Ngayong gabi, gusto ko sana na magsulat ng English kaso namiss ko din na gumawa na ng Filipino article. Bale dito hindi ako gagamit ng malalim na salita, casual na tagalog lang gagamitin ko na may halo ng English. At isa pa mas maeexplain ko itong topic kapag sa Pilipino ko isusulat. Doon sa mga readers ko na foreigner, sorry muna ngayon bawi na lang ako next life. Kase yung topic na ito gustong gusto ko idiscuss lalo na kase tungkol ito sa mga moral characteristics ng mga Filipino. So ayon magstart na tayo.
Kilala tayong mga Pinoy na puno ng mga mabubuting asal lalo na kase namana natin yung mga kaugalian ng mga ninuno natin. Pagdating sa moral ng mga pinoy siyempre hindi tayo magpapatalo, yung tipong kahit na nandun na yung tukso, nananaig padin yung moral natin. So pagdating sa mga sarili natin at sa ibang tao meron tayong ibat ibang moral characteristics. Nasabi ko na dito dati ang definition ng moral na its ability of a man to determine what is right and wrong. Ilan sa mga moral characteristics na meron ang isang Filipino ay utang na loob, amor propio, respeto sa nakakatanda at hospitality.
Utang na Loob
Ito yung bagay na meron ang mga Pilipino, karamihan kase sa mga pinoy ay nahihirapan sa isang bagay kaya minsan kailangan din humingi ng tulong sa iba. Ang maganda sa utang na loob ay yung tumatanaw ka ng respeto dun sa tumulong sayo. Halimbawa, noong panahon na wala kang pera, siyempre may mga tao na tumulong sayo kahit na hindi mo sila sinasabihan, as a person with moral siyempre magtatanaw ka ng utang na loob at ipapangako mo na babayaran mo yung pinahiram niya. Isa pang halimbawa kapag nasa school, siyempre wala kang assignment kaya pinakopya ka nung katabi mo. Matatawag din na utang na loob mo iyon sa taong nagpakopya sayo, pwede mo siyang pakitaan ng kabaitan tapos magpasalamat nadin.
Sa paanong namang paraan nagiging mali ang utang na loob? An sagot jan ay kapag nageexpect ka na maibalik yung tulong na ibinigay mo, at hindi yun healthy pare. Kapag tumutulong tayo sa iba, dapat hindi tayo nageexpect ng kapalit dapat bukal sa loob natin kase kung aasa tayo ng kapalit parang magmumukha tayong masama. Kapag pera naman ang usapan, hayaan nalang natin yung tao kung babayaran niya o hindi kase konsensiya naman niya ang magiging kalaban niya. Bigay tayo ng example, may isa akong kakilala dito sa read.cash na nagshare about life niya, maybe nabasa niyo din pero about yun sa relative niya na nasa ibang lugar sabay gustong tumira sa bahay na tinitirhan niya.
Meron siyang utang na loob dun sa kamaganak niya kase tinulungan yung pamilya niya sabay tinulungan din siya sa pag aaral pero ngayon nanunumbat yung kamaganak niya na yun, kung bakit daw ang damot niya, parang sinusumbatan na siya na utang na loob niya iyon sa kanyang kung ano man ang narating niya ngayon. Kahit na saang anggulo tingnan parang mali padin na susumbatan mo yung tao dahil lang hindi niya naibalik o nagawa yung gusto mo. Hindi ko alam kung bakit may ganitong tao, yung akala mo bukal sa loob niya na tumulong pero kapag hindi mo nagawa yung gusto nila isusumbat nila na para bang habambuhay mong utang na loob sa kanila yung tinulong nila sayo.
Amor Propio
Pamilyar kayo sa amor propio? ito yung gusto mong mahalin ang sarili mo kesa sa ibang tao kase takot kang magmahal at baka masaktan ka lngm minamahal mo na lang sarili mo kase walang nagmamahal na ibang tao, maghanap kana kase ng juwa. Charot lng. Ang kagandahan naman ng Amor Propio eh yung kakayahan natin na mahalin yung sarili natin para matutunan natin unahin yung sarili natin bago ang ibang tao, yung tipong gusto mong mag enjoy para sa sarili mo, bilhin yung mga gusto mo at magsasabi na mahal kita self.
Kaso ang mali kase sa Amor Propio ay kung masyado na tayong nainlove sa sarili natin, yung tipong hindi kana nakikinig sa opinion ng iba, mas gusto mo na lang pakinggan ang sarili mo. At isa pa ay kapag masyado mong iniispoil yung sarili mo, bumibili ka ng pagkain para lang sa sarili mo, hindi ka nagshashare sa iba. Pangit yung ganun mare, minsan nakakasama din ang sobrang pagmamahal sa sarili. Masyado na tayong nagiging self-centered at yung ego natin hindi na mareach. Kapag dumating na tayo sa point na Amor Propio na tayo, mas okay kung baguhin na natin yung sarili kase sure na maraming tao ang lalayo sa atin.
Hospitality
Dito kilala ang mga pinoy, yung tipong kapag may bisita sa bahay ay lalabas yung mga babasaging pinggan at kubyertos na nakatago sa loob ng Cabinet sabay yung mga handa ay tinolang manok, adobo, lechon, pancit, tapos meron pang mga dessert pero kapag walang bisita sa bahay, magtititiis sa basag na plastic na pinggan sabay tuyo yung ulam, yan tayong mga pinoy sobrang hospitable. Kahit sa mga foreigners nga eh, yung kapag dadayo mga taga ibang bansa dito, inaaccomodate natin sila tapos pinapakita natin kung gaano kababait mga pinoy.
Pero paano nga ba nagiging masama ang Hospitality, yun ay kapag inaabuso na ng ibang tao, yung tipong araw araw silang pupunta sa bahay niyo para makikain, aba mga walang hiya. Akala mo naman may pinatagong pagkain, ang sarap pagbabatukan ng mga iyon, hindi rin naman maganda na iprangka kase ikaw lang magiging masama, sasabihin pa sila pangit mo kabonding. Pero ang effective na gawin dun ay ipakita mo na naghihirap kana, lagay ka tuyo na ulam sa Mesa tapos tutong yung kanin para hindi na sila kakain doon.
Respect for Elders
Itong respect for elders ay isang moral standards, ibig sabihin kahit saang bansa o lugar isa tong absolute moral order na kailangan taglayin ng isang tao. Dito sa Pinas kilala tayo bilang marespeto, dati yun. Yung tipong kapag nakakakita tayo ng matanda ay magbebless tayo, sabay hilig din natin gumamit ng po at opo bilang pagpapakita ng respeto. Ginagalang natin sila kase nakakatanda sila sabay marami na silang alam sa buhay.
Pero ang tanong ko ay dapat ba na lagi nating irespeto yung mga nakakatanda sa atin? Para sa akin hindi lagi kase minsan may mga ginagawa ang mga matatanda na dapat hindi nirerespeto ng bata, lalo na yung mga gawain na masama. Pagdating naman sa opinyon, minsan baluklot yung mga pinaniniwalaan ng mga matatanda kaya hindi natin dapat yun inaadapt dapat marunong tayong alamin padin kung ano ang tama sa mali. So ayun, dito ko na tatapusin ito, masyado na akong nageenjoy magsulat ng taglish, marahil nagsulat ako ng ganto kase hindi na tatakbo bilang senador si Rastaman.
Ngayon ko lang nalaman yang term na "amor propio". Meron palang ganyang word para sa mga takot sa love at sa mga sobrang love naman sarili nila HAHAHA