Ang aga kong nagising kanina at nagprepare ng lulutuin pero late padin. Nagluluto palang ako, buti nalang galinggong lang naman na prito at igigisa ko sa kamatis sibuyas bawang na amy egg at malunggay para naman may sabaw.. Ang sarap nito, prito pero ang sustansya dahil sa malunggay. Sana bago mag 12 tapos na para nasa tamang oras padin ang pagkain namin.
@Gerl in September 2021
Kakain na! Galonggong na may malunggay kamatis at ilog. Kahit papanu may sabaw. Yumg mga allergic sa galinggong at itlog mga 3 hours lang naman sisipunin tapos mawawala na haha! Kung di lang masama ang puro prito, piprituhin ko nalang sana at isawsaw sa togo na may kamatis at sili.
Hindi ako masyadong tiwala sa mga scale na to pero nilakasan ko nalang ang loob ko na bumili sa lazada, buti nalang working naman sya 😍. Ayon nagtimbang ako, from 45 kls to 51 kls 😅. Nagdiet ako 3 weeks na at ang bilis lang bumaba ng weight ko kasi payatin lang naman talaga ako. Umiiwas kasi ako sa sakit na diabetic kaya ako ngddiet.
Checking of modules week 1 English Grade 2 at id-discuss ko naman ang week 2 Filipino Grade 2. So, paano naman yung week 1 at 2 ng Grade 1 ko at week 2 ng kindergarten ko? Hays... Kahit anong gawin ko late padin paulit ulit, kakaloka. Kaya ko inuuna ang Grade 2 dahil mahigpit ang teacher ng Grade 2. Tapos biglang umulan na naman na walang sign, kaya ayan, post ko na to haha! Inabot na namn ng ulan yumg mga sinampay ko.
Reading Exercise: titik at pantig Bakit siya ganito? Tingin ko sa kanya hindi sya nakikinig, madalas di sya sumasagot kapag tinatanong ko kung anong basa nyan. Perp nagugulat din ako minsan kung bakit minsan alam nya kung anong basa ng word. Mabilis din siyang mainip. Kapag binasa nya na ayaw mya ng ipapaulit pa sa kanya. Kapag paulit ulit dyan sya nag uumpisang umayaw hanggang sa iiyakan nya na. Bukas kakausapin sya ng teacher nya, baka sakaling mapasunod sya.
Nakakaloka gaming pasikot sikot hehe, buti nalang matiyaga ang kuya namin magturo saamin isa isa. Wala kasi akong experience sa mga ganito kaya nahihirapan pa ako. Ongoing...
Success! 😍 may pambili na kóng seed sa pvu! Sana lang magtuloy tuloy na to. Madali lang pala magconnect ng wallet at mag swap. Kapag wala talagang alam tapos hindi nagtry syempre forever walang alam ☺. Pero next time papa-guide parin ako para sure na walang mali, sa kuya k naman kaya okay lang yan. Sya nga pala, anong gagawin ko dun sa free trial ba yun sa Binance?
Natapos naman ang araw na kahit gulong gulo ang pisikal kong anyo, naging masaya naman kami kasi natuto ang aking anak sa pagbabasa ng mga pantig. Sya yung anak kong ayaw mag aral. Dapat kasi matuto muna magbasa ng mga pantig para makabasa ng isang word. Sana mabago ng anak ko ang ugali nya na mainitin ang ulo. Konting sita moang hirap ng mauto, tsk! Nakahiga na sila kaya umpisa ma din ako sa gawaing bahay bago matulog.
Late na ang gising ko ko at parang may nararamdaman ako sa ulo ko. Nakakangilo, parang ganon.. Ngayong araw na to tatawag ang mga teacher ng anak ko para sa reading assessment nila. Sana may improvement na mangyari dahil teacher mismo ang magtuturo. Magandang idea din yun na kahit modular class ay meron padin silang Online class paminsan minsan. Good luck saating lahat, lalo na sa mga nanay na nagtuturo sa kanilang mga anak. Sana makaya natin lahat ng ito.
Pagkakatapos ng ilang araw na ulan laging may mga bagong dahon to, same nung isang indoor plant dito na nakalagay sa labas ng bahay laging may mga bagong tubo. Unlike sa mga halaman ko na nasa loob ng bahay ang tagal tagal magkaroon ng mga bagong dahon at nangungulubot ang mga dahon.
Ano kayang nararamdaman nya na tatawag mamaya ang teacher nya para pagbasahin sya... Parang iniisip isip nya yun, ayaw nya maglaro nakatulala nalang sya. Tapos payag na sya na manunuod ng video sa Youtube about pantig. Kagabi pa sya nanunuod ng about sa pantig tapos inuulit ko nalang kaya medyo natuto sya ng konti.
Ready na si Kuya Sean sa Reading Assessment niya, Grade 2 naman to. Kailangan nakabihis daw. Dahil pandemic at di naman nakakalabas ng bahay kaya hindi ko sila binibilhan ng mga damit na pang alis. Pero marami silang panv araw araw na damit. Yan suot nya bago talaga yan kasi December 2019 ko yan binili sa kanya pero 2020 Pandemic ma kaya lahat ng bago nilang damit hindi nasuot. Yang suot nya sobrang sikip na pinilit lang niyang isuot kasi required ngayon kahit nasa bahay…
Ang ganda naman nito, parang madali lang to gawin basta may kahoy. Balak ko kasing mag diy ng mga ganyan kasi yumg mga anak ko nung nakaraang taon hinahanapan akp ng Halloween decors daw. Nakalampas na ang December nag hihintay parin sila ng holloween kasi di naman talaga kami nagcecelebrate nyan. Kaya ngagong daratimg na November papaexperience ko sa kanila para matandaan din nila kung anong cenecelbrate thwing November.
