read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Gulay! gulay! oh my gulay! ;) Ayan sari saring gulay na ang kikakain ko mula nung may nakapa akong bukol sa dibdib. Dati kumakain naman ako ng gulay pero ngayon gusto ko araw araw nasa diet ko ma ito at wala na karne lalo na forzen meats o delata. Next week pa ako mag pa Mammogram kaya pinupuno ko na ng masustamsyang pagkain ang katawan ko hoping maganda ang resulta ng Mammogram ko. Alam mo, hindi ko maiwasan ang mag alala dito sa cyst sa breast ko dahil may lahi kami ng breast cancer. Mula sa lola ko at mom ko na pumanaw na dahil sa breast cancer at kasalukuyan ang kapatid ko ay nakikipaglaban sa stage 3 breast cancer. Ngunit sa kabila ng pag aalalang ito...mag mga positive views din naman ako.. hindi ako padadaig para magka anxiety. I've entrusted everything to God. Alam ni Lord na mayroon pa ako gustong gawin, may mission pa ako sa buhay kaya yan ang tanging dalangin ko na sana habaan pa ni Lord ang buhay ko. Please pray for me noisemates, na sana maganda ang result ng Mammogram ko ... I am claiming it now na Ok ang magiging resulta nito. Sa tulong nitong mga pagkain na nilikha ng maykapal at sa healing touch ni Lord ay magigjng okay ang lahat ng resulta. :)

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.