read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Magkano po ang itlog sa inyong lugar noisefamily? Sample picture ko lang po itong sinend ni mama, kasi nakakita siya ng mura na organic egg which is dati mas mahal talaga ito kaysa sa regular white egg. Nitong nakaraang linggo lang nung bumili ako sa tindahan ay 10 pesos na ang isang itlog pero hindi naman kalakihan. Kagaya rin ba sa amin ang price sa inyo? Ito naman po nakuha lang ni mama sa 150 pesos or $3. Kaya sabi niya nga mag order din ako, sa binibilhan kasi namin dito ang regular white egg na medium size ay 240 pesos na kaya ito sobrang laking namenos niya. Grabe ang tinaas talaga ng presyo ng itlog. Nakakabili din ako dati ng 120 per tray 110 per tray pero ngayon half tray lang yun kulang pa. Kaya swerte at natiyempuhan ni mama itong organic egg na mura lang.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.