Nakakahilo ah, literal na nakakahilo. Habang nagtuturo ako sa anak ko lingon ako ng lingon at saway ako ng saway sa bunso ko. Week 2 na pero nasa week 1 parin kami. Perp okay naman yan bunso namin kasi tapos na sya sa module nya, bukas na ulit sya. Medyo nakakahilo lang talaga yung habang nagtuturo may iba pang ginagawa.
Inaantok na kami pareho, 5 pm na di rin namin natapos ang week 1. Kaya okay lang na ma-late kami kasi gusto ko talaga syang matuto. Sana pag dating ng Grade 2 kahit man lang sa pagbabasa magaling sya. Kahit pangit ang sulat basta magaling magbasa. Bukas sya parin ang tutukan maghapon at yung Kinder si Grade 2 muna ang magturo kasi more on drawings at coloring lang naman.
Sobrang nakakapagod bagyong araw. Ramdam na ramdam ko na stress din ang mga anak ko. Yung bunso ko napabayaan ko talaga sya kasi nga nakafocus ako sa dalawang kuya nya. Mukhang magkakasakit pa yung isa ka, naallergy na naman sa pagkain. Sana naman huwag lumalala kasi may hika pa naman sya. Ayoko ng maulit yung dai na hinika sya sobrang nakakastress yun. Bukas baka pagpahingahin ko muna sila, di rin pala maganda na simula umaga hanggang gabi ang modular class.
Nakahiga na ang mga anak ko at isa nalang sa kanila ang gising kaya eto ako ngayon, nasisilayan ko ang buwan at mga ulap kasi nagsasampay ako ng mga nilbhan ko kagabi pa... Pahinga na din to sakin kasi nakalanghap ako ng malamig na hangin. Mamaya na ko maghuhugas ng mga pinagkainan, higa muna ko at ramdam na ramdam ko ang sakit ng likod ko. Walang pahinga simula umaga hanggang gabi.
Walang maganda sa pakiramdam ko ngayon.Pero kikilos padin, kailangan lang pakiramdaman ng mabuti ang nararamdaman kung kaya pa. Dahil sa module na to di talaga pwedeng parelax relax lang. Pero ayoko naman na magkasakit yung tipong abutin ng ilang linggo bago gumaling kaya pinapakiramdaman ko din kung kaya pa ng katawan ko. Katulad kagabi, paghiga ko palang nakatulog agad ako dahil siguro sa sobrang pagod, yung maghapon kahapon ay totally walang pahinga simula pag gising ko…
Pinalabas ko muna ang mga anak ko, tamang bantay at saway lang para walang magreklamong kapitbahay. Mga tulig pa ang kapitbahay namin kasi sarado pa sila. Magluluto ako habang ang mga anak ko ag nagpapaaraw sa labas. Sabi ko kailangan nilang makalanghap ng sariwang hangin at bitamina galing sa araw. Sabay pabilang ko sa anak ko kung ilang pantig meron sa salitang sariwa, haha! Sabi ng anak ko mamaya pa daw kami mag module 😅
Salamat talaga sa mga kapatid, @susie @jhuls at kuya namin, eto na growing na din. Sila may mga permament plant na sakin growing palang. Sana magtuloy tuloy na to at sana kapag naghaharvest na yung PUV tumaas na ang value. Pero sa ngayon okay lang na mababa ang value kasi maganda kompletuhin muna yung anim na permanent lahat para more earnings.
Nakaluto na po para mamaya sa lunch! Paksiw na isda 🐟 🍅 🌶 Basta po kasi may pagkain di talaga ako natataranta kahit oa tambak ng gawain dyan kasi kapag nagutom o napagod, kakain nalang. Di na mag iisip ng kakainin o kaya di na magmamadali na magluto lalong lalo na at may mga bata. Maya't maya maghahanap yan ng pagkain. Nakakatulong saakin ang paghanda ng pagkain bago mag umpisa sa mga trabahong bahay.
Ang lilikot ng mga anak ko kanina kasi tinago ko lahat ng laruan nila. Ang ginawa nilang laro sipa sipaan. Ayon may napalo ako kasi kinabahan ako dun sa bunso ko tinamaan sa sikmura ng sipa ng panganay ko , namutla sya sa sobrang sakit halos di makahinga. Pinalo ko lasi sibrang kaba ko saka baka ulit ulitin pa delikado din yung sipa sipaan na yan baka mamaya ano pang matamaan. Ganyan sila kapag walang laruan, kung ano anong kalikutan ang ginagawa. Kaya ko tinago kasi para…
Jolly Hotdog, 🌭 yum! Isa sa mga wish ng tatlo kong mga anak ang matikman ang jolly hotdog, first time nila 😅 kakatuwa kasi ayaw na ayaw talaga nila ng ham burger. Kaya siguro nagustuhan nila ang jolly hotdog kasi puno ng cheese at may hotdog. Ayon sulit kasi masya silang kumakain at nagkkwentuhan sa kwarto. Di kami nag module kasi hinihika yung pangalawa kong anak, mild lang naman. Gusto nya lang humiga ng humiga saka antok na antok sya kaya hinayaan ko muna.
Kindergarten muna ang mag module kasi madali lang sa kanya. Yung dalawa maglaro nalang muna sila. Yung anak ko na Grade 1 nagsabi saakin ngayon, bakit daw sya nagmodule kahapon simula umaga hanggang gabi...sabi ko sa kanya kasi nga dapat week 2 na ngayon pero nasa week 1 parin kami. Sabi nya yun daw ang dahilan kung bakit sya hinihika ngayon kakahawak daw lapis at yung module 😅😅😅 pasaway, parang gusto kong maniwala kasi nastress yata sya at napagod din kasi hanggang gabi.
