Oatmeal +Banana my kind of breakfast :)
Kaya mo ba ang ganitong almusal? ako kakayanin basta para sa kalusogan. First time ko nag almusal ng ganito oatmeal at saging, aba e masarap naman pala. Dati kasi pag oatmeal ay nilalagyan ko lang ng gatas, at dahil iwas gatas ako ngayon kaya saging ang partner ko sa oatmeal. Pwede naman ako gatas pero yong Boost Optimum Adult, hindi pa ako nakabili.
Late na tong breakfast ko kasi nagising ako alas Otso na ... ikaw noisemate anong almusal mo? sigurado masarap at naku matatakam ako nito sa mga ulam nyo...hehe
Just wanna share this Word of God before I sleep.
Isaiah 43:2
" When you pass through the deep waters, I will be with you"
Thank You my God for always here with me. I am not afraid because I know I am not alone, You will never leave me .
Good night everyone!
I miss you kitty! :(
Si kitty dalawang araw na nawawala :( ...
huling kuha na larawan niya noong Sunday na nagpapa cute pa at bonding moment nilang mag ina..
Lunes ng gabi ko sya huling nakita, kinabukasan ay nawala na sya. Dati dyan lang naman sya sa may garahe naglalaro. Akala namin nagtago lang sya sa mga sulok pero lumipas na ang isang araw ay walang kitty nagparamdam at hangang ngayon walanpa rin.
Hindi kaya nilipat ng ina nya sa ibang lugar?pero tila hinahanap din nya si Kitty. Bawat sulok inaamoy nya at paikot ikot... o baka na catnap na to si kitty! Noong Lunes ng hapon kasi meron stray cat na itim na parang kapapanganak lang din kasi mahina at madungis na pusa, nakakatakot nga ang mukha ng pusakal na yon at tinabihan nya sa pagtulig si Kitty. Tinaboy ko ang itim na pusang iyon at ayaw pa umalis kaya binuhosan ko ng tubig( hindi mainit) at saka lang umalis pero maya maya bumalik umaaligid.
Iyon ang suspek namin na tumangay kay kitty, baka akala nya anak nya si kitty. Kawawa naman si kitty :( nasaan na kaya yon..
Pag nakikita ko ang picture na to ay kumikirot ang dibdib ko...nakakamiss kasi super cute ni kitty na walang buntot ..
Good morning Lord! Thank You for waking me up without pain, worries and problems:)
Good morning my noisy friends! I pray that God visits your home as well as my home with blessings, healing and miracles. :)
My noisemates, let's start our day by worshiping God. Here's a beautiful worship song "One Thing" popularized by Hillsong Worship / Cover by me. Check it out guys on my YouTube Channel :)
here's the link π
https://youtu.be/fwlma0d9wZ8
Enjoy listening !
God bless us all today , tomorrow and forever :D
#songcover #goodvibes #inspirational #worshipsong
Gulay! gulay! oh my gulay! ;)
Ayan sari saring gulay na ang kikakain ko mula nung may nakapa akong bukol sa dibdib. Dati kumakain naman ako ng gulay pero ngayon gusto ko araw araw nasa diet ko ma ito at wala na karne lalo na forzen meats o delata.
Next week pa ako mag pa Mammogram kaya pinupuno ko na ng masustamsyang pagkain ang katawan ko hoping maganda ang resulta ng Mammogram ko.
Alam mo, hindi ko maiwasan ang mag alala dito sa cyst sa breast ko dahil may lahi kami ng breast cancer. Mula sa lola ko at mom ko na pumanaw na dahil sa breast cancer at kasalukuyan ang kapatid ko ay nakikipaglaban sa stage 3 breast cancer.
Ngunit sa kabila ng pag aalalang ito...mag mga positive views din naman ako.. hindi ako padadaig para magka anxiety. I've entrusted everything to God. Alam ni Lord na mayroon pa ako gustong gawin, may mission pa ako sa buhay kaya yan ang tanging dalangin ko na sana habaan pa ni Lord ang buhay ko.
Please pray for me noisemates, na sana maganda ang result ng Mammogram ko ... I am claiming it now na Ok ang magiging resulta nito. Sa tulong nitong mga pagkain na nilikha ng maykapal at sa healing touch ni Lord ay magigjng okay ang lahat ng resulta. :)

Isang basong Barley Juice 30 minutes bago kumain tatlong beses sa isang araw.
