August 12, 2021
Ako'y litong-lito at hindi mapagtanto, mga katagang iyong binigkas bago ka lumuwas. Sa kabilang ibayo ikaw ay magtutungo, para makita ang pinapangarap mo. Ako'y humiling ng Isa Pang Araw, para magkasama Tayo sa isang Duyan. Mga bisig mo aking pinapangarap, mga halik mo aking hinihingyap. Mundo ko ay huminto, nang aking hiling ay iyong pinagbigyan. Akala ko ikaw ay mananatili, pero ito'y salungat sa aking minimithi.
Dati Sabi Mo Sa Akin, you have A Very Special Love for me. Pero bakit tila ito'y nagbago? Sino Nga Ba Siya na tunay mong Minamahal? Na kaya mong saktan ang puso ko ng lubusan? Pa Ikot-Ikot, gulong-gulo, litong-lito ang puso ko sa'yo. Bakit nga ba ako nagkaka Ganito? Na kahit ang sarili kong Sandata ay aking isinugal, maabot lamang ang matayog mong Talang matatagpuan in Your Universe. Ito ba ay Dahil Minahal Mo Ako? Ngunit iba sa ninanais ng aking puso.
Para Sa Iyo, ako'y Kaibigan Mo lamang, but I want To Love You More. Ngunit ikaw ay hindi sumang-ayon at sabi mo'y hindi ko alam ang tunay na pagmamahal. Paano Ba Ang Magmahal? Hindi ba sapat na ako ngayo'y nasasaktan? Sa bawat araw at gabi, ikaw ang tinitibok ng aking puso. Sa bawat galaw ng aking katawan, ikaw ang nakikita ng aking mga mata. Sa bawat salitang binibigkas, ikaw ang nilalaman ng aking isipan.
Isang Kilometro aking tinakbo para puso mo ay aking masuyo. I endured the pain until the Rain falls, but seems like Forever Is Not Enough to get you. Wala ni isang salitang binigkas nang ika'y humakbang, ngunit ako'y umiyak para Lumingon Ka Lang. Mali ba ang ika'y mahalin? "Kung Ako Na Lang Sana!", sigaw ng aking puso.
Ikaw ay huminto at ako'y nilingon, pero tila ba ikaw ay napikon. Matitigas na salita iyong ibinato, at para bang gumuho ang aking mundo.
"Mahal kita at alam mo iyon. But only as a friend. You are my bestfriend for Pete's sake!" Sigaw nito.
"How Could You Say You Love Me, if you are hurting me badly? Ako ba'y mamahalin mo kapag ako'y mawala na? Dahil pakiramdam ko'y I Won't Last A Day Without You. Can you... Kiss Me, Kiss Me one last time?" Pabulong kong tugon.
"Patawad, pero hindi ikaw ang nilalalaman ng aking puso. Sana ay maintindihan mo ito."
Mga huling katagang sinabi mo bago ka nagtungo sa kabilang ibayo. Puso ko ay nabiyak, mundo ko ay gumuho. Sarili ko'y lumagapak sa lupa kung saan ang luha ko ay pumatak.
"I Still Believe In Loving You." Bulong sa sarili ko.
Araw ay lumipas, gabi ay bumuligwas. Anino mo'y hindi nahagilap, nilamon ng kahapong puno ng paghihirap. Sa Dulo ng tulay, ako'y nakatayo, para wakasan ang nagdurugo kong puso. Ang mawala ako'y natatanging paraan lamang, para malimot ang mapait na nakaraan.
"Huwag kang tanga sa pagmamahal, katangiang hindi kahanga-hanga!"
Mga katagang sumagi sa aking isipan, mula sa isang Ginoong nakatayo sa aking likuran.
"Anog alam mo sa aking nararamdaman? Anong alam mo sa pagmamahal?" Mga salitang pinakawalan kasabay sa pagkabasa ng mukha kong luhaan.
