Ang laro na kung tawagin ay BUHAY

22 51
Avatar for Janz
Written by
3 years ago

November 10, 2021

Ang buhay ng tao ay may maraming tungkulin at alam natin yan.

Bawat isa sa atin ay may ginagampanan sa ating bawat isang buhay at dapat natin itong matutunan. Kung ikaw ay isang Ina o Ama ng tahanan ay gagampanan mo ito ng maayos. Kapag sumakay ka ng pampasaherong sasakyan ay magiging pasahero ka naman. Araw araw ay maaaring mag iiba ang iyong ginagampanan sa buhay. Kaya dapat tayong maging responsable sa kung ano man ang magiging tungkulin natin sa araw araw na tayo ay nagsusumikap na maabot ang ating ina asam-asam na pangarap. Bagama't may mga tungkulin na mahirap para sa atin pero dapat din nating malampasan ang nasabing hirap sapagka't ang mga yan ay kasama sa laro ng buhay.

Ngayon ay nais kong ibahagi sa artikulong ito ang naging tungkulin ko sa buhay.

Noong nag aaral ako sa kolehiyo at nasa unang taon pa lamang sa kursong BSIT (Bachelor of Science in Information Technology) at nasa huling taon naman siya sa kolehiyo sa kursong BSED ay naging mapusok kami ng aking iniibig o kasintahan. Sa madaling salita nabuntis ko siya at ako ay magiging ama na. Hindi pa ako handa sa bago kung tatahakin at gagampanan sa aking buhay ngunit hindi kana maaaring umatras pa at ayaw ko naman na masaktan ang aking iniibig sapagkat mahal ko siya. Kakayanin alang-alang sa kanya at sa batang dinadala niya.

Ang pagiging isang AMA ay hindi isang laro na kung ayaw mo na ay pwede mong ihinto. Datapwa't ito'y isang tungkulin na gagampanan ko habambuhay. Tungkulin na dapat ako'y maging responsable at maging isang magandang modelo sa aking anak. Kaya't unang hakbang na ginawa ko upang maging responsable at magandang modelo ay iniwan ko ang bisyo ko sa pagsisigarilyo nung nalaman kong ako'y magiging ama na. At ngayon, masaya ako sapagka't dalawang taon na ang nakalipas na iniwan ko ang nasabing bisyo. Dahil, bilang isang ama ayaw kong makita ang aking anak na gagaya sa akin sa paninigarilyo at ayaw ko ring bigyan ng sakit ng ulo ang aking asawa sapagka't ayaw din niya ang pagsisigarilyo.

Ang pagiging ama, noong una ay mahirap mag adjust sapagkat na bago pa lamang, nagkakamali at natututo naman. Mahirap na magaan, masaya na malungkot, at masarap na mapait. At minsan nga ay naitanong ko sa aking sarili kung paano ko ito gagampanan ng maayos kung ako'y nag aaral pa. Mabuti nga at sa kabila ng mga yan at sa tulong ng aking iniibig ang ina ng aking anak ay hindi naging mahirap sa akin sapagka't siya rin ang gumagabay sa akin kung paano ang tamang gawin kung nag aalaga ng sanggol. Kagaya ng, paano lalagyan ng diaper ang sanggol. Kaya't ang masasabi ko lang ay napaka swerte ko sa aking kasintahan kahit minsan ay naging tigre siya pero mahal na mahal ko pa rin siya. At hindi ko alam ang gagawin kung sila ng aming anak ay mawalay sa akin dahil sila ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon sa kabila ng aking pangungulila sa aking mga magulang na pumanaw na.

Kaya't. . .

Sa araw-araw na pagkakamali ay araw-araw din tayong natututo kung paano mabuhay. Sa kabila ng mga pagsubok ay may mga bagay na nakakapag pasaya sa amin at yun ang aming anak.

Dapat talaga ay ihanda natin ang ating mga sarili sa magiging tungkulin natin bukas sa makalawa at sa susunod na araw at mga buwan. Dahil hindi natin alam kung ano ang susunod na hakbang na ating pupuntahan, ngayun may kayamanan ka bukas makalawa maaaring ito'y wala na o ngayon baka sayo'y tagtuyo't masaklap baka mamaya ay ginhawa't tag sibol na.