Kagabi ako nag umpisa uminom nitong Barley Grass juice. Dalangin ko na sana makatulong ito sa pagtunaw ng bukol sa dibdib ko. Marami akong nakikitang testimonies tungkol sa Barley Grass na syang nakatangal ng mga cyst nila. Ako rin kasi ang klase ng tao na naniniwala sa mga Alternative medicine dahil itong mga halaman ay nilikha ng Panginoon pang lunas sa ano mang uring sakit.
Sasanayin ko nalang ang panlasa ko dito sa Barley Grasd juice. Unang inom ko kagabi ay nasusuka pa ako. May after taste kasi sya although hindi naman mapait. Masasanay din ako nito. May kamahalan nga lang, pero pikit mata na lang para sa kalusogan.
Kumusta na noisemates? Happy weekend sa lahat! ingat lagi :)
~My Blood Chem Result ~
Okay naman ang sugar at kidney functions ko subalit sa Cholesterol ay hindi okay.. ang taas ng Bad cholesterol ko samantala ang Good Cholesterol ay mababa. Kaya simula ngayon iwas na ako sa pritong ulam . Mag sesearch din ako mamaya kung anong pagkain ang may good cholesterol at anong dapat iwasan na pagkain para dito sa bad cholesterol.
Ikaw noisemate? may alam ka bang mga pagkain na may benefits ng Good cholesterol?
Buti pa si Kitty ang himbing ng tulog :D yan ang paborito nyang higaan, ang tsinelas. Super cute talaga nya dahil sa walang buntot at gusto ko sana ipasok sya sa bahay at itabi matulog pero ayaw ni D'one hahaha
Naalala ko tuloy dati noong bata pa ako, kaming lahat sa family mahilig sa pusa at meron kami alagang pusa na tinatabi namin matulog. Sabi ko kay D'one, papaligoan ko muna bago ipasok sa bahay haha
kanina hinimas himas ko itong si Kitty, naku si D'one pinapahugas agad ako ng kamay sabi ko naman hindi naman yan marumi kasi baby pa.
O sige na .. matulog na rin tayo, sumilip lang ako para mag Good night sa inyo ...
Good night! sana mahimbing ang tulog natin kagaya ni Kitty..
Hindi pa officially Kitty ang name nya... Ano nga ba ang cute na name sa pusang babae na walang buntot?
Hhmmmm isip isip ako ...:D dahil Cute sya pwede Cutie, Cuting, Cuming , pero aOk din naman ang Kitty, kapangalan ng anak ni Tay Digong haha .. bibinyagan ko na to bukas :)
~Blood Chem~
Alas Syete pa lang ng umaga ay pumunta na kami ni D'one sa Diagnostic Laboratory para magpa Blood Chem. Dati wala pang pandemic ay yearly kami nagpapa blood screening, last blood chem namin ay 2019 pa at sa loob ng dalawang taon (2020 -2021) hindi na nakapag follow up dahil nga sa Pandemic.
Sana normal lahat ang result ng Blood Chem. Maliban sa Blood Chem ay nagpa test na rin kami ng Potassium level at nagla CBC rin ako para ma monitor ko ang Hemoglobin level ko.
Wala naman kami symtomas dinaramdam, gusto lang namin malaman kung ano na ang dugo ang dumadaloy sa mga ugat (hahaha)
Pero alam nyo, ayaw sana namin ni D'one magpa Blood Chem dahil gastos lang at pag may hindi normal sa resulta naku sigurado reresitahan na agad ng gamot. Pero dahil ito ay kagustohan ng ate ni D'one, nais lang nya na palagi kami healthy kaya go na kami ni D'one total sagot naman lahat ni ate itong mga laboratories.
Blessed kami si D'one dahil may concern sa health namin :)
Si Kitty na walang buntot :D
Ang cute ng kuting na ito..3 weeks old pa lang yan at ang ina nya ay bata pa hahaha kung sa tao pa ay batang ina.