"Puso mo ay bato, isip mo ay gago. Bakit mo itataya ang iyong buhay, sa mundong puno ng kulay? Humarap ka sa salamin, sarili mo'y salubungin. Maybe This Time, sarili mo naman ang iyong mahalin."
"Sino ka sa tingin mo? Pagkatao ko'y inaapakan mo? Bakit Pa Ba kailangan kong masaktan ng paulit-ulit?" Tanong ko.
"Mga masasakit na salita ang iyong kailangan, para isip mo'y lubusang matauhan." Mga masasakit na salitang aking ininda.
Mga araw ay lumipas na siya'y nasa tabi ko. Sa dulo ng tulay, kami ay nagtatagpo. Gumuho kong mundo ay kanyang intinayo. Nawasak kong puso ay kanyang binago. Mapapait na nakaraan ay unti-unti natatabunan, ng mga ala-alang matatamis na hindi ko natikman kahit kailan.
Sa kanyang pagtalikod ako'y napasigaw, nag-aalalang siya ay bumitaw.
"Saglit! Ako ay may sasabihin sa iyo."
Mundo ay nagbago, oras ay huminto, malakas na tunog, tibok ng aking puso.
"You Changed My Life in a Moment." Sambit ko.
"It Takes A Man And A Woman para pag-ibig ay maramdaman, pero sarili mo sana ay hindi mo kalimutan." Sagot nito.
"Alam ko, at salamat sa iyo. At sa tingin ko....I Just Fall In love Again."
Mga ngiti sa mukha niya ay aking nasilayan. Matatamis na kataga ay kanyang binitawan.
"Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko?" Bigkas nito.
At mga katawan nami'y pinagtagpo.
Wakas...
Finally made a Filipino article for this Buwan ng Wika. This song title challenge is truly fun. @bmjc98 why don't you try it? 😅
This time, I chose my favorite Filipino singer, Sarah G. A famous and pinoy-pride OPM and pop music artist.
TO MY ENGLISH READERS:
This is a story of a girl who falls in love with her best friend. She did everything just to get the love she wanted to the point that she forgot to love herself. Unfortunately, her best friend doesn't love her the way she loved him. Because for him, she's just his best friend and that he loved someone else. Even though leaving her in vain gives him pain. But it's the only way he thought to let his best friend realize everything and to let her love herself again.
But it's just too hard for the girl to move on, and thinking about ending her life is a good way to forget the painful past. Until someone saved her from being drowned in the dark hole of the past. The new guy helped her see the beauty of the world, cherish her life, and love herself again.
Because of him, the girl finally moved on from the past, forget the pain, and learned how to love again. She found real love from the guy who helped her change her life. And the guy fell in love with her as well.
This reminds me of my article There's Only 0.01% Luck In Everything, Would You Rather Gamble For It? Where I mentioned, "Would you rather love the person who loves you seriously but you have no feelings for him, or the person you love dearly but don't love you at all?"
My answer goes to "love the person who loves me." Because for me, love can be learned and it can be developed over time. Sometimes, we are being blinded by our thoughts about our ideal love and we are unaware that, the right person is just in front of us because we are looking in the other direction. We are seeking the same love from our fiction story and not realizing that it is existing in reality in another form, only if we look at it dearly.
Why force someone to love us if we can love ourselves? Then later someone will love us unexpectedly. We can invest in love, but let's not forget to love ourselves more than anyone else. Because when the world turned upside down, it is only ourselves who can help us get back on track.
Thanks for your time 😁
Here is Sarah G.'s list of songs:
Bakit kay langan pang paasahin ang isang tao kung may mahal kanang iba iwan na lang ang taung mahal ka wag yung pina pa asa mo pa kasi hindi madaling umasa. Masakit na para kang dinugurog sa subrang sakit nang iyung nararamdaman😣 kaya kung ako man po ay pipiliin ko ns lang na iwan yung kaibigan ko kaysa paa sahin pa sya kahit na alam ko na nasaktan pa sya.