Dahil gabi na.. Cleaning time na habang busy pa sila.sa kwarto. Maya maya ay magulo na naman sila kaya nagmamadali akong gumawa ng mga gawaing bahay,absent sila sa moduke except kay bunso. Unahin ko kuna ang pagluto tapos after ng luto linis na nga bahay...gandang hapon at gabi!
Ang aming ulam for tonight, burger steak. Tapos di ko alam na ayaw ng mga anak ko nito. Kaya omorder na ko kasi naubusan kaming gasul tapos mamayang 7pm pa dadating ang asawa ko kaya napabili na ko ito. Ang ending ako lang ang kakain. Sa araw na to medyo nakahinga ng maluwag dahil nakapaglinis ako kahit sahig lang. Pero late kami lalo sa module 😅. Okay lang yan kesa naman maghapon sakit ng ulo. Bukas holiday sabi ng teachers pero bukas naman kami mag module ng mga anak ko.…
Me time na 😍 kahit ngayong araw man lang makapagrelax talaga ako. Dahil bukas ay back to normal routine. Ang iniisip ko ngayon kung paano ko uutusan yung inuutusan kong kumuha ng module ng mga anak ko kasi iba ibang araw 😅. Di sila pareparehong araw ng pagbibigay ng modules. Pero kung no choice naman ay magtatlong balik nalang sa school.
Isang maaraw na umaga, Holiday ngayon pero mas maraming gagawin ngayon dahil kahapon ay nagpahinga kami. 8 hours kaming mag aaral ngayon, palitan nalang para hindi mapagod ang mga bata. Nakakadala yung isang estudyante tapos pag momodulin simula umaga hanggang gabi, na-stress eh. Kaya mas okay talaga yung may nakaschedule sa umaga tapos sa hapon dalawa din tig 3 hours. Yung isa kong anak talagang yun ang dinadahilan nya na kaya daw sha nagkasakit dahil ang module nya ginawa…
Totoo talaga na dapat kapag tayo ay magsasalita sa bata, mag iingat tayo sa mga bibitawan nating salita. Iyan na nasa photo ay nangyari yan kahapon ng umaga. 4th time na nasigawan. Pinapaarawan ko kasi dahil inuubo yan, mga 7:15 am. Kaya pinapasok ko nalang grabe ang kaba nya. Tapos nagkwento sya saakin. Yung matandang babae daw sinabihan sya na kukutsilyuhin ang bibig. Tapos ang sumigaw sa kanya yung lalake. Sa tingin ko kasi yumg 7:15 am tamang oras yung para yung mga bata…
Nakaka-goodvibes ang panahon ngayon. Sinamahan ko muna ang mga anak ko dito sa labas kasi tuwang tuwa sila sa langit. Kanina kasi parang mga cotton yan, kaya cotton ang tawag nila sa ulap. Parang first time nila makakita ng mga ulap na parang cotton kasi sobrang tuwang tuwa sila. Kapag ganyan ang reaksyon nila sinasamahan ko talaga sila para maenjoy nila yan. Lalong lalo na at lagi lang silang nasa loob ng bahay.
May permanent plant na ko, Ice, 523 LE/60 Hours. Hindi masyadong swerte pero okay lang day 6k per month na din daw yan sabi ni Kuya. Ang swerete ni @jhuls dahil 10k per month yung sa kanya tapos di na sila magbabantay ng weather. Weather weather din lang talaga. Good luck mga ka-PVU!
Busy sobra! Katatapos ko lang magluto ng aming lunch, pritong dalagang bukid 🐟 at ginisang monggo. Yung panganay ko naman ang may lagnat at ubo. Sana huwag ng mahawa yung dalawa. Mahilig kasi tong maligo ang anak ko sa gabi kapag pawis na pawis sya. Di sya makatulog ng walang ligo sa gabi. Kagabi hiniliot ko silang lahat, puro lamig ang mga likod.
Baka umulit to ng Grade 1, kahit anak ko to hindi ko pagtatakpan na talagang tamad sya. Sana kahit bago man lang matapos ang buong taon nya sa Grade 1 sana matuto sya magbasa. Kasi kahit sa pagsusulat, gagayahin nya nalang hindi pa makapagsulat ng mabilis kasi nga di marunong magbasa. One word mga 15 minutes, kapag walang bantay walang naisususulat kahit isang letra.
Saglit lang po ako sa kusina, pagbalik ko sobrang kalat na at wala na yung nagmomodule 😅. Di talaga pwedeng iwanan, binagyo na at tinapos agad ang module na di pinag aralan. Panu na???? Di ko alam kung ano ng gagawin ko pa, walang improvement kahit anong subukan kong gawin para kumasya ang oras ko sa lahat.
Safe ba mag request online ng PSA? Hindi kasi talaga ako nakakaalis ng bahay kaya pati PSA ng anak ko sa online na din ako magrrrequest. Naka-fill up na ko magbabayad nalang kaso nagdalawang isip pa ko. Sinong nakaexperience ng mag request online ng PSA? Saka gaano po katagal bago dumating?. Medyo may kamahalan din kasi gawa ng sf na din, 365 pesos sya. Pero nakakarating naman talaga bakit hindi. Para di na ko pupuntang munisipyo.
Ito yun te, @pachuchay , ttry ko to kapag nagkaubo ako pero sana huwag naman akong ubuhin. Di ko matry sa anak ko ngayon kasi wakang snow bear dito ngayon. Natry nyo din po ba ang snow bear at kalamansi gamot sa ubo? Effective po?