3 weeks ago pinanganak yan sya dyan sa garahe, kawawa ang ina nyan kasi dalagitang pusa pa nabuntis, hindi nga nya pinapa dede ang anak nya . Tatlong kuting yan sila pero yung dalawang kapatid nya ay namatay nung 1 week old pa lang.... kawawa nga kasi may kagat sa leeg baka kinagat ng ibang pusa napagkamalan daga. Ayan isa na lang ang naiwan at cute kasi walang buntot.
Ano ba ang cute na pangalan ng kuting na walang buntot? sabi ni D'one Tulpo daw haha kasi putol buntot at pag binaliktad magigjng Tulpo hahaha
~Digital Mammogram ~
Maulan na hapon noisemates!
kararating ko lang sa bahay galing check up. Sa isang General Surgeon ako nagpa check up nitong bukol ko sa dibdib. Kailangan ko mag pa Mammogram at ang nirekomenda ni Doc. ay Digital Mammogram. Maganda daw ang Digital Mammogram kasi Hi-tech na kompara sa unang Mammogram na masakit daw.
Kailangan ko pa pumunta sa Metro Manila para sa diagnostic test na ito. Hindi ko pa alam saan Hospital meron nito, mmaghahanap pa ako.
Kayo mga Momshie , may alam ba kayong Hospital na meron Digital Mammogram?
Katatapos ko lang kumain at ito ang niluto kong ulam. Parang chop suey lang pero tatlong klaseng Cruciferous vegetables lang ang sangkap~ cabbage, broccoli at carrots. Wala rin karne.
Ito ang niluto ko dahil ang cruciferous vegetables ay may health benefits para lower risk sa cancer. Medyo nababahala kasi ako mula nung may nakapa akong bukol sa dibdib last week. Kaya kailangan mapili na ako sa pagkain ko lalo na may lahi kami ng breast cancer. Naalala ko lang sa sister ko na nagkabukol lang sa dibdib at pinatanggal pa nga nya yon, pero ngayon ay nakikipaglaban na sya sa stage 3 cancer tapos ang Mom ko rin ay breast cancer din na sumakabilang buhay na.
Bukas magpapa check up na ako sa surgeon, at pa schedule ako para tangalin ang bukol. Hope and pray na benign lang ito. Pleasè include me sa mga prayers nyo noisemates, na sana kung matangal na itong bukol ay benign lang ang resulta.
Sa mga momshie, mag self examination kayo ng breast baka may makapa kayong bukol para maagapan. Ingatan natin ang health natin kasi marami pa tayo mission sa buhay :)

Nothing stay forever in this world except the love of God. Your pain and sufferings will end. Your life will change, and you will encounter a lot of uncertainties. The challenges you face will renew your perspective, and you will encounter people who are not mean to stay forever.
Good morning noisemates! I wish you a beautiful Sunday! full of love, joy and blessings.
β’the photo is my remix creation on PicsArtβ’
Ngayon ko lang e post ang niluto kong Binangkal (tawag sa bisaya, ano sa inyo?)
Ang bilis ng araw di ko namalayan 2 days ago ko pa tong niluto at dapat sana e post ko sa araw na yon. Kung nakita mo ang huling post ko 2 days ago na niluluto ko pa lang ito at dapat sana next post ko to sa araw na yon pero gaya ng dati nagloko ang cp..Hayyyy! yatap na naman ang cp .
Pero alam mo ang sarap ng Binangkal ko, ito nga ang almusal namin kahapon at nakakabusog pa kesa tinapay.. Sabi ni sis @Mitchil Butchi daw ang tawag sa kanila at sabi ni D'one "Putok" daw ang tagalog nito hahaha minsan di ako naniniwala kay D'one. Ano guys, putok ba ang tawag nito sa tagalog? :D
ATM nagluluto ako ng Binangkal...ano nga pala ang tawag nito sa tagalog? sa bisaya kasi "Binangkal" tas sa Waray "Kabak"... hindi rin naman sya Buchi kasi ang Buchi ay gawa ng malagkit samantala ito ay harina.
Ang dami pa kasi harina at malapit na ma expire kaya kailangan kung anu anong luto na ang naiisipan ko.Bukas pag di ako tinamad magluluto ako ng puto cheese. Itong Binangkal tyak magugustohan ni D'one kasi meron sesame seeds. Masarap ito partner sa kape kaya matutuwa yon mamaya pagdating nya.
