Hello, everyone. ππΌββ
Share ko lang po ang aking Ipon Journey kung paano ako nakapag-ipon ng P100,000+ at the age of 20.
3rd year college student po ako sa isang state university.
As a student, mahirap po talaga makaipon dahil maliit lang din naman ang allowance na ibabudget sa loob ng isang linggo, lalo na't maraming gastusin sa kolehiyo.
Natuto po akong mag-ipon nung High school palang ako na nadala ko hanggang college na.
So ito po ung mga tips ko on how to save and earn money for students like me na nasa High School or College palang. Pwede din po sa mga may trabaho na.
Tip No. 1:
Matutong Magtipid/ Be Trifty
"Don't live beyond your means"
Madaming ways jan kung paano makakatipid. Magbaon ng tubig at pagkain. Maglakad kung papasok sa school. Learn to say "No" din sa mga kaibigan na nag-aayang kumain sa fastfood.
Monitor your Expenses. Eto ung ultimate savings Formula.
"Allowance - Savings = Expenses"
Tip No. 2:
Set a Savings/Financial Goal
Sakin, nililista ko sa notebook ko kung magkano ung goal kong maipon sa target date ko. Effective to kasi machachallenge ka talaga. Madami ding mga Ipon Challenge ang sinubukan ko na.
"Set a goal that is challenging but realistic."
"Don't just set your goals. Work hard to achieve it."
Tip No. 3:
Open A Savings Account
Nag-open ako ng savings account sa BPI nung may naipon na ako galing sa ipon challenge ko. Dun ko hinulog kasi baka magastos ko siya.
Tip No. 4:
Find a Source of Income
Tatlo ang sources ko kung saan ako nakakakuha ng pera- Allowance, Business Profits (nagloload po ako sa mga classmates ko), and Scholarships.
Tip No. 5:
Reward Yourself
Hindi masama na itreat mo ung sarili mo lalo na kung alam mong nareach mo na ung goal mong ipon. Pero huwag to the point na mauubos na ung savings mo.
Always Remember!
"Madaling Gumastos,
Pero Mahirap Mag-Ipon."
Ito po ang next savings goal ko:
200,000 pesos at the end of year 2020.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Writer's Note:
Thank you. Sana may na'inspire kahit papaano. Dapat matuto na tayong magtipid at magtabi ng pera para kapag nagkaroon ng emergency, at mayroon tayong perang madudukot. π
...and you will also help the author collect more tips.
nice huta ha