Unsaid feelings of mine.

July 20, 2021

Bakit kaya may mga kamag anak tayo na iba ang turing sa atin?

Grabe itong araw na ito, nakakalungkot lang gusto ko lang iShare at baka may mga makarelate.

Meron ba kayong kapamilya na grabe kayo ituring at parang hindi nila kayo kaano-ano? Pero kapag sila ang may problema at lumalapit sa atin ay tinutulungan pa rin natin.

Oo, kami meron kaming mga ganyang kamag-anak. Hindi ko sila jinujudge pero sadyang nalulungkot lang ako na meron pa lang mga ganitong tao at ang iba pa ay kapamilya o kamag anak mo.

Isa na lang halimbawa ang pangyayari ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko sa ngayon. Ang Lolo ko kase ay umalis dito sa aming bahay ngayong araw. Nagpaalam sya na pupunta sya sa isa nya pang anak ( tita ko ) at mangangamusta daw at meron kase syang problema at hihingi na din sana ng tulong. Wala na kasi silang trabaho ng Lola ko, syempre matanda na sila hindi na talaga pwede magtrabaho at hindi na rin naman namin sila papayagan magtrabaho.

Source: https://www.healthline.com/health/toxic-family

Pero nagulat na lang kami ng magchat na lang yung tita ko sa mama ko. Nagagalit sya at bakit daw laging pinapapunta namin doon yung Lolo ko kapag may kailangan. Grabe, ayoko na lang magsalita pero sobrang sama talaga ng loob ko. Bakit ganun sya magsalita sa amin? At Tatay nya naman yung humihingi ng tulong sa kanya bakit sya ganun magsalita? Sa totoo lang noong panahon na may problema po sya ay dito sya lumapit sa amin, humingi ng tulong at tumira. Buong puso sya tinanggap ng Lolo at Lola ko. May asawa na sya ng panahon na iyun may mga anak na din, pinalayas sya ng asawa nya sa hindi ko na babanggitin na dahilan. Pinatira sya dito ng Lolo at Lola ko sa bahay namin wala syang trabaho nun kaya sila Lolo at Lola pa rin ang nagpapakain sa kanya. Hinanapan sya trabaho ng mama ko at nakahanap naman sila. Pagkatapos nun ay isang araw ay hindi na sya umuwi dito samin. At nabalitaan namin na bumalik na pala sa kanila. Yung tita ko na yun ay palagi namin tinutulungan kapag may problema pati ang mga anak nya. Sobrang daming naitulong ng Lolo at Lola ko sa tita ko na iyun kumpara sa iba pang mga Tito at tita ko. Ngayon ay ayos na ang buhay ng Tita ko na yun, nagka-ayos na sila ng asawa nya at may mga magagandang trabaho na sila pareho. Kaya naman ngayon ay naisipan ng Lolo ko na sa kanya lumapit. Pero bakit naman ganun at sinumbatan nya pa ang kanyang Ama. Masasabi ko talaga na iba ang ugali ng Tita ko na Yun kahit mga kapatid nya ay napapansin kung bakit ganun ang ugali nya. Kaya mamilit naman talaga syang lapitan at hingian ng tulong dahil kilala na namin sya, nagkataon lang na sya ng pinakamalapit na pwedeng malapitan sa ngayon.

Marami pa kaming mga kamag-anak na ganyan, hindi ko na sasabihin ang iba. Yung iba ay mga malayong kamag-anak na namin. Sobrang bait kasi ng Lolo ko kaya naman sya talaga ang nilalapitan ng iba kapag kailangan ng tulong at Wala namang pag aalinlangan na tumutulong ang Lolo ko. Hindi lang ako makapaniwala na itong mismong anak ng Lolo ko na tita ko pa ang gaganyan sa kanya.

Ang sakin lang naman ay huwag sana tayo maging ganto sa mga kamag-anak natin. Dahil pamilya natin sila. Iisa lang tayo ng dugo. Dapat nga ay nagtutulungan tayo dahil wala namang ibang tutulong satin kundi tayo tayo lang din magkakamag anak at magkakapamilya.

