read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Nasa mood mag selfie yarn? Habang hinihintay namin matapos makaligo ang mga ate ate at ang kanyang kuya, napasabak sa selfie ang aling maliit haha. Nasa mood siya kaya siyempre pagbigyan na, "pichor" pichor" ayan ang kanyang banggit kanina. Naglunch naba ang lahat? Kami po ay tapos na kanina, at di na nga ako nakapag update man lang dahil sa kabusyhan ni inday magkusot ng uniporme ni mister last na kasi ang suot niya ngayon kaya kailangan na muna magkusot. Kaso kumulimlim hehe kaya pasok ulit ang damit. Sana wag naman umulan ng kasinglakas kagabi at talagang ang daming sanga na nagsisibagsakan sa bubong namin. Nagugulat pati ang mga bata. Sa sobrang lakas din ng ulan kagabi, ayun nabasa ang ibang gamit sa isang kwarto kagabi. Buti na lang at nakatapos na akong maglinis hehe. Kaya upo upo muna sabay kape!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.