Ang buhay ay parang laro ng Chess.

Ayon nga kay Allan Rufus (Sa Tagalog Translation),

"Ang buhay ay parang laro ng Chess. Para manalo kailangan mo igalaw mga pyesa mo, bawat galaw ay pinag paplanuhan ng maayos. At sa bawat pagkakamali natin at sa bawat aral na makukuha natin sa laro, magiging kagaya tayo ng mga pyesa sa laro na tinatawag na BUHAY."

Nawa'y pagtuunan nang pansin at kapupulutan ng aral ang aking gawa.

~Junix

Sponsors of Janz
empty
empty
empty

"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) -Β @Janz

Lead image was edited by my partner.

10
$ 7.11
$ 6.84 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @MizLhaine
+ 5
Sponsors of Janz
empty
empty
empty
Avatar for Janz
Written by
3 years ago

Comments

Ang hirap ng laro ng buhay lalo na kung hindi natin alam kung paano ito haharapin...Sa bawat pagkakamali natin dapat ay matuto tayo at mas lalong tumibay para manalo tayo...Hanga po ako sayo kasi hindi mo tinakasan ang pagiging isang ama sa kabila na hindi ka pa sana handa....Hinarap mo ito at binago mo ang iyong sarili para sa ikakabuti ng iyong mag ina..I salute you po..

$ 0.03
3 years ago

Salamat, akoy masaya rin sa iyong naging tugon sa aking artikulo,

$ 0.00
3 years ago

Every wrong decision teaches us new lessons, we always have opportunities to make things right. Kudos po sayo!

$ 0.02
3 years ago

Tumpak ganerrnn talaga. Salamat po sa pagbasa at pagdalaw 😊

$ 0.00
3 years ago

Nakss.. Lahi ra jud ang banabelz uie kay mutabang man sad ug himo-himo ug article Mamsh..

Bitaw.. God bless ninyu Mamsh.. Fighting lang sa life uie.. ☺️

$ 0.02
3 years ago

mao gajud mamsh, padayon lang sa paglakbay

$ 0.00
3 years ago

Gani, way atrasay kay mao naman kaha lagi ni.. Charss.. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Mao gajud.

$ 0.00
3 years ago

Sana all madam..kamao man pud diay sija madam. Padayon lang mo sa life. Unsaon mingsud man lagi ta.haha Godbless ninju madam.😊

$ 0.02
3 years ago

Kamao madam hilom2 laman hahaha, pero tagalog ra kunu iya lage. haha Mao nang tanang tagalog naho nga article credits niya haha

Bitaw, no u turn na madam. Go straight nalang jud.

$ 0.00
3 years ago

Salute to your hubbybelz dhai.

$ 0.01
3 years ago

Salamat joy

$ 0.00
3 years ago

Lahat ng mga pagkakamali na nagawa natin sa buhay ay nararapat lang naring ituwid. Hindi natin maikakaila na natuto rin tayo sa mga pagkakamali nating ginawa na siyang nagbibigay satin ng daan upang mas pagbutihin pa natin yung ating sarili. πŸ’•

$ 0.03
3 years ago

Tama, mistakes is one of the tool of learning. But it depends on the person if he/she will learn from such mistakes. It's a choice as well.

$ 0.00
3 years ago

What a responsible man! Salute to you!

$ 0.02
3 years ago

Thank you

$ 0.00
3 years ago

Wow! Makatouch madam ui .. Padayon lang .. God is good. I know nga di sija o mo pasagdan. Hehehe

$ 0.03
3 years ago

Mao lage madam. Ako pud kiligon magbasa hahaha

$ 0.00
3 years ago

Mao lage madam. Ako pud kiligon magbasa hahaha

$ 0.00
3 years ago

Such a heart warming article from a Father himself. Nakakaproud na malaya nyang na express yong thoughts like this. Thumbs up!

$ 0.03
3 years ago

Oo nga sis ehhh, Tagalog lang kasi yan daw siya komportable mag express.

$ 0.00
3 years ago

Yes ok lang naman. What is important is yong thought.

$ 0.00
3 years ago