Motorcycle chain repair mode! It's already 1:15am here and thank God it's not raining. Nag ayos pa kasi kami ng kadena kanina. Kakatapos lang ngayon at ginutom si hubby. Ayan napa prito pa ako ng itlog at siyempre hindi mawawala ang kape. Kahapon kasi ay napatiran siya ng kadena buti na lang malapit na siya kila mama ko nun kaya dun muna ipinaiwan ang motor. Ngayon naman nagsimula kami mga 10pm, pagdating kasi ni mister ng pasado alas nuwebe ay kumain din siya kaya 10pm na nakapagsimula. Grabe nahirapan kami sa pagbaklas dahil sa may na lose thread daw. Assistant ako hehe masakit sa kamay at pukpok dito pukpok doon inaalalayan ko naman yung kadena mismo para hindi dumausdos sa kalang. Haay thank God at natapos din, after nito kaunting pahinga bago mahiga at matulog. Goodnight sa inyo noisefamily!
4 comments
Buti naman at okay na sis, hirap ng walang service papuntang work.
Kaya nga sis, nakakaloka magrepair haha, ang daming pasikut sikot at puro kami grasa hehe. Hindi pa rin nakatulog yang si Missy at Jem, nag picture ako nung nakahugas na kami ng kamay ni Jem hehe.
Supeeer helpful mo naman pooo all around talaga
Oo bhe, hindi din ako makakatulog ng hindi pa siya natutulog eh. Tsaka need niya talaga ng assistant kasi di kakayanin ng mag isa yun wala kasi siya nung tools na need eh kaya mano mano hehe