Bakit nga ba mas mahirap basahin ang Tagalog kesa sa English? Kayo po ba? Naalala ko kasi nung nakaraang modular class na Grade 1 palang ang panganay ko, mababa ang grade nya sa Filipino. Kaya tinutukan ko din sya sa subject na Filipino. Pero nagukat ako, sa English marunong sya kahit di ko naman tinuruan ☺. Hanggang ngayon na Grade 2 na sya, wala akong problema sa kanya sa English, sa Filipino medyo okay na. Ang tanong.. Bakit nga ba ganon kahirap sa Filipino? Mas malalalim kasi ang Tagalog kapag nag aaral tayo, pero hindi naman natin inaaply sa pang araw araw na pamumuhay natin. ☺ karamihan nga naririnig ko ang mga salitang Tagalog ay mga slang na salita na.
No comments yet