Setting Up Wallet At Bitcoin.com: For Noise.cash Beginners Guide Tagalog Version

21 161
Avatar for Eybyoung
3 years ago

Tamang tama, di pa tapos and buwan nang Agusto, halina't magsulat nang wikang Filipino.

Okay, dahil may bagong feature na ang noise.cash na affiliates program kung saan ang isang user magkakaroon nang porsyento sa bawat kikitain taong maimbethan nya sa noise.cash, naisipan kung magsulat nang Tagalog guide. Mahirap mag eksplika nang dapat gagawin sa noise dahil ang lawak nito. I also promise some user na gagawa talaga ako nang tagalog guide para di na tayo mahirap mag explain sa bawat taong gusto natin e onboard sa noise.cash.

Mga dapat gagawin bago mag register sa noise.cash

Ito ang mga pangunahing gagawin bago mag register sa noise.cash, kailangan mo mag set up nang wallet.

E download and Bitcoin.com wallet

Unang una e download itong wallet na ito para magkaroon ka nang Bitcoin Cash wallet address, pero kung may Coinsph wallet ka at gusto mo yun gamitin na address pwedi rin naman. Yun nga lang mga after three hours pa bago papasok ang iyong tips na makukuha, compare dito sa Bitcoin.com wallet mabilis parang kidlat, ganern.

Gumawa nang noise.cash wallet para separate ang wallet mo para dito

  • Pag ka open mo nang Bitcoin.com makikita mo iyan, pindutin lamang ADD/IMPORT.

  • Pagkatapos mo pindutin ang add/import lalabas ang option na nasa itaas, piliin ang CREATE NEW WALLET.

  • Pag napindot mo na ilagay mo ang pangalan, for example; Noise.Cash Wallet pagkatapos pindutin ang CREATE WALLET.

  • After mo ma tap ang create wallet, mag pop yang New wallet created, wag mo e dismissed pindutin mo ang SECURITY CENTER.

  • Pagkatapos mo pindutin ang security center lalabas ang mga option, pwedi mo e cloud back up pero I recommend na gamitin mo ang MANUAL BACKUP.

  • Pag napindot mo na ang manual back up, makikita mo ang iyong wallet na may pulang marka No backup recorded. Pindutin mo ang mismong wallet.

  • Pag napindot mo na ang mismong wallet lalabas na ang 12 seed phrase, o dose na letra. Ito ang iyong seed phrase, isulat sa papel at itago dahil ito ang access mo sa wallet mo at wag ipakita sa iba para walang ibang gagalaw nang wallet mo. ITAGO MONG MABUTI PAG NAWALA YAN, GOODBYE MONEY πŸ€‘.

  • Napaka importante nyan, mas importante pa yan sa jowa mo kaya ingatan mo yan friend. Dahil kahit mawala mo ang iyong device, ma format or whatever, pwedi mo pa rin ma access ang wallet mo as long as nasa sayo ang seed phrase via IMPORT WALLET.

Mag send and receive Bitcoin Cash

Para mag send at receive nang iyong pera or Bitcoin Cash sa ibang wallet, ito lang ang gagawin.

Send

  • Kung may naipon kana at gusto mo na itong e convert sa fiat or local currency na Peso, pindutin lamang ang iyong Noise.Cash Wallet at piliin ang SEND.

  • Pero bago yan, punta ka muna sa iyong Coinsph wallet at kopyahin ang wallet address don, punta ka sa BCH wallet mo at pindutin mo ang RECEIVE.

  • Kapag napindot nag ang Receive, pindutin ang SHOW MY BCH ADDRESS. Basahin mo ang important notice, dapat BCH lang e send mo sa address na yan.

  • After mo napindot ang show my BCH address, lalabas na ang address at e COPY mo ito tapos balik ka sa Bitcoin.com at e click yung SEND from your wallet.

  • Pumili ka nang asset na gusto mo e send, syempre piliin mo ang BCH.

  • Tapos e paste mo na yung kinopya mo from your Coinsph wallet address

  • Ilagay ang amount tapos yun na, antayin mo mga 3-4hrs minsan darating sa Coinsph wallet, medyo matagal kasi may traffic din sa blockchain lalo na pag galing sa non-custodial wallet to Exchanger, ang Coinsph kasi ay isang Exchanger.

  • E double check nang ilang beses ang address kung tama bago mag proceed sa transactions, dahil pag mali ang address na nilagay mo mawawala na ang iyong pinaghirapang pera, di mo na makuha ito. Nasa Blockchain technology at cryptography tayo bawal magkamali, dahil katumbas non ay pagwala nang pera. Dahil walang mga customer service representative na tutulong sayo, ikaw mismo gumagawa nang transactions kaya ingat kaibigan kung ayaw mong ma iputan, isti mawalan!

