08|08|2021✨
Minsan talaga aabot tayo sa punto na hindi na natin kaya.
Pero tandaan mo, hindi ka mahina, napagod ka lang.
Uy,
Balita ko di ka daw okay.
Balita ko di ka daw masaya.
Balita ko hirap na hirap kana.
Balita ko pagod na pagod kana.
Balita ko umiiyak ka daw mag isa.
Okay ka naman kanina diba? Tumatawa ka pa nga ng sobrang pagkalakas lakas tapos bakit ganto? Bakit biglang tumigil yung mundo mo. Bakit bigla ka nalang nagkulong sa kwarto? Bakit ka ba kasi nag-iisip ng kung ano-ano. Bakit ba kasi di mo kayang labanan yang pighati sa loob? Sobrang OA mo naman. Oh, ba't nakatulala ka nanaman? May masakit ba sayo? May nanakit ba sayo? Binabangungot ka nanaman ba o dinadalaw ka nanaman ng di matakas-takasang problema? Problema lang yan, hayaan mo yan. Bahala syang problemahin niya sarili niya. Di mo kaya? Bakit? Kinaya nga ng iba diba? Kaya mo yan. Ano? Nahihirapan kana? Nakakapagod ba talaga? Alam mo okay lang mapagod, okay lang magreklamo na hirap na hirap kana. Ipahinga mo lang yan.Oh ano? Iiyak ka nanaman? Lagi nalang? Sige na nga, iiyak mo na. Ibuhos mo lahat. Ilabas mo lahat lahat. Alam kong mahirap pero please naman, labanan mo yan. Sana malabanan mo yan. (Pakiramdam ko ngayon para akong sirauolo na kinakausap at sinasagot ang sarili ko)
Gustong-gusto ko maging masaya pero di talaga, di na talaga kaya. Di mo na mapipilit ang isang taong bumigay na. Ang hirap kumbinsihin yung sarili natin minsan na "uy okay lang yan, kaya mo yan" kahit sa loob loob mo di naman. Napagod na akong bulahin ang aking sarili. At alam mo yung malupit? Dinadaan ko nalang minsan sa tawa ang sakit.
Kaya...
Panginoon ko, di ko na po ito kaya mag-isa. Kaya ipinapaubaya ko na po sa inyo ang plano ko, pangarap ko at sarili ko sayo. Napagod na po yung sarili ko sa kakaiyak. Ikaw na po bahala sa akin.
Laking pasalamat ko sa platapormang ito kasi naibahagi at napalabas ko ang aking saloobin. Alam ko kasi na kapag naibahagi ko ang aking nararamdaman dito ay mababawasan yung sakit dahil alam ko na hindi ako huhusgahan ng mga tao dito bagkus ay iintindihin ang aking sitwasyon.
Sobrang malungkot lang po talaga ako. Alam ko sa sarili ko na hindi na normal yung kalungkutan ko. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na mawawala din to. Lilipas din to pero habang tumatagal lumalala na. Nahihirapan na kasi yung puso ko kaya kailangan ko nang ilabas sa paraang kaya ko.
Pero sige lang baka bukas makalawa, babangon na akong nakatawa. Yung totoong tawa na. :)
At sa mga katulad ko na napagod na at hindi na kinaya ang problema sa buhay, ipaubaya niyo po yan kay God. Magiging okay din ang lahat. Alam kong hindi niya tayo bibiguin at pababayaan.
Maraming salamat sa paglaan ng oras na mabasa itong kadramahan.
lead image source: http://www.borntobloom.today/surrender-beautiful-and-sometimes-painful-surrender/
Tight hugs, BreadChamp! Hindi ko alam kung ok ka na ngayon pero sana ay hindi ka na nalulungkot at wala na yung mga mabibigat na nararamdaman mo. Tama. Dasal ang maaari nating makapitan kapag hindi na natin kaya. At agree ako na nakakatulong ang pagkukwento natin sa ating mga nararamdaman dito sa platapormang ito na maibsan lahat ng mga sakit at mabawasan ang mga iniisip. Teka..balit sobramg lalim naman na ata ng Tagalog ko. Nahawa ako sayo. Basta tandaan mo na andito lang kaming lahat para sayo. Ako asahan mo kahit late ako ay andito din ako. Hahaha