani dito. Inagapan ko na lang ng halo ng mabuti kasi kaunti lang ang aking mantika at sobrang taas na talaga ng presyo nito. Sana dumating na si hubby at mukhang mamaya ay uulan ng malakas. Umaambon na kasi ngayon dito sa amin at ang lamig lamig. Buti na lang din at wala dito ang kapote niya kaya sure na dala dala niya sa trabaho yun. Malapit lapit ng maluto ito at palalamigin ko din…
Goodmorning noisefamily! Almusal na po tayo at kailangan maaga makapag simula ng mga gawain. Mamaya kasi ay may duty ako sa work kaya dapat maaga makatapos ng mga gawain. Alam naman ninyo ang gawain natin mga momsh and dads talagang busy every morning. Thank you Lord for our food po ngayon. Simpleng almusal pero sobrang thankful po kami and grateful na hindi po ninyo kami pinapabayaan. Let's all eat na noisefamily!
Busy din pala siya mag nap! Lols Karaniwan busy ang umaga natin hindi noisefamily, kanina talagang paspasan ang kilos ko at kailangan makatapos bago mag duty para wala akong alalahanin. Pero nung makatapos na ako at pupwesto na sana para magwork, aba may busy din pala haha. Nakapag type pa siya ng mga numerals at letters, haay buti na lang talaga wala akong nakasalang at nakaopen na window kundi masesend yun haha. Pinabangon ko na din siya kanina at pinalipat dahil need…
Avocado again Part 2 Kaninang umaga, nagdala ulit si mother earth ko ng avocado guys. Itong panganay ko tuwang tuwa kasi nagustuhan niya talaga kahapon. Ayan at hiniwa at kinutsara ko na. Siya pinaglagay ko ng condensed milk. Aba di tinantanan yung gatas, sabi ko ang dami dami na, dinagdagan pa. Ito na ang kanilang meryenda ngayon, mas gusto nga lanf yubg dalawa ko durog na durog, pero si panganay ayaw niya, gusto niya may buo buo pa kasi parang mas masarap daw. Kayo po…
Aling maliit is back! Ela is back sa kanyang daily routine at sa kanyang mga kulit moments everyday. Tuloy tuloy ang kanyang recovery. Mas gusto ko ng makita na may makulit kaming aling maliit kaysa magkaroon siya ng sakit. Isang pinaka mabigat na pakiramdam para sa ating mga magulang ang may sakit ang ating anak. Kung may nararamdaman silang sakit, doble doble ang sakit nun para sa atin. Talagang bantay sarado at di tayo nakakatulog kaya talagang iba magmahal ang magulang,…
Tampuhan mode ng Aso at Aso Dahil sa Pusa! Lols Meet our Kira (black) and Ash (white)! May tampuhan nanaman yang dalawang yan. Nag away kanina, at ang dahilan eh si Smigol! Haha yes si Smigol na aming pusa kasi padaan daan pa talaga si Smigol na parang nang aasar sa kanilang dalawa. Siguro gustong makipalaro eh kaso nasagi ni Ash si Kira, naku numero unong masungit si Kira sa kapwa aso niya, pero sweet sa amin. Ang kulit nga nila mag aaway maya maya, magdidikit din. Basta…
Supah Late Dinnah! May mga hindi pa po ba nag didinner diyan noisefam? Kami kasi ni mister ngayon palang kakain. Kanina kasi busog pa naman ako tapos nagpapak ako nung avocado ng mga 7pm. Alam kong late na ang uwi ni mister ngayon. Kakarating niya lang kanina mga 10:30pm. Nag asikaso pa naglinis at nag hugas lalo na umuulan kaya basa din ng kaunti ang laylayan ng pantalon kahit nakasuot siya ng kapote. So ito po yung niluto kong hapunan, walang mongo hehe kaya upo for Friday…
Ready na ang lunch together with baon ni hubby! Magandang umaga noisefamily, super late ang aking update ngayong morning. Grabe ang ulan kagabi dito sa lugar namin, hindi tumigil at talagang malakas siya hanggang umaga. Maliwanag na nung tumigil kaya naman paspasan ang paglilinis may mga umanggi kasi banda sa sala at sa dulo ng kusina. Haay ito ang isa sa hirap kapag matagal at tuloy tuloy ang ulan tapos malakas din ang hangin. Sana po ay safe din kayong lahat noisefamily.…
Nasa mood mag selfie yarn? Habang hinihintay namin matapos makaligo ang mga ate ate at ang kanyang kuya, napasabak sa selfie ang aling maliit haha. Nasa mood siya kaya siyempre pagbigyan na, "pichor" pichor" ayan ang kanyang banggit kanina. Naglunch naba ang lahat? Kami po ay tapos na kanina, at di na nga ako nakapag update man lang dahil sa kabusyhan ni inday magkusot ng uniporme ni mister last na kasi ang suot niya ngayon kaya kailangan na muna magkusot. Kaso kumulimlim…
Eksena ng aming ate! Hello noisefamily, first and foremost magandang gabi! May eksena kami ng aking ate kanina hehe. Nakakalimutan ko kasing naturuan ko na siya magsaing dahil sa kakamadali ko minsan talagang naka set na kung ano ang mga susunod kong gagawin. Hanggang sa kanina sabi ni ate missy, simula daw ngayon sana siya na lang daw ang magsaing para atleast alam niya na. Nakakatuwa lang kaya naisipan kong ishare sa inyo noisefamily, kasi nagkukusa siya. Isa isa ko kasi…
Foodtrip moment with oishi! Nagpunta dito ang aking mother earth kasama nung isang kapatid ko. At ito ang isa sa dala nilang kutkutin hehe oishi. Ito yung flavour na gustong gusto ko tsaka yung isa pa yung maanghang na kulay red ang packaging. Mahilig din ba kayo kumain ng mga chichirya lalo na pag may mga kakwentuhan? Diba mas sumasarap ang kwentuhan kapag may kasamang food trip. Sino po agree diyan?