Kumusta na noisemates? ako medyo nababahala sa kalusugan ko .. hope ang pray okay na to this week, pag hindi kailangan maagapan at patingin agad sa Doctor. Meron kasi ako nakapa noong isang araw na bukol sa dibdib ko at masakit ito. Alam mo hindi ko ugali mag self examination ng breast ko kasi natatakot ako. Pero nang araw na yon ay aksidenti lang nakapa ko at laking gulat ko nang makapa ko ang bukol. Mula ng araw na yon ay di na ako mapakali. Hindi pa rin maiwasan ang mag worried, pero syempre hindi ako nakakalimot manalangin na sana benign lang ito. :(
O sige na noisemates, masusunog na tong Binangkal ko.. maya maya ipost ko rin ang naluto na hehe

Sarap Sinigang!
Katatapos ko lang mag lunch, very late lunch kasi ang tagal naluto ng sinigang na baboy. Pinalambot pa masyado, alanganin na kasi sa oras ako nakaluto. Sarap ng mainit na sabaw, tulo ang pawis :D
Kumusta noisemates? ako palaging absent dahil dito sa cp na nakakasira ng araw haha di bale , hahabaan ko pa ang pasensya ng isang buwan. Meron kasi pinadala ang ate ni D'one na cp, pinaglumaan daw nya na Samsung S8. Makakapag ingay na ulit ako once dumating yun, mas ok kasi ang Android gamitin mag noise.cash kesa iPhone..
May napansin ako kay noise.. pag absent ka ay wala rin sya ibibigay. Dati kasi kahit mawala ka ng ilang araw, pagbalik mo ay marami ka na ft naipon. Ngayon iba na... kailangan mag ingay na palagi haha dati bawal kay noise ang sobrang ingay. :D
Nag crave ako ng spaghetti, buti na lang meron ako spag sauce, hotdog at kunting ground pork at mallit na cheese na sin tigas ng bato kasi ilan buwan na nasa ref haha
Ang tawag ko dito ay Spaghetti 1-2-3 haha easy as 1-2-3 lang kasi ang pagluto ko , 1/4 kilong pasta lang kasi kunti rin lang ang sauce, pero syempre luto ko kaya mas masarap pa kesa jobee :D
Tara na noisemates meryenda na... :) pagkatapos ko kumain iidlip muna ako..grabe antok na antok ako :D
Before and after haha hindi halata na gutom ano? :D
Kunti lang kasi ang kinain ko kaninang lunch at bigla ako natakam ng pizza kaya punta agad sa Greenwich. Ito lang ang pinakamalapit kaya no choice. Grabe naubos ko ang kanin pati spaghetti kaya busog na busog at pwede na hindi maghapunan. Nasira ang "Soft Meal Diet" ko tsk!tsk!tsk! kaya ang tyan ko ngayon ay parang bola ... bloated na naman huhuhu .
Simula bukas mag lulugaw na ulit ako.
Kumusta na noisemates? matumal pa rin ang bigay ni Kuya Noise, nakakamiss yung dati bumabaha ng ft Hahaha naalala ko lang dati oras lang ang kulang para ipamahagi ang ft, ngayon ang daming oras ang ft lang ang wala hahaha kaya pasensya na talaga kung hindi ko kayo mabalikan. Hindi rin kasi ako makapamigay gamit ang sariling funds kasi hindi updated itong noise.cash wallet ko.
O sya.mag meryenda ka na ... mag iipon muna ako ha? hehe
Tatlong araw na naman ako absent .. nag staycation kasi kami sa SoleMare, condo unit ng ate ni D'one for 3 days at mabagal ang signal ng Globe kaya di nakapag update dito. Kararating lang namin sa bahay at katatapos lang kumain.
Ang dami kong hindi nagawa online sa loob nag tatlong araw kaya susulitin ko ngayon araw.
Kumusta na kayo noisemates? okay lang ba kayo dyan? ako sa awa ni Lord okay na okay naman at sana araw araw palagi Okay hehe..
Huwag lang natin kalimutan ang pagpapasalamat kay Papa Jesus sa mga biyaya na bigay nya, maliit man o malaki.
