read.cash Log in
@Gerl more from that month

Bakit ako sumusuko sa pag utos sa asawa ko? Katulad ngayon, gabi na pero may nakababad sa cr na mga damit, may babanlawan pa na nasa washing machine at tambak pa ang labahin sa basket. Yung mga naisampay nya kanina nasa harapan lang ng pinto namin kaya basang basa sa may pinto namin hanggang kusina basa. Di ko alam kung anong ginawa nya at basa lahat. Uutusan ko pa ba sya sa susunod? Parang ayoko na naman kasi feeling ko mas dumadami ang gawain ko. Pero kahit papano, ayan cleared na kami sa modules ng mga anak ko kasi sa kanila lang ako nakatutok. Ready na bukas for retrieval and distributions ng mga worksheets ulit. Pero ang hindi ako sigurado baka bukas iwanan ng asawa ko lahat ng di nya natapos, ang saklap.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.