Source: "Having Healthy Family Relationships With Less Stress" https://www.verywellmind.com/healthy-family-relationshps-and-stress-relief-3144541

Mahalin natin at ituring natin ng tama ang ating mga pamilya. Dapat sa panahon na ito ay pagmamahal ang pairalin natin. Pero di naman talaga natin maiiwasan ang mga ganitong uri at klase ng tao. Kaya naman hanggat kaya namin umintindi lang iintindihin na lang namin.

Sana ay maisip din ng mga tao na ito ang ginagawa nila sa kanilang mga pamilya. Pero tao lang din naman sila kaya wala naman tayong magagawa kundi patawarin sila.

“Families are like branches on a tree. We grow in different directions yet our roots remain as one.” - unknown

Author's Note:

Hindi ko po sinulat itong article na ito para i-expose ang pamilya ko. Hindi po ganun ang intensyon ko. Gusto ko lang na may makuhang aral at magsilbing aral sana ito sa iba. At alam ko na marami din naman pong nakakaranas ng ganito. Lastly gusto ko lang po ilabas kung anong nasa puso at isip ko sa ngayon, hindi ko kasi sya maisaboses sa ngayon dahil bata pa ako. Kaya naman naisipan ko na isulat na lang sya para gumaan ang pakiramdam ko. Ayun lang po at maraming salamat.

Credits to the owner of my lead image: "Big Family Cartoon Images, Stock Photos & Vectors | Shutterstock" https://www.shutterstock.com/search/big+family+cartoon

Thanks Everyone for reading this.

Spread Love.

Don't forget to Be Nice and Be Good as always.

Bye

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

5
$ 3.10
$ 2.87 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @FarmGirl
$ 0.05 from @Eunoia
+ 3
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

got an incident na nagawa ko rin nag article and it's about my uncle..pero direct sakin yung hate niya hindi sa grannys ko.. di mo talaga ma pi please lahat nang tao beb specially relatives niyo..pabayaan niyo na lang tita mo kasi baka bad mood lang kaya ganun..

sorry noe lang nabasas beb

$ 0.02
3 years ago

Yes po Tama. Opo iniintindi na Lang Po namin sya.

$ 0.00
3 years ago

buti di niyo na ni contradict..hayaan niyo siya malaman mali nya

Karma strikes on dumbs ika nga

$ 0.00
3 years ago

Naku, daming relatives na ganyan. Yung ituturing ka lang na kamag-anak kung mapapakinabangan ka. Pero kung hindi, daig mo pa ang stranger.

$ 0.02
3 years ago

True po.

$ 0.00
3 years ago

Relate ako jan kasi nangyayari yan sa amin. Ayoko na magkwento pero lagi ko sinasabi sa mama ko at mga kapatid ko na wag na magsalita pa ng masama against sa mga kamag-anak. Importante naalagaan namin ang lolo namin sa abot ng aming makakaya.

$ 0.02
3 years ago

Yes po sinasabi din po yan ng mama ko samin magkapatid na wag na po magsasabi ng ibang words sa mga kamag anak namin na ganyan. Basta wag na lang po namin tutularan.

$ 0.00
3 years ago

Dami talagang ganyan, may mga kamag-anak din kami na, humihingi ng tulong pero pag kami na yung humingi parang hindi kami kakilala. Hays. Well, wala na tayo magagawa sa kanila.

$ 0.02
3 years ago

Kaya nga po ang hirap na lang po talaga magsalita.

$ 0.00
3 years ago

Ewan ko ba kung bakit ganito na ang nangyayari ngayon. Minsan mas madali pang hingan ng tulong ang ibang tao kaysa mismo kapamilya natin.

$ 0.02
3 years ago

Oo nga po parang mas willing pa tumulong yung ibang tao satin.

$ 0.02
3 years ago