Gloomy morning everyone! Saturday na! May mga energy paba? Ako meron na ulit kasi nag recharge na ko kahapon kasi ng aral lang kami maghapon, walang ibang kasamang mabigat na gawaing bahay. Parang Monday ang dating sakin ng Saturday ngayon. Tara mag almusal muna bago gumawa ng mga gawaing bahay. Wala munang modular class kasi yung hindi na tuloy na reading assessment ng mga anak ko, ngayon nila itutuloy. Sana bago mag Monday ay matapos nila lahat dahil sa Monday ay another…
After 1 month na pag iinom ng Sangobion, nag okay na yata ang dugo ko. Itutuloy tuloy ko na to kahit papanu may pambawi sa kakapuyat ko. Hindi naman kasi lahat ng gabi makakatulog ka ng maaga. Lalo na sa part ko, may mga gabi na hindi agad ako natutulog dahil may mga kailangan din tapusin. Ayan nalang ang solusyon ko muna sa ngayon. Kung lagi ko kasing iisipin na kailangan ko matulog sa tamang oras, mabubulok ang bahay namin 😅 dahil ang time ko nalang sa paglilinis ay gabi.…
Proud na proud yung bunso ko sa gawa nya ☺. Sobrang positive sya mag isip sana mahawaan nya ko. Lagi lang syang masaya sa ginagawa nya. Kahit ayaw nya na gumagawa padin nya minamadali nya nalang. Hindi sya yung pag ayaw iiyak na. Kaya wala akong problema sa kanya saka gusto nya lagi syang sasabihan na magaling. Dyan sya iiyak kapag may narinig syang negative sa mga kasama nya. Dati nga nagtatago sya kapag nagddrawing, pero simula nung palagi namin syang pinupuri talagang…
Ito na yung Grade 1 ko, pinagbasa na sya ng teacher nya. Hindi talaga sya seryoso, nakikipaglaro pa sa teacher nya. Kaya ako nalang ang nagbasa tapos inuulit nya nalang. Pero very good naman sya sa Math. Hindi marunong magbasa pero ang galing nya sa Math. Sabi ng teacher nya bibigyan sya ng mga copy ng mga pantig hanggang sa masanay sya at matuto sya sa pagbabasa.
Kanina tong bunso ko umiyak dahil sa jolly hotdog. Pero hindi naman pwedeng lagi kaming bibili sa Jolibee kasi ang gastos nun diba. Kaya bumili nalang kami ng tinapay , mayonnaise, ketsup, hotdog at cheese. Mano mano nalang ang gagawin ko. Sobrang tuwa nya dyan. Siguro hahatiin ko nalang ang hotdog kasi di rin yun maganda sa bata kapag marami. Ngayon ko lang yata naexperince sa bunso kong anak ang iiyak talaga kapag di nakain ang gusto nyang kainin.
Isa na namang panibagong natuklasan ko sa pagtuturo sa anak ko na di marunong magbasa at hindi attentive. Kanina,after ng reading assessment at numeracy, nagpatuloy na kami sa week 2 na module sa ESP. Ang ginawa ko ay more on kwentuhan kami ng anak ko kasi about Family ang Good Values ang topic. Hindi ko binasa sa kanya ang nasa module. Gumawa ako ng sarili kong mga examples at kwento at ginanahan syang makinig at sumagot sa mga tanong ko. Magaling naman syang sumagot,…
Ito ang aking panganay na 8 years old. Ang aming artist at story teller ng pamilya. Magaling sa English at Math. Ganyan siya, tuwing may ginawa siyang maganda sa paningin niya, pinacapturan nya saakin at tuwang tuwa naman siya. Siya din ang kapalitan ko sa pagtuturo sa iba niyang kapatid. Taga ligpit at taga latag ng higaan ☺. Taga-walis ng kwarto at taga ligpit ng mga kalat nila. Kulang nalang pati pag hugas ng mga pinggan, kaya lang pinagbawalan ko. Baka maubos ang mga mug…
Underweight children aged 6 to 12 Nung nakaraang araw lang ay nagsukat ako ng timbang ng aking mga anak, request ng kani-kanilang School Advisers. Yung panganay kong anak ay napaka-healthy niya. Pero yumg dalawa kong anak medyo hindi ako satisfied sa mga height at weight nila. Kaya ngayon, plano ko na baguhin ulit ang mga pagkain na pinapakain ko sa kanila kaya nagresearch ako about gaining weight para sa mga kids 6-10 years old. Kapag nasa 5 years old and up na pala,…
Hayaan natin ang mga anak natin na gawin kung anong hilig nila. Bigyan lang natin ng sapat na oras of limitahan natin para balanced lang ang lahat. Sa ganitong paraan, mas maipapakita nila ang kanilang mga talento at mahahasa sila sa kung anong kahinaan nila. Itanong din natin sa kanila kung ano ano ang mga kakayahan at kahinaan nila. Yumg mga kakayahan pwedeng panatilihin at yung kahinaan ay pwede pang hasain.
Thank you, Lord! Magaling na ulit ang mga anak ko. Lahat sila nagkasakit pero 2 days lang, okay na ulit sila ngayon. Hinilot ko lang ang likod nila ng vicks tuwing gabi kapag matutulog tapos maraming inom ng tubig lang. Yung panganay ko lang ang pinainom kong gamot para sa ubo kasi medyo mas malala sa kanya dahik nakikita ko yung paghinga nya na parang hihikain, pero after 2 days lang okay na siya. Alagaan natin ang mg anak natin. Dati hinahayaan ko lang sila maligo sa gabi…
Almusal muna tayo dahil may maya lang start na ng mga gawain. After ng almusal tambay muna sa labas dahil natapos naman lahat ng modules sa buong dalawang linggo. May isang activity nalang kaming gagawin yung activity clock ng kindergarten ko. Sa ngayon, mag aalmusal muna at magpapahangin at papaaraw sa labas. Blessed Sunday everyone!
