What's your talent when you're drunk? 09|04|2021 ✨ To my sponsors, I love you. ❣ Annyeongggg! It's me again, your wee BC. It's Saturday and it's my day off! Yey!
***Anong talent mo pag nalasing?*** Minsan na rin akong nalasing. Hindi ko na maalala kung kailan ako unang lumagok ng alak. Ang naaalala ko lang noon ay umiinom ako ng "tuba" o coconut wine.
https://foodandroad.com/philippines-coconut-wine/ Studyante na ako sa kolehiyo nong una kong nalasahan ang pait ng alak. Hindi maipinta ang aking pagmumukha nung ako'y sumubok. Kalaunan ay nasanay na ako sa lasa ng alak. Inaamin ko di ako tinatamaan agad kumpara sa iba kong kasamahan sa inuman. Hindi dahil sa sanay na akong naglalaklak ng alak , marahil siguro ay maatas ang tolerance ko sa alak ika nila. ***Paalala: Huwag sumama sa mga di mo kakilala.*** At dahil nga sa di mabilang na beses na sumasama akong umiinom kasama ang barkada, kaklase at katrabaho, marami na akong nasaksihang kakaibang talento kapag sila'y nalasing na. Tinamaan na ng kabayo. HAHA Kaya ngayon ay ibabahagi ko ang ilan sa mga talentong ipinamalas ng aking mga kainuman. Alam kong marami sa inyo ang makaka relate dito. **Suka Warrior** *"Susuka pero di susuko"*. Sila yung mga malalakas umiinom at hindi humihindi ng baso. Pagka-pasa 'lagok agad' ganurn. Kaya ang resulta? Suka here, suka there, suka everywhere. Sila din yung kinakaibigan ang inidoro. Mabibigla ka nalang at makikita mo na silang kinakausap ang inidoro. Bubulong pa minsan ng " Lord pramis, di na ako iinom pagkatapos nito". **The Dancer** Sila yung nakikisabay sa mga galawan at sayaw ng mga anime character sa screen.Minsan naman gumagawa na sila ng kani kanilang steps. Yung iba nagte-twerk pa habang hawak yung baso. Yung iba gumugulong gulong na din sa floor haha. **The Singer** Kung may dancer, shempree dapat may singer din. May mga likas na singer na talaga sa grupo pero may nagiging singer na din bigla pag nakainom na. Sila yung kunwari di hahawak ng mic keyso daw di sila marunong , kesyo nahihiya daw. Pero mareeee jusko, nanghahalbot na ng mic pag nalasing haha, tapos mga wala ng hiya haha. Feel na feel yung kanta kahit wala na sa tono. **The Talkative/ Best in English** Ito yung mga tahimik kunyari sa inuman pero pag tinamaan na? Halos ikwento na buong buhay niya. Kung ano-ano na ang nashe-share na hindi dapat e share. Lumalabas na yung mga sikretong malupit! Pero alam niyo kung anong mas malupit? Di na sila marunong mag bisaya , English na English haha. **The Spiderman** Sila yung ang hahaba ng kamay abutin ang pulutan. Sila talaga umuubos tapos di naman umiinom ng alak. Tapos yung chaser na C2 ginawang drinks. Hay naku! Haha **The Crybaby** Sila yung bigla nalang hahagulhol sa kalagitnaan ng inuman. Yung ilan umiiyak kasi may problema sa pamilya. Yung iba umiiyak dahil di pa nakapag move on sa mga mahal nila sa buhay. Kadalasan talaga sa mga umiiyak ay wasak. May iba naman na umiiyak kasi gusto lang umiyak. **The Great Adviser** Isa ako sa mga ito. Yung akala mo naman ina-apply sa sarili yung mga pinapayo sa kaibigan di naman. Ika nga nila "madaling sabihin pero mahirap gawin". At ito pa haha, with feeling at facial expression din ako minsan pag nagpapayo. **The Bubble Bud** Alam niyo na kung sino ang mga ito. Sila yung dapat umuwi ng maaga kasi strict ang parents nila. Dapat alas diyes nasa bahay na. Minsan sa kanila di nagpapaalam , bigla bigla nalang nawawa na parang bula. Kunwari pa tung iba na magbabanyo lang daw pero di na bumalik. Haha **The Yaya** Sila yung nagliligpit ng mga kalat sa inuman. Sila din yung nag-aasikaso sa mga sumusuka nalang kung saan saan haha. May mindset na sila na 'CLAYGO' , clean as you go. **The Driver** Ako to! I mean , isa ako sa mga ito. Kami yung tagahatid ng mga barkadang lasing at di na makalakad at makatayo. Haha. Requirement na kami maghatid kasi ang dinahilan nila sa pag alis ay kasama kamo kami sa inuman kaya dapat sasamahn din sa pag-uwi pada makasiguradong safe. **The Videographer/Photographer** O ano na? Isa kaba sa kanila o isa sa mga biktima ng mga nakakatawang stolen shots at videos na kuha nila sayo? Tapos ese-send pa sa GC. Kaya pagka gising mo parang gusto mo nang lamunin ka nalang ng lupa. Nahihiya ka talaga sa sarili mo pati sa mga pinaggagawa mo. Haha sge inom pa! **Best in Chat and Calls** Drunk chats and calls, familiar? Haha. Marami akong kilalang ganito. Yung todo chat sa ex para makipagbalikan. Sila yung gusto pa ng second chance. Mga di makapag move on. Ang lalakas ng loob mag chat at mag call sa mga ex pag lasing pero pag nagising na? Wala na , finish na. Papalamun nanaman sa lupa? Haha. Never ko pa naman na try to sa tanang buhay ko. ***Saan kayo nabibilang kaibigan?*** Kung may gusto kayo idagdag, just drop it sa comment section. I know I'm a bit late for this prompt pero gusto ng kamay ko mag share about kalasingan eh. :D Thank you for reading amazing souls! I appreciate you taking your precious time to visit and read my work. Saranghae! God bless us all! ❣ P.S. I will edit this one later. I will add some photos . wavvyuuu muah
79 comments
Annyeongg my wee BC, haha drunk calls and chat, oh dear we have all been there ;)
Annyeongggg, master. Oh, you've been there? How was it? We're you scolded for chatting or calling them out of the blue? 😁
Annyeonggg my wee BC, well it depended who it was and why I was calling haha
Spokening dollars lol
Hahaha natawa ako sa spokening dollars ate
the bubble bud lols... the closest possible sa categories listed.. unless merong friend na nagsabing sabayan ko umuwi or wag.. haha.. i rarely get drunk so i also have the evidences.. so videographer/photographer too hahaha..