Ingat lagi noisemates.. Have a wonderful Wednesday!:)
Iyan ang meryenda ko kanina guys na dapat kanina ko pa sana e post oras ng meryenda kaso naloko na naman tong phone haha biroin mo 100% pa nga ang battery at namigay lang ako ng tip at iilan comments ay namatay na agad ..
Kaya bahala na.. kahit hindi karapat dapat ang kwento ko sa oras na ito ay post pa rin.... mema lang haha..
Magandang gabi pala noisemates! umuulan na naman dito sa amin dyan din ba sa inyo palagi umuulan? ... sarap matulog pag umuulan di ba? :)
Hi noisemates! sa wakas nakasilip na ulit ako dito para mag ingay :D .. limang araw din ako walang post dito ah, ito kasing phone ginagamit ko sa noise.cash ay pasaway, nakakasira ng mood haha.. kagaya kaninang umaga mag post na sana ako ng lulutoin kong ulam, ehhh bigla na lang namatay tong phone habang nasa kalagitnaan na ako ng kwento kaya ayun nawalan na ako ng gana haha at doon na ako nag focus sa YouTube contents ko. Ibang phone kasi ang gamit ko para sa noisecash, ayaw kasi ma open doon sa iphone ko tong si noise. Ewan ko ba anong issue nito. :D
Kung tahimik ako dito ibig sabihin doon ako maingay sa Bandlab kakakanta :D .. nitong nakaraang limang araw na absent ako dito ay busy ko pag recording ng song covers ko para mai upload sa YouTube. Na inspired lang ako gumawa ng contents para sa YouTube kasi yong last na content ko ay agad nakakuha ng mahigit 1k views sa loob ng isang lingo kaya natuwa ako kasi yon ang kauna unahang content ko na ang bilis dumami ang views. Ngayon nasa mahigit 2k views na sya in 2 weeks hehe kaya nakaka inspired kumanta hahaha .. malamang recomended ni YouTube ang content na iyon kaya ganun na lang kabilis dumami ang views at kahit papano nadagdagan rin ng subskraybers hehe
Ang larawang binahagi ko ngayon ay ang current project ko sa Bandlab at kaka upload ko lang sa YouTube Channel ko ilang minuto lang nakaraan. Makikita mo ang makulay na layers kasi 12-layer collaboration ang ginawa kong song cover. Ibig sabihin ng 12-layer ay parang choir ang dating ng kanta.
Kung may time ka noisemate mapakinggan mo ang kanta na 10,000 Reasons, feel free to visit my YT channel π zoe316 ... or ishare ko ang link ng content sa baba π
https://youtu.be/yHsWhUMRF2w
Salamat noisemates sa pagsilip mo sa channel ko sa YouTube .. sana pindotin mo na rin ang subzcribe button hehehe pero seryoso guys, para sa yo ang kanta ko ... sabay natin e Worship si Lord sa pamamagitan ng pagkanta :)
Toasted bread isawsaw sa mainit na choco milk ay sapat na :D ...
tara noisemates mag meryenda tayo, ito lang ang meryenda ko, late na naman . Hindi na kailangan magpakabusog kasi maya maya lang maghapunan na.
Kumusta ang hapon nyo guys? gumala ba kayo? nakakatamad lumabas ng bahay kapag ganitong maulan, mas mabuti pa sa bahay na lang masaya na pag kasama ang mahal mo :D
Pero ako hindi masaya kasi ang mahal ko wala dito haha ayun gumala kasama ang pinsan nya. Dumating kasi ang pinsan nya at nagyaya gumala. Sabi ko kay D'one sabihin sa pinsan nya na sasama ako, kasi alam ko kakain yan sila sa labas haha sabi ko na bored na ako dito sa bahay kaya gusto ko rin gumala hahaha ehhhh kaso for the boys daw ang gala nila kaya ito ako naiwan mag isa sa bahay. huhuhu pero sabi ko huwag kalimutan ang take out para sa akin. :D
Ikaw noisemate malamang naghapunan ka na ano? tara sabay tayo kumain... hapunan sa 'yo meryenda naman sa akin..:D
Nakahabol pa ang pancake ko bago maubos :D
Kumusta na noisemates! tatlong araw ako absent dito kaya naisipan ko picturan ang breakfast ko para may ma epost ako hahaha..
