Pasaan ba akoy nanggaling sa wikang ito, ang tahanan at naghubog sa loob ko ay nanggaling lamang sa plumang ibinigay, sa kwaderno ng wika, sa inilathala ni Bathala na mga titik at letra naway malaman niyo kung sino ako.
Martes ikatlong araw sa ilalim ng buwang Agosto taong 2021. Tatlong buwan na din ang nakararaan o mahigit isang daan nang araw ang mga nakalipas, isang daang artikolo na din ang nailimbag sa platapormang ito ngunit ang iyung mababasa ay ang kauna-unahang Wikang Filipino na ilalathala ko. Hindi dahil kinakahiya ko ang akin, ngunit dapatwat sa aking pag-isip ay maraming nakaharang dapat daanan din.
Sa GITNA ng maiinit na panahon sinimulan ko ang ang pagsusulat ng aking artikolo. Hindi ko alam kung baket pula ang lahat ng letra at salita na nabuo, masakit sa mata ngunit wala akong balak na itapon ang mga nagliliyab na numerikal at lohikal na aking gustong ipakita.
GITNA ang aking buhay sapagkat hindi ko wari kung ano ang katapusan, kung bukas ba o sa susunod na kaarawan. Hindi Wikang Filipino o kung tawagin ay tagalog ang kinalakihan ko. Namulat ako sa salitang Iloko na ginagamit naming mga Ilokano. Ang baybaying Tagalog ay tila na isang nakakatwang gamit ng banyagang galing sa ibang planeta, hindi dito sa lugar na kinalakihan ko.
Isang wikang tagalog ang nagpasidhi sa nagaalab kung damdammin. Isang musmos na bata ang nakarinig ng tila na hindi kanais-nais sa paningin, ang salitang ito ay "Ikaw ay matakaw" hindi ko sinasadyang masaktan ang maliit na pareho ko sa taong kamusmusan. Ang salitang "takaw" sa Iloco kung mahal ay "Magnanakaw" ang buong akala ko itoy aking kasirahan, hindi ko sinasadya sapagkat ang wikang sinambit niya sa gulang na iyun ay hindi ko pa alam.
WAKAS ng aking mga salita ay tila isang bomba, hindi ako matalino o henyo gaya ng iba, ang pag-iisip ng tao ay hindi ko wari kung totoo, o isa nanamang misteryo.
Sa isang banda ang wakas ang pinakamahalaga, ang paglubog ng araw sa dapit hapon ay sadyang kamangha-mangha. Sa dulo ng aking pagtatapos ng Tersiyarya nakita kung kaya ko pa palang ibalik ang nakaraang akala ko ay wala na.
Noong bata ako minsan akoy nangarap na magsulat ng journalismo, Isang batang mapangahas ang minsan sinubukan ang paglimbag sa paaraalan ngunit bigo nang hindi kasali ang kwentong ibinigay ko sa publikasyon ng Pampaaralang diyaryo. Itinuring ko itong wakas ng pagsidhing pananalaytay ng minsan kung pinangarap.
Marahil kulang ako sa letra at kaalaman, ngunit nang bumukas muli ang isang pintuhan sa pagsusulat ay hindi ko na sinubukan, marahil ang wakas sa kwento ko ay wala pang pangalawang libro.
Libro ang nais kung gawin, gusto kung gumawa ng estorya hindi para malimbag ang pangalan ko sa publiko ngunit para makita ng minsay nagsabing hindi ako maalam sa larong gustuhin ko.
Padako o paroon akin ang ibahagi ang SIMULA. Ang umaga ay dumating na, ang tawag sa akin ay nagpapakita na. Sa bawat araw na may naiisulat akong artikolo mula sa ilalim ng puso at isipan ko ay nagsisismula na ang kwentong totoo, ang karapat-dapat na ginawa ko simula pa sana noong simula.
Bawat limbag ko ng gawa ko ay nagbibigay ng kaakit-akit na pagsinta. Sa bawat komento na nanggaling sa gawa ko ay labis na kagalakan ang hatid, sa posotibo at maging negatibong bungad ng tao ay nagpapakilig sa akin at nagpapabilid sa sarili ko, sapagkat kaya ko palang isulat ang mga detalye na sa akin isip, mga katanungan at kasagutan sa aking mundo, ang paraiso na kina-ilaliman ng mahika at enkantadong pluma.
Marahil dito na nga ang simula, simulang ibanggit kung ano ang nasa puso at damdamin ko, ang makikinang na mga titik at letra sa akin ay para bang nasababambit ng katuturan. Sino ang magsasabing hindi natin kayang magsulat kung tayu naman ay nakakabasa?.
Akoy napaisip at napasalin ng diwa, baket ang pagsusulat ng banyagang Ingles na panalita ay minsan napakadaling simulan at unawain. Ang Pambansang Wika na gamit namin ay ang hirap intindihin siguro dahil nababalutan na tayu ng kapangyarihang pananakop mula sa teknolohiya na galing sa ibang bansa.
Matatawag ba nating Pilipino ang mga taong hindi marunong ng wikang Filipino? magiging isa ba tayu dahil sa dugo nating bughaw?.
Wikang Pambansa ang Gitna ng huli at siyang pasimula. Sa kagitnaan ng ating pagkatao ay malalaman nating hindi lahat ng Pilipino ay alam ang wikang hinawi upang maging tulay sa pagtatalastasa, ang modernong Pinoy ay marahil hindi alam ang mga salitang nakatago sa lumang baol na napapaligiran ng pilak na siyang bantay.
Ilang salita ba ang kaya mong isalin? Napakadali sa iba na gamitin ang banyaga ngunit kwestyunanble sa pananalita ng kapwa nila. Kung marahil, kahit ang payak o simpleng mamayang Pilipino ngayun ay nakakabigkas at nakakapagtalumpati na ng wikang hinango mula sa mga Inglesero.
Nabatid mo ba ang gusto kung mensaheng ibigay sa kasarinlangang siyang nagpatunay na tayuy sibil at kahit hindi totoong profesional sa pluma at mga letra ay ating nalilikha ang mundong wala naman ngunit kaya nating magawa.
Sa kahit anong bagay na naisin ko kaya kung gumawa ng taong siyang gumalaw at magbigay buhay sa kwento ko, ang kwento ko ay hindi biro, ang talastasang bigay ng mapanakit na ehekotibo.
Kahit kailanman hindi ko iniwan ang aking etnikong kinabihasnan. Kaya kung matutuo at kahit ilang salitang banyaga o di naman kayay linggo na gawa-gawa, ngunit sa huli akoy babalik sa dating ako, sa gitna ng wakas ay sisibol ang rosas na siyang magdurogtung sa akin upang muling magsimula.
Ay napakaganda ng iyong naisulat. Ikaw na ang the best na nabasa ko. Hahahaha. Napakagaling at tinutumbok talaga ang mga bagay na dapat tumbukin.