I Found A New Love On The Same Ground

26 103
Avatar for Jane
Written by
2 years ago

October 10, 2022

"I don't love you anymore. Let's break up."

Ganon na ba ngayon ang Pagi-Ibig? Sa una lang matamis, pero sa paglipas ng panahon, ito'y unti-unti maglalaho kasama ang mga binuong pangako.

Sa ilalim ng Buwan, ako'y naglalakbay. Patungo sa kabihasnang hindi alam anong magiging lagay. Sa bawat patak ng aking luha, mukha niya ang aking nakikita. Hindi lungkot and pananabik ang aking nadarama, kundi galit at poot sa nakaraan na ayaw ko nang madama.

I feel totally Drained when I step on the Same Ground, where he broke my heart that I thought I couldn't stay around. I hope I could turn my heart into a stone, so I couldn't feel the pain anymore. It seems that Fire is burning inside me that I can't suppress. I hope I am an Armour Bearer, so I could protect my heart not to surrender.

"Bakit ba lage akong nasasaktan? Kailan ko ba mararamdaman ang tunay na kaligayahan!"

Kasabay sa pagsigaw ko sa buwan ay ang pag-ungol ng aso. Mga balahibo ko'y nagsitayuan, mga mata'y tumanaw sa kalayuan. Ilang saglit pa isang anino ang unti-unting nabubuo. Hindi isang tao kundi malaking aso. Mga paa ko'y inihakbang paatras, kasabay sa pagbuo ng pakiramdang hindi ko pa danas.

"Kung Minamamalas nga naman. Ba't ba panira to sa pagsesenti ko." Bulong ko sa sarili ko.

"Huwag kang lalapit." Pakiusap ko sa aso.

Mukha nito'y galit, na para bang nauntog sa pagkakatulog. Pangil nito'y lumabas, ako'y kumuha ng ihahampas. Sa kanya ito'y inihagis, na nagpalala sa kanyang pagkainis.

Ako'y tumakbo na sinundan nito. Mga paa ko'y Tumatakbo, kasabay sa malakas na tibok ng aking puso. I Run and run. But it just even runs faster. Sa dulo ng bangin, ako'y napahinto. It was a dead end. I was out of Breathe, and I feel like I'll be dead soon too.

Ngunit isang malakas na sipol ang pinakawalan mula sa kung saan. Ang aso ay huminto, at sa kadiliman ito ay nagtungo. Kasunod nito ang paglabas ng isang pigura, na tila ba sa aking mga Mata ay hindi mapurma.

Isang lalaking may mukhang Simpatiko ang bumungad, na tila ba'y may kung anong hangad.

"Ikaw ba may-ari ng aso? Pwede ba sa susunod talian mo yan?" Tugon ko dito.

"Pwede ba sa susunod huwag kang istorbo sa aking pamamahinga?" Pagalit na sagot nito.

"Malay ko bang may tao sa liblib na lugar na to?"

"At anong ginagawa ng isang babae sa liblib na lugar na to at may pasigaw-sigaw pa sa ilalim ng buwan. Ikaw ba'y isang lobo?"

"Kung Sakali ako ay lobo, ano ka? Aso? Ba't ka ba kasi dito namamahinga. Hindi mo to teritoryo."

Kasunod nito ang pag-ungol ng aso sa kanyang likuran, na para bang mga sinabi ko ay naintindihan.

"Dito ako iniwan ng aking mahal, kaya ito'y aking binabalik-balikan." Marahang sabi nito.

"Pareho pa la tayo eh. Dito rin ako iniwan ng dati kong mahal."

"Sumakabilang buhay?" Tanong nito.

"Sana nga ganun na lang nangyari. Kaso hindi. Sumakabilang bahay na nagpawala sa aking Makulay Na Buhay." Sagot ko.

"It's pointless holding him back. Let him go and find a way of Deliverance of him. Do it for yourself In A Big Way. He's gone. So think of yourself, not him. Your life shouldn't end that way."

Mula Noon, mga kataga niya sa aking isipan ay tumatak. Na parang ulan na walang hinto sa pagpatak. Sa mga hindi inaasahang pagkakataon, magkasabay kaming umahon, sa pagkakalunod sa nakaraan na gusto naming bitawan.

Isang araw, sa dulo ng bangin ako ay umupo, kasunod nito pagkawala ng tunog na sa aking isipan ay humapo. I was singing Kitchie Nadal Medley when the rain suddenly fell profusely. "Is this a joke?" I asked myself.

"Hindi. Sadyang boses mo hindi nagustuhan ng kalangitan kaya lumuha ng ulan." Isang biro ang nagmula sa aking likuran. Si Mark at kanyang aso sa mga paningin ko ay humarang. Sa tabi ko siya ay umupo, kasabay sa pagbukas ng payong kaya ako'y napayoko.

