read.cash Log in
@Gerl more from that month

Isa na namang panibagong natuklasan ko sa pagtuturo sa anak ko na di marunong magbasa at hindi attentive. Kanina,after ng reading assessment at numeracy, nagpatuloy na kami sa week 2 na module sa ESP. Ang ginawa ko ay more on kwentuhan kami ng anak ko kasi about Family ang Good Values ang topic. Hindi ko binasa sa kanya ang nasa module. Gumawa ako ng sarili kong mga examples at kwento at ginanahan syang makinig at sumagot sa mga tanong ko. Magaling naman syang sumagot, nagbibigay pa nga sya ng ibang halimbawa din base naman sa sarili niyang kwento. Perp dahil hindi sya marunong magbasa, pinakopya ko nalang sya ng sagot para sa isasagot nya sa worksheet. Ang mahalaga ay naintindihan niya yung topic na pinag uusapan namin. Hihintayin ko nalang yung mga ibibigay ng teacher na copy ng mga words para sa pagbabasa at tyityiagain ko nalang ang pagturo sa kanya para sa unang hakbang sa pagbasa.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.