Sa oras ng pangangailangan

October 21, 2021. Huwebes.

 

Makikita mo talaga ang mga tao na totoo sa iyo kapag nasa oras ka ng kagipitan.

 

 Nasa hospital po ang Ate ko ngayon at hindi ko po muna sasabihin ang dahilan kung bakit pero hindi po ito tungkol sa Covid. Kagabi pa sya dinala sa hospital at ngayon ay nandoon pa rin at wala pa kaming update sa kanya. Sa public hospital lang namin sya dinala dahil hindi namin kaya ang mga mamahaling hospital o private hospital. Simula kagabi ay hindi na kami lahat mapakali at balisa kaming lahat ng nandito sa bahay. Ang mama ko naman at ang ka-live in partner ng Ate ko ay ang nagdala sa kanya sa hospital pero hanggang hatid lang ang nagawa nila at hindi na sila pinapasok sa mismong loob hospital dahil bawal daw ito ngayon. Nasa labas lang sila ng hospital ang nag iintay ng update kung ano na ba ang lagay ng kapatid ko. Dinala daw sila sa malapit na school at konting lakad lang mula sa hospital. Doon daw talaga dinadala ang mga pamilya ng nag iintay sa pasyente na nasa hospital.

 

Pero lumipas na ang ilang oras at mag iisang araw ng nasa loob ng hospital ang aking kapatid ay hanggang ngayon ay wala pa ring update na sinasabi sa amin. Kaya kami ay alalang alala na. Ito lang talaga ang hindi maganda  sa mga pampublikong hospital porket libre ang serbisyo ay hindi ka talaga aasikasuhin kaagad. Kagabi ay sinabi ng mama ko ng vinideo call namin sya na noong pinasok daw nila sa loob ng hospital ay hindi daw agad inasikaso ang kapatid ko at pinaupo lang ito sa isang bangko doon at pinalabas na daw agad sila mama at ang kalive in partner ng ate ko. Magmula noon ay wala na kaming naging update sa kapatid ko at ako ay gustong gusto ko na pumunta sa hospital at samahan ang aking ina pero hindi pa pwede sa ngayon.

 

Tumawag kami sa ilan naming mga kamag anak at nanghihingi ng tulong para magkaroon ng update sa aking kapatid dahil meron akong isang tito na may kakilala na nagtatrabaho sa loob ng hospital na iyun pero nitong tinawagan namin sila kanina ay wala daw silang magagawa kung wala pang update dahil ganoon daw talaga katagal iyun. Ha, talaga ba? Bigla akong nalungkot ng iyun ang sinagot nila. Samantalang sila kapag nasa hospital ay halos karamihan doon ay sinasabi nilang kakilala nila tapos ngayon ay sasabihin nilang kahit kumontack sila ng kakilala nila doon ay walang magagawa. Sa totoo lang kapag ang ibang myembro ng pamilya ang nangangailan ng tulong ay walang ano ano ay tinutulungan namin sila kahit pa marami din kaming ginagawa dahil pamilya namin sila at ang pamilya ay nagtutulungan talaga, kahit nga malayong kamag anak ay hindi kami nagdadalawang isip na tulungan pero bakit ganun pagdating samin ay naiiba na? Kapag kami na ang nangangailangan ng tulong ay parang hirap na hirap sila ibigay ang tulong na aming kailangan. Sa totoo ay hindi naman ganun kalaking tulong ang hinihingi naming pabor sa kanila ang gusto lang naman sana namin ay humingi ng number ng kakilala nilang trabahador sa loob ng hospital upang matawagan namin at makamusta ang lagay ng aking kapatid.

 

Kaya eto kami ngayon naglakad lakad upang puntahan ang isang kakilala ng lolo ko na noon na nagtatrabaho sa nasabing hospital, hindi kami sigurado kung doon pa ding hospital sya nagtatrabaho pero sumugal pa rin kami mapuntahan sya upang makahingi ng kaunting tulong. Hindi na din kasi mapalagay ang mama at lola ko dahil halos mag iisang buong araw ng wala kaming balita sa kapatid ko at ang doctor  nya hindi rin kami inuupdate. Ng makarating kami sa bahay na kakilala ng lolo ko ay agad kaming nagpatao po at buti na lang talaga ay nandun sya sa bahay ng pumunta kami. Agad nya kaming pinatuloy sa kanyang bahay at tinanong kung anong kailangan namin at sinabi na nga namin, pagkatapos nyang marinig ay agad agad syang kumuha ng papel at ballpen at pinasulat ang pangalan ng kapatid ko at ang cellphone number. Tatawagan nya daw ang doctor nito pero baka hindi pa daw ngayon masagot dahil kailangan pa daw tawagan ang consultant bago matawagan ag Doctor. Hindi ko inaasahan na tutulungan nya kami kahit na hindi naman namin sya kaano ano at matagal na ng huli silang magkausap ng lolo ko pero tinulungan pa rin nya kami at sinabi pa nya na para mapanatag na kami at hindi na kami mag isip pa ng husto o mamroblema. Nakakatuwa lang na may mga gantong tao na willing tumulong kahit pa hindi naman nila kami kaano ano. Lubos ang naging pasasalamat ng lolo ko at pati na rin ako dahil sa kabutihan nya. Sana lang ay ganito lahat ng tao yung handang tumulong kahit pa hindi mo naman kamag anak. Ipinaliwanag nya rin sa amin ang ilang kalakaran sa loob ng nasabing hospital at naliwanagan kami. Ngayon ay kahit papaano ay panatag na kami ng pamilya ko.

