Oh Yes, I'm Back Here.
December 21, 2021. Tuesday.
Sa wakas at nakabalik na po ako dito. Buti na lang talaga dahil sobrang lungkot ko na po nitong mga nakaraang araw at naghahanap ako ng paraan kung paano makakabalik dito. Nagpapasalamat po ako kay madam @Eybyoung dahil nakita ko po sa post nya sa noise cash kung paano masosolusyunan ang problema at kung paano makakabalik dito. Ng makita ko po iyun ay agad agad kong ginawa ang nakasaad doon at nang makapag install na nga po ako ng app na kailangan ay sinubukan ko na ito at sobrang saya ko dahil totoo nga po at gagana nga ito. So thank you po talaga sa info na ito maam. Malaki po ang naitulong nito sa akin at sa iba pa po.
At ngayon na nakabalik na ako dito ay napakasaya ko talaga. Akala ko hindi na ako makakabalik dito, mag papasko pa naman tsaka mangyayari yun. Kaya naman Happy and Thankful po ako sa mga taong nagpopost kung paano ang dapat gawin o mga paraan para makabalik dito. Maraming Salamat po talaga sa inyong kabaitan at pagshare ng mga info na ito.
Wala po akong maisip na topic ngayon hahahha kaya ikukuwento ko na lang po ang nangyari sa buong araw ko na ito. Kaninang umaga ay maaga po akong gumising dahil may pupuntahan kami ng mga kagroup ko sa research. Mga 7:00 am ay nagising na po ako at inayos ko na ang hinigaan ko at inayos ko na din ang sarili ko. 9:00 am ang usapan namin ng mga kagrupo, sa oras na yan ay kailangan nandoon na kaming lahat sa place na pagkikitaan namin. Kaya naman pagkagising ko po at pagkatapos ko ayusin ang higaan at sarili ko ay kumain na ako ng breakfast at naligo na din ako. Mga 8:30 am na ng matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin bago ako umalis ng bahay. At mga 8:45 am ay umalis na ako sa aming bahay. Naglakad lang po ako papunta sa meeting place namin dahil kaya ko naman itong lakarin at 5 minutes lang ang kailangan kong lakarin at nandoon na po ako. Pagdating ko doon ay wala pa ang mga kasama ko. Hahahha. As usual ganun naman talaga ang mga Pinoy nagseset ng time pero hindi nasusunod. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang maghintay sa kanila. Mga 9:15 am ay dumating na yung isa kong kasama/kagrupo. Mga 9:30 am naman dumating yung isa pa na kukumpleto sa amin. Nagpahinga lang sila saglit at tumungo na nga kami sa Machine Shop kung saan kami magpapagawa ng product namin. 30 minutes ang byahe kaya medyo matagal din at mga 10:30 am na rin po kami nakarating doon. Naghintay pa rin kasi kami ng mga kasabay dahil sa Jeepney lang po kami sumakay. Pagdating namin sa lugar kung saan kami magpapagawa ay naghanap pa kami doon kung saan ba yung Machine Shop na nirecommend sa amin. Muntik pa kami maligaw hahahha buti na lang po talaga at may mga mabait kaming napagtanungan ng direksyon papunta doon.
Ng makarating kami sa Machine Shop ay ginawa na agad namin ang pakay namin, kinausap namin sila tungkol sa aming product. At sobrang natuwa ako ng sinabi nilang kaya nila itong gawin. Sa wakas nakahanap na rin kami ng gagawa. Noong nakaraang linggo kasi ay nakahanap na rin ang isa kong kagrupo, pero ng pinaliwanag yung product namin ay sinabi na mahihirapan daw pala sila na gawin ito at noong lumipas ang mga araw ay sinabi nila na hindi na pala nila ito kayang gawin. Kaya naman kanina ay labis ang tuwa ko. Babalik kami sa machine shop na iyun sa susunod na araw dahil hinihingian kami ng concrete na Autocad ng product namin para pagbasehan nila sa paggawa.
At pagkatapos nga ng naging usapan ay bumalik na kami ng mga kasama ko doon sa meeting place namin. Mga 12:30 pm na noon kaya gutom na kami at napagdesisyunan nga naming kumain sa Jollibee dahil ang tagal ng ng huli akong makakain doon. Sobrang sarap ng naging pagkain namin at napadami din talaga ang kwentuhan kaya mga 2:00 pm na ata kami nakaalis sa Jollibee. At bago kami naghiwa-hiwalay o umuwi sa kanya kanya naming bahay ay nagfinal kami ng desisyon sa product namin, kung kailan kami babalik sa Machine Shop, kung kailan kami magpapagawa ng Concrete na Autocad at kung anong oras ulit kami magkikita kita.
At iyan nga po ang nangyari sa aking Tuesday. Sorry po kung nagkwento lang ako sa inyo ngayong araw pero babawi na lang po ako sa mga susunod na araw. Maraming Salamat po at Hanggang dito na lang muna. Bye. Peace.
Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.
I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
...and you will also help the author collect more tips.
I am happy that you are back here sis and that read is back to normal na rin :D Saya nung Jollibee ah, dami..