read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Pomelo again Dahil matamis ang mga suha na dala dala ni nanay, ayan kakain nanaman ang mga chikitings ko nito hehe. Ang sabi ni biyenan ko, noon daw mga nakaraang taon ang lalaki ng bunga ng puno ng suha nila auntie niya. Pero kalaunan lumiit at ang dahilan daw eh napaglihian. Kaya naging maliliit na siya mabuti na lang at nag bubunga pa. Dati di ako naniniwala sa ganun hanggang sa nangyari din sa puno namin. Pero puno naman ng bayabas, ang bayabas na yun malalaki ang bunga niya yung mahal sa palengke sa mga supermarket. Talagang masarap malinamnam siya, hanggang sa may lumipat kaming kapitbahay at buntis siya, nagpunta sa amin one day I think grade 4 ako nun. Binati niya yung puno ng bayabas na ang ganda daw at ang lalaki ng bunga kasi season niya nun, nanghingi din siya kami naman nagbigay. Ilang beses na nangyari yun kasi magaling magbunga yung tanim ni papa na yun. Di namin alam na buntis pala siya tapos nung mga ilang buwan nakita namin kapag lalabas or makakasalubong na buntis pala siya. Ang nangyari sa puno, unti unting lumiit ang mga bagong bunga, tapos hanggang sa yung bunga niya parang sing laki na lang ng chico, at ang masaklap pa ay naging kulay black siya. Itim na itim talaga yung bunga niya tapos unti unti ding namatay yung puno. Grabe napahaba ang kwento ko, haha kakain na muna ako ng suha😅

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.