Multo sa Aking Panaginip

Avatar for Eries28
3 years ago

Mula ng tumuntong ako ng college, malayo na ang tinitirhan ko sa pamilya ko. Kinailangan ko pang sumakay ng barko at jeep para makarating sa lugar kung saan ako nag-aaral. Kinailangan kong magboard para sa aking matitirhan.

Dahil pareho kami ng school na pinapasukan ng aking nakakatandang kapatid, pareho din kami ng tinutuluyan. Ang kapatid ko ay graduating na noon kaya di ko na siya nakasama pa ng matagal sa boarding house.

Naalala ko noon ang boarding house na tinutuluyan ko ay kahoy lang at halos puro gawa sa kawayan pero maganda ang pagkakagawa. Sa likod noon ay makikita ang ilog at naglalakihang mga puno. Ang palikuran namin noon ay wala sa loob ng bahay, kinakailangan mo pang lumabas at humakbang ng apat na hakbang para makarating sa palikuran.

Ako po yung taong hindi talaga matatakutin pagdating sa usapang multo, hilig ko din manood ng mga movies na nakakatakot kahit ako lang mag-isa at higit sa lahat kaya kung magpunta sa palikuran ng boarding house namin kahit hatinggabi pa.

3rd year na ako sa kolehiyo noon, apat kaming studyante na nakatira sa boarding house na iyon. Naaalala ko Sabado ng gabi, pagod ako ng mga panahong iyon dahil sa mga activities na ginawa namin sa school. Alas onse na ng gabi ng ako'y makatulog. Paggising ko nasa school na ako, nasa science laboratory room na kung saan nakita ko mga experimentong ginagawa doon kasama mga kamag-aral ko, pero nagtataka ako kasi kahit isa sa classmate ko wala akong kakilala.

Habang ako'y naglalakad sa room, nakita ko ang isa kong kamag aral na babae, napakahaba, napakaitim at napakaganda ng buhok. Ang kintab at unat na unat ang kaniyang buhok . Pagtingin niya sakin bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay, tumingin ako sa kaniya at takot na takot dahil nakita kung nanlilisik ang kaniyang mga mata, sa likod naman niya ay may parang bilog na kulay itim. Hinila niya ako at parang gusto niya akong isama papasok doon sa itim na bilog. Naghilahan kaming dalawa, hawak hawak niya ang dalawa kung kamay habang ako naman ay hinihila din ng mga kamag-aral ko palayo sa kaniya. Sobrang lakas niya at sobrang lakas din ng boses niya na para siyang sinasaniban.

Nagising akong muli, ala una na ng madaling araw. Sa aking paggising bigla akong napatingin sa kisame ng mga ilang segundo, hinang hina, pero napagtanto kong panaginip lang pala ang lahat. Muli na sana akong matutulog ng biglang may nakita akong isang batang lalaki naman sa gilid ng aking kama, banda sa aking paanan, ang bata ay siguro nasa pitong taong gulang lamang. Napakaganda, napakaitim, makintab at untay na untay din ang buhok gaya ng sa panaginip ko. Nakaupo siya banda sa paanan ko at nakadungo lang kaya hindi ko nakita ang mukha niya.

Natulala ako ng mga limang segundo at habang nakatitig ako sa kaniya nagtataka ako kung bakit may bata sa bahay at kung sino yung bata? Binaling ko ang aking tingin sa paligid at napagtanto kong hindi na iyon panaginip. Bigla akong tumayo sa pagkakahiga papalabas ng kwarto sa takot. Sa aking mabilis na takbo papuntang sala ako'y nadapa at sa mga oras na iyon ang tanging nasa isip ko lang ay buksan ang lahat ng ilaw sa bahay.

Malakas ang pagkakadapa at pagkakabagsak ko sa sahig na kawayan dahilan upang magising ang mga kasama ko sa bahay. Nagulat sila at dali daling lumabas ng kwarto. Nakita nila akong nakaupo na at nagtanong kung ano ang nangyari. Di ako nagkuwento agad dahil alam kung matatakutin ang mga kasama ko sa bahay. Habang ako ay nakaupo at kinakausap ng mga kasama ko, bigla kung nakita ang mga sugat sa paa at sa mga siko ko pero di ko man lang nainda yung sakit ng pagkabagsak ko sa sahig maliban sa mga kamay kong nangangalay na hinawakan ng multo sa aking panaginip. Dahil sa sobrang ngalay hiniling ko sa kasama ko na masahiin muna nila ang mga kamay at palad ko. Mga ilang oras bago ako nagkwento sa kanila, pumunta sila sa kwarto ko at wala naman daw silang batang nakita.