 

Upang makatulong ako sa gastos ng ate ko sa hospital, gamot at pagkain ay na withdraw ko na ang halos lagpas sa kalahati ng kinita ko dito at sa noise. Nagtira lang ako ng konting konting halaga sa aking wallet at ang iba ay ibinahagi ko na sa kanila upang makatulong kahit papaano. Alam kong hindi ganoong kalaking halaga iyun pero makakatulong pa rin naman ito kahit papaano. Sana lang talaga magkaroon na kami ng update sa kalagayan ng kapatid ko para matahimik na ang aming mga isip.

 At ito nga po bago ko matapos isulat ang artikulo na ito ay nakatanggap kami ng magandang balita at ayos na daw po ang kalagayan ng ate ko. Tumawag nga daw ang kakilala ng lolo ko sa hospital upang alamin ang lagay ng kapatid ko at nalaman namin na ayos na sya.

At hanggang dito na lang po muna. Hindi po talaga ako masyadong makapag focus sa lahat ng ginagawa ko dahil maya't maya ay nasa isip ko ang aking kapatid.

 

Maraming Salamat po sa mga nagbabasa ng Gawa ko.

 

At maraming maraming salamat din po sa aking mga sponsor sa walang sawang pagtitiwala sa akin.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

I made it with Canva

Lead image source: Unsplash

4
$ 3.06
$ 2.92 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @FarmGirl
+ 2
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Hope okay na ang ate mo... It's hard to expect from relatives kasi minsan, masasaktan lang tayo. Iniisip natin na sila ang tutulong pero madalas hindi. Although d ko nilalahat kasi okay namang mga relatives namin hehe

$ 0.03
3 years ago

Opo okay na po ang ate ko. Maraming salamat po a inyo. Opo nga po eh, buti na lang po at okay po ang mga relatives nyo.

$ 0.00
3 years ago

Thank God Ex at okay na sya. Hoping na labas sya soon from the hospital.

$ 0.00
3 years ago

Yes po nakalabas na po sya Yesterday. Thank you pp sa inyo. 💗🥰♥️

$ 0.00
3 years ago

Oh wow, that's really good news!

$ 0.00
3 years ago

Opo, okay na po kami at panatag na po.

$ 0.00
3 years ago

Totoo yan naranasan ko na yan kung sino pa ang ibang tao sila pa ang tutulong sayo kahit na walang kapalit kapag kamag anak tutulungan ka pero kailangan tanawin mo ng utang na loob.

$ 0.03
3 years ago

Opo ganyan na ganyan nga din po ang nangyayari sa pamilya namin ngayon.

$ 0.00
3 years ago

aigooooo bakit ganun nga noh kung sino pa yung di mo kadugo sila pa willing tumulong

$ 0.03
3 years ago

Opo eh hindi na po ata mawawala yung mga ganun po eh.

$ 0.00
3 years ago

Get well soon sa kapatid mo. Kami din nasa hospital ngayon. Experience kodin na ibang tao ang tumulong saamin, Hayst sana mas dadami oa ang mga taong may mabubuti ang puso, no?

$ 0.03
3 years ago

Salamat po. Ingat din po kayo. Opo sana po ay mas marami pang mabubuting tao sa mundo.

$ 0.00
3 years ago

alam mo beb totoo to...minsan talaga mas maasahan mo pa ang ibang tao kesa sa sarili mong kamag anak. at mabuti naman at ok na ate mo dasal ka lang beb...

$ 0.03
3 years ago

Opo tama po yung mga hindi mo pa po inaasahang tao ang makakatulong sayo. Maraming salamat. Opo sige po.

$ 0.00
3 years ago

Thank you God dahil okay na ate mo Langga sobrang kaba ko.

Oo Langga totoo ito kung sino pa yung kadugo natin sila pa yung walang pakialam. Naranasan ko to Langga. Iba sa pakiramdam. Maiyak ka nalang talaga kasi di ko inexpect na mangyari yun. Mabuti pa yung mga ibang tao handa pang tutulong sayo...

$ 0.03
3 years ago

Opo Thanks God po talaga at okay na yung ate ko po. Opo eh may mga ganyan po pala talagang tao at masaklap po ay myembro pa ng pamilya natin. Nakakatuwa lang po at may mga tao po talagang handang tumulong ng buong puso.

$ 0.00
3 years ago

I am sorry to know about that. Sana gumaling na the soonest ang kapatid mo. Ipagdasal na lang natin ang mga taong ganun. Ang importante, okay na si kapatid. Stay safe kayo!

$ 0.03
3 years ago

Opo sana po ay maging okay na sya ng husto. Maraming salamat po sa inyo.

$ 0.00
3 years ago