Tinapa para almusal ngayong umaga! Kagabi bumisita sila mama nagdala sila ng tinapa at ito may tira pa ito na ang almusal namin ngayong umaga. At itong upo naman nabili ko sa halagang 35 hehe. Kaya ito na ang pananghalian namin mag iina mamaya. Maagang pumasok si mister, at kanin lang ang naipabaon ko sa kanya kasi kagabi pumitik yung kadena niya nagtulak siya ng motor, mabuti na lang at malapit lang kila mama. Kaya nilakad niya na lang mula doon hanggang dito sa bahay.…
Selfie after meryenda! Hello po sa inyo, ako nga pala si aling maliit. Hehe alam niyo ba noisefam, nagmeryenda na tong baby namin. Yes po meryenda at gutom na kaagad siya. Humihingi siya ng "pa - pa". At charan! Itsura niya after meryenda "ga" na daw siya. Nawawala yung "hi" haha higa na daw siya antok much na. Grabe nakadalawang meal muna bago mag nap ang baby Ela na yan ah. Kakatapos ko lang kasi magsampay ng mga nilabhan kaya naman ang dami talagang ganap ni Ela kanina…
Mais na Puti Mahilig din ba kayo sa mais noisefam? Kami po mapa yellow corn or itong puti mahilig talaga kami. Pasalubong ni lola nila itong mais na puti. At ang matira matibay sa pagkain ng mais si Missy. Talagang pangalawa niya na ito at gustong gusto niya pa rin hehe. Nakapagpasok na kami ng sinampay at mukhang uulan na ulit dito hehe. Tara kape na!
Sitaw at kalabasa Hapunan na! Kumakain na po ba kayo? Sa mga naghahapunan, enjoy your hapunan po. Sa mga hindi pa nag hahapunan, tara na po at kumain na tayo. Sitaw at kalabasa po ang aming hapunan ngayong gabi. Ginisa ko lang po ito sa bawang at wala na akong isinahog dito. Si Ela dati kalabasa ang pinipili, ngayon sitaw naman hindi niya naman type ang kalabasa ngayon hehe. Tara let's!+
Motorcycle chain repair mode! It's already 1:15am here and thank God it's not raining. Nag ayos pa kasi kami ng kadena kanina. Kakatapos lang ngayon at ginutom si hubby. Ayan napa prito pa ako ng itlog at siyempre hindi mawawala ang kape. Kahapon kasi ay napatiran siya ng kadena buti na lang malapit na siya kila mama ko nun kaya dun muna ipinaiwan ang motor. Ngayon naman nagsimula kami mga 10pm, pagdating kasi ni mister ng pasado alas nuwebe ay kumain din siya kaya 10pm na…
Pritong okra at chicken longanisa! Magandang umaga noisefamily, almusal po muna tayo. Maaga din akong nagising at nag gayak ng baon ni mister. Pero hindi siya natuloy pumasok sa trabaho. Talagang hindi niya kinaya ang puyat, pagkagising niya nagsabi na siya sakin na nahihilo siya. Parang mas matindi pa sa hang over ang hilo niya lahat daw ng nasa paligid niya umiikot talaga. Sabi ko subukan na muna magpaalam kasi delikado magmaneho kapag ganyan. Mabuti na lang pinayagan siya…
Lunchiees! Ginisang ampalaya na may itlog ang aming lunch. Nangunguna si Jemjem sa pagkain hehe malapit na agad matapos, nag kukwento pa kasi si Mj kay ate Missy at ayaw pakuha ng picture haha. Parang naririnig ko tungkol sa air, land, water at fire ang usapan nila. Siyempre umekstra ako haha. (Natawa ko sa work ko umekstra lols, tagalog na tagalog) so ayun nga po, sabi ko eh, mukhang encantandia yung pinag uusapan nila haha ang tawa nilang tatlo haha. Si Ela ang mahina sa…
Kumakain po ba kayo nito? Kanina kasi pag bili ko sa tindahan ng kape, inalok ako nitong betamax pero imbes na inihaw, pinirito siya na may pabalot kagaya ng sa kwek kwek. Masarap ang sauce at suka nila hehe. Talaga namang lumalangoy yung kinakain ko. Madalang lang ako nito makabili kasi kailangan kalmahan lang wag araw araw sabi ng aking parents dati hehe hanggang ngayon dala dala ko. Kain pu tayu
Preparing for a good night sleep! Bed time is one of their most favourite part of the day since we are all in bed having fun and having chit chats on what happened on our day. These are my three as our Ate is not here. My mother asked if it's okay to take Missy with her and sleep at their home. At first Missy doesn't want to but I said just one night. Tomorrow morning she'll be here already. We had a video call already and she's on bed too together with her lola at pinsan.…
Goodmorning from our little one! Walang S ang aming bebe, ganda ganda ng ngiti niyan hehe. Ang ate at kuya nahihiya, nag aalmusal kasi sila hehe. Kamusta po ang inyong mga tulog noisefamily? Buti na lang di maulan dito sa amin kagabi, pero ramdam namin yung hangin kasi may mga mangga pa na nalalaglag sa bubong. Almusal mode na po tayo!
Halo halo? Oo halo- halo! Natawa si mister ko kasi sabi ko sa kanya kakain na kami ulam namin yung halo halo. Alam niya naman na minsan yun kasi mahilig ako mag halo halo ng gulay. Sabay sabi niya saan kayo nakabili? Haha akala niya halo halo, as in yung malamig haha. Sabi niya halo halo? Sabi ko oo, halo halo haha. Tawang tawa talaga ako sa reply niya san daw ako nakabili, tapos sinend ko yung picture. Sabay tawa niya din eh, haay thank you God, at medyo okay okay na ang…
Eating cute Pomelo I remember when I accompanied my late father before to his doctor that pomelo is highly nutritious fruit and full of fiber. And this fruit is one of the recommended for him. It is also one of the favourite fruit of my mother-in-law. Now it became my kids favourite too. Do you eat pomelos too?
