read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Magandang hapon mga ka food trip! Kakatapos ko lang magkusot ng uniform ni hubby sa trabaho at tada may naka pwesto sa aking mouse pad, yung suha ni panganay at ni Jemjem. Sabi ko nga ilagay nila dapat sa plato, dahil sa nanonood sila ng tv, hindi na daw nila namalayan na diyan na pala nila nailagay ang nakalagay sa platito ay yung asin lang nila hehe. Si ela sana gustong gusto din ito kaso borlogs si aling maliit napagod kanina kasi may ginawa siya. Habang nag tatanggal ako ng mga tuyong damit sa kwarto, ipinapa labas ko kay Ela ang mga hanger sa upuan at nandon naman si Jemjem siguro sa pabalik balik ay napagod siya hehe at habang nag lalakad pa papuntang sala salita pa siya ng salita haha. Ang damig hanger nun😅 at mamaya kasi tupian time na, Kaya nagtanggal na ako hehe. Nakatulog tuloy siya.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.