Tinapa para almusal ngayong umaga! Kagabi bumisita sila mama nagdala sila ng tinapa at ito may tira pa ito na ang almusal namin ngayong umaga. At itong upo naman nabili ko sa halagang 35 hehe. Kaya ito na ang pananghalian namin mag iina mamaya. Maagang pumasok si mister, at kanin lang ang naipabaon ko sa kanya kasi kagabi pumitik yung kadena niya nagtulak siya ng motor, mabuti na lang at malapit lang kila mama. Kaya nilakad niya na lang mula doon hanggang dito sa bahay. Dahil naman gabi na di na niya nabalikan pa para ayusin, kaninang umaga nang puntahan niya sira na daw palankaya ang ending mag cocommute siya ngayon papasok sa trabaho. Dito pa naman basta natraffic siguradong late sa trabaho kaya kahit 11am pa ang pasok umalis na siya ng 8:45am. Anyways tara almusal na po.
2 comments
Mas mabuti na ang maaga sis no dahil di biro ang traffic ngayon. Fresh na fresh ang upo oh makinis pa sa face ko haha
Ay sinabi mo pa sis tapos may kaltas yun sa work kapag late haha. Naku sakin din makinis sa mukha at binti ko itong upo😅