Nilagang Talong at okra Kumain naba ang lahat? Kami po ay kakatapos lang at ito ang aming ulam. Idinagdag sa tirang isda kaninang tanghalian. Nag gawa ako ng sawsawan na kamatis at sibuyas tapos may bagoong isda. Sa mga bata naman kamatis at toyo lang kasi ayaw nila ng sibuyas hehe na hilaw. At solb na ang hapunan! Medyo masama nga ang pakiramdam ni hubby kaya di masyado nakakain ng madami, chineck ko ang temperature niya at ayun may lagnat. Siguro over fatigue na din at ilang araw na halos dose oras sila tapos madaling araw umuuwi. Anyways, kapareho ko ba kayo na kahit gabi eh nagkakape, hehe kagaya ngayon, bet magkape kaya ito kape mode after ng hapunan, hihi.
3 comments
Okra paborito ng anak ko sis..allergy ata sya sa talong kasi makati daw
Sa sawsawan yan ay katalo na rin, galing lang talaga at mahilig kayo sa gulay sis kung kami e inay lang at kuya ang kakain haha
Ang sarap naman nian sissy. Tpos n kmi ng dinner sis. Ngdessert n nga.