~Blood Chem~ Alas Syete pa lang ng umaga ay pumunta na kami ni D'one sa Diagnostic Laboratory para magpa Blood Chem. Dati wala pang pandemic ay yearly kami nagpapa blood screening, last blood chem namin ay 2019 pa at sa loob ng dalawang taon (2020 -2021) hindi na nakapag follow up dahil nga sa Pandemic. Sana normal lahat ang result ng Blood Chem. Maliban sa Blood Chem ay nagpa test na rin kami ng Potassium level at nagla CBC rin ako para ma monitor ko ang Hemoglobin level ko. Wala naman kami symtomas dinaramdam, gusto lang namin malaman kung ano na ang dugo ang dumadaloy sa mga ugat (hahaha) Pero alam nyo, ayaw sana namin ni D'one magpa Blood Chem dahil gastos lang at pag may hindi normal sa resulta naku sigurado reresitahan na agad ng gamot. Pero dahil ito ay kagustohan ng ate ni D'one, nais lang nya na palagi kami healthy kaya go na kami ni D'one total sagot naman lahat ni ate itong mga laboratories. Blessed kami si D'one dahil may concern sa health namin :)
2 comments
I hope that you ar ok! God bless you
Even me sis ayaw ko din ng gnyan kasi gastos pero if may maglilibre why not diba? Hehe mahl din kaya mag full test, gastos sakit sa bulsa. Hehe Bait talaga ng ate ni d one sis, kaya super blessed kayo sa kanya.😊Sana all may ganyang ate. Hehe