Sunduan Time Kuha ko ito kanina nung sinundo ko si missy kila mother earth. Ang bilis ng panahon malapit na siyang maging kasing tangkad ko haha sa edad niyang 10 years old even ang kanyang teacher ang sabi nga eh magkasingtangkad na sila. Anyways, magandang gabi po sa inyong lahat noisefam, kamusta po ang inyong araw? Kailangan na maghanda for dinner, request ni mister ang ulam namin. Papaya na may saluyot ang niluluto ko hihi.
Back to sleeping! Nandito siya sa tabi ng dvd player sa taas ng divider. Itsura niya kala mo nakikipaglaro or gusto makipaglaro eh pero antok po talaga yan haha. Isasaksak ko kasi itong cp kaya nakita ko siya, naging content ko pa tuloy siya hihi. Ang cute talaga nitong si Smigol pag inaantok. Kala mo maliit at baby pang kuting pero malaki na talaga siya hehe ganyan lang talaga siya baby mingming pa rin kasi namin itong si Smigol the cat ih. Anyways, hihiga na after nito…
Ginisang Gulay at Piniritong Atay! Almusal na po tayo noisefamily! Gulay sa umaga para makapag gain ulit ng more more energy. Nagrequest muna ng leave si mister ngayon kahit isang araw lang para makapag pahinga pa siya. Medyo mabigat pa din daw ang pakiramdam niya kaya mas mabuti na ito para di lumala. Anyways, kape kape na tayo noisefamily! And let's all enjoy our Wednesday! Grabe ang ulan mula kagabi hanggang ngayon di tumitigil, stay safe po!
Isang piraso lang ang isda? Papaya at dahon ng saluyot ang katapat! Pang baon sana ito ni mister ko ngayon. Isang piraso na lang kasi ang tilapya na available namin. Dahil hindi naman siya pumasok, hinaluan ko na lang ng papaya at saluyot at tada! May ulam na ng pananghalian! Kumakain din po ba kayo nito? Sa mister ko at sa biyenan ko lang ito natutunan. Kami kasi noon ay di namin kilala yung ganitong luto at taga bicol at bacoor ang papa ko. Pero ngayon gustong gusto na…
Pomelo again Dahil matamis ang mga suha na dala dala ni nanay, ayan kakain nanaman ang mga chikitings ko nito hehe. Ang sabi ni biyenan ko, noon daw mga nakaraang taon ang lalaki ng bunga ng puno ng suha nila auntie niya. Pero kalaunan lumiit at ang dahilan daw eh napaglihian. Kaya naging maliliit na siya mabuti na lang at nag bubunga pa. Dati di ako naniniwala sa ganun hanggang sa nangyari din sa puno namin. Pero puno naman ng bayabas, ang bayabas na yun malalaki ang bunga…
Pancit Miki Ulam po namin ngayong gabi itong pancit miki. Ginisa ko lang sa ibang gulay na mayron sa kusina. At ngayon ay nagpapaantok na si aling maliit. Maaga siyang inaantok dahil mabilis lang ang tulog niya kanina wala pa yatang 1 hour yun hehe. Kamusta po kayo lahat noisefamily? Nag dinner na din ba kayo? Maghapunan na po para maaga aga din pong makapagpahinga mga kapatid ko. Magandang gabi!
Magandang umaga! Pritong isda ang aming almusal kanina. Sabi ni mother earth bonito daw ang tawag dito. Natatawa ako kasi pinapalamig ko ito pang baon ni mister pero kumurot si Ela haha. At hindi lang isang beses, umulit pa. Nakita ko na lang ito ngayon nung babalutin na hehe. Tapos si Ela sabi niya fish,fish haha ang mga bata talaga oo, iba din mag trip minsan eh. Laba day ko today kaya see you later noisefamily!
Expired Wafer Grabe mga momshies, nakabili ako ng expired na wafer sa malapit na tindahan dito sa amin. Kaninang umaga ko ito binili, tiwala naman ako kasi dati na din ako nakakabili doon. Kanina kasi pag open ko talagang puputulin ko yung wafer para ibigay sana kay Ela pero makunat. Di ko binigay at chineck ko agad yung expiration. At ayan expired nga siya. Siguro hindi din akalain nung sa tindahan na expired ang mabibili niya at dapat talaga always chinecheck ito ng mga…
Hapunan time! Masaya ang hapunan lalo na kapag sama sama sa hapag kainan. Alam na alam ko ring agree na agree kayo diyan, hindi ba noisefamily? Piniritong isda at ginisang sitaw at kalabasa po ang aming ulam for tonight. Nandito sila mama, at ang isang kapatid namin. Dito na kami mag sasalo salo, kasi para hindi na din daw sila mag luluto, kanina sinamahan nila ako sa pagbili ng mauulam. Nakapaglakad lakad din kami ulit kagaya ng dati nung sinasama palang kami ni mama,…
Cooking Little Ela The day is about to end, but not for my little one. Hyper and full of energy as she just woke up from her late nap. Maybe because she knows her father is not yet here as she didn't see him before going to bed. So pano po guys, join na muna ako sa cooking session ni aling maliit hehe habang hinihintay namin si hubby. Goodnighty po sa mga patulog na 😊
Healed Finally Smigol's wound is healed already. I just want to share with you this photo our our dear Bebe Smigol who happened to love this new spot of him, and look at he used the dvd player as his pillow :) Isn't it funny and at the same time lovely. Love them, it's what we can give and do to our furfamily, love them unconditionally. How are you all dear Noisefamily and noise friends all over the globe? It is my first time to post on this channel and I thank the owner and…
Ginisang sayote at sardinas Magandang umaga noisefamily! Namiss ko itong lutuin, madalang talaga kasi kami makapag delata at nadale na kami nito dati. Ang tuna at sardinas, may karanasan na kami dito ng father ko at mister ko dati. Naospital kami, at ang findings ay food poisoning at lumabas nga na sa delata namin nakuha dahil yun lang ang kinain namin nung time na yun, hindi ko din alam paano at bakit pero ilang years na din yun. Ngayon ay nakakalag ulam ulam na kami ulit…
Lumpiang gulay with suka Meryenda time na noisefamily, nabusy ang inday sa mga gawain kanina at ngayon lang nakapag update. Kanina sinundo ni mother earth ang aking ate Missy, isasama lang daw siya sa pagpunta doon sa pag hahatiran ng mga palaman. Walking distance lang kaya sabi ko samahan na ni ate, pagbalik nila may dala silang meryenda. Lumpiang gulay! Namiss ko na ang gumawa ng lumpia, ang tagal na din noong huling gumawa ako nito. Medyo mura lang sana ang gulay ngayon…
Kape Kahit mainit, dito sa may bandang likuran namin nakikita diyan sa itaas ng kabilang bahay talagang matingkad ang araw, eh kape pa rin haha. Naaalala ko dati, pag hapon at mainit tapos nag papatimpla ang papa ko ng kape palagi ko siyang sinasabihan na papa ang init init kape ka pa rin ng kape. Ngayon buti na lang hindi ako tinatanong ng mga chikitings ko haha.