Hanggang ngayon di mawala sa isip ko ang nangyari at panaginip na iyon. Yung panaginip ko na sumama hanggang sa paggising ko. Naniniwala ba kayo sa 3rd eye? Alam ko kasi wala akong 3rd eye pero bakit may nakita talaga ako?. Iyon na din ang una at huli na nakakita ako at ayoko ng maulit pa.

Kinaumagahan, lahat ng gamit ko sa kwarto lalo na iyong kama iniba ko ang pagkakapwesto para lang di ko maalala pa, pero hanggang ngayon sobrang linaw pa rin sa aking isipan ang lahat ng nangyari sa panaginip at multo na nakita ko sa kwarto. Mula din noon lagi na akong nagdadasal bago matulog.

Ito po ay totoo na nangyari sakin at hindi basta kwento lang. Ikaw? Anong kwentong multo meron ka? May mga nakita ka rin ba or karanasan patungkol sa mga multo?

Lead image from Unsplash.

Salamat po sa pagbabasa.

5
$ 0.02
$ 0.02 from @Khing14
Avatar for Eries28
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Written English.. All user understand english

$ 0.00
3 years ago

Natakot naman ako sis, panaginip lang na parang totoo. Naka experience na din ako ng ganyan pero tula mo ayoko na balikan, rason lalo para matakot ako manood ng horror.

$ 0.00
3 years ago

Hindi pa naman ako nakakapanaginip ng ganyan sis. Buti nalang din dahil napakaduwag kong tao pagdating sa ganyan. Kaya nga hindi ako nanonood ng horror movies.

$ 0.00
3 years ago

Ako sis mahilig kahit mag isa lang ako nanood ako pero mula noong may nakita ako di na ako nanood nag K-drama nalang ako baka madala ko sa panaginip eh.

$ 0.00
3 years ago

ahahaha....tama yan sis.. mas okay na oppa ang mapanaginipan mo kesa yang mga katatakutan na tulad nyan

$ 0.00
3 years ago

Ay oo sis. Haha. Gusto ko yan kaya lang madalas ko talaga mapanaginip nakakatakot. Kaya lagi na ako nagpepray bago matulog.

$ 0.00
3 years ago

tama sis. Yun lang din ang panlaban sa mga ganyan. Isa pa eh, wag kang matutulog kapag bagong kain. Patunaw ka muna..atleast 2 hrs bago ka matulog dapat.

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot naman sis.😬 Baka habang nanaginip ka nanjan na talaga nakatingin sayo ang multo. At napunta sa bangungot. Pag boarding house kasi mayroon talaga multo. Na experience ko kasi na mg boarding house. Pero mabuti na lang hindi ako yung pinapakita..

$ 0.00
3 years ago

Oo sis mula noon talaga di na ako lumalabas ng bahay pag gabi papuntang Cr. Tska pray lang talaga lagi bago matulog. Ayoko na ulit makakita kasi sobrang nakakatakot at masama sa pakiramdam.

$ 0.00
3 years ago

Oo sir pray lang. Ako pag meron akong hndi maganda na nararamdaman nagdadasal lang din ako. Paramdam lang pero dko nakikita. Pray lang talaga ang makaka save sa atin sa ganoong sitwasyon

$ 0.00
3 years ago

Buti ngayon sis di na ako nakakita ng ganyan. Pero madalas ako nakakakita ng mga taong sinasaniban.

$ 0.00
3 years ago

pag ganyan sis lumayo ka nalang. Kasi baka lapitin ka dn ng mga d nkikita. Sabi ng albularyo, wag daw tutulong sa sinasaniban kung alam mo sa sarili mo na mahina ka dn sa ganun. Kasi ang mgiging resulta nun sayo lilipat.

$ 0.00
3 years ago