Ito ang pangatlong yugto nang aking guide patungkol sa noise.cash. Kung di mo pa nabasa ang una at pangalawa basahin lamang ang mga ito sa link na nasa baba.
Setting Up Wallet At Bitcoin.com: For Noise.cash Beginners Guide Tagalog Version
Noise.Cash Beginners Guide Updated: Tagalog Version II
May mga bagay na dapat mong gawin sa noise.cash at hindi dapat para maiwasan na masali ka sa blocklist nang mga di makakatanggap nang tips, para maiwasan ito basahin ang mga munting payo mula sa aking munting kaalaman at karanasan sa buhay, isti sa noise lang pala.
βοΈMga bagay na dapat mo iwasan gawin sa noise.cash
May mga bagay na dapat di mo gawin sa noise.cash lalo na kung nakalabag ito sa rules and regulations nang site.
β Copy and pasting post
Iwasan mag copy nang mga post na galing na sa internet or any social media, kahit Facebook post mo pa yan na ikaw mismo nag post. Ang noise.cash ay may Artificial Intelligence na ginagamit na ma detect kung kinopya mo lang ang post lalo na pag galing sa Google. Wag mangopya, bad yan. Pag nahuli ka ang score mo kung sa school pa yan pero dahil nasa noise ka itlog din ang tips mo π.
β Gumawa nang maraming accounts
Dahil medyo na ingganyo ka na sa noise kasi kumita ka na kahit walang binabayaran, naisipan mo gumawa nang maraming accounts para makarami ka. Naku mali yan friend, ma detect nang system yan at lahat nang account mo magiging itlog ang tips. Makakarami ka na nang itlog, pwedi mo na e scramble, boiled eggs or sunny side up yan.
Kung ayaw mo itlog lahat, wag gumawa nang ibang account stick to one ka lang dapat. Parang jowa lang dapat stick to one kung ayaw mong mawalan, charot.
β Mag like or heart nang mga walang kwentang post
Iwasan mo e like or heart ang mga walang kwentang post, makaka apekto kasi nang account standing mo yan. Nababasa nang system na sumusuporta ka sa mga walang kwentang post at mga spammers.
Ibigay lamang ang iyong puso sa tamang tao, cheret. Mag heart lamang sa mga post na makabuluhan at deserve na e like.
β Wag magpost nang mga about sa giveaways, tips and airdrops
Ang binibigyan nang noise.cash na tips ay yung unique na post at original. Yung mga about tips, giveaways and airdrops di yan supported nang noise.cash at kasama yan sa mga ban words. Pag lagi mo babanggitin yan, naku asahan ang itlog sa iyong post.
β Iwasan mag create nang upvoting circle
Iwasan mo sumali or mag create nang upvoting circle, ano ba yan? Yan yung like to like, and sub to sub group. Yung βuy, pa like nang post ko, like ko rin sayoβ bawal yun pag na detect nang system na ang activities mo eh paulit ulit lang at same lang na mga users ang kapalitan mo nang likes, mawawalan nang value ang hearts nyong dalawa.
Useless lang din pag detected na nang system na nag like to like kayo, pareho kayong may itlog na tips. Kung lagi nyo gagawin maka bou na kayo nang poultry farm nyan π.
βοΈMga dapat gawin sa noise.cash
Dito naman tayo sa mga okay na gagawin sa noise.cash, na makakatulong na nasa maayos lagi ang iyong rankings para sa makaka receive nang tips.
β Magpost nang original content
Mag post ka lang nang content na sarili mo gawa, di mo kinuha sa net or Facebook. Pwedi ka mag post nang kahit anong photo, wag lang porno. Tapos lagyan mo lang kwento, anong nangyari bakit kinunan mo ang isang bagay nang litrato mga ganon.
Wag din paulit ulit ang caption, ma detect yan as spamming. Isip isip lang nang ibat ibang topic ba, yun parang ka chat mo crush mo hanap ka nang topic mapahaba lang usapan nyo ganern.
β Makipag socialize sa ibang users
Ang noise.cash is isang micro blogging, na kung saan ginawa para makipag socialize sa ibang users just like other social media, kung sa Facebook nga active ka mag comments at mag likes sa friends mo ganon lang din sa noise.
Makipag friends ka lang, need yan para di ma forget nang system account mo, baka isipin nang AI nabura ka na sa mundong ibabaw.
β Stick to your account at build your name
Mag stick to one ka lang siguradong liligaya ang iyong buhay, char. Dapat isa lang accounts mo para mas malagaan mo ito, makaka post ka nang mas maayos at may quality na content kasi yun lang iisipin mo.
Wag na kumabit, para walang sabit.
β Habaan konti ang post at set time interval
Wag ka mag flood post isipin nang AI isa kang spammers dapat may time gap posting mo like 1-3hrs ganern.
Medyo habaan mo na rin ang caption mo nang kaunti, wag isang sentence lang para kasing nag text ka lang non.
Closing Thoughts
Yun ang mga basic na do's and don't s sa noise.cash, pero tandaan mo rin minsan kahit ginawa mo na ang tama eh makaka experience ka pa rin nang zero tips minsan, tawag don MISLABELED na mislabeled ka nang AI. Pero babalik din naman yan magtyaga ka lang at patuloy mo lang ang tamang gawain.
Dahil yan sa dami nang user's, wala kasi curators ang noise.cash naka asa lang sa AI. Di pa nila afford mag suhol nang mga curators kaya ganon, walang nagmanual check sa mga accounts natin pwera na lang pag may mga reports.
Ganon talaga ang buhay minsan kahit ginawa mo na ang lahat, di pa rin sapat at iiwanan ka pa rin nang taong mahal mo char. Iiwanan ka minsan nang tips, kasi na mislabeled ka pero babalikan ka rin nyan para subukin kung tanga ka pa rin char ulit. Babalik naman talaga ang tips maging active ka lang at iwasan mag rant, ayaw nang noise.cash nang ranters lalo niyang iniinis mga yan kaya iwasan mo lagi mag complain about tips. Patuloy mo lang ang iyong adhikain pasasan bat mabigyan ka rin nang halaga, balang araw.
Salamat sa inyong pagbabasa!
Want to earn by blogging? Try read.cash sign up here.
Want to earn via micro blogging? Try noise.cash, sign up here.
Want to earn FREE BCH satoshis? Try Blackprice.in, sign up here.
Want to practice trading? Try Stormgain earn via crypto mining. Sign up here.
Want to have discount in fees when you trade? Try in Binance, sign up here.
Click the blue word βhereβ so you'll be directed to each platform.
Date Published: September 4,2021
Napaka-helpful nito, Ate lalo na sa mga newbies natin. Sana lang eh mas marami pa ang makabasa nito at sana i-apply din nila. <3
'Yung sa time interval talaga ang mas pina-practice ko pa eh. And, after months? Ayun, successful naman. :)