read.cash Log in
@zoe316

Isang pirasong hard boiled egg at dalawang pandesal lang ang almusal ko. Hindi ako nag dadiet at hindi rin ako nawalan ng ganang kumain, sa katunayan ay nasobrahan yata ang kain ko kagabi kaya sumakit ang tiyan ko kaninang madaling araw. Ang sensitive talaga ng tiyan ko. Mahigit 2 months na ako hindi kumakain ng kanin, instead kanin ay lugaw pero syempre may ulam din at sa ulam naman yun hindi matigas gaya halinbawa ng karne, kaya palagi ang ulam ko ay isda at gulay. Mahina kasi ang digestive system ko kaya soft meals ako lagi. Pero kahapon, dahil tinamad ako magluto ng lugaw at ang sarap ng liver steak ni D'one ay kanin ang kinain ko for lunch at dinner. At napadami ang kain, kaya sumakit ang tiyan ko..So ngayon hindi muna ako kakain ng heavy.. Thanks God medyo ok na ang tiyan ko..

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.