Sana huwag ng abutin ng maraming taon bago pa kami magkabahay ng sariling bahay talaga. Matinding tiyaga at diskarte pa para makapag-ipon ng pambili ng bahay. Kahit pang equity lang muna basta makalipat lang ng bagong tirahan. Mahirap umupa lalo na kapag mahigpit ang may ari. Di naman sila pweding sisihin, umuupa lang naman kami. Ang sarap sigurong mamuhay ng tahimik na walang makikialam na ibang tao. Ang pinkaimportante sakin yung kalayaan ng mga bata pero hindi ko man lang…
Busy ang bunso ko, drawing ng kung ano ano. Galingan mo pa..para pagdating ng Grade 1 mo mas gagaling kapa. Gayahin nyo ang Kuya Sean nyo na hindi masyadong umaasa saaking pagdating sa mga ganyng activity kasi isa din ako sa walang talent dyan 😅. Mas magalingnpa sila sakin mag imagine...
Pansit po kayo dyan, namiss ng anak ko tong pansit. Bigay nung may ari ng bahay. Di ko alam na hinaluan ng hipon, ayon maga ang bibig ng anak ko at mga mata ng dalawa ko pang anak. Di ko man lang napansin na hipon ang hinalo kasi di naman ako kumainm
Kagigising lang namin, yung allergy ng mga anak ko konti nalang. Wala ng namamaga, namumula nalang. Nakakadala na talaga yung hipon, ang sarap sarap pa naman pero di ko sila mapakain. Unlike sa manok, mild allergy lang minsan wala.
I just remember, since December 24, 2020, I have not been absent here for noisecash, I have complete attendance. I'm wondering, why don't I run out of topics? 😅 With the dynamic amount of experience I have, I have a lot to share. Happy and sad experiences, sometimes meaningless for others but valuable to me, especially about being a mother, I have a lot to share. Previously my posts were in English. But noisecash said we can post in the language where we are more comfortable…
Bakit ako sumusuko sa pag utos sa asawa ko? Katulad ngayon, gabi na pero may nakababad sa cr na mga damit, may babanlawan pa na nasa washing machine at tambak pa ang labahin sa basket. Yung mga naisampay nya kanina nasa harapan lang ng pinto namin kaya basang basa sa may pinto namin hanggang kusina basa. Di ko alam kung anong ginawa nya at basa lahat. Uutusan ko pa ba sya sa susunod? Parang ayoko na naman kasi feeling ko mas dumadami ang gawain ko. Pero kahit papano, ayan…
Di ko napigilan! After 1 month of No coffee Challenge, nagkape padin ako, twice na to. Pero kayang kaya ko naman ng pigilan. Mas magaan sa pakiramdam yung hindi nagkakape, tama si @susie, pero lagi nga lang talaga akong antok. Pero nalalabanan naman ang antok dahil may mga pantanggal antok akong kasama dito sa bahay. Ngayon nagkape ako pantanggal stress lang, simula pa kasi kaninang umaga to, kailangan mawala bago man lang ako matulog.
2 days na yung ice plant ko sa Plants vs Undead pero di ko talaga alam kung anong strategy sa pag predict ng weather dito. May positive at negative effect kasing tinatawag sa plant depende sa weather. Kaya nanunuod ako ngayon about seasons and weather. Naintindihan ko naman to pero ang di ko talaga malaman kung paano ko malalaman na bukas ganito ang weather?? Weather prediction ang problema ko..
I just woke up and I saw an alarm on my phone about a 5..5 Magnitude Earth quake. We didn't felt it while we're asleep. Still, it was scary, I'm always scared of it! It might be the reason why we have an Earthquake drilled last week. Be careful everyone!
First time ko sila makitang dalawa. Nabuhay na talaga sila, sana dumami yan. Yung black velvet ko pang limang dahon na din, ang gaganda nila. Grabe talaga, tuwing stress ako napansin ko din lago kong kasama ang halaman. Perp kapag okay ako di ko sila nadidiligan, kawawa naman.
Kanina to Virtual Flag Ceremony, Prayers at Panunumpa. Ang kulit ng dalawang maliit dyan na nakisabay sa kuya nya. Habang nag virtual Ceremony may mga kasamang kurot ko yan at tawa sila ng tawa. Alam mo yung kuya nila napipikon ng sobra sa kanila kasi seryoso talaga ang kuya pero yung dalawa dyan tawa ng tawa, kailangan pa ng pangaral para malaman nila kung bakit ginagawa ang mga bagay na yan.
Nakakatuwa talaga ang mga bata minsan. Yan yung mga ginagawa nya daw araw araw. Pero ang pinakagisto nyang gawin dyan ay kung saan niya itinuro iyan nilagay nyang popsicle. Itinuro nya sa laro at kain. Yan ang pinakagusto nyang gawin. At di yan magsisinungaling 😅
Ang cute ng spider plants 😍😍😍 Kanina ko lang nakita namulaklak na to. Hindi ko rin alam na namumulaklak pala ang spider plants. Kaninang umaga nagdilig ako, nakita ko na yan pero close pa sya akala ko damo lang na tumubo pero ngayon paglabas ko nakita ko may white na bulaklak. Ayan bulaklak pala yan at namumulaklak pala ang spider plants, ang cute!!!!
Good luck saakin at sa Grade 1 ko, Mathematics Subject na kami. Ang pinakaunang gagawin dapat dito, dapat marunong magbilang ng 1-100 ang bata. Kasi kapag di sya marunong, di nya masasagutan ang simple addition at subtraction. Kaya tuturuan muna dapat ang bata magbilang sa English at Tagalog version ng pagbilang.