Halaaa haha, ambait mo ate umuuwi ka kaagad. Taga kuha din ng litrato at bidyu hahahhaa ang galingggg
Bruhhhhhhh, title is in English and whole post is in Saturnilia language 😭😭😭😭😭😭... but based on the title alone, I wanna say, I never drank a drop in my life, so can't answer sorry 🤣🤣🤣
I'm so sorry sis. You're incredible! You never drank alcohol? Thank you still for stopping by hehe
I don't really understand all that you wrote. But I can imagine it B Champ, LOL. And It was a long long time since the last time I was drunk, so I can't remember, haha
I'm so sorry for that Coqui, let's drink soon and get drunk haha. Let's see what will be your talent when you're drunk .
Dancer, singer, madaldal ero di naman nag eenglish at yun umiiyak, hahahahaha.. At meron pa pala, yun spiderman😂
And dami mong talent ateeee haha. Inom tayo soon haha
Hahaha, sureness!
Wala lhang kasi hindi ako umiinom hahaha charoott
Ay sana all di umiinom. Haha. Hindi nga ba talaga?
Umiinom ako pero moderate lang pero now wala na talaga, hangga beer na lang ako hahahaha, Tsaka 1 time lang din ako nalasin so far
Wow, amazing ka ate. 😯
O kay di man ko kaayo ug mga ing ana sad, muinom rako ug naay okasyon pero dili hubog
Moderate drinker rajud deay ka ate. Ako kay kusog muinom man per saun ratu. Karun usahay nalang hehe
Moderate drinker rajud lhang, nahubog ko ka usa rajud pero not totally hubog, nalipong rajud
Ka very good sa akong ate. Inom unya ta puhon ate haha
Makansi ko for sure 😅
Bwahahaha grabe. Nandon na lahat ba :D Ewan ko ba kung san ako sa mga yan, nakalimutan ko na sa tagal d tumungga :D
Hahaha, inom tayo ate para maalala mo talent mo 🤣
Cge, san? :D
Mayra gyud di ko hinginom kay di ko karelate bisan usa diri. Im a good girl gyud. 🤣
Hahaha kagara, queueing bayaaa kaau haha
Nakakahiyang sabihinn pero ako po yung spiderman, hahaha di po ako nainom tamang kain lang ng pulutan tapos inom ng soft drinks yung nga kaibigan ko namann po di na ako inaalok ng alak KAsi alam nilang di ako nainom
At bait naman ng Snail ko , pero ang bad mo sa pag ubos ng pulutan haha
Hindi ko pa nasusubukang uminom ng alak pero naobserbahan ko na lahat yung mga nabanggit mong talento ng mga lasing lalo na yung dancer, singer at spiderman, ganiyan kasi yung mga manginginom dito tuwing may okasyon. 🤣
Hahahahah nakakatuwa naman at nakita mo na yang mga takenlo nila haha. Ayaw mo ba magkaroon ng ganyang talento?🤣
Aba kung pwede lang, why not? 🤣 Kaso masyado pa akong bata for that. Hahaha
Good girl haha
Feeling ko wala talaga ako talent hahaha, wala natry ko na malasing pero wala hindi ko pinapakita, hahah english speaking? naku tatalunin ko kainuman ko kung ineng-lesh ako hahaha, hindi alam spelling eh whahahaha
Hahaha, inom tayo para makita talent mo. Malay mo dancer ka pala haha. Ay abaa ang galing pala mag english, no need na malasing haha
I mostly remember being the talker, the adviser, crybaby and warrior lol! Those were the days my friend. Ngayon pa minsan minsan na lang at tama ang isang bote.
Napaka talented mo naman pala kuya haha. Bravo ! Mabuti naman at di na masyadong umiinom.
Hahah...ako, the talkative one. Ikaw???? Hahahha
Hahaha sgeg balik-balik ang history hahaha. Ako ? Di man ko muniom uy haha
Hahaha makahinumdom man ko sa imong dagway ato😂😂😂
Hahahahah nihilak man uyyyy
Ga drama2 pa. Artistahin 😁😂
Hahaha geahak kaulaw atu uy
Sabaan ko if mahubog pero once ra nko na try nga nahubog jud. I get allergies if I drink too much, kya hanggang tipsy mode lang jud.
Ay sanaol once lang. Baka gusto mo umulit sis? Baka may hidden talent kapa haha. Ay bawal pala kasi may allergies
Uy Tagalog pala. Alam ko na talent ko, best in pulutan!!! Hahaha wala sa nakalista haha. Pero yun lng tlga ginagawa ko eh. Kain inom. 😂😂😂
Ikaw yung spiderman HAHAHAHAHA
lahi ragyud epekto basta tuba ang tagayon HAHAHA
LR jud sis, pislok largo igka hubog haha
More comments