Tara at mag sagot ng mga katanungan
Magandang Gabi Pilipinas! At magandang Umaga naman sa mga taong naninirahan sa ibang bansa. May nakita si @Zhyne06 kanina sa Feysbuk, isang post na may mga katanungan kaya, nais ko sanang sagutin ang mga iyon ngayon. Pasensya na din kayo, kung ang gamit ko na lenghuahe ay Tagalog sapagkat, ako ay matagal nang hindi nagsusulat dito gamit ang aming sariling wika.
Pero bago yan, nais ko munang ipakilala sainyo ang aking mga sponsor, kung gusto ninyong makabasa ng magandang paksa bisitahin natin ang kanilang mga account
Simulan na natin ang pagsasagot sa anim na Katanungan!
Aaminin ko na merong mga nagkakagusto sakin sa aming paaralan simula Elementarya hanggang Highskul. Hindi naman ako sa nagmamaganda pero sinasabi ko lamang ang katotohanan. Hindi ko din alam kung pano nila ako nagustuhan dahil wala naman akong maipagmamayabang. Pero hindi pa akong nanghost. Kung may aamin sakin na may gusto sakin at kung itatanong sakin kung pwede ba niya akong ligawan, dinederetsa ko ang sagot ko sakanila sa madali at ng hindi sila nasasaktan. Ako, Aaminin ko meron na nanghost sakin at iyon yong kauna unahan na ex ko. Nakwento ko na story namin noon at nasa artikulo na ito.
Hindi ko alam kung totoo din ba yung sinasabi ng mga kaibigan namin DATI. Pero minsan na nabanggit sakin ng bestfriend ko na may inamin yung crush ko noong mga panahon na magkaybigan palang kami. Na ako din daw yung crush niya noong mga panahon yon kaya malakas sila mang asar saming dalawa. Pero ayokong paniwalaan 'yun kasi ayokong masaktan at umasa.
Syempre naman ano ba kayo? Haha nafall din naman ako at nakailang hulog at nakailang walang salo din. Pero diko babanggitin mga pangalan nila dito kasi di rin lang naman ninyo sila kilala. Baket? Kailangan paba ng rason kung paano ka nafall? Pero sige, ang naalala ko dati nung nga puppy love palang nafall ako sakanila dahil mabait sila sakin, dahil sa itsura nila ganon.
Kasi siguro dahil may mga tao ding takot din silang masaktan. Mas pinapangunahan sila ng mga katanungan, ng mga emahinasyon ganon. Minsan kasi, kahit gustuhin mo mang intindihin yung sitwasyon mas pinipili or nangingibabaw din sa atin yung takot. Kaya kaysa piliing intindihin, mas pinili nalang nilang mang-iwan.
Secret. Charot haha Oo, sa katunayan ay may kachat ako minsan sa Telegram. Hindi ko alam kung paano at kailan ako nafall pero kadalasan kasi minsan kapag mag kausap kami, hindi ko alam pero nakakatuwa siyang kausap kahit minsan lang kami mag-usap. Ako unang nag chat sakanya noon. HA-HA
Yung ex ko, relasyon naming dalawa patago lang eh. So, parehas kami tinatago namin yung isa't-isa tapos tinatanggi din namin kada tanong ng ibang tao tungkol saming dalawa. Sa una naman masakit kasi mahirap kasi talaga kapag patago na relasyon e. Pero habang patagal ng patagal parang nasasanay nalang din ako. Pero para sakin, mas masakit yung Tinatanggi ako. Yung madinig mong sagot niya sa ibang tao, "Ha? Hindi no, bakit ko naman gugustuhin yon? Di ko siya type tsaka, magkaibigan lang naman kami." Diba?
Dagdag katanungan
Mahal ako. Kasi, Masarap mag mahal kapag mahal ka din ng isang tao. Mas maganda kasi magmahal kapag mas lamang yung pagmamahal sayo ng partner mo. I mean, kasi kapag ikaw kapag sobra sobra yung binibigay mo, mas mahihirapan ka at masasaktan ka.
Pagtatapos...
Hindi ko alam kung nasakot ko nga ba ang mga katanungan ng maayos. Sapagkat ako ay lutang sa ngayon. Haha pasensya na kayo talaga at mukhang hindi maganda ang mga tanong na napili at mga sagot na binigay ko.
Kung gusto niyong sagutin ang mga katanungan na ito, maaari po kayong mag komento sa ibaba. Iyon lang tapos na.
My Previous articles:
Lists of Netflix movies and dramas that I like to watch
Ang sakit naman basahin nung "kasi kapag ikaw sobra yung pagmamahal mo, mas mahihirapan at masasaktan ka."
Kaya dapat talaga magtira tayo para sa sarili natin.