"Pakiramdam ko nag-iisa ako, kahit dalawa naman kami"
"Mabuti pa nung nangangatulong ako, walang batang panay iyak sa likuran ko habang nagluluto ako. Pero dito, sa bahay na to! Daig pa at sobra sobra pa sa pagiging katulong ang pakiramdam ko!"
Mga katagang nasambit ko nalang habang nagluluto ako sa kusina. Medyo sumasakit na kasi ang tenga ko sa kakaiyak ng anak ko. Hindi nya gustong magpakarga dahil ang gusto nya sasamahan ko siya sa paglalaro. Pero hindi naman kasi pwede dahil kelangan kong magluto at may pasok pa sa trabaho ang asawa ko.
_____________________
Hindi naman sa nagrereklamo ako sa obligasyon ko. Pero hindi ba talaga pwedeng, habang nagluluto ako o may ginagawa ako kakalingain nya yung anak namin?
Hindi naman sa napapagod na ako sa pagiging asawa at ina. Pero mali bang hangarin ko na taposin yung mga ginagawa ko na walang ngumangawa at mapayapa?
Minsa nabibingi, at natutorete na kasi ako. Pakiramdam ko nasasakal na din ako.Kapag may ginagawa ako may ngumangawa naman sa likuran ko. Dumudoble yung pagod ko, samantalang siya parang bingi na walang naririnig kahit anong tawag ko.
Sa totoo lang, madalas pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Yun bang kahit anong sigaw ko walang nakakarinig sa boses ko?
Pakiramdam ko ang bigat bigat kong unawain, dahil kahit anong reklamo ko walang umiintindi sa akin.
Umabot ka na din ba sa puntong parang gusto mo ng sumuko? Pero pag naiisip mo yung salitang pagsuko ikaw din naman ang nasasaktan? Tapos nakokonsesya ka pa.
Naramdaman mo na din ba na para kang naliligaw, at sa bawat pag hakbang mo, mas lalo kang inililigaw.
Papalayo ka lang ng papalayo, sa tamang daan na dapat sana ay tatahakin mo patungo sa kaligayahan na gusto mo. Pakiramdam ko kasi madalas naliligaw ako, at mali ang landas na tinahak ko.
Naitanong mo na din ba sa sarili mo, kung ano ba naging kasalanan mo sa mundo?Dahil sa, ganito kahirap ang mga nangyayari sayo? Sa buhay mo?
May sagot ba sa bawat tanong na tumatakbo sa isipan mo? Ako kasi ay walang maisip, at puro paghingi nalang ng tawad ang nasasabi ko.
"Patawad sa mga kasalanang hindi ko sinasadya, at sa mga kasalanang nakalimutan ko na. Patawad kung may nasaktan man ako, at nahihirapan ako ng ganito.
Mali ba ang hangarin ko ang maging masaya? Ang magkaron ng tahimik at simpleng pamumuhay na puno ng pagmamahalan at mapayapa?
Mali bang hangarin kong magkaron ng masayang pamilya?
Mali bang maging masaya?
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako kahit dalawa naman kami. Pakiramdam ko wala akong kasama at kelangan kong gampanan ang pagiging isang ama't ina ng mag isa.
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako, kahit dalawa naman kami sa pamilyang aming binuo.
Pakiramdam ko isa akong bulag, pipi at bingi, na hindi ako pwedeng magreklamo, at walang makikinig sa aking mga pagsusumamo.
Bakit parang ang hirap maging isang ina at asawa? Bakit parang walang nakakaunawa?
Ang damot ng tadhana, kahit wala naman akong ginagawa. Ang gusto ko lang naman maging masaya. (Kahit walang Jollibee at Fita!)
Hindi ako perpekto, alam ko. Pero sa pagkakatanda ko, wala naman akong inagrabyado o sinaktang tao para maparusahan ako ng ganito.
Pero parusa nga ba ito?
O sadyang, isa lang ito sa mga bagay na dapat kung matutunan at mapagtanto, na may mga bagay na hindi talaga para sakin at may mga bagay na hindi ko talaga kontralado.
Sabi nila lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan.
Hindi mo man ito agad mahanapan ng kasagutan.
Darating ang araw na maintindihan mo din, na may mga bagay na sadyang ginawa para saktan ka lang.
Ngunit ito'y hindi ginawa bilang kaparusahan, dahil kalaunan may aral kang matututunan.
_____________________
Mensahi,
Hindi talaga madali ang pag aasawa. Kaya kapag hindi ka pa handa. Emotionally and physically, wag na muna. Dahil darating talaga ang mga pagkakataon na pakiramdam mo parang nakakasakal na, nakakapagod at minsan parang nakakasawa na yung mga pangyayaring paulit ulit nalang na nangyayari sa buhay mo.
Tapos darating pa yung oras na parang unti-unti kang nilalamon ng iyong sistema at depresyon? Bigla ka nalang magdadrama, at ngangawa, gaya nitong ginagawa ko 😅.
Madalas yung emosyon mo pa ay hindi mo malaman kung saan nanggagaling, basta iiyak ka nalang kasi pakiramdam mo nag iisa ka lang.
Buhay may asawa, minsan masaya, pero madalas mahirap. Pero kaya pa.
Laban para sa mga asawa at ina'ng katulad kong may pinagdaraanan. Kaya natin to!
"Salamat sa pagbabasa"
Ang larawang ginamit ay mula sa Unsplash.com
I felt my mother's pain. I know she's hitting with the way how my father lets her do all the things for the family. They're supposed to help each other, but mom never said a word about it. Later on, dad realizes what he's lacking. He filled all the times he was not able to help the family. I hope when I get married, my husband will never leave me in everything in life.