Sana huwag ng abutin ng maraming taon bago pa kami magkabahay ng sariling bahay talaga. Matinding tiyaga at diskarte pa para makapag-ipon ng pambili ng bahay. Kahit pang equity lang muna basta makalipat lang ng bagong tirahan. Mahirap umupa lalo na kapag mahigpit ang may ari. Di naman sila pweding sisihin, umuupa lang naman kami. Ang sarap sigurong mamuhay ng tahimik na walang makikialam na ibang tao. Ang pinkaimportante sakin yung kalayaan ng mga bata pero hindi ko man lang maibigay sa kanila. Malawak na paliwanagan to sa mga anak ko kasi nag aaral na ang mga anak ko. Minsan binabalik nila sakin yung mga tinuturo ko. Hindi pwedeng turo lang ng turo, pangaral lang ng pangaral. Dapat ina-apply talaga sa buhay. Lalong lalo na sa mga bata, simula pagkabata dapat natuturuan talaga sila pero dapat naipapakita at naipaparamdam din sa kanila.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Alam ko may rent to own ang pag ibig Yun nga lang sa mga subdivision private at semi private Katulad dito samin.. Try niyo baka may mahanap din kayo
Tyaga lang sis onting onti magkaka bahay na kayo.
Darating din yan sis God will provide pray lang tayo.yan din pangarap ko noon pa need muna kumayod tas pwede na unti-untiin pagpapatayo
I hope na bumilis yung araw na makahanap na kayo ng sarili niyo pong bahay. Tapos agree po ako sa sinabi mo na dapat sa bata di lang turo nang turo or pangaral nang pangaral, dapat pinapakita rin na inaapply mo sa buhay kasi kung hindi, most likely di magsstick yung lessons sa kanila.