It's been a while when I last wrote a Tagalog article, Wala Kang Utang na Loob!, which was also my entry for the Buwan ng Wika challenge. Since it is still August, I decided to just write this article in Filipino. If you are a foreign reader, I hope the Globe button will help you out if you want to read it. Hihi
Ang bilis ng araw. Katatapos lang ng enrollment namin para sa unang semestre ngayong taon. Ni hindi ko manlang naenjoy ang bakasyon namin ngayong tag-init dahil sa lumulubong bilang ng mga kaso ng may Covid sa aming probinsiya, kung kayat isang buwan na rin noong huli akong lumabas ng bahay. Tapos ngayon naman ay magpapasukan na naman.
Halos tanda ko pa lahat ang mga naging una kong karanasan noong nasa unang taon pa ako sa kolehiyo.
Parang kahapon lang noong unang araw akong pumasok sa kolehiyo. Noong unang beses akong maglakad ng halos labing limang minuto sa pathway papunta sa aming silid-aralan para umattend sa aking unang subject. Bandang alas otso ng umaga noon nang hind ko mahanap ang tamang classroom para sa subject na iyon. Halos tatlumpong minuto rin akong nahuli sa klase dahil para akong batang musmos na naghahanap ng classroom na nasa harapan ko lang pala.
Parang kailan lang noong wala pa akong masyadong kakilala sa kolehiyo ngunit buti nalang ay may mga mababait akong kaklase na kalaunan ay naging mga kaibigan ko rin. Ung iba naman ay tila ba parang nakasagutan ko rin.
Naalala ko pa ang unang araw na nagkaroon kami ng unang pagsusulit sa klase at sobrang pinaghandaan ko talaga dahil bukod sa nag-review na nga ako sa gabi ay gumising pa ako ng madaling araw, alas tres ng umaga, para lang mag-review ulit. Ganoon ako kakabado sa unang exam sa kolehiyo.
Naaalala ko rin noong una akong magkaroon ng hinahangaan sa klase dahil bukod sa may itsura at matangkad siya, ay matalino din siya sa klase. Nakakatawa lang na siya ang naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng matalik na kaibigan pero siya din siguro ang naging dahilan kung bakit nawala ito. Hay. Ewan ko ba.
Malinaw pa sa aking memorya noong unang beses din akong kumain sa labas kasama ng mga kaklase at kaibigan ko.
Ang mga subject na halos sumakit ang ulo ko kakasaulo sa aming mga pinag-aralan para pagdating ng pagsusulit ay mayroon akong maisagot kahit hindi sigurado.
Sa aking pagbabalik-tanaw sa unang taon ko sa kolehiyo ay hindi ko mapigilang ma-miss ang mga araw na normal pa ang pag-aaral.
Ung tipong gigising ka ng maaga para magluto, maligo, at pumasok. At kapag nahuli ka ng gising ay tiyak na huli ka na din sa klase, maliban nalang kung mas huli ang professor na papasok kesa sa'yo.
Ung mga araw na ipagkakasiya ang allowance mo sa buong Linggo, mula pambili ng load, mga pagkain at gamit para sa mga proyekto sa klase.
Ung biglang kakabog ang dibdib mo dahil ang pangalan mo sa Index card ang nabunot para mag-recite at sumagot sa tanong ng instructor mo.
Ung magkakaroon kayo ng seating arrangement ng mga kaibigan mo kapag dumating na ung araw ng pagsusulit- ang mga Midterm at Final Exam.
2nd Year- 2nd sem noong mabago ang struktura ng pag-aaral dahil mula sa silid-aralan ay biglang naging virtual nalang ang pag-aaral.
At ngayon, pagkatapos ng tatlong semestre, ay virtual parin ang klase.
4th Year College Student na ako!
Hindi ko mapigilang matuwa dahil halos isang taon nalang, dalawang semestre nalang, ay magtatapos na ako sa kolehiyo. Ngunit sa kabila ng pagkasabik kong grumaduate ay kasabay din nito ang kaba at takot para sa mga darating na buwan. Huling taon ko na sa kolehiyo, ngunit parang mas bumibigat ang pinapasan ko sa aking likod.
Kinakabahan ako na baka sa huling dalawang semestre na ito ay doon pa ako papalpak. Natatakot ako na baka madismaya ko ang mga taong may malaking ekspektasyon sa akin, lalo na ng aking mga magulang at pati narin ang sarili ko.
Madaming tanong ang bumabagabag sa aking isipan na siyang nagpapabigat sa aking nararamdaman. Mga tanong na may kaugnayan sa aking kinabukasan. Halo-halong emosyon ang naglalaban-laban. May kaba, takot, at tuwa.
4th year college student na ako pero kahit ganoon ay hindi parin ako sigurado sa landas na gusto kong tahakin pagkatapos nito. Napapaisip din ako kung may mga oportunidad bang nakahanda para maabot ko ang mga pangarap ko?
Ang dami ko paring duda pero sinisigurado kong hindi ko susukuan ang mga pangarap ko at aabutin ko ito gamit ang lahat ng aking makakaya.
Cheers sa aking huling taon sa kolehiyo!
2 semesters left and you will be in the real world naaa. Sabi nga nila is 'di lahat ng itinuturo sa paaralan ay 'yun at 'yun lang ang iikutan sa real world. Like you, natatakot na din ako. Napapaisip kung anong mangyayari sa mga susnod na semestre na gugugulin ko lalo na kung hanggang sa paggraduate natin ay online class pa din. Aminin man natin o hindi, kulang tayo sa knowledge lalo na sa skills. Kyaa sana, sana maging maayos na lahatttt. <3
Relate ako 'dun sa na-late sa first class. Haha 'di kumpleto freshman year mo kung 'di ka naligaw. Buti may kasama ako na naligaw noon. π
Good luck, Ateee! Kaya mo iyannn. Mahirap pero alam kong kaya mo 'yan. Ikaw pa ba. Hihi