Luto time Nalate na ang luto time ko noisefamily, at nabusy sa ginagawa sa work kanina. Buti na lang nagmeryenda naman ang nga chikitings kanina kaya mabigat bigat pa ang tiyan nila. Sakto ito at maluluto mamaya mga pass 8pm. Mag sisigang ako ng manok, hehe one fourth na manok. Dahil ang mahal na po talaga ngayon, para lang talaga may sabaw itong mga gulay ang dadagdagan ko. Tutal hindi naman maki karne ang mga chikitings ko, panigurado sa one fourth na chicken na to may…
Chicken sinigang! Luto na, kaya let's go kain na po tayo noisefamily sa mga hindi pa kumakain diyarns. Actually mas pwedeng tawagin na sinigang na gulay siya mas more more gulay at mas healthier din naman yun. I know you're agree? Right? Kakain na ang mga bata, later na kami ni hubby. Kayo po? Sasandok naba ako?
Tuyo, tinapa at itlog! Siyempre hindi mawawala ang kamatis hehe. Ito ay tira na lang po sa aming almusal. Maaga kasi ang pasok ni mister ko sa trabaho kaya need na maaga maghanda. Si Ela palang din ang gising at ang sarap ng tulog nila ate. Malamig kasi ngayon pero di naman umulan. Malamig lang talaga ang simoy ng hangin. Magandang umaga noisefamily! Tara kape!
Outside with Ela As the sun rises early this morning, we did get out for few minutes. Ela was so happy that finally she got out ofnthe house again. She missed it for sure and so my big three too. I didn't get a chance to took pictures of my big three kiddos as they are running and running awhile ago lols. They missed being outside. So here I am sharing our view outside with lovely trees and leaves that are dancing with the wind.
Repaired Ulam Mahilig din ba kayo mag repair ng ulam noisefamily? Naalala ko may tira nga palang mga ulo ng isda nung nakaraang nagulam kami ng pinirito. Kaya ang ginawa ko ganito, may papaya pa kaming maliit at nakabili ako sa tindahan nung saluyot na sampung piso. At pak na pak, solb na ang pananghalian! Hehe
Meryenda time! Patatas po kayo diyan, isa ito sa talagang paborito ng aking mga chikitings. Ang patatas na pinirito, plain lang po at walang halo ito tapos sa butter or margarine ko siya ipiniprito para may madagdag na lasa. After niyan binubudburan ko lang ng kaunting asin at tada! Ready to eat na!
Jemjem's Cake with packaging! May pa cake si ate Jem ko hehe. Ang cute siguro nakukuha nila ito dun sa mga napapanood nila sa yt kids na mga nag dedecorate ng cake na mga chikitings. May pa bag din, hehe siya din gumawa nung bag na yan gawa sa bond paper. Ang cute dibey noisefamily? Kamusta po kayong lahat? Kamusta ang ating Saturday? I bet you're enjoying your weekend, enjoy and have fun noisefamily!
Preparing 🥑 avocado dessert! This is for tomorrow. We have visitors tomorrow, hubby's cousins are arriving tomorrow morning here. A girl and a boy, the last time we meet is before pandemic so I bet this is going to be fun. Hubby's cousin asked a favor from me. I will be dyeing her long black hair tomorrow. Actually I already dyed her hair before when we live near their compound but after that, we didn't meet at all. So tomorrow is the chance! Hihi I know they will like this…
Goodmorning noisefamily! Nag almusal na po ba kayo? Tara na at mag almusal po tayo tinapa at itlog in the house! Yoohoo!!! Siyempre dapat with matching kamatis yan at sibuyas diba para mas swak na swak. Maaga kami nagising para maghanda sa pagdating ng bisita kaya ngayon lang nakapag gayak ng almusal hehe pero ang mga chikitings kanina pa sila nag almusal hindi sila pwedeng mahuli at hindi pwedeng magpalipas ng gutom. Oh tara na! Kape!
Samu't saring lafangs! Ito yung binili ni Kim, yung pinsan ni mister ko. Iba't ibang pang food trip hehe. May kwek kwek tapos may tokwa, may hotdog at meatballs din. Meryenda time na tapos titimpla ako ng kape hehe. Magandang hapon noisefamily, tapos na kami sa aming kulay session, mamaya i share ko sa inyo ang kinalabasan hehe at ang bagong itsura ng kanyang black hair kanina hehe. For now, lafangs muna
This is it Pancit! Maya maya ko na ihahatid ang pinsan ni Hubby. Baka sakaling maantay niya pa si hubby para magkita naman sila. Sa ngayon ay preparing po kami ng hapunan, wala ng saing saing, dahil pancit ang ating pagsasaluhan. Sari saring gulay, sayote, repolyo, carrots, at beans ang mga hinalo po dito sa aming hapunan para maraming gulay. Kalahating kilo na bihon at isang balot na pansit ang aming lulutuin. Kayo po nakapag prepare na din ba ng inyong hapunan?