Nabusy kasi ako sa Bandlab pag gawa ng songcovers para mai upload sa youtube channel kaya hindi ako nakapag ingay dito tas itong phone na gamit ko sa noise.cash ay nagloloko na, bigla na lang namamatay kahit di pa low bat. Kaya minsan nakakasira ng araw, yon bang ang haba na nag natype mong kwento at huling line na lang sana para pindotin ang post ay bigla mag shutdown. Kaya minsan kahit di pa tapos ang kwento ko pinopost ko na tas eedit ko na lang ang karugtong hahaha gaya nitong post ko ngayon may ikwento pa sana ako pero 30% na lang ang battery kaya pindotin ko na ang post haha baka mamatay bigla
Happy weekend sa lahat! enjoy at ingat tayo :)
Hey noisemates! Happy Tuesday!
I wanna start my noising by sharing this beautiful song "Hallelujah"
here's the link ;
https://youtu.be/usb7Tw6C9_w
This was recorded on Bandlab, remember my previous post about Bandlab App? so this is one of my Bandlab project, and guess what guys? it's not copyright claim when I uploaded it on youtube, Yay!!! Im so happy :D and this content I'm already using the free-to-edit videos from Canva, so goodbye to slideshow for my song covers. (hehe )
By the way guys.. can I ask a favor? please subzcribe my Youtube channel (hehe) I have more uplifting song covers coming up :) and thanks to all my noish friends who already subzcribed my channel... I really appreciate your support ..Thank You so much guys! God Bless you all :)
Hindi ko napanood ang SONA ni PBBM kahapon, nabusy kasi ako. Ito pa naman ang pinakahihintay ko, ang unang SONA ni PBBM.
Kaya ito ako ngayon habang nag memeryenda ay nanonood ng SONA. Nasa kalagitnaan pa lang ang pinapanon ko. Ang galing talaga ni Presidente natin, mula sa puso at isipan nya ang speech nya. Grabe walang binabasa, at humihinto lang sa pagsasalita kapag pumapalakpak ang mga tao.
Isang pirasong hard boiled egg at dalawang pandesal lang ang almusal ko.
Hindi ako nag dadiet at hindi rin ako nawalan ng ganang kumain, sa katunayan ay nasobrahan yata ang kain ko kagabi kaya sumakit ang tiyan ko kaninang madaling araw.
Ang sensitive talaga ng tiyan ko.
Mahigit 2 months na ako hindi kumakain ng kanin, instead kanin ay lugaw pero syempre may ulam din at sa ulam naman yun hindi matigas gaya halinbawa ng karne, kaya palagi ang ulam ko ay isda at gulay. Mahina kasi ang digestive system ko kaya soft meals ako lagi.
Pero kahapon, dahil tinamad ako magluto ng lugaw at ang sarap ng liver steak ni D'one ay kanin ang kinain ko for lunch at dinner. At napadami ang kain, kaya sumakit ang tiyan ko..So ngayon hindi muna ako kakain ng heavy.. Thanks God medyo ok na ang tiyan ko..
Happy Blessed Sunday dear noisemates!
today is Sundate, anong balak mo ngayon araw ? mag malling, punta sa resort, lunch date o dinner date, o sa bahay lang maglaba maglinis at mag ayos .. Kahit ano at saan ka man mag spend ng weekend, ingat at enjoy lang guys.
Ako di ko pa alam anong ganap mamaya, depende kay D'one . Pero noong nakaraan mga Sundays ay niyayaya nya ako mag lunch sa labas. Pero ngayon sa tingin ko walang lunchdate kasi nagluto sya ng pork liver steak. Malamang magyaya to sya ng meryenda mamaya hehe o di kaya dinnerdate haha hhhmmm ano kayang diskarte ang gagawin ko para ganahan sya mag food trip sa Mall.