Isa na namang di ko na uulitin, ang bumili ng yakult online 🙄 First time ulit, first time kong bumili ng yakult online kasi nga yun lang naman ang kulang namin dito kaya hindi na pumuntang groceries stores, ayan ang napala namin, damaged kahit may nakalagay na fragile tape. Kasalanan nila both ng delivery boy at ng seller mismo. Naka bubble wrap lang pero may fragile tape. Pero madadamed padin yun kasi di naman ganun katibay ang mga bottle ng yakult saka under padin siya ng…
Bakit nga ba mas mahirap basahin ang Tagalog kesa sa English? Kayo po ba? Naalala ko kasi nung nakaraang modular class na Grade 1 palang ang panganay ko, mababa ang grade nya sa Filipino. Kaya tinutukan ko din sya sa subject na Filipino. Pero nagukat ako, sa English marunong sya kahit di ko naman tinuruan ☺. Hanggang ngayon na Grade 2 na sya, wala akong problema sa kanya sa English, sa Filipino medyo okay na. Ang tanong.. Bakit nga ba ganon kahirap sa Filipino? Mas malalalim…
Snob ko muna yung mga anak ko kasi sobrang kukulit na talaga nila. Di ko talaga pinansin simula kaninang pagkatapos maghapunan. Ayon, biglang natahimik sila, tulog na pala 😅. Nakatulog, siguro naramdaman nilang di na ako umiimik kaya nagkusa ma silang matulog. Ganyan din dapat kapag mga adult na, marunong makiramdam ano ,☺.
Dahil gising pa ko, natukso na naman akong kainin ang pagkain ng mga anak ko. May ginagawa pa kasi ako kaya eto gising na gising pa. Naghahanda para sa activities bukas ng mga bata.
Blessed Tuesday everyone! Sa dami kong ineexpect ngayong araw na to, di ko na naramdamang natulog pa ako ☺. Expected ko na dadatingbyung PSA ng dalawa kong anak na nirequest ko online. Parang napakabilis ng process kasi nung isang araw ko lang yun nirrquest pero nakatanggap na ko ng email kagabi na for delivery na yung mga requests ko...sa psahelpline ako nagrequest dahil isa daw yun sa mga legit sites na naglalakad ng mga PSA.
Morning walk with my Son! Hindi ko ma-imagine an lahat ng anak ko ganito ang attitude kapag nakakalabas. Isa ito sa mga gusto kong gawin sa araw araw ang ilalakad ang aking mga anak sa labas sa may kalsada para makakita ng iba't ibang bagay sa paligid. Dahil sa dalawang taon na nakakulong lamang sa bahay, mukhang napakalaking pagbabago ang napansin ko sa kanila at hindi ito maganda. Sinimulan ko naman na ang pagpapalabas sa kanila kahit na mahigpit padin dito saamin dahil…
And init!!!! Nandito ako sa labas kasi kinukuha ko ulit yung basurang nilabas ko dahil di ko alam na Thursday na dumadaan ang truck 😅 kakaloka naman, ang baho pa nmn nung basura tapos ibabalik ulit sa loob. Di kasi ako sinabihan ng may ari ng apartment about sa schedule. Ayan tuloy... Pero ang ganda tumambay dito puro halaman, sariwa pa ang hangin dahil wala pang mga sasakyan..
Hay salamat dumating na yung PSA, 3 days lang talaga dumating agad. Pero yung isa wala pa, baka bukas pa. Di na ko mamomroblema ng mga PSA ng anak ko kapag kailangan. One time lang naman gagastos.
Meryenda palang namin, wala pang lunch. Absent muna kami sa module. Linis naman ng bahay para balanced lang. Module linis module at pahinga ☺. Kapag malaput na ang pasahan,magmamadali na 🤣 ganon talaga..human lang napapagid din...tara kain tayo!
Sulitin na ang lag absent sa modular class.. Laba at pahinga lang ang gagawin ko maghapon at hahayaan kong maglaro ang mga anak ko. Tuesday palang pero absent agad? Kasi yung modular class namin nung nakaraan at hanggang Sunday ☺. Di pala kaya ng derederetso, kaya cut muna .☺. Mainit na malungkot na hapon!
Yung my momshies na wala pang mga estudyante i-enjoy nyo na ang mga gamitong view araw araw.. Tatambay sa labas kahit anong oras gusto at manuod ng ganitong tanawin. Inaantok ako na napakasarap sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang mga ulap.....tapos biglang bagsak ng ulan, ayon takbo para kunin ang mga sinampay 😅😅😅😅
Snack Ng mag bebe kasali ako kasi mabait daw ako sa kanila simula umaga hanggang hapon. Kala mo naman kung mga amo ko talaga😅. Di nila alam na pinatulan kna yang pagkain nila dahil gutom na gutom na ko kakalaba 😅. Pero okay lang, nkapagpahinga padin kanina sa labas. Ang safap ng hangin sa labas kala ko uulan di pala.. Kaya ayan mkakapag sampay pa ako. Kakain muna...
Salamat Thanks @Asifmughal for being so generous!I appreciate it! Magandang gabi!!! Ginamit nya yun sariling Bitcoin Cash niya para mamahagi. Ginagamit ko din sakin pero hindi nga lang ganyan kalaki ☺.
Nag self study si Kuya Sean oh. Di ko parin kasi sya maasikaso sa Week 2 Day 1&2, inaapura nya ako, e di ko naman pwddeng madaliin yung dalawa niyang kapatid kaya nag kusa nalang sya. Kapag ganyan ang ginagawa nya, every Saturday or Sunday nagdidiscuss nalang ako dinodouble check ko ang mga answers nya.
