I spent $25 yesterday
March 15, 2022. Tuesday.
Kamusta na po kayong lahat? 3.15 (sweldo sale) ngayon at sale na naman sa mga online shop, so nagpabudol na naman po ba kayo? Hahhahha. Ako po hindi muna papabudol dahil mag iipon muna ako tsaka na lang ako papabudol uli kapag marami na akong pera at marami na akong naipon. Hehehhe.
Anyway change topic po tayo. Nagsisimula na ako maging busy sa online class ko kaya hindi na po ako ganun ka active, kaya wala rin akong na publish na article kahapon dahil wala rin akong nasulat at naubusan ako ng time for writing an article. Pero nagbasa pa rin naman po ako kahapon ng mga article dito, mga 5-7 articles din ata ang nabasa ko. Mas magiging busy pa po ako sa mga susunod na araw at nakakasigurado ako dun, 1 week pa lang kasi kami ay ang daming gawain agad agad. Paano pa kaya sa mga susunod na linggo? Tapos yung mga po prof namin ngayon ay medyo masusungit at strict, nabago din kasi yung iba naming prof noon pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko mga prof namin noon, mababait na matataas pa magbigay ng grade hahhaha. Anyway hanggat kaya ko po ay susulat pa rin naman ako ng article dito hindi na nga lang po siguro araw araw na katulad ng dati. Ewan ko po ba mas kaonti na nga ang subject ko ngayon pero parang mas naging busy ako. Pero kahit ano pa man ang mangyari ay kailangan ko lang talaga i-manage ng maayos ang time ko.
Change topic po ulit tayo hahhaha. Kahapon nga po ay gumastos ako ng $25 dollars o less than 1,300 in pesos po iyan. At saan ko nga ba dinala ang ganyang kalaking halaga? Ginamit ko po yan sa pagmi-mint ng JoyBot, nagkakahalaga po ang pagmimint ng 1 joybot ng 500 JOY. Pero may balance po kasi akong about 50 JOY sa metamask wallet ko noong nakaraang pa kaya 450 JOY lang ang kinailangan kong bilin kahapon at nagkahalaga nga po iyon ng $25. Kailangan po mag mint ng JoyBot para maaccess mo po ang mga games sa Joystick.club. Isa po iyung Pay-Play-Earn at sa metamask din po matatagpuan. Kailangan mong magbayad ng 0.25 dollars (kada isang laro) para makapaglaro sa at kikita ka naman kapag natapos kana maglaro, depende po sa score nyo ang makukuha nyong JOY kada laro, pinakamababa na po ang 2.5 JOY at pinakamataas naman po ang 10 JOY.
Nanghinayang nga po ako kung bakit hindi pa ako dati nagmint ng JoyBot kung saan nasa $15 dollars pa lang ang price nito. Last week balak ko na po talagang mag mint, mga nasa $18 dollars pa lang sya pero nagdalawang isip pa po kasi ako. Pero simula ng makabasa ako ng mga article ng iba din ditong users na kumikita naman sila ng maayos at mababawi naman ang puhunan mo (yung ginastos para sa pagmi-mint ng JOYBOT) at naengganyo na din po talaga ako. At kahapon ko nga lang po yan nagawa.
Masasabi ko naman po na legit na kumikita naman po talaga ako pero saka na po ako magsasaya kapag nabawi ko na yung pinuhunan ko ahahhahah. Mag uupdate po ako sa inyo kapag nabawi ko na yung $25 dollars na ginamit ko para makapag mint. Kahapon ng makapag mint ako ay naglaro po agad ako don, $3 dollars lang po muna ang ginamit ko para sa paglalaro so it means meron akong 12 chances to play at puro Honeycomb lang po talaga ang nilalaro ko since sya po ang pinakamadalinsa lahat at maganda ang kitaan, minsan lang po ako magtry ng ibang laro pero ang sinusubukan ko lang po ay JoyBot Cross at Block Breaker. Sure ako na gets o alam naman po ng ibang users kung ano yung sinasabi ko. Pero kapag may time po ako ay ieexplain ko ito sa inyo ng mabuti para kung gusto nyo rin po itry. Pero sa ngayon pwede po kayo mag research about dito sa sinasabi ko, pwede din po kayo sumali sa Telegram group ng JOYSTICK CLUB kung gusto nyo po para mas marami po kayong malaman ang maging updated kayo. Yung $3 dollars ko nga po pala ay naging $5.5 dollars matapos kong maglaro so it means ang kinita ko po kahapon sa paglalaro ay $2.5 dollars.
Maghihintay muna po ako ng ilang araw pa bago ko mabawi yung ginastos kong $25 then kapag nakuha ko na po ay tsaka ulit ako gagawa ng about doon.
Hanggang dito na lang po muna. Sorry po kung tagalog na naman ang article ko ngayon, di kasi kaya ng brain cells ko magsulat ng english for now eh hahahha dami po kasing gawain sa school kaya kung saan ako mapapabilis ay yun na lang po ang ginawa. And anyway update lang din naman po sa mga ginagawa ko lately ang article na ito. Pero maraming salamat pa rin po dahil binasa nyo ito at sana ay nag enjoy kayo sa pagbabasa kahit paano. Hanggang sa muli. Happy Tuesday to all of you!
Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.
I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead image source: Unsplash
...and you will also help the author collect more tips.
Pareho tayo, I've been so busy these past days din dahil sa school works. The difference is nagbabasa ka pa rin ng articles habang ako nagpapublish lang tas minsan pag di na kaya, di na talaga hahaha. Pero laban pa rin. Kaya natin tow!