"Ikaw nga kumanta, kung ulan ay huhupa." Pabiro kong tugon dito.

Maya-maya malamig na boses ang pinakawalan na parang bang may Majika sa kalawakan.

๐ŸŽถ"Pangarap Ko maging isang tulay
Hindi ito papipigil ano mang sabihin nila
Matarik man ang natatanaw
Pag-ibig mo pa rin
Ang siyang sumisigaw" ๐ŸŽถ

Sa pagtatapus niya ng kanta, sa kanya nakatuon aking mga mata. Ang mga ito ay naglakbay ng Malaya sa kanyang mukha. Pisngi at mga mata niya ay maamo, ilong ay matangos, at mga labi ay mapupula. Mga mata nami'y pinagtagpo kasabay ng ulan na dahan-dahang huminto. Sa ilang sandali kami'y nagkatinginan, ako na rin ang kusang sumuko. Pisngi ko'y namula, ako'y napahiya. Mga labi nito'y bumuka, kasabay ng malakas na tawa.

"Huwag Na Huwag Mo Sasabihin...may crush ka sa akin noh?"

"Wala ah. Kapal nito!"

Isang malakas na tawa lang kanyang pinakawalan, at sa dulo ng bangin kami ay nagtawanan. Sumunod ay isang kantahan, inisan, at sa aso nakipagsayawan. Sa pagtatapus ng araw kami ay sa isa't-isa nagpaalam.

"Sa Uulitin." Pagpapaalam ko.

"Kung sa uulitin, Tadhana tayo ay pagtatagpuin , maaari bang lumalim pagtingin mo sa akin?"

Katanungan niyang nagpatahimik ng gabi. Tila ba'y nakatukom aking mga labi.

"Isang linggo mula ngayon, ako'y maglalayag. Bago pa man mawala ng dalawang taon sa karagatan, ako'y may ihahayag. Pakiusap ko sa iyo, sana iyong mapagbigyan. Maaari ba kitang ligawan?"

Sa buwan ako ay tumingin, mga tanong nya hindi alam kung dapat bang sagutin. Kasagutan puso ko'y tila ba alam, ngunit kasiguraduhan hindi ko malaman.

"Mga sagot ko sa pagbabalik mo aking ibibigay. Iyon ay kung kaya mong maghintay."

"I know You're Worthy, so I will." Pangiting tugon nito.

Mga araw at taon ay lumipas, mga ala-ala sa kanya hindi kumukupas. Mawala man aming kumunikasyon, mukha niya nakapinta sa aking imahinasyon.

Aming tagpuan aking binabalik-balikan, nagbabakasakaling siya ay madatnan. Araw, linggo, buwan, taon, aking ininda. Umaasang siya muli aking makita.

"Tama bang siya aking pinakawalan? Paano kung hindi na niya ako balikan?"

Araw unti-unting lumilitaw. Pagsasamo sana siya rin ay matanaw.

"Sinong nagsabing hindi ako babalik? Baka naman ngayon mabigyan mo na ako ng isang halik?"

Kaligayan ko nag uumapaw, ng akin siya muling natanaw. Ngiti sa mga labi hindi mawala, mga tingin niya'y nagbapalik ng masasayang ala-ala.

"Mula noon, hanggang ngayon, palabiro kapa rin." Sagot ko dito.

Mukha ko sa palad niya'y ikinulong. Kamay ko'y sa dibdib niya'y ipinatong.

"Mula noon, hanggang ngayon, ikaw ang laman nito. Pag-aalala ko sa iyo hindi huminto. Pagsusumamo ko sana iyong pakinggan. Iniibig Kita, ako ba'y pagbibigyan?" Tanong nito.

Isang yakap aking itinugon. Kasabay sa mga katagang pinakawalan na dati kong ibinaon.

"Puso ko'y lumumbay sa mga araw na wala ka. Ngayong andito kana, ito'y lumulukso sa tuwa. TL Ako Sayo." Sagot ko.

"Simula Ngayon, ako sa tabi mo hindi lilisan, pag-ibig ko sa iyo hindi mapipigilan. Mga araw at gabi pupunuin ng Ligaya. Sa mga bisig mo lang, ako sumasaya. Kalungkutan mo aking buburahin. Panigurado ko sa'yo, magpakailanman, ikaw lang ang aking mamahalin."

Sa sumunod na buwan, sa dulo ng bangin kami ay ikinasal. Panghabambuhay na relasyon, aming idinasal.

Image from Unsplash by Giorgio Trovato

Sa muling pag apak ko sa lugar na ako'y iniwan, wala ng pait sa nakaraan ang nadama, kundi kaligayahan. Dahil...

"I found a new love, on the same ground."

THE END


There you go. Inspired by the beautiful moon last night and Kitchie Nadal's Medley. She is one of my fav Filipino singers. So I opted to make connecting song titles again. For English readers here, just click translate if you want to understand the story. But better not ๐Ÿ˜‚.