Receive

Ito naman ang RECEIVE kung mag send ka from other wallet to your Bitcoin.com. Pindutin mo lang yan. Or kung may gustong magbigay sayo nang BCH.

Pag na click mo na ang Receive pindutin lamang yang COPY ADDRESS. Yan ang ilagay mo sa iyong noise.cash wallet later on, or yan ang ibibigay mo if ever may gustong mag send sayo nang BCH.

Closing Thoughts

Dahil medyo mahaba talaga ang guide articles, gagawin ko itong three parts. Ito ang una SET UP WALLET, next is REGISTRATION on Noise.cash and how to navigate the site, and the third one is HOW TO USE NOISE.CASH EFFECTIVELY, on the third part andyan na mga tips kung paano maiwasan mga di dapat gawin sa noise para magkaroon ka nang tips, or para kumita ka nang maayos.

Masyado itong mahaba, ganon talaga. Kailangan mo magtyaga intindihin bawat guide para ikaw ay kumita.

Hiniwalay ko ang mga ito para hindi ka malito, abangan ang susunod na kabanata nang aking guide, hindi kabanata nang love story nyong walley πŸ˜‚

Para sa mga ka Pinoy kung mahilig mag invite, you can use my article or recommend to your invites pag natapos ko na mga friendship.

Salamat sa pagbasa!

This is talagalog no more scanning on checker!

Date Published: August 30, 2021

23
$ 9.96
$ 9.19 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.10 from @Crackers
+ 15
Sponsors of Eybyoung
empty
empty
Avatar for Eybyoung
3 years ago

Comments

ang galing..pwede pla idirect din si bitcoinwallet to coins..ako kasi ung galing coins na address ung nilagay ko sa noise...

$ 0.00
3 years ago

Detalyado, punto por punto madam.

$ 0.00
3 years ago

Dito lang ako sa read.cash kasi sa noise.cash tapos na akong mag register pero ayaw pa rin mabuksan, di ako makapag log in :( pero infairness doon short post lang dito mapapalaban ka sa paggawa ng mga article.

$ 0.00
3 years ago

Wow! may affiliate na pala ang noise, hirap ako kumita dun kya napabayaan ko na hehhe! But, shall return. Aabangan ko ung 3rd part.

$ 0.00
3 years ago

Papakita ko to sa kapatid kong newbie ,hindi ko kasi alam pano yo eh ,tinulungan lang ako sa account ko . Salamat ditoπŸ₯°πŸ˜Š

$ 0.00
3 years ago

Next Ate kung pano naman magtrade hehe

$ 0.00
3 years ago

Ang swerte ng mga newbies may step by step para madali masundan.. Good job πŸ‘πŸ‘πŸ‘

$ 0.00
3 years ago

Sa wakas may ganito na. Di na mahihirapan id ever mag invite. Yon lang pag tamad yong invites ang bagsak magpapaliwanag kapa rin huehue bat kasi ganon taeng yan. Haha

$ 0.00
3 years ago

Yeyyy, super helpful talaga tuhnsa mga begginers sis

$ 0.00
3 years ago

Yeey! This helps a lot. Gonna save it for future references.

$ 0.00
3 years ago

Isang magandang paliwanag ito para sa mga Hindi pa alam kung paano mag set up ng kanilang wallet at para sa mga baguhan na ginagamit ng Noise.Cash. Hihintayin ko ang pangalawa at pangatlong parte nito.

$ 0.00
3 years ago

I hope it will help new comers to start journey of crypto from Noise.cash and read.cash ☺️

$ 0.00
3 years ago

Dinugo ilong ko dito, sis hehe. Galing!

$ 0.00
3 years ago

Napakahusay! Salamat ng marami dito ate πŸ’— ipapabasa ko to sa sister ko na si @QueenOfHome

$ 0.00
3 years ago

Salamat! Very informative ❀️ screen shot ko yung ibaπŸ˜‚ para Di malimutan.

$ 0.00
3 years ago

Hahahah laban

$ 0.00
3 years ago

Magaling. Aabangan ko ang susunod na kabanata.

$ 0.00
3 years ago

Mas maganda na nga iyan para meron na akong maisend sa mga maiinvite ko soon 🀣 HAHAHA nakakatamad po kasi talagang mag explain lalo na kung yung iniinvite mo eh di naman interesado tsaka ang kukulit kasi puro mga spam lang na post pinopost nila 🀧 tapos isisisi sakin bat di sila kumikita hays

$ 0.00
3 years ago

Dapat mabasa ng kapatid ko toπŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Ayan ang galing bhe isave ko ng di ko na iexplain babasahin na lang to! Buti na lang din tagalog 😁

$ 0.00
3 years ago

Sharing is caring hehe thank you po dito God bless youπŸ™

$ 0.00
3 years ago