Ahuh! alam ko na hehe pepedicuran ko sya haha naalala ko noong isang araw magpalinis sana sya ng kuko sa paa pero tinanggihan ko kasi inaantok ako ...haha tama! after lunch lilinisan ko sya ng kuko tas makakatulog yun sya tas pag gising nya sisingilin ko sya ng pa burger naman dyan haha
Salamat Shopee :)
Kahapon ko lang to inorder na mouse sa Shopee at dineliver agad kanina, siguro nasa kabilang kalye lang nakatira ang seller haha ang mura lang nito guys 28 pesos lang at ok sya gumagana naman haha
Omorder ako nito kasi yung lumang mouse ko nawawala, baka hinabol ng pusa kaya nakalabas hahaha pero seryosong usapan, ewan ko talaga saan napunta ang mouse na yon dito ko lang naman nilagay sa likod ng laptop nung di ko ginamit last week. Tinanong ko na si D'one di daw nya pinakialaman at di rin naman sya gumagamit ng laptop.
Alam mo guys minsan iniisip ko may ibang nilalang nakikialam sa gamit ko haha kasi alam mo maraming bagay na na bigla na lang nawawala kahit 101% sure ako kung saan ko nailapag, kami lang naman ni D'one ang tao dito sa bahay. Naalala ko yung dati yung earphone ko na pinakaiingatan ko kasi original yun na Samsung bigay ni ate (ate ni D'one) ang ganda pa naman ng sounds at bigla na lang din naglaho, as in di ko na talaga nakita. Isa pang bagay na naglaho ay battery ng pocket wifi hahaha nilapag ko lang sa bed as in nawala bigla haha at marami pang bagay ang nglaho na lang bigla haha Hala.baka mah white lady o dwarf dito sa bahay namin hahaha
O sya napahaba ang kwento ko... kakain muna ako guys, ito na si D'one kakarating lang...
Sa Umpisa lang ang mahirap kaya huwag agad sumuko ... :)
Noong isang araw ang saya ko dahil na explore ko na sa wakas ang Canva at may natuklasan ako na matagal ko nang hinahanap, at iyon ay ang free to edit videos na magagamit ko para sa song covers ko. Kung nabasa mo ang post ko kahapon tungkol dito ay maka relate ka hehehe
At kanina naman ang Bandlab ang inexplore ko. Actually matagal na ako may account sa Bandlab pero nawalan ako ng interest eexplore dahil ang akala ko ay mahirap gamitin. Unang explore ko kasi nito ay talaga di ko maintindihan at nagulohan ako na tila ba ang hirap talaga gamitin at tinamad na rin ako mag search sa youtube kung paaano gamiting itong App. Ang Bandlab ay isang app na magagamit sa recording ng kanta gaya ng song covers at ang iba naman ay original composition talaga.
Sa wakas makapag record na ako ng song covers na hindi ma copyright claim. Dati kasi ang ginagamit ko mag recording ay wesing at smule, na kadalasan ay ma copyright ang mga tracks.
Maganda dito sa Bandlab dahil iwas copyright na dahil makakapili ka ng instrumental na hindi copyright claim at maganda mag recording kapag maraming layers ang kakantahin mo, ang ibig sabihin ng layers ay yon bang may harmmonies like Alto, tenor atbp.
Yayy! excited na ako mag recording gamit itong Bandlab. Buti na lang na curious ulit ako eexplore ito, ang dali lang pala gamitin hahaha nagsisi tuloy ako na ngayon ko lang to magagamit. Ang ganda ng mga effects, maraming pagpipilian :D ang saya saya ko sa bago kong natutunan.
Ang masasabi ko lamang na walang mahirap kung eexplore mo lang ang isang bagay na gusto mo matutunan. Kaya subukan muna bago sumuko para hindi magsisi. Inaamin ko,nagsisi talaga ako na ngayon ko lang enixplore itong App na to dahil lamang sa maling akala ko na mahirap gawin. Anyway, di pa naman huli ang lahat, ngayon uumpisahan ko na gamitin itong Bandlab sa pag gawa ng song cover. Yayyy! :D
~Cashew Nuts Brittle ~
Tara guys kain tayo habang mainit pa hehe...
Dahil naumay na ako kakakain mag isa nitong cashew nuts ay naisipan ko gawin brittle. Hindi kasi kumakain si D'one ng kahit na anong klaseng nuts kasi may allergy sya kaya naumay na ako at sayang naman kung masira lang dahil malapit na mag expire next month, at para maiba naman ang lasa ginawa ko ng brittle.
Ang sarap na guys! sugurado mauubos na to.
Ikaw noisemate anong meryenda mo?