You can check my stories using the same writing style, connecting song titles here:

The Chantey Moon Melted And He Began To Crescendo Lee Seu Hyun

You're Like A Monster That I Can't Take Off My Mind Henry Lau

A Perfect Symphony For The Galway Girl Ed Sheeran

You Changed My Life In A Moment Sarah Geronimo

Take Her To The Moon Moira Dela Torre


**(Check out the new noise.app here and let's be connected.ย noise.app/Jane1289)**

Follow me on:

โ€ขread.cashย โ€ขnoise.cashย โ€ขHIVEย โ€ขEcencyย ย ย โ€ขPeakDย โ€ขTorumย โ€ขTwitter

20
$ 2.66
$ 1.98 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @Ruffa
$ 0.05 from @Laurenceuuu
+ 17
Sponsors of Jane
empty
empty
empty
Avatar for Jane
Written by
2 years ago

Comments

I love kitchie nadal mula noon hanggang ngayon at sarap kaya kantahin at pakinggan yung medley niya. But what I like sa article ay yung, "Sa sumunod na buwan, sa dulo ng bangin kami ay ikinasal. Panghabambuhay na relasyon, aming idinasal." Sarap mainlove at magreact nga.. ayyy๐Ÿค—

$ 0.00
2 years ago

Nung bandang "Huwag na huwang mong sasabihin" na ako natono ko basahin e ๐Ÿ˜‚ Galing te! ๐Ÿ˜

$ 0.01
2 years ago

Haha..thanks.

$ 0.00
2 years ago

I heyt you madam! Kinilig ako! Ahahaha yiehhhh, I feel like reading a short pocketbook stories with its taglish language, kakamiss din ah. Pero, I was all smile while reading it grabii haha paramg gusto ko din mag write kaso bloody sana sa maliwanag na buwan, ahaha charrr. Buto nalang happy ending โœจ๐Ÿคฉ๐Ÿคฉโค๏ธ

$ 0.01
2 years ago

Sa ilalim ng .... puting kumot pilit hinahablot ๐Ÿ˜‚ Juan Carlos x Andrew E remix mo dzai ๐Ÿ˜‚ haha

$ 0.00
2 years ago

Db nagsusulat ka rn song titles dati? Gawin ulit hehe..madali kc kapag tagalog ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
2 years ago

I was able to understand half of the story but Philippines language is a big barrier for me. Congrats if even you will find a new partner ๐Ÿ˜‚ Jane.

$ 0.01
2 years ago

How I wish ๐Ÿ˜œ

$ 0.00
2 years ago

I love Kitchie Nadal. May pagka ruffa karin pala. Conyo hhehe

$ 0.01
2 years ago

Natural characters are sometimes hidden in my writings..

$ 0.00
2 years ago

Galing naman eh,kaganda ng story kahit nakakapanibago kahit tagalog๐Ÿ˜€

$ 0.00
2 years ago

Pocketbook ba binabasa ko? Ayieee ba't naiimagine ko yung mga scenario. Naks! Parang coincidence din kakanood ko lng ng video ni Kitchie, idol ko din yan eh kaganda ng boses.

$ 0.01
2 years ago

Kay nga .pero ano na kya balita sa knya noh?

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda madam!๐Ÿ˜ Nakakakilig yung estorya at hindi ko akalain na mga song titles pala ang mga yun. Ang galing ng pagkakakonek. Hindi ako fan ni kitchie but familiar ako sa same ground na kanta.๐Ÿ˜

$ 0.01
2 years ago

Yun pinaka bet ko na kanta nys hehe

$ 0.00
2 years ago

Do you want me to tell you something honest?: I hardly understood anything in your article, it was in another language, I tried to translate it Lol, but I loved the photos, especially the first one!

$ 0.01
2 years ago

Better not translate it... It will be more complicated to understand ๐Ÿ˜‚... It's our languages lol

$ 0.00
2 years ago

Omg! Kinilig ako sis! I am smiling until the end of the story! Sana all happy ending!

By the way parang nawala na si Kitchie Nadal

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga...songs na lang nya naiwan lol

$ 0.00
2 years ago

Haha masearch nga kung nasaan na siya

$ 0.00
2 years ago

Ang sakit lang isipin na minsan na nga lang magmahal, masasaktan pa๐Ÿ™ Hirap kaya hanapin yung totoong magmamahal talaga.

$ 0.01
2 years ago

That's life. Ang bitter haha

$ 0.00
2 years ago

Ba't kaya ganon no? Minsan na nga lang magmahal masasaktan pa.

$ 0.00
2 years ago

I wish I could know what the whole story says, you always write very good things, have a great day.

$ 0.01
2 years ago

Moon was beautiful and strong this weekend. I can't understand much, but I'm sure it's good ;)

$ 0.01
2 years ago

Haha...

$ 0.00
2 years ago