Sabi Ng anak kong 6 years old, bakit daw saway ako ng saway na bawal sila mag cp, ako nga daw cp ng cp kahit sinabi ko na magtutupi akong damit. Di naman daw ako nagtupi kasi nag cp lang ako. Naku, kung di pa sya nagreact di ko masasabi sa kanya kung bakit ako nag gamit ng cp bago magtupi ng mga damit. Kasi kapag gabi ng pauwi na ang papa nila nag aabang ako na mag online kasi nga may mga binibilin ako sa papa nila na mga bibilhin. Ayon, akala nya siguro kung ano ano lang ginagawa ko kapag hawak ang phone. Kaya maganda din sa bata na prangka minsan kasi yung mga mali nilang iniisip naitatama ng kanilang mga magulang.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Ahahahaha, ang kulet! Ako din kay bebe ko ganyan, sabi ko na lang at least I am making money. Hahaha. Yung mga sinasabi natin sa kanila binabalik satin. Haha.