Magpahinga lang, pero huwag Sumuko.

36 340

November 7, 2021. Sunday.

 

Kapag ba hindi mo nakukuha ang mga bagay na gusto mo ay nawawalan ka na ng gana? Kapag ang mga bagay na pinaplano mo ay hindi natutupad ay nawawalan ka na ng pag asa? O kapag hindi sumasang ayon sa iyo ang mga bagay bagay ay napanghihinaan ka na ng loob? Kapag ba nangyayari yan sayo ay naiisipan mo na sumuko na at huwag ng magpatuloy?

 

Sabi nga nila “Magpahinga lang pero Huwag Susuko”. Ako palagi kong sinasa isip ang kasabihan na iyan. Kapag may mga nangyayaring hindi maganda sa buhay ko ay tinatagagan ko lang ang aking loob at ipinagdadasal sa panginoon ang mga bagay na ito. Dapat kahit na hirap na tayo sa buhay at sa mga ginagawa natin ay piliin pa rin natin ang lumaban at huwag sumuko ng basta basta lamang. Lahat ng ito ay pagsubok lang kaya kapag sumuko ka kaagad ay ibig sabihin nito ay hindi mo na kayang harapin ang mas malalaking pang problema na darating sa iyong buhay. Kaya kailangan ay tibayan mo palagi ang iyong kalooban at magtiwala ka sa sarili mo. Napakahalaga na meron kang tiwala sa sarili mo dahil dito ay magkakaroon ka rin ng lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga pagsubok na dadating.

 

Susuka lang pero hindi Susuko ewan ko kung kasabihan pa rin ang isang ito. Hahahha. Pero lagi ko itong naririnig kapag nawawalan ng pag asa ang isang tao at ito ang sinasabi ng mga kasamahan nyan. Sa totoo lang kapag nalalasing ang isang tao ay tsaka ko rin naririnig na sinasabi yan sa kanila. O kaya naman kapag broken hearted ang isang tao. Pero sa tingin ko ay pareho lang naman ng ibig sabihin ang naunang kasabihan at ang pangalawa dahil parehong itong naglalayon na huwag tayong susuko anuman ang mangyari.

 

Dumadating talaga ang mga pahanon na sobra tayong mahihirapan pero dapat pa rin natin isaalang alang talaga ang huwag sumuko. Walang pagsubok na hindi natin malalampasan, sabi nga nila at totoo naman yan. Kahit gaano pa kabigat ang isang problema ay may solusyon ito at hindi pwedeng wala.

 

Kapag pagod kana magpahinga ka lang muna, huminga ng malalim at linisin ang iyong isipan. Ang solusyon sa pagod ay pahinga lang naman talaga at hindi sulosyun ang sumuko kapag pagod kana. Huminga ka ng malalim, kailangan mo ito para marelax ang katawan mo sa pagod. At linisin ang iyong isipan, tanggalin mo muna ang mga negatibo na nasa iyong isipan dahil hindi makakatulong ang mga ito. Dapat kapag pagod ka na ay huwag ka ng mag isip pa ng mga bagay bagay na lalo lang makakapagpagulo sa iyong isipan at lalo lang magbibigay o magdadagdag ng pagod sa iyo.

 

Lahat ng tao ay nagkakaproblema at napapagod. Iba iba nga lang tayo ng paraan kung paano harapin ang ating mga problema at kung paano pawiin ang ating pagod. Kaya kung nangangamba ka sa sitwasyon mo ngayon, kung kaya mo pa bang harapin ang mga problema at pinagdadaanan mo ngayon ay lagi mo lang isipin na lahat tayo ay dumadaan dito. Kaya huwag kang malungkot, huwag kang magalit, huwag kang magtaka, huwag kang magkumpara, at huwag kang sumuko. Lahat tayo ay nararanasan ang mga problema at paghihirap sa buhay kaya naman dapat ay mas piliin mo pa rin talaga na intindihin ang mga bagay bagay at lawakan mo pa ang pag iisip mo para sa tuwing may katanungan sa isip mo ay alam mo rin ang sagot dito. Lagi ka rin mag isip ng mga positibong bagay lang at isantabi muna ang mga negatibo. Kapag lagi kang positibo ay malaki ang tyansa na maging positibo din ang lahat ng nasa kapaligiran mo.

 

Basta ang masasabi ko lang sa mga tao dyan na may kinakaharap na problema ay “Laban lang at Huwag kang sumuko, pasasaan ba at malalagpasan mo rin iyan”. Palagi lang po nating lakasan ang ating kalooban, kaisipan at pati na rin ang ating pangangatawan.

 

At iyan lang po para sa araw na ito. Gusto ko lang magbigay ng pag asa sa mga tao na nalulugmok ngayon sa kalungkutan. Gusto ko na patatagin ang kanilang loob at pasayahin na rin kahit papaano. Maraming Salamat po sa inyong pagbabasa at hanggang sa muli po.

 

Maraming Salamat  sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli.

 

 

Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin po sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcocomment at nag uupvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.

 

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

 

Thanks for reading this.

 

Keep Safe and God Bless us always.

 

Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

 

Bye.

I made it with Canva

Lead image source: I use Canva in making it.

11
$ 5.92
$ 5.61 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Bloghound
+ 8
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Correct ka po dyan....Paano mo makukuha ang gusto mo..Paano mo malulutas ang probz mo kung susuko ka...Pwede naman tayo huminga muna saglit tapos ipagpatuloy ang buhay.heheh

$ 0.03
2 years ago

Kaya nga po hindi po solusyon ang pagsuko. Kailangan lumaban lang tayo palagi at kapag pagod na pahinga lang.

$ 0.00
2 years ago

Yup tama ka Sis magpapahinga pero hindi susuko. Hindi masama ang tumigil at magpahinga muna kapag hindi na talaga kaya pero kapag okay na pwede na ulit makipag sapalaran para sa pangarap sa buhay . Wag susuko para sa ikakaganda ng Future :)

$ 0.03
2 years ago

Tama po lahat ay gagawin natin para po sa ikagaganda ng future natin at hindi po susuko hanggat hindi po naaabot ang mga pangarap.

$ 0.00
2 years ago

And taong may pangarap at hinding-hindi sumusuko. Magpaahinga lamang kung kinakailangan pero magpapatuloy muli. Hindi rin pwede sumuko ang taong may maraming umaasa sa kanya. Ayokong sumuko kahit hirap na hirap na ako pero walang ibang inaasahan ang pamilya ko. Nagpapasalamat na lang din ako kasi binibigyan nila ako ng lakas ng loob.

$ 0.03
2 years ago

Opo kapag may umaasa sa yo ay hindi ka po pwedeng sumuko. Kailangan po ay maging matatag ka para sa kanila at ganun din po sila sa inyo.

$ 0.00
2 years ago

Yes yes yes! Go go go! Always fight. Never to give up is to out trust on God.

$ 0.03
2 years ago

Yup Just trust our God because he have a better plan for us.

$ 0.00
2 years ago

Aww gusto ko yang susuka pero di susuko lalo na pag may empi lights hahaha..Nice one, thanks for the inspirational quotes.

$ 0.03
2 years ago

Hahahha opo kasabihan po yan ng mga nalalasing eh. Welcome po. 💖

$ 0.00
2 years ago

Go lang ng go ate kahit pagod na. Naalala ko na parang papatayin ako sa pagod sa daming ginagawa pero nalampasan ko pa rin eh. Just keep the positivity ate. Habang may bukas pa, try all your best just to survive

$ 0.03
2 years ago

Tama, habang may bukas may pag asa. Laban lang para sa pamilya, pangarap at sa mga bagay na gusto nating makamit.

$ 0.00
2 years ago

Yes ! Tama ,kapag pagod kana ,pwede kang magpahinga ,give your self a break para makapag isip ka ng magandang solusyon sa problema kinakaharap mo and always remember ,lahat ng problema may solusyon .

$ 0.03
2 years ago

Opo wala pong problema na binibigay na wala pong solusyon. Kaya pahinga lang po tayo kapag pagod na.

$ 0.00
2 years ago

Laban lang. Walang sukuan 😁

$ 0.03
2 years ago

Opo thank you po sa inyo. Labarn lang po! Hahahha.

$ 0.00
2 years ago

Tama pag napapagod na ipahingan ang muna ,bawal sumuko kasi ang sumusuko talo, iiyak kung sobra na talagang bigat,

Sabi nga nila barasuhin mo huwag ka dibdibin.

$ 0.03
2 years ago

Ayy tama po kayo dyan ang taong sumusuko talo po. True po wag po nating dibdibin ng husto at daanan lamg po natin ang mga problema.

$ 0.00
2 years ago

Tama ka sis.. Pwede naman magpahinga kung napapagod na, pero hindi naman ibig sabihin nun ay susuko ka na.

$ 0.03
2 years ago

Agree po. Hindi naman po ibig sabihin kapag nagpahinga ka ayy ayaw po na nagpapahinga lang po para mas maging malakas na tao.

$ 0.00
2 years ago

bumubwelo lang kumbaga

$ 0.00
2 years ago

Gusto ko to Langga. You gave us a motivations to strive more. Yes true "Magpahinga lang pero huwag susuko" lagi natin ito tatandaan dahil itong kasabihan na ito ay laking tulong sa atin.

Sa pamamagitan ng pagpapatatag sa atin. Pinapaalala sa atin na maging positibo sa buhay. Higit sa lahat, pina paremind sa atin na huwag susuko kahit ano mang pagsubok ang darating. Mag relax lang kung may problema. Kailangan we have a peace of mind then we can refresh so pahinga lang pero huwag susuko.

$ 0.03
2 years ago

Thank you very much po. Opo relax and refresh lang po kapag napagod pero never pong susuko. Wala po sa dictionary natin ang word na pagsuko.

$ 0.00
2 years ago

Yes Langga tama. Walang sukuan, tuloy lang abutin mga pangarap natin sa buhay....

$ 0.00
2 years ago

Opo tuloy tuloy lang po sa buhay.

$ 0.00
2 years ago

Trueee. Pahinga lang hindi dapat susuko. Kasi pag sumuko ka sa pangarap mo, talo ka. Kaya tuloy lang dapat ang laban. Sabi nga hindi tayo bibigyan ni Lord ng pagsubokna hindi natin kayang lagpasan. Pakatatag lang tayo.

$ 0.03
2 years ago

Maraming Salamat po. Opo laban lang po talaga tutulungan po tayo ni Lord palagi basta po maniwala lang tayo palagi sa kanya. Be strong lang po palagi.

$ 0.00
2 years ago

Kaya eto sis. Go lang ng go kahit nakakapagod.

$ 0.03
2 years ago

Opo ganun po talaga kailangan po nating magpatuloy lang po sa buhay.

$ 0.00
2 years ago

para sa pamilya po

$ 0.00
2 years ago

Opo at para sa mga pangarap po.

$ 0.00
2 years ago

yes po

$ 0.00
2 years ago

Hindi talaga susuko dahil may Diyos ang siyang nakakaalam ng lahat :).

$ 0.03
2 years ago

Correct po. Basta may pananalig po tayo sa kanya ay hindi po tayo mawawalan ng pag asa dahil gagabayan nya po tayo palagi.

$ 0.00
2 years ago

At lalaban hanggang sa huli.

$ 0.00
2 years ago

Yes po. Fight lang. 💪

$ 0.00
2 years ago