Sleepyhead? Oh Smigol! Kakauwi lang din namin ni mister galing maghatid at ayan medyo maulan nanaman dito sa amin. Buti na lang mahina lang kaya nakabiyahe pa din kami ng tuloy tuloy. Ito na nga noisefamily, pagkauwi namin at ng makapag asikaso na eh nag papacute nanaman itong alaga ko. Inaantok yan kunware, pero mamaya niyan lalabas nanaman yan at gagala. Sana umambon pa rin para di siya makalabas hehe.
Goodmorning noisefamily! Ang aming almusal ay yung pancit na tira kagabi. B Hindi na muna ako nag luto para maubos ito kasi ang dami pa rin natira kahapon. Nakapag uwi pa nga ang bisita kahapon nito hehe. Lalong sumarap dahil nirepair ko ulit at dinagdagan nung natirang kikiam at squid balls kahapon. Bangon na bangon na po sa mga noise family and friends natin diyen, at tayo'y mag almusal na. Tara kape!
Tanghalian na! Pritong manok na ilang piraso para sa mga chikitings, at ginisang sardinas po ang aming tanghalian noisefamily. Medyo maaga kami nakapag luto kasi kanina tinapos na agad ang mga gawain. Gusto ko itong sardinas na ginisa may gulay sana kaya lang wala kaming gulay na available sa ngayon. Bawi na lang kami bukas or sa pag uwi ni biyenan. Let's eat na po!
Kikiam at Kape Magandang hapon noisefamily! Maambon nanaman dito sa amin at tamang kape kape lang muna habang nag wowork. Ang mga chikitings namannay kikiam ang meryenda. Wala silang sawa dito kahit na walang sauce ay sige pa rin. Hindi na kasi ako gumawa ng sauce. Nagmeryenda na din ba kayo? Parang ang sarap ng may sabaw ngayon malamig. Hihi
Maulang gabi nanaman noisefamily and friends! Tinapa na tamban, matinik pero ito talaga ang mas gusto ko kasi malasa siya. Tapos may katerno na talbos ng kamote at sawsawan na kamatis. Solb na ang hapunan. Rain daw ng rain sabi ng aking mga chikitings. Akala kasi nila kanina di na daw uulan kasi bukas maglalaro sana kami sa labas after ng duty ko. Kaya lang ang nangyari, ngayong hapon umaambon na hanggang sa lumakas ngayong gabi. ikain na lang nga natin ito 😅
Itlog at patatas! Magandang umaga noisefamily. Happy Tuesday po sa inyong lahat. Nag almusal na po ba kayo? Kami ay mag aalmusal palang, pritong itlog at itong pritong patatas ang aming almusal. Dahil medyo mahal ang mantika, sa margarine ko pinirito ang patatas hehe. Marami kasi stock na margarine sila mama at binigyan kami ng isang lagayan. Noon kasi nung gumagawa ng tinapay at empanada ang kapatid ko kaya may stock sila na ganun pero natigil na kaya ginagamit na namin…
Hair color Result Hubby's cousin is here last day and here she is. I love to share this with you, I love to color hair but I do it very seldom since I was busy with work and kids ofcourse the chores are included hihi. I mixed some color tube so I can achieve her desired hair color. And yes successfully done! Her hair before is black, natural black hair and this was the result. How was it for you? Is it good?
Magandang hapon mga ka food trip! Kakatapos ko lang magkusot ng uniform ni hubby sa trabaho at tada may naka pwesto sa aking mouse pad, yung suha ni panganay at ni Jemjem. Sabi ko nga ilagay nila dapat sa plato, dahil sa nanonood sila ng tv, hindi na daw nila namalayan na diyan na pala nila nailagay ang nakalagay sa platito ay yung asin lang nila hehe. Si ela sana gustong gusto din ito kaso borlogs si aling maliit napagod kanina kasi may ginawa siya. Habang nag tatanggal ako…
Si Ela at ang basket!😅 Madalas ito ang ka bonding ng aking mga chikitings especially si Ela. Kung ano anong gusto niyang laro dito sa basket, minsan sasakyan, minsan manibela lang pero ngayon mukhang bahay yata haha. Itong nasa unang photo pa, hindi ko alam anong ginagaya niya diyan sa pose niyang yan. Sila ng mga ate niya ang nakakaalam ng mga pose nila na yan haha, tawang tawa ako nung si Ela na ang nag pose eh ang cute lang😅 hehe.
Baon ni mister Grabe halos alas tres na dumating si mister kanina kaya talagang nalate na ako nagising mag 8am na ako nagising. Itong mga tirang ilang pirasong manok na lang ang pinirito ko at itlog para sa almusal at baon ni mister. Mamaya daw hanggang ala una nanaman sila ng madaling araw duduty. Puyatan blues nanaman ito, Hindi la naman ako sanay ng natutulog ng wala pa si mister ko. Kayo din ba ganun po noisefamily?
Late lunchiees Dalawang pirasong tilapya lang ang pinirito ko na ulam sana namin kasi may tira pa kanina. Pero si mother earth naghatid kanina ng adobo itong may itlog kaya nadagdagan ang aming ulam hehe. Mukhang may matitira pa dito para sa hapunan. Kasi yung itlog na nilaga lang ang kinuha ng mga bata. Si Jemjem naman ay yung tilapya ang type niya at ang galing niya nga mag tinik ng isda hehe. Tata kain po muna! Kakatapos ko lang maglaba kaya nalate na.