Sabi Ng anak kong 6 years old, bakit daw saway ako ng saway na bawal sila mag cp, ako nga daw cp ng cp kahit sinabi ko na magtutupi akong damit. Di naman daw ako nagtupi kasi nag cp lang ako. Naku, kung di pa sya nagreact di ko masasabi sa kanya kung bakit ako nag gamit ng cp bago magtupi ng mga damit. Kasi kapag gabi ng pauwi na ang papa nila nag aabang ako na mag online kasi nga may mga binibilin ako sa papa nila na mga bibilhin. Ayon, akala nya siguro kung ano ano lang…
Tuwing kailangan na kailangan ko ganito sya katindi bumaba. Parang wala akong natandaan na nakapagwithdraw ako ng mataas to si Bitcoin Cash. Kung di ko lang talaga kailangan i-hold ko lang sana kaya lang di maiwasan lalo na at maraming pangangailangan. Taas kana... Kasi kailangan ko na naman to.
Diba po sabi ng DepEd ay huwag sasagutan ng mga magulang ang worksheet ng mga anak? Kaya hindi dapat sagutan ng magulang. Paano kaya kung puro mali yung sagot ng anak tapos nakita ng magulang pwede ba yun i-correct ng magulang at ipaulit sa anak? Syempre kapag pinaulit magiging tama na, kaya posibleng perfect ang sagot ng anak 😅. Paano kung bawal din yan ipaulit sa anak? Syempre makikita ng teacher mali mali ang sagot. Kapag ganon okay lang kaya? Halimbawa okay lang yan,…
Sa wakas, makakatulog na din. Katatapos lang ng lahat lahat, puyat pero maraming natapos. Babawi na lamang bukas, kaya dapat bukas hindi na pupuyat ☺... Tara tulog na tayo..
Makulit na umaga sainyong lahat! Niyayaya kong lumabas, ayaw nila. Boring daw 😅 bawal kasing mag ingay ang paa at bibig. Pero pipilitin kong lumabas, sasamahan ko nalang. Kaya mga bata, tara na at magpaaraw sa labas! Tara ma at maglaro ng "The Quiet Place" 😅
Tapos na sila magpaaraw.. Naku, ang request ng anak ko ay makasakay ng sasakyan 😁 kaya lang di naman kami umaalis at bawal ang bata sa labas. Nakakaawa na nakakatuwa yung reaksyon nya ng makakita ng kotse. Kahit nga jeep siguro matutuwa sya. Panu, 2 years mahigit na di nakakasakay kaya sabik na sabik na talaga sya..
CocoCrunch! May manguya lang ang mga bebe, parang libangan nila ang mag nguya. Okay lang yan kasi masustansya naman. Mas okay na to kesa sa mga junk foods. Kayo din ba? Di nyo pinapatikim junk foods ang mga anak o kapatid nyo? Alam nila yan na bawal sa kanila...
Ang kulit ng Kindergarten ko, makulit na joker sya. Sana kapav face to face classes na hindi mainis sa kanya ang teacher😁😅 Kapag susulat na natatagalan kami kasi ayaw nya ng paulit ulit na sulat...hay naku ken, galingan mo, may mga kalokohan sya 😅 pero nakakatuwa.
Sa tingin ko hanggang dito muna kami ☺ time out na..mga isang oras muna para sa free time bago gumawa ng gawaing bahay. Yung dalawa kong anak late na ng Day1-3.
Rainy ang Sunny Day! Halo sya kaya ingat sa labas dahil nakakalagnat ang ganitong panahon. Kaninang around 2 pm ay may heavy rain habang tirik ng araw plus malansang singaw ng amoy ng lupa, ingat!
Ang swerte into ni Andie talagang buhay Islander sya. Sariwang sariwa ang hangin ng lugar nya, dagat, bukid pati mga pagkain. Nakakarefresh ng isip yung pamumuhay nya talaga. Sana ako din..kami din makaranas tumira sa ganyan na lugar.
Sana naman matapos na talaga tong Covid na to. Ang laki ng perwisyo, pati mga kailangan pumunta at mag stay ng hospital ay naaabala at madalas natatakot ng pumunta ng hospital dahil sa Covid na yan..Sana gumaling lahat ng may sakit, sana maging okay ang kalusugan nating lahat. Bumalik ma sana sa dati na free tayong lumabas at kumilos sa labas ng mga tahanan natin...
Exhausted ako ngayon pero hindi ako nakakadamdam ng sobra sobrang negative sa buhay unlike dati na halos maramdaman kong ayaw na saakin ng mga kausap ko😁. Minsan kasi yung isip din natin ang makakatulong sa sarili natin kasi yung ibang tao na nag aadvice saatin, nagbibigay lang sila ng advice nila kung anong mga posibleng gawin natin pero tayo parin naman ang magdedecide para sa sarili natin. Subok ko na to, kung ikaw ay lugmok at aalagaan mo yun, lalo ka talagang…
Nakatikim din ng higaan ang likod ko. Isang himala na nakatulog agad ang mga kasama ko. Bago matulog, huwag kalimutang magnilay nilay at ihanda ang kaisipan para bukas...Mag isip ng mabuti para sa ikagaganda ng ating buong araw kinabukasan Magandang gabi!
Ang ganda nito dati kasi ang lago pero inubos ng pusa. Halos araw araw syng inaatake ng pusa. Hindi ko alam kung toxic sa pusa o paborito ng pusa kasi yan lang yung halaman na napagtripan nya. Magandang araw, ngayon ay online class ng mga anak ko kaya ready na ulit kami 😊. Wala munang ibang activities para mabantayan ng maayos ang mag oonline class na di kayang mag stay sa upuan ng matagal 😆.
Hot and spicy Chicken wings, ako lang lang kakain niyan 😋 nagluluto pa akong veggies partner. For lunch na ulam na namin yan para after online class kakain nalang kami.. Ganito dapat ang gagawin ko araw araw kaya lang di ko magawa dahil minsan nauubusan kaming stock na lutuin. Ang lakas ng kulog at kidlat ngayon habang tirik ang araw 😱
Plants were pleased with the rain! Pero, piano naman ang kalusugan natin kapag umuulan habang umaaraw? Ngayon alam ko na kung bakit nagkakasipon o nagkakasakit ang mga anak ko kahit iniingatan ko naman sila kapag umuulan. Sabi kasi ng iba, kapag umuulan ay maganda din na maligo ang bata sa ulan. Naniniwala ako dyan kasi may bitamina naman na nakukuha sa ulan. Pero may ulan na masama naman sa kalusugan natin katulad na lamang ng umuulan habang tirik ang araw. Ngayon lamang ay…
Ngayong araw, tungkol sa Health ang topic ng mga anak ko. Nature and Health. Ang Nature ay buhay natin. Dapat natin pangalagaan at pahalagahan. Tayong mga tao ang gumagamit at nakikinabang dito kaya dapat lang na pangalagaan talaga natin.Tayo rin ang maaapektuhan kapag ito ay nagtampo saatin. Minsan maiisip na lang natin kapag ito ay nakakaperwisyo na sa buhay natin. Translation Today, my children’s topic is Health. Nature and Health. Nature is our lives. We must cherish and…
Dahil mahirap lang kami, ang kaya ko lang bilhin ngayon para sa pampadagdag ng timbang ng mga anak ko ay saging na saba at kamote. Kahit itong dalawang klase ng pagkain meron dapat sila kahit 3x a week. Kasi ang edad na 5-10 years old ay nasa stage ng pagdagdag ng timbang kaya dapat bigyan natin ng sapat na pagkain at bitamina. Kung hindi naman maibigay lahat, marami naman mga pagkain na mura lang pero sagana sa vitamin. Translation Because we are just poor, the only thing I…
Ang masarap sa saging na saba ay prito. Pero mas masustansya kapag nilagang saging lang. Sa saging, madalas prito ang gusto ng mga anak ko. Minsan nilagang saging na nilalagyan ko nalang ng butter para magustuhan din nila. Pampadagdag timbang sa bata? Mag saging na saba na ☺. Translation Fried banana is more tasty over steamed banana. But it is more nutritious when just steamed bananas. With bananas, my kids often like fried. Sometimes I just put butter on steamed bananas so…
Ito yung mga subject ng anak kong Grade 2. Isa sa pinakamahirap ituro sa kanya ay ang Filipino. Pero sa apat na subjects na yan ay Araling Panlipunan ang tinuturo ko sa kanya isa isa kasi kasama dyan ang Kulturang Pinoy at kasama na ang mga values na pinapractice natin galing pa sa ating mga ninuno. Sa ngayon, all about values pa lang ang topic at yun naman ang importante na dapat matutunan ng mga kabataan lalo na at nag uumpisa palang silang matuto. Huwag na huwag natin…
Sa tingin ko maya maya lamang ay makakabili na ulit akong pangalawang seed. Sana sa pangalawang seed ay swertehin na ako. Dito kasi sa unang seed na nabili ko ay 523 le/60 hours lang. Pero ayos to! Kumikita na pala talaga, sabi ng kapatid ko huwag munang i-convert sa PVU kasi sobrang baba ng value, 500 le/1 PVU. Sinong user ng PVU dito? May chance bang tumaas ang value ng PVU? Translation I think sooner or later I will be able to buy a second seed again. Hopefully in the…
Adobong Baboy! Nakapagluto na ba kayo ng adobong baboy na walang bawang? Itong niluto ko ngayon ay di ko nilagyan ng bawang. Nakalimutan ko, kaya pala may kulang sa lasa nito. Pero kahit walang bawang yan, masarap padin dahil nilagyan king madaming sibuyas, suka at sugar. Lasa siyang sweet and sour. Translation Pork adobo! Have you ever cooked marinated pork without garlic? I didn't put garlic on it. I forgot, that's why there's something missing in its taste. But even…
PVU: Finally, I got my second seed! Ang second seed ko ay growing na... Maghihintay nalang ako ng 24 hours bago ito maging plant. Sana, maging maganda ang kalabasan ng aking seed sa pagkakataong ito. Kasi yung unang seed ko ay common seed lang, sana rare seed naman para mas maganda. Sana din, ito yung hindi apektado ng lahat ng weather. Translation My second seed is already growing ... I'll just wait 24 hours before it becomes a plant. Hopefully, my seed will turn out well…
For Shopee Users Only! 🇵🇭 🇵🇭 🇵🇭 ONLY! Para lang to sa Shopee users, samantalahin na po ulit habang mga discounted ang kanilang mobile load. Dito ako palaging bumibili ng load para sa Home Globe Wifi ko, malaking tipid na. Kahit walang big sale, araw araw ako bumibili dyan kahit 10% discount lang kapag ordinary day.
Tayo ay magpapaalam muna dahil oras na ng pagpapahinga (Good night). I hope to see the sunshine tomorrow and feel the good vibes! Thanks, everyone for sharing your good thoughts and time ☺. Bye...
Kagigising ko lang, may online class pla yung tatlo ko. Bangon na girl! Kahit ang bigat ng likod mo. Bumangon kana dyan at magluto nv almusal, yung mga goal mo tuparin mo na. Huwag kang puro salita gawin mo 😅. Tara na, mag umpisa ng kumilos, magandang araw!