Nap Time Good afternoon noisefamily, I know some of your are having siesta or enjoying their nap time. Siyempre di papahuli ang mga chikitings natin. Natutulog na ang mga ate niya, kaya nakatulog na din si Ela. Madalas talaga si Ela ang nahuhuling makatulog, kasi kapag naririnig niya pang nag kwkwentuhan ang mga ate at kuya di pa siya makakatulog minsan pa nga ay makikisali pa siya haha. Pero dahil ngayon nakatulog na si aling maliit, Duty time naman for me! Kaya mag kakape…
Tustado at Sunog 😅 Pabili po ng kikiam, mix po kalahati tustado po kalahati sunog po! Haha natatawa ako kasi tinuturuan ko si missy na magluto ng kikiam kasi marunong na siyang magprito ng itlog. Kanina habang nakasalang sabi ko haluin lang niya, tawagin niya ako pag kagaya na ng kanina yung kulay, kinuha ko lang yung mga damit sa kwarto na dalawang basket at mag tutupi sana ako sa sala. Ayun haha, hindi niya daw ma tantiya haha.. kaya ito po ang resulta hehe pero good job…
Selfie Moment of Ela Magandang gabi po noisefamily! Selfie selfie na din ang Ela oh. Akala niyo kayo lang marunong mag pose pose, ang mga ate niya nababawas bawasan na ang pic sa phone ko puro naman na kay Ela. Hehe si Ela ang trip nila kuhanan. Naghapunan na po ba ang lahat? Sana ay nag dinner na po kayo at medyo late na. Kami din po ay tapos na, sa ngayon nag papa antok ang aking mga chikitings, pero ako mamaya pa makakatulog kasi aantayin ko si mister mga 2 to 3 am…
Maulan na umaga! Ganito ang masarap higupin kapag ganito ang panahon, parang hindi naman titila ng matagal ang ulan na ito. Kaya naman itong noodles with egg ang katapat ng malamig na panahon hehe. Pero pwede rin namang tuyo at sinangag, ako mas bet ko yun tapos may noodles din hehe. Mula kagabi maulan hanggang ngayong umaga maambon pa rin. Grabe naging banderitas nanaman sa loob ang aking sampay hehe sino relate sa mga momshies natin diyan?
Late lunch tayo noise family Nabusy ng husto talaga kanina ang inday kaya ngayon palang makakapag lunch. Tamang tama may half pa na gata kaya nakapag lagay ako dito. Sitaw, kalabasa at yung talong po ang niluto ko. Ang okra binukod ko, nilagay sa ibabaw ng sinaing kasi ayaw nila hinahalo dito sa ganito lalo na si Ela. Kinakain nila ang okra kapag laga lang talaga hehe or prito. Kain po muna tayu.
Pritong saging Kamusta po kayong lahat noisefamily? Siguro ang iba po sa inyo ay nag sisiyesta time pa rin. Kami naman po dito ay abala na ulit haha. Ang mga chikitings abala sa pagkain ng nalulutong saging habang ako ay abala pa din sa pag prito hehe. Naghatid kasi si mother earth ko kanina ng saba. Marami rami pa rin ang margarine ko dito kaya dun ko ipinirito. Manamis namis na may kaunting alat dahil sa margarine ang naging lasa at kada hango ko ay talaga namang mabenta…
Throwback Yarn? Nakakatuwa pagmasdan ang mga throwback pictures sa gallery natin ano po? Kagaya ko ngayon, habang nag papahinga dahil kakatapos lang kumain ng aming hapunan ay nag i scroll ako ng mga photos sa gallery ko kasi kanina ang dami nanaman nilang pictures na bago dito. Tapos nakita ko ito, hehe pumasyal kami sa bahay ng tiyahin ni biyenan ko niyang time na yan at tuwang tuwa ang mga chikitings ko, takbo rito takbo roon. Bakit kaya ganun ano, kapag nakikita natin…
Hyper mode Ela Time check it's 11:05pm here in the Philippines but this little one can't stop from her baby shark dance. She really loves to sing and dance. Maybe because her siblings do that too. Right now, we're waiting for hubby to come home and I hope he will not be that so late than the other days like he got home early in the morning. He told me, he will be home late so I have to eat first, tomorrow is their big day at work so they have a lot of preparations to do.…
Daily morning routine Init ng tubig - check Sinaing for almusal at baon - check Ulam for almusal at baon - check Uniform - check Kape - check na check Goodmorning noisefamily, this is my first time again to post this early in the morning. So ayun na nga po maaga ang pasok ni hubby today, 2 hours lang ang tulog niya kaya lang kailangan na talaga bumangon. Sharing you my everyday morning routine, this happens very early today pero karaniwan ay mga 5 or 6am naman. Maganda at…
Magkano po ang itlog sa inyong lugar noisefamily? Sample picture ko lang po itong sinend ni mama, kasi nakakita siya ng mura na organic egg which is dati mas mahal talaga ito kaysa sa regular white egg. Nitong nakaraang linggo lang nung bumili ako sa tindahan ay 10 pesos na ang isang itlog pero hindi naman kalakihan. Kagaya rin ba sa amin ang price sa inyo? Ito naman po nakuha lang ni mama sa 150 pesos or $3. Kaya sabi niya nga mag order din ako, sa binibilhan kasi namin…
Meryenda time na! Busy na magbalat ng kanya kanyang kamote ang mga chikitings ko. Makibalat na din tayo hehe, nag iinit palang ako ng tubig para masabayan na din to ng kape. Namiss namin ito kasi matagal tagal kaming walang kamoteng baging. Pinadala ito ng biyenan ko kay mister bago siya umuwi, may mga ibang gulay din kaya nakamenos nanaman tayo sa mga pang ulam ulam, may sitaw, kalabasa, okra, papaya, sayote at talong si nanay na pinadala. Ano, Tara na, balat na tayo!
My clicks, few minutes ago! My clicks while I'm on my way to mom's house and it's truly amazing since I just took these photos by seconds interval but look at what I've captured. Light, lighter and lightest color of the bluish sky. And I loved it! That's why I thought of sharing these with you all. This kind of view, give me some peace of mind and relaxing to my eyes.
Adobong sitaw/string beans Magandang gabi Pilipinas, magandang gabi world! Taray pang host lang ang intro, pagpasensyahan niyo na po, medyo tuliro na ang inday at di na alam ang uunahin na isipin. Hehe madami lang talagang tumatakbo sa isip ko sa mga pangyayari sa paligid ligid haha. Kain na po tayo, mainit init pa. Anak ko ang kumuha nitong picture at talagang nausok pa nga hehe. Anyways siguro antok na din ito at halos 2 hours lang tulog ko kanina at di namana ako umiidlip…
Almusal time! May tira pa kaming ulam kagabi kaya ito nagdagdag na lang ako ng ilang pirasong tinapa. Nakasalang pa ang nilagang okra para sa mga bata gusto nila kasi yun may nilagang okra kapag may tinapa, tsaka kami mag asawa hehe bet din namin yun. Solb na solb na ang almusal. Kain na din po kayo noisefamily, tsaka siyempre, tara kape!
Isda at gulay Malapit na makaluto! At ito talaga ang magka partner na walang kupas. Ang isda at gulay, perfect at masayang ka bonding sa hapag kainan, mapa umaga tanghali o gabi man. Kaunting oras na lang makakapag lunch na hehe, kayo po kain na din noisefamily.
Nilagang Talong at okra Kumain naba ang lahat? Kami po ay kakatapos lang at ito ang aming ulam. Idinagdag sa tirang isda kaninang tanghalian. Nag gawa ako ng sawsawan na kamatis at sibuyas tapos may bagoong isda. Sa mga bata naman kamatis at toyo lang kasi ayaw nila ng sibuyas hehe na hilaw. At solb na ang hapunan! Medyo masama nga ang pakiramdam ni hubby kaya di masyado nakakain ng madami, chineck ko ang temperature niya at ayun may lagnat. Siguro over fatigue na din at…
Happy yarn! Maaraw na dito sa amin pang 3 days na ngayon kaya nakalabas na ang mga chikitings. Ayan at bola ang kanilang trip laruin ngayon. Kapag bola pa naman ang nilaro nila talagang takbo rito at takbo roon lalo na hindi patag dito sa aming lugar. Hehe Mamaya na ulit ako lalabas kasama nila kasi si Ela nagpapasok na sa loob kaya nakapag update ako sa inyo hehe. Magandang umaga! Happy Sunday noisefamily!
Emergency Travel Nag stop over muna kami ngayon noisefamily, at ito hindi ko maiwasan na hindi mag update at bumisita kasi wala na din kibo sa ngayon si mister ko. Medyo masama kasi ang balita sa amin kanina. Ang tito niya sa probinsya ay nagmessage about sa kanyang tatay, sinabing may sakit na at baka pwede kaminh dumalaw. "Baka ikaw na lang ang hinihintay" itong mga salitang ito ang mga salitang kinakatakutan natin na marinig o mabasa. Talagang masakit itong matanggap kaya…
Magandang umaga noisefamily Almusal mode na po muna tayo, at heto nakapicture agad ang aling maliit namin. Sabi niya kanina sa akin pagkagising mama pichore, pichore hehe. Ginabi na kami nakauwi kagabi galing sa aming lakad guys kaya di na din ako nakabisita dito sa inyo. Kailangan kaso namin umuwi dahil hindi namin kasama si Ela pero kung kasama sana ang mga bata baka hindi na muna kami umuwi. Hindi na talaga maganda ang lagay ng tatay ni mister ko. Hindi na siya…
Pasalubong ni mama Meryenda muna po noisefamily, naglalaba ako nung dumating si mother earth. Pasalubong niya itong tinapay na ito galing daw siya sa isang kakilala at nagbayad ng peanut butter na kinuha. Nag sisimula na ako mag gayak ng mga gagamitin sakaling magtawag ulit dito sa amin. Nag lalaba na ako ng mga damit na panlakad ni mister at yung mga ibang di na niya nagagamit dati kailangan na labahan para naman may magamit siya doon pang araw araw. Ang sabi niya kasi baka…
Bagong Favourite Simula nung matuklasan namin ito, hindi na ulit sila naghanap ng milo. Mas malasa talaga ito at matipid pa hindi na siya kailangan pang lagyan ng asukal kasi may lasa pa din. Minsan ito na din ang nilalagay nila sa oatmeal nila. Natry niyo na din ba to mga momshies? And noisefamily?
Adobong Sitaw Late dinner na kami noisefamily, kasi sobrang na busy kanina sa pag aasikaso sa mga bagay bagay. Buti na lang busog naman ang mga chikitings kasi mga bandang 6:30 kumain pa sila ng meryendang kamote hehe. Kain po tayo sa mga hindi pa kumakain diyan at sa mga kumain na pwede pa po umulit hihi.
Smigol's Mom Went to mom's place earlier and Smigol's mom catches my attention because of her white fluffy and soft fur. Her fur finally came back to normal as it is. Well before she eats the other brand cat food that my brother bought, her fur are like this. But then, there's a situation that the store didn't have stock of her food, so my brother ended up buying a different one. She looks different after eating that for some time, also because the cat liked it very much.…
Kumain kanaba? Mahilig din ba kayo sa ganitong mga matching ng ulam. Mapa almusal, sa tanghalian o sa hapunan? Kami po ay oo, mapaparami lalo ng kain kapag ganito ang nasa lamesa. Pagkatapos kumain, nakaready at nakapila na ang mga gawain. Baka ito na din ang tanghalian ko dahil mamaya tuloy tuloy na ang trabaho. Tara na! Game na! Kain na! Sabayan pa natin ng kape..😉
Visiting Mom Nakikita niyo ba kung nasaan si Jemjem, yung anak kong babae? Hehe nauna una kasi sila sa sobrang excite na makapag duyan kila lola niya. At ayan ngayon ngayon na lang din ulit nakatakbo takbo sa labas kasi madalas maulan. Si mama binisita namin kanina at may binalik din akong gamit niya. Grabe ang bilis nga tumubo ng mga damo diyan, kasi yang mismong daan na ito ay naubos na dati ang damo, nalinisan na, brown na yan lahat puro lupa. Ngayon naman ayan nagsitubo…
Meet Black at ang paparating na si Wendy! Patuka time, dahil wala si mister kaya kami ang nag papakain. Ang anak ko naman ang naglalagay sa may bandang ibaba doon sa mga nakakulong. Noon hindi maamo itong si black sa akin nung bagong salta siya dito. Masungit hehe, pero dahil kami naman din ang nag pick up sa kanya nung binili siya mukhang nakikilala niya na ako unti unti hehe. After magpatuka siyempre habang kumakain sila, humihigop naman ako ng kape hihi.
Magandang umaga sa mga gising na po diyan! Si mister ko umiidlip muna. Nandito kami ulit sa botolan at pinasyalan ang kanyang tatay. Alas onse kami ng gabi bumiyahe from gapo hanggang dito kaya pagod pa. Pagkagaling niya kasi sa trabaho ay sinundo lang ako at dumiretso na kami dito. Mabuti na lang at hindi naman nag iiyak si Ela at kumakain na siya ng medyo marami kaya di na siya nag hahanap masiyado ng dede. Hanggang mamaya kaming hapon dito noisefamily, para makapag bigay…
Morning Shots Captured this beautiful view while enjoying the moment when the sun starts to shine. Earlier, I finally captured this, while I was walking outside of the house coz I see some people are bringing their cows and carabaos to the farm already.. I guess they have break the fast already, what about you? I hope you do so too. Me? Later yes we'll eat later after the breakfast is ready, but of course we had our first cup of coffee.
Magandang umaga again! Mainit init na ang panahon dito ngayon kaya ang sarap mag duyan duyan sa labas habang nasa silong ng puno. Ang hina ng signal ko ngayon dito kaya ang hirap mag upload. Kanina ko pa gustong magpost pero ngayon lang umabot na ma upload. Isa yan sa view sa farm ng tito ni mister ko, ang ganda! Promise ang ganda! Nandito pa din kami ngayon at sinasamahan si tatay ni mister.
One of my favourite photos among the rest! This was taken last Sunday from hubby's phone since mine is not available yet. Do you also find it amazing? It is, right? The color combinations from the clouds, the sky and the dried water because of volcano eruption long time ago, it is perfectly matched with the touch of Greenery! We're still here at my FIL's, his condition is still not okay. 😥
Kamusta kayong lahat noisefamily Pagpasensyahan na ninyo at an tagal ko na hindi nakapag update. Ngayon lang nakaupo at nakapag post nandito na kami ulit sa lugar ng aking biyenan. Kahapon umuwi muna kami, pero bago kami umuwi, nagpaalam na ang tatay ni mister ko. Parang inadya talaga ang pagkakataon. Nung paalis na kami ng hapon, ayaw umandar nung motor namin talagang ang tagal inayos ayos ni mister ko. Ako naman pasilip silip lang sa kwarto kasi naka helmet na ako at…
Kape muna Kape muna si mister ko habang naglilibang sa kanyang phone. Habang nandito kami, tsaka pa nag kakaproblema din sa work niya. May mga hindi pumasok sa work niya pero buti na lang din naayos din. Haay papa, sana maibsan din yung iniisip mo, hindi ko alam kung anong eksaktong nasa isip mo ngayon masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Dinner ng mga chikitings Nagsend sa akin ng picture ang panganay kong anak gamit ang cp ni biyenan. Ito daw ang hapunan nila sa bahay. Si Ela kasi nakita nanaman daw yung okra sa ibabaw ng mesa kaya ayun, nilaga din ni biyenan. Basta may nakitang okra gusto niya nang kunin ang okra kaagad. Isa daw yan sa pinag iyakan ni Ela kanina. Haay naku anak pag uwi ni mama, mag laga tayo ulit hehe.
Ela @2 Pagkabilis talaga ng panahon, sobrang swerte namin anak at dumating kayong lahat sa buhay namin ng papa ninyo. Happy Happy birthday! Hindi ka man makapaghanda dahil nga tayo ay humaharap ngayon sa isang malungkot din na sitwasyon at ang lolo mo eh nag paalam na, ang mahalaga naman anak masigla at malusog ka. Yun ang pinaka importante sa lahat nak. Love na love ka namin! Uuwi kami wait mo kami diyan nila ate at kuya!
Mani po muna kayo diyan Isa ito sa comfort food ko talaga, stress reliever at pampawi ng antok. Medyo magulo ang isip ngayon at talagang ang dami daming tumatakbo sa isip ko pero siyempre isang kilos kailangan ng pera kaya di pa magawa ang mga bagay bagay. 😔 Buti na lang may ganito dito. Kausap ko ang mama ko at talagang hindi biro ang pinag dadaanan namin ngayon noisefamily, pasensya na din po kayo at medyo stressful ang inday pero laban lang.
Dalandan naman Ang aming little birthday celebrant busy sa kanyang dalandan. Kanina kasing tanghali buti may natira pang isang apple, yun ang kinain niya. Ngayon ito may nakitang dalandan yung dala ni lola niya ngayong hapon naisipan nanaman na kumain. Hehe Sarap yan nak? Parang nangasim ang itsura niya kanina hehe, kamusta kayong lahat noisefamily? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan lahat.
Biyahe ulit This time kasama naman namin ang dalawang chikitings kaya no choice kailangan mag commute. Habang nag aantay makaalis ayan picture muna sila, at buti na lang din merong signal ng data kahit papaano hehe nakapag upload ng picture. Nakakagutom nga lang at inabot na kami ng tanghali kasi ang tagal namin nag hintay. Doon na lang kami mag kakanin. Hehe pagdating.
Dingdong + water + amazing view Habang nag papa breastfeed kay Ela ito naman ang gawa namin ng isa ko pang anak si MJ, kasama namin silang dalawa dito sa Botolan ngayon at last na lamay na. Bukas na ang libing ng father ni hubby noisefamily. Hindi na ako nakakabisita sa inyong lahat pasensya na talaga kayo pero makakabawi din ako pagkatapos ng mga kailangang asikasuhin. Tara kain po muna tayo.
K.O. na silang dalawa Dahil hindi sila gaanong nakatulog kanina, ayan at plakda na ang dalawa naming kasama. Sleep muna sila para bukas may lakas sila at baka maglalakad sila bukas. Buti na lang din at humupa na ang lagnat ni Ela kasi walang nabili si papa niyang gamot kanina. Ang layo pa nga ng pinuntahan niya naglakad lang siya tapos ang lakas pa ng ulan. Haay ang hirap din bumili dito at ang lalayo ng mga tindahan, lalo na ang bayan. Kamusta kayo